๐๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ฌ ๐ฑ๐ข ๐ด๐ข ๐ฅ๐ข๐ต๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ต๐ฉ. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐บ๐ข๐ณ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ข๐ฃ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ฑ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ช๐ฑ ๐ฌ๐ฐ โ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ๐ด ๐ต๐ฉ๐ณ๐ฆ๐ฆ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐จ๐ธ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐ฌ๐ช๐ณ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ.
***************************************
Kinabukasan pagpasok ko ay nagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kanya. Tunog pa lamang ng boses niya ay kumakabog na ang dibdib ko. Kakaibang excitement ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. At hinahanap-hanap ko ang presence niya kapag hindi ko siya kasama. And at that moment, I realized that I developed a crush on him.
Nagawan ko naman ng paraan para maitago iyon, lalo na iyong selos na nararamdaman ko kapag namamalas ko ang closeness nila ni Sam. Siyempre hindi ako pwedeng magpahalata, kahit pa nga inggit na inggit ako kapag nagbibiruan ang dalawang mag-best friends.
Minsan nga ay sinubukan kong magpakita ng sweetness kay Kenneth. Binili ko siya ng paborito nitong ensaymada at soft drink.
"Wow! Bakit si Kenneth lang?" tanong ni Ryan sa akin.
"Pa-thank you ko iyan sa kanya sa pagtuturo niya sa akin ng Math kahapon." Tsaka ko nginitian ng matamis si Kenneth.
"Wow! Bakit sa akin walang nagbibigay ng ganyan?" muli'y tanong ni Ryan.
"Kasi wala kang tinuturuan ng Math," sagot naman dito ni Sam. "Ikaw pa nga ang nagpapaturo sa amin ni Kenneth. Uy! Dapat pala bilhan mo rin kami ng meryenda."
"Ayoko nga! Meron ka namang pambili, eh. Magpapabili ka pa sa akin. At itong si Kenneth, meron nang nagbigay sa kanya. Masyado naman siyang sinuswerte kung bibilhan ko pa siya," ang sabi naman ni Ryan.
"Napakakuripot mo talaga," komento ni Sam dito.
Natawa na lang kami ni Kenneth sa biruan ng dalawa.
"Salamat, Tin," ani Kenneth na nagpakilig sa akin ng husto. "Pero, sa susunod huwag ka nang mag-abala. Okay lang naman sa akin na turuan ka. Magkaibigan tayo, 'di ba?"
"Okay lang iyon," sagot ko at hindi ko napigilang magpa-cute dito. "Ano ka ba! Nakakahiya nga kasi nitong huli lagi mo akong tinuturuan. Hindi lang sa Math, kundi sa iba ring subjects."
"Madali ka namang turuan. Madali ka kasing maka-pick up."
At kinilig na naman ako sa sinabi niya.
"Hindi tulad nitong isa dito," ani Sam. "Ang hirap-hirap turuan! Paano ka ba napunta sa first section?"
"Oy, magaling ako!" ang sabi naman ni Ryan. "Sa Math at Science lang talaga ako mahina."
Sa totoo lang ay nagsimula na akong mainis sa dalawang kasama namin ni Kenneth. Imbes kasi na makapag-moment kami ay nanggugulo iyong dalawa. Tuloy, hindi ko masolo si Kenneth.
Lalo na noong alukin ni Kenneth ng ensaymada si Sam.
"Sa'yo na lang iyan para naman tumaba ka," tanggi ni Sam. "Masyado mo kasing ginagaya si Fox Mulder na lanky."
"At ikaw naman si Dana Scully," ani Kenneth.
"Siyempre, ang galing kaya niyang FBI agent. Ang ganda pa."
"X-files na naman ang pinag-uusapan ninyong dalawa," ang sabi naman ni Ryan na medyo nauumay na yata sa ganoong usapan ng dalawa. Kasi naman, talagang nakakaumay na rin dahil laging iyon na lang ang pinag-uusapan ng mag-best friend.
"Manood ka rin kasi," ani Sam. "Meron akong mga VHS sa bahay. Hiramin mo na lang kapag may time ka."
"O kaya sumama ka sa amin kapag nagma-marathon kami nitong si Sam," ani Kenneth.
"Hindi! Dapat mapanood muna niya iyong umpisa para maintindihan niya iyong takbo ng kuwento," ang sabi naman ni Sam.
"Sabagay, tama nga iyon," sang-ayon ni Kenneth dito.
"Huwag na lang, ano! Ang daming season na kaya nun. Babalikan ko ulit lahat?" tanggi naman ni Ryan.
"Bahala ka," ani Sam. Tsaka ito muling humarap kay Kenneth. "Sa Sabado nga pala maaga kang dumating para marami tayong mapanaood, ha?"
"Oo sige. Excited na nga akong maituloy iyong pinapanood natin," ang sabi naman ni Kenneth.
"Ano na nga ba tayong episode?"
At iyon na. Nalunod na naman sa usapan nilang dalawa sina Kenneth at Sam. Parang silang dalawa na lang na naman ang magkasama. Parang wala kami ni Ryan doon. Pati iyong ensaymada ko at soft drink ay nakalimutan na rin ni Kenneth. Ganoon sila lagi ni Sam kapag naumpisahan na nila ang kuwentuhan.
***************************************
Pero hindi ko inasahan na malalaman ni Ryan ang tungkol sa lihim ko. Minsan kasi ay kaming dalawa lang ang magkasama dahil nagre-review sina Sam at Kenneth. Sila kasi ang representative ng CPRU sa gaganaping inter-school Science quiz bee sa buong distrito. Doon namin napag-usapan ang nararamdaman ko tungkol kay Kenneth.
"Nakasimangot ka na naman," pansin niya sa akin. "Porke hindi mo kasama si Kenneth."
Napatingin ako sa kanya. "Ano na namang sinasabi mo diyan?"
"Huwag ka nang magkaila. Alam ko naman, eh. May crush ka kay Kenneth, 'di ba?"
Napaiwas ako ng tingin. "Ano na namang pinagsasasabi mo?" tanggi ko, kahit pa nga nagsimula na akong kabahan.
"Huwag ka nang magkaila sabi, eh. Alam kong crush mo si Kenneth. Okay lang naman, eh. Bully nga ako, oo, pero hindi naman ako tsismoso. Kaya safe ang secret mo sa akin."
Hindi ako sumagot. Sabi ko titigilan din ako nito kapag hindi ko siya sinagot. Pero nagpatuloy pa rin ang resident bully namin.
"Obvious naman iyong pagpapa-cute mo sa kanya. Tapos napadalas iyong pagbibigay mo sa kanya ng paborito niyang ensaymada. Ganoon ka ba magpa-pansin? Para ka namang sugar mommy."
"Tigilan mo ako Ryan, ha? Hindi na ako natutuwa."
"Okay, fine." Isinangga pa nito ang kamay mula sa akin. "Ayaw mo kasing magsalita. Sabi ko naman sa iyo, walang makakaalam ng sikreto mo."
Hindi pa rin ako sumagot. At tumigil na rin si Ryan sa pambu-bully niya sa akin.
Pero akala ko lang pala iyon.
"Alam ko rin naiinis ka kay Sam. Nagseselos ka, 'di ba? Obvious naman iyong pambabara at pagsusungit mo sa kanya minsan. Pero alam mo, wala namang kasalanan si Sam. Kaibigan na niya si Kenneth bago ka pa dumating sa buhay nila."
"Ang sakit mo namang magsalita."
"Totoo naman, eh. Pero, I assure you, magkaibigan lang talaga sina Kenneth at Sam. As in. Siguro, super close best friends sila. Pero hanggang doon lang."
Saka ito biglang tumahimik. Parang may iniisip ito, pero hindi ko maarok kung ano. Pinabayaan ko na lang siya sa pananahimik niya.
Hanggang sa magsalita siya ulit. "Alam mo ba kung bakit ganoon ang mga nasabi ni Kenneth noong una mo siyang makilala?"
"Huh?"
"Iyong tungkol sa tatay mo."
Naalala ko na ang ibig nitong sabihin.
"Na-rattle nga kasi siya noong makita ka niya. He was gotten by your beautiful face. Kaya nablangko ang utak niya."
Nagulat ako sa rebelasyon niya. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng pag-i-interrogate niya sa akin ay magsasabi siya ng ganoon. At sa kabila noon ay talagang natuwa ako sa sinabi niya.
"Ganoon siya na-attract sa iyo noon. Kaya nga lagi ko na siyang binu-bully sa iyo mula noon. Hindi mo nga lang napapansin, I suppose."
"Ibig mo bang sabihin, agree ka sa aming dalawa ni Kenneth?"
"Not really. Ang sarap lang kasing asarin ni Kenneth. Alam mo iyon? Kahit kasi ilang beses ko siyang i-bully ay hindi siya nagagalit sa akin. O, siguro naiinis din siya. Pero pinapalagpas niya lang iyon lagi. At dahil iyon kay Sam."
"Parang puring-puri mo si Sam, ah. Hindi naman kaya, may crush ka kay Sam?"
"Hindi ah! Wala akong crush sa kanya."
Now it's time for me to bully the bully. "Gusto mong magkatuluyan kami ni Kenneth para magkaroon ka ng chance kay Sam. Ganoon iyon, 'di ba?"
Natawa lang siya sa sinabi ko. "You should have been that creative when it comes to showing Kenneth how you really feel for him."
Medyo na-frustrate ako doon. Hindi pala talaga ako uubra kay Ryan. At ang matinde, parang inamin ko na rin sa kanya ang feelings ko kay Kenneth. Anyway, mukha namang alam na niya talaga. So, no use in hiding.
"May gusto ka lang kasi kay Sam."
"Huwag mo akong itulad sa iyo."
I gave him a stern look.
But he just smiled. Mockingly, actually. "Kaibigan lang ang turing ko kay Sam. Ganoon din kay Kenneth. Though, sometimes I can't help but feel OP when I'm with them. But I understand na mahirap buwagin iyong friendship na nagsimula pa noong first year sila."
"So nagseselos ka nga, in some way."
"Nope. Huwag mo nang ipilit kasi hindi talaga. Gusto lang kitang i-bully. At least may alam na akong sekreto mo."
Inirapan ko siya. "Anong nangyari doon sa pagiging bully na hindi tsismoso?"
"Let's just say, I keep all my cards in case I'll need them."
Wala na akong nasabi pa.
"You know, sabi ko nga attracted naman sa iyo si Kenneth. Ipagpatuloy mo lang iyang pagpapa-cute mo sa kanya. Malay mo kalaunan umepekto rin iyan sa kanya. Hindi naman masyadong obvious, eh. Just don't mess up with Sam. Or their friendship."
***************************************
๐ ๐ฅ๐ช๐ฅ๐ฏ'๐ต ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ธ๐ฉ๐บ ๐๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข๐ช๐ฅ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต. ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ธ๐ข๐บ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช ๐๐ข๐ฎ. ๐๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด, ๐ด๐ข๐ฃ๐ช ๐ฑ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฎ ๐ข๐ต ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ต๐ฉ. ๐๐ฐ ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ฎ๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ฎ? ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข. ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ ๐ฑ๐ข. ๐๐ฏ๐ฅ ๐ ๐ง๐ฆ๐ญ๐ต ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฏ๐ฆ๐ฆ๐ฅ ๐ต๐ฐ ๐ซ๐ถ๐ด๐ต ๐ญ๐ฆ๐ต ๐ช๐ต ๐จ๐ฐ. ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข๐บ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช ๐๐บ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ.