Wake up in strange world

      As i open my eyes it feels like im in a deep circle of darkness.Parang nahuhulog ako sa napakalalim na bangin na tila walang hanggan.Gusto kung sumigaw ngunit hindi ako makasigaw, gusto kung gumalaw, kumawag at masuka dahil sa umiikot na pakiramdam ngunit di ko magawa.Ito naba ? ito na ba ang pakiramdam na unti-unti kang hinahatid sa paanan ni kamatayan? ito na ba ang pakiramdam na parang inihahatid na tayo sa empyerno? pero naging mabait naman ako nung nabubuhay pa ako? tiniis ko naman lahat ng pang-aalipusta at pananakit, bakit?.

        Bigla ko nalamang naramdaman na parang may yumuyogyog sa balikat ko.Ito na ba? si kamatayan na ba ito? ginigising na ako dahil ihahatid na nya ako sa impyerno?.

      " Mahal na prinsesa pakiusap gumising na kana po.!" mahihinang iyak at malambing na boses ng babae ang aking nahimigan na syang nakapagpakunot ng aking noo at naisip na umiiyak din ba si kamatayan? Bakit biglang naging babae si kamatayan akala ko ba lalaki ito gaya sa mga kwento like San Pedro ?. Maganda ba sya dahil sa lambing ng boses nya?.

       Dahil sa naisip pinilit kong idinilat ang aking mga mata dahil nacucurios ako sa kung anong hitsura ni kamatayan. Dahan-dahan kung idinilat ang aking mga mata ,Unang bumungad sa akin ang lumang ceiling, What ? may lumang ceiling din pala sa lugar ng mga patay?.

        " Mahal na prinsesa , salamat at ikay nagising". nagulat nalang ako ng may biglang dumamba sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

      " Huh? wait sino ka ? ikaw na ba ang sundo ko? ikaw na ba si kamatayan?" Sunod-sunod kung tanong na nakapagpaawang naman ng bibig nito at mabilis na humiwalay sa pagkakayakap sa akin upang siyasatin ang aking katawan at pasalampak na umupo at iniyuko ang ulo.Kita ang lungkot sa mukha nito na tila ba sinisisi ang sarili dahil sa nangyari sa akin.

     Biglang nanlaki ang kanyang mga mata " mahal na prinsesa , ako po ito si Laikan ang iyong personal na katulong at ano pong kamatayan iyang pinagasabi ninyo hindi papo kayo patay, You are still in our small hut dahil dito po tayong dalawa nakatira , "

    Napakunot ang aking noo sapagkat wala naman akong naalala na may katulong ako .Wait ano nga ulit pangalan nya ? Laikan ?

    "Laikan Mory? " patanong kong wika.

Nagliwanag naman ang kanyang mukha  at sunod-sunod na tumango.

     " wait , ako ba si prinsesa Rianna?" assuming kung tanong.

      Napangiti naman ito at tumango .

     

         What? anong nangyayari at bakit parang nasa loob na yata ako ng paborito kung nobela.Is it even possible oh baka naman nanaginip lang ako.Pinagmasdan kung mabuti si Laikan, Maputi ang balat, maganda ang hulma ng beywang na kita kahit nakasuot ng pangkatulong na uniporme , matangkad at may maganda at bilugang mukha .Mas maganda pa yata sya sa akin eeh. Lumapit naman ako sa salamin at pinagmasdan ang aking hitsura.

        Napamulagat naman ang aking mga mata ng ganap ko ng makita ang aking mukha at katawan.Nakasuot ako ng mahabang night gown na kulay pula na parang sa ancient na kasuotan dahil kakaiba , Matangkad ,Napakaputi at kinis ng balat na parang  maging ang lamok at langaw ay natatakot dumapo, maganda at bilugang mga mata, mahahabang pilik-mata, Matangos na ilong,Maliit at mapupulang labi, Bilugang hugis ng mukha, itim na itim at mahabang straight na buhok na nakapusod and ayos at Napakagandang hugis ng katawan.Para na ata akong dyosa eeh, Napahagikhik tuloy ako sa naisip.

       Bumalik ako sa higaan at umupo, inalalayan naman ako ng maayos ni Laikan.Matapos ko kasing pagmasdan ang aking kabuuang hitsura ay bigla nalang akong nahilo.Pinainom nya ako ng tubig at bumalik ako sa paghiga.

   Hindi ko muna sya pinaalis, Tinanong ko kasi sa kanya kung anong nangyari at sabi nya tinulak daw ako ng magaling kung kapatid sa hagdanan.Ang akala daw ng lahat na patay na ako buti nalang nagising ako after a week of coma.Si Laikan lamang ang nag asikaso sa akin dahil kahit ang bisitahin ako ay di magawa ng mga magulang ko. Parang pareho lang pala ang buhay ko doon at dito eeh. Ano bang nangyari? why i even here. Namatay na pala agad si Rianna eeh sa kwento dapat sa katapusan pa sya mamatay eeh .Magiging sad ending dapat ang mangyayari sa story na yun how come nandito ako? .

       Pumikit nalamang ako at inalala ang mga nangyari. Were really the same Rianna, Hindi ko man alam ang naging dahilan ng dyos kung bakit ako pinadala dito pero this time , I will make sure that Rianna will never be the same as who she is back then. Alam kung masasagot din ang lahat ng tanong kong ito in the right time at hindi ako papayag na mamatay kalang sa huli. I will leave my life happily not minding other people, i will leave my life to my contentment. That's a promise, I have the power of creation and destruction that Rianna posess and no one knows about this.I will use this power for good and i will make sure that they will regret what they did to me .

       Rianna was already died and so do i.Pareho kaming pinatay ng labis na pagmamahal namin sa mga taong nakapaligid sa amin. And now that we reborn again There is no Old Rianna, or Old Cynthia anymore. The only one alive is me Only me. No one else.

This might be the answer of my wish before i die in my previous life. Hindi man ito kagandahan dahil sa mga pagsusubok na nakatakdang mangyayari sa hinaharap kung hindi ko mababago ang takbo ng storyang ito ay masaya na naman ako pagkat binigyan parin ako ng pangalawang pagkakataon to redeem my self from so much pain and agony. I must stay safe always. Hindi ko man pag-aari ang katawang ito para labis kung pag-ingatan ay isa parin itong malaking blessing para sa isang kagaya ko. Bawiin man ito in the end at least for one's naranasan ko paring mabuhay sa loob ng nobelang paborito ko. At kung panaginip man ang lahat ng ito? sana ay hindi na matapos pa.

With that nilamon na ako ng dilim..