Two Old Friends: Phase 3

Magkasamang nagtungo sina Ryan at Darlene sa may swing. Nadatnan nilang nag-uusap sina Kenneth at Samantha. It's obvious that the two are enjoying whatever they're talking about. Nanghinayang tuloy si Ryan na istorbohin ang dalawa. Kung hindi nga lang sana dumating si Jenneth.

But Darlene excitedly ran towards the two.

"Tita Sam!" Darlene exclaimed as she ran towards Samantha.

"Hi Darlene!" natutuwang bati ni Samantha. "Wow! Ang liksi na ng pasyente ko, ah!"

"Siyempre po, kasi magaling kayong doctor," ang sabi naman ni Darlene. Tsaka niya biglang niyakap si Samantha. "Happy birthday po."

Samantha smiled as she hugged her back. "Thank you."

"Meron po kaming regalo ni Daddy sa inyo," pagbibida ni Darlene. "Sana po magustuhan n'yo. Talaga pong pinili namin iyon ng mabuti ni Daddy."

"Huwag masyadong excited, Darling," ani Ryan kay Darlene. Tsaka niya binati si Samantha. "Happy birthday." He handed her a small box wrapped in blue paper.

"Thanks, Ryan," Samantha said with a smile.

Si Darlene naman ay kumandong na kay Kenneth.

"Tita Sam, ang ganda po nitong swing ninyo," ang sabi pa ng bata.

"Thank you," said Samantha. "Actually, regalo ito sa akin ni Daddy noong kasing-edad mo ako. Tapos si Mommy, siya ang nagtanim nitong mga roses. That's why it means a lot to me. Mabuti nga na-maintain nina Kuya Raul at Ate Helen ito."

Tumabi na rin si Ryan kay Samantha. Naupo ito sa kanan nito. Ngayon ay napapagitnaan nila ni Kenneth ang birthday celebrant.

"Nakaka-miss nga itong swing na ito," Ryan said.

"Akala ko ba ayaw n'yong magpunta dito?" ani Kenneth kay Ryan.

"Ano iyon?" Samantha asked.

"Eh kasi itong dalawa, ako ang pinapunta dito," sagot ni Kenneth.

"Eh kasi ikaw nga ang nakaisip na baka nandito si Samantha," ani Ryan. "Nung hindi ka na bumalik, saka namin naisip na sundan ka dito. Alam na kasi namin na nandito si Sam with you."

"Iyon ba talaga ang dahilan?" ani Kenneth.

"Ano naman ang magiging dahilan?" defensive na tanong ni Ryan.

Sa halip na sagutin iyon ay ang anak ang tinanong ni Kenneth.

"Ling, bakit kayo biglang nagpunta dito?"

"Sabi po ni Ninong ipapakita po niya iyong swing sa akin," sagot naman ni Darlene.

Ryan smiled triumphantly at Kenneth.

"Ay! Tsaka po pala, hinahanap ni Tita Jhing si Tita Sam," dagdag pa ni Darlene.

"Jhing?" Samantha asked.

"Opo! Sabi niya party daw po ninyo ito kaya dapat andun kayo," Darlene said.

"So Jhing arrived, and you saw her," Kenneth said, smirking at Ryan.

"Tama naman iyon, ah!" ani Ryan. "Dapat naman talaga nandoon ka sa mga bisita mo, Sam."

"So, you admit that Jhing is right," Kenneth said to Ryan, still with that smirk on his face.

Hindi kaagad nakasagot si Ryan. Samantha also looked teasingly at him. Si Darlene lang ang inosenteng nakatingin sa kanya.

"May problema ba doon?" tanong na lamang ni Ryan.

"Wala naman," ani Kenneth. "I just find it fascinating that you accept that she's right."

"Lagi naman siyang tama," ani Ryan. "Kahit kailan, hindi siya naging mali."

"Oh!" Samantha exclaimed. "Really, Ryan? Really?"

"Lagi siyang naging tama para sa iyo," ang sabi naman ni Kenneth.

"What?" Ryan asked.

"Come on, Pare. Okay lang iyan. For me, Jhing has been and will always be the best for you. Alam mo, siya dapat ang gine-girlfriend mo. Balikan mo kaya siya? Kung kailangan mo ng tulong, willing ako, Pare. Sobrang willing akong ilakad ka to her."

"Count me in," ang sabi naman ni Samantha.

Napatayo bigla si Ryan. "Bahala nga kayo kung ayaw n'yong pumunta doon."

Ryan walked out on them. Tawanan naman sina Kenneth at Samantha.

"Bakit po parang nagalit si Ninong?" inosenteng tanong ni Darlene.

"Tumatandang binata na kasi," ani Kenneth.

"Grabe ka!" natatawang wika ni Samantha.

"Bah! Totoo naman, ah! Ako tumatandang byudo. Pero at least, may anak na," ang sabi naman ni Kenneth. "Siya, kahit anak nung mga aso niya wala pa din."

"Daddy, lalaki po yung dogs ni Ninong," ani Darlene kay Kenneth.

Natawa si Samantha sa narinig.

"O at least, kamukha niyang matandang binata yung mga aso niya," ang sabi naman ni Kenneth.

Na lalong nagpatawa kay Samantha.

"Grabe ka makatawa, ah!" ani Kenneth sa kaibigan.

"Sorry," natatawang wika ni Samantha.

"Halina nga tayo at nang makita ka na ng mga bisita mo," ani Kenneth sa natatawa pa ring si Samantha. Saka niya kinalong na rin si Darlene.

Natatawa pa ring sumunod na lamang si Samantha sa mag-ama.

********************************************************

Ryan has been looking at Jenneth since they came back from that swing sa may dulo ng garden ng mga de Vera. He is with Kenneth, who is busy attending to his daughter Darlene. Si Samantha naman ay naagaw na ng kanyang mga bisita.

Although nakay Darlene ang attention ni Kenneth ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang inaakto ni Ryan. He knows that his best friend's attention has been with this woman who is talking with her colleagues.

"Ligawan mo na kasi ulit," Kenneth said to Ryan.

That made him look at his friend. "Huh?"

"Si Jhing," Kenneth answered. "Obvious naman eh."

"Anong obvious?" Ryan asked.

"You can't take your eyes off of her. Miss mo, ano?" Kenneth teased.

"Miss..." Ryan said, quite irritated sa pagpipilit ng kanyang kaibigan.

"Umamin ka na kasi. Tsaka, sabi ko nga, 'di ba? Tutulungan naman kita," ani Kenneth.

"Anong meron?" Samantha asked.

"O, tapos ka na ba sa mga bisita mo?" Kenneth asked Samantha.

"Hay! Don't mention it at napapagod na ako just by hearing about it," ang sabi naman ni Samantha.

Natawa lang si Kenneth sa isinagot nito.

"Ano ngang meron?" Samantha asked again. "Anong tutulungan mo siya?"

"Na magkabalikan sila ni Jhing," Kenneth answered.

"Uy! Oo, ako rin. Count me in," Samantha said.

Natigilan si Ryan sa narinig.

"O, kita?" ani Kenneth. "Just be true to yourself, Ryan. Kahit sabihin mo pa that you've already moved on, it shows that you haven't by the way you look at her. We're here to help you. Just tell us."

"You're really gonna help me?" Ryan asked.

"Whatever it takes, Ry," Samantha said. "We will help you."

Ryan looked at Jhing. An idea suddenly struck his mind.