(Continuation of Rianna's dream)
Niyaya niya akong maglakad-lakad sa mala-paraisong lugar na iyon,hanggang sa makarating kami sa tapat ng napakalaking puno na kumikinang.
" Cynthia' ito na ang aking bagong tahanan kasama ang mga nilalang na naririto.Masaya na akong naninirahan dito. Pinapunta kita dito gamit ang panaginip mo upang sabihin sayo na nagpapasalamat akong ikaw ang napunta sa katawan ko at inaalagaan mo itong mabuti.Ikaw na ngayon si Prinsesa Rianna' ikaw na ang nagmamay-ari ng katawang lupa ko Cynthia.Nais kong baguhin mo ang mga masalimoot kung karanasan at hinaharap .Nais ko ring mabuhay ka sa paraang nais mo at kalimutan mo nang hindi saiyo ang katawang gamit mo.Masaya na ako sa kung saan man ako ngayon at nais ko ring maging masaya ka sa kung ano ka ngayon.Wag kang mag-alala gagabayan ka ng mga kaalamang ibabahagi ko sa iyo tungkol sa mundong iyong kinaroroonan ." mahabang paliwanag nya.
" Nagtataka parin ako Prinsesa Rianna kung pano ako napunta sa katawan mo gayong akala ko patay na ako, napakadaming tanong sa isip ko ngunit walang makakapagsabi ng kasagutan." wika ko naman.
Marahan nyang hinaplos ang aking likuran at hinawakan nya ang aking mga kamay sabay ngumiti ng mahinhin.
" Cynthia, isipin mo nalang na ito na ang pangalawang buhay mo.Wag mona ulit sayangin ito gaya ng ginawa natin pareho na pareho nating sinayang dahil labis nating mahal ang mga taong nakapaligid sa atin, na kahit hindi na tama ang trato nila ay patuloy parin tayong nagpaparaya .Cynthia matuto kang ipaglaban ang kung ano man ang para sayo ay tama.Gagabayan kita wag kang mag-alala". Sambit nito at iginiya ako paupo sa maliit na lamesa na bigla nalang lumitaw sa harapan namin kasama ang dalawang upuan.
"Cynthia makinig ka, ang mundong iyong ginagalawan ngayon na akala mo ay mundo lamang sa loob ng nobelang iyong nabasa ay totoo. Ako mismo ang nagsulat ng aklat na iyon at iisa lamang iyon sa mundo mo. Tanging ikaw lamang ang nakahawak ng aklat na iyon pagkat ikaw at ako ay iisa lamang. Ako ay gawa lamang mula sa kapirasong kaluluwa na nasa katawan mo. Ang dahilan kung bakit kahit may malakas akong kapangyarihan ay paulit-ulit parin akong namamatay sapagkat hindi ako buo. Ngunit ngayong buo na ako at ikaw iyon ay kumpleto naring lalabas ang totoong kakayahan mo. Oo ikaw ang totoo at ako ay kapalit mo lamang. Isa lamang akong hangin na naging kapalit mo habang nasa ibang mundo kapa . Ang naging daan upang matagumpay kitang madala sa tunay mong katawan ay ang librong aking isinulat. Iyon ang nagsilbing portal ng iyong kaluluwa upang ganap na nitong angkinin ang tunay mong katauhan. Ang mundong pinanggalingan mo ay parte lamang ng paulit-ulit nating pagkabuhay ng magkahiwalay sa ibat-ibang mundo at katawan. Ang lahat ng hirap na dinanas natin ay gamitin mong sandata sa lahat ng iyong mga pagsubok na haharapin sa hinaharap. Nabago na ng tuluyan ang nakasulat sa librong iyon Cynthia. Ikaw at ako ay naging isa. Katawan ko at kaluluwa mo. Ako ay piraso na lamang ng hangin na gagabay sa iyong daang pipiliin. Naway mapagtagumpayan mo ang lahat ng pagsubok sa hinaharap." mabang paliwanag nito.
Hindi ako makapaniwala na totoo pala talaga ang mundong akala ko ay likha lamang ng kung sinong manunukat na may malikot na imahinasyon. Sino ba naman kasing mag-aakala na mayroon pala talagang parallel world. Na sa sobrang laki ng mundo ay di mo batid kung ano pa ang hindi nalalaman ng tao at siyensya.
Kahit anong gawin kung pag-intindi ay may mga bagay parin talagang hindi malinaw sa pagkatao ko.Kung bakit gayon na lamang ang galit sa akin o kay Rianna the first ng taong kinikilala nyang mga magulang na gaya ko ay hindin itinuturing na tao. Ano ba talagang meron sa amin??? Kamuhi muhi ba kami para hindi matutunang mahalin ng mga taong inalayan namin ng pagmamahal at maging ng buhay?? isinumpa ba kaming kasusuklaman ng lahat at nararanasan namin ang lahat ng ito??? oh ano bang kasalanan ang nagawa namin sa nakaraan naming buhay at nagkaganito ang buhay namin sa hinaharap?? . Ilan lamang yan sa mga tanong na hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ng kasagutan.
"Tandaan mong ang lahat ng iyong katanungan sa hinharap ay iyong malalaman".
Matapos nyang sabihin ang mga bagay na ito ay hinawakan nya ang aking sintido.
Lumabas ang ibat-ibang impormasyon tungkol sa mundong ito.Impormasyong tyak akong kakailanganin ko lalo pa at plano kung tumakas mula sa poder ng hari at ng pamilya Scotch.
Nalaman kung ang mundo palang ito ay tinatawag na Grannder Earta.Nahahati sa Limang kaharian .Una , ang Snow kingdom na matatagpuan sa timog
Snow ang kapangyarihan ng mga taong nakatira sa lugar na iyon.
King David Lee White
Queen Eliana Marrie White
Princess Geneva Maria Luisa White
Sa Hilaga naman ay ang Hilio Kingdom na kung saan ay ang mga Kruton ng mga tao ay Earthania.Kruton ang tawag sa kapangyarihan at krutonian ang tawag sa mga taong may kapangyarihan. Ang namumuno naman dito ay sina:
King Belrox Raden Crudos
Queen Celena Mae Crudos
Prince Drake Byan Crudos
prince Lucio Bree Crudos
Sa Silangan naman ang Lavita kingdom at pinamamahalaan nila ang katubigan at tubig ang kapangyarihan nila.Pinamumunuan nina:
King Brix Rayle Waterian
Queen Jena Diva Waterian
Princess Ayesha Mae Waterian
Sa Kanluran naman ay ang Saraya kingdom .Ang Lugar na kinabibilangan ko . Hangin naman ang kapangyarihan ng mga tao dito.Pinamumu nina:
King Levy Brooke Scotch
Queen Biatris Scotch
Princess Rianna Mae Dianna Scotch
Princess Levia Dianne Scoth
Prince Daniel Scotch
Lastly ang Kaharian na matatagpuan sa pinakagitnang bahagi. Ang kahariang may pinakamalaking sakop kung saan matatagpuan ang Paaralan.Ito ang Paaralan ng mga Krutunian."ENERMOUS HAIL SCHOOL OF KRUTONIAN" O tinatawag din nilang EHSOK. Ito lamang ang natatanging paaralan sa mundong ito. Napapalibutan ito ng mga kaharian sa bawat sulok nito. Dito dinadala ang lahat ng mga krutonian mapa noble kaman oh hindi as long as malakas angbtaglay mong kruton ay matatanggap ka sa paaralang ito. Ang kaharian ng Devia Elmaco Kingdom . Kingdom of fire na pinamumunuan nina:
King Firolino Devil Red
Queen Elezabeth Shantal Red
Prince Rios Davidson Max Red
Prince Rory Firo Max Red
They are the royals that currently ranning this world. They are currently the highest in set and the most powerful one.