"Grace, I am expecting Ms. Samantha de Vera today. Probably this morning," ani Ryan habang padaan siya sa mesa ng kanyang assistant.
Nang bigla siyang natigilan.
"Or Dr. Samantha... Whatever! Just tell the receptionist na papasukin siya dito sa office pagdating niya."
Napangiti si Grace. "Noted, Sir."
Tumuloy na siya sa kanyang opisina. The first part of his plan has been done.
Kahapon ay tumawag siya sa bahay nina Samantha. Nakausap naman niya ito, at saka niya sinabing hihingin niya ang tulong nito para maayos ang sa kanilang dalawa ni Jenneth. Ngunit wala siyang sinabing detalye dito. Sinabihan niya itong pumunta sa opisina bukas, para na rin mapag-usapan nila ang lahat kasama si Kenneth.
Which is also part of the plan. As much as he can, Ryan will do everything para mapalapit si Samantha kay Kenneth. He will do everything to rekindle at least the friendship that they had before. And then, the fondness. Then probably, the love they had for each other.
Maagang dumating si Samantha sa office. Wala pang alas-nueve nang papasukin ng assistant niya sa kanyang opisina ang kaibigan. Na namangha sa lahat ng nakita sa Furniture.com.
"Katas ng paghihirap namin ni Kenneth," pa-humble na lamang niyang tugon dito. Siyempre, andoon pa rin ang pagbibida sa best friend niya, kahit alam niyang wala naman itong epekto dahil alam naman niyang Kenneth is one great person pagdating kay Samantha.
Dinala niya si Samantha sa opisina ni Kenneth, na obviously ay nagulat sa pagdating ng dating kaibigan. At minamahal. Ramdam ni Ryan ang pagka-rattle na naman ni Kenneth pagkakita kay Samantha, which is how he reacts whenever he sees his old best friend.
Sinabi nga ni Ryan na gusto niyang makipag-ayos kay Jenneth, and probably rekindle whatever they had in the past. That was the original plan, the one he proposed to Jenneth. Magpapanggap silang inaayos ang kanilang past, and in the process ay gagawa sila ng paraan para laging magkita at magkahulugan ng loob sina Kenneth at Samantha.
Pero dahil nga sa hindi pumayag si Jenneth, kailangan ng revision ng plano. Hindi naman basta-basta na papayag si Jenneth na makasama siya ng ganoon-ganoon na lang.
"Malamang hindi iyon pumayag na kausapin ako ng ganun-ganoon lang," ang sabi niya sa dalawa. "I wish we could be in a place na hindi siya pwedeng makaalis na lang kaagad-agad... Iyong wala siyang choice kundi ang kausapin ako, or at least makinig sa akin."
It was actually a plan to force Kenneth and Samantha to be stuck together in the same location. Madali na lang silang paglapitin kapag nagkaganoon.
"Then, I've got the perfect place," Samantha said. Siya na rin daw ang bahala na kumumbinsi kay Jenneth na sumama sa kanila.
She explained that her ninong has this rest house in Subic. Hihiramin daw niya ito at doon sila magsi-stay ng 4 days. Siguro naman daw, sa loob ng panahong iyon ay makakagawa na si Ryan ng paraan para maayos silang dalawa ni Jenneth.
Pumayag naman si Ryan sa sinabi ni Samantha. Naging proud pa nga siya sa sarili kasi pabor sa kanya ang mga nangyayari. Si Samantha pa talaga ang umisip ng lugar, at siya pa ang mag-aasikaso, kung saan niya sila ise-set up ni Kenneth. Hindi ba nakaka-proud iyon? Wala man siyang ginagawa, pero nangyayari ang plano niya.
Kaagad nilang isinagawa ang plano. Or at least, Samantha's part in borrowing the rest house and asking Jenneth to come. Pagkagaling sa Furniture.com ay tumuloy na si Samantha sa TGH para kausapin ang ninong niyang si Dr. de Villa para sa rest house, pati na rin si Jenneth para yayain itong sumama sa kanila. Isinama pa niya si Darlene para daw mas lalong mahiya si Jenneth na tumanggi.
Which is what eventually happened. Pumayag si Jenneth na sumama kahit pa nga alam naman niyang may kinalaman ito sa napag-usapan nila ni Ryan noong nagpunta ito sa kanila dala ang sulat ni Kristine para sa anak na si Darlene.
Ayaw man ni Jenneth ay wala na siyang nagawa pa. Nahiya na rin naman siya na tumanggi kay Samantha. Actually, masaya siya na tinuturing siyang kaibigan nito. Wala rin naman kasi siyang kaibigan na dito sa Tarlac. She spent most of her life in Manila, kaya nandoon na lahat ang mga kaibigan niya. And besides, after what happened to her ay isa-isa siyang iniwasan ng mga itinuring niyang kaibigan. Wala nang natira kundi iyong mga totoong nakakakilala sa kanya. Katulad ni Sharon.
Sa trabaho kasi ay wala rin siyang gaanong ka-close kasi nga boss siya doon. Nangingilag ang mga kasama niya na makipaglapit sa kanya. And now, here's Samantha being friendly with her. It was a delightful feeling na hindi pa pala nagbago ang dati niyang kaeskwela sa pagiging friendly nito sa kahit na sino.
Kaya naman kahit na may pagtutol ay sumama na rin siya sa treat umano ni Samantha sa mga kaibigan nito. Ang usapan ay sa bahay nina Sam sa Moonville ang meeting place. Kaya naman doon na tumuloy si Jenneth.
"Wow! Ang sexy," pansin sa kanya ni Samantha nang makipag-beso ito sa kanya.
Jenneth smiled. "Ikaw din naman, ah."
Samantha is wearing a white t-shirt and paper-bag shorts na black and white stripes ang design. Siya naman ay dark blue floral romper na cold shoulder ang sleeves.
Napapalatak si Samantha. "For sure mai-inlove na naman si Ryan sa iyo."
Biglang kumabog ang dibdib ni Jenneth. Parang nagbalik sa kanya iyong panahon na high school pa lang sila at nalaman ni Samantha na crush niya ang barkada nito. Bukod pa doon, may unfinished business pa rin sila ni Ryan. Sigurado nga kasi siya na ito ang may pakana ng outing na iyon.
Ilang minuto pa ay dumating na sina Kenneth, Ryan at Darlene. Although uneasy pa rin si Jenneth sa mga nangyayari ay natuwa naman siya sa energy at enthusiasm ni Darlene. Niyakap pa siya nito nang makita siya.
"O paano? Let's go!" yaya ni Samantha sa lahat.
Kenneth took Samantha's things, and Ryan took Jenneth's. She actually had the feeling na hindi naman iyon gustong gawin ni Ryan, na napilitan lang ito. Gusto sana niyang tumanggi, pero baka maging issue na naman at tuksuhin na naman siya nina Samantha at Kenneth.
Sumakay na ng kotse si Samantha. Sa may passenger seat ito pumuwesto. Mukhang alam na ni Jenneth kung ano ang kahihinatnat nito. The BMW X1 SUV is Kenneth's, so most probably ay ito ang magda-drive. Alam niyang sa may backseat siya pupuwesto, and she wished that Darlene will sit between her and Ryan.
But the kid didn't. Kahit pa nga pilitin siya ni Ryan. It actually made Jenneth feel like he does not like sitting beside her. Aba! Siya rin naman kaya! Kung may choice lang siya ay hindi rin niya ito gustong makatabi. Ayaw lang kasing magpagitna ni Darlene, and for the first time ay nainis si Jenneth sa makulit nilang kasama.
Mabuti na lang at malapit lang ang Subic. Nilibang na lamang ni Jenneth ang sarili sa pakikipagkuwentuhan kay Darlene. Kahit naman kasi makulit ito kanina ay hindi naman magawang magalit ng matagal dito ni Jenneth. Nakakatuwa kasi ang enthusiasm nito sa lahat ng bagay, sa lahat ng nakikita nila. To think na puro bundok at taniman ng palay lang naman ang dinaraanan nila sa expressway.
Halos dalawang oras din ang itinagal ng biyahe nila. Sulit naman, dahil totoong maganda ang rest house ni Dr. de Villa. May pool ito bukod pa sa malapit ito sa beach. Pero hindi muna sila naligo dahil na rin sa lunch time na at mataas na ang araw. Isa pa ay nagyaya nang mag-lunch si Kenneth. At si Samantha pa ang magluluto.
"Kayo po ang magluluto, Tita Sam?" tanong ni Darlene.
"Oo, bah! Halika. Ate Helen packed a lot of good food for us."
Magkasamang pumasok sa may bahay sina Samantha, Kenneth at Darlene.
Naiwan sa dalampasigan sina Jenneth at Ryan. Looking at Samantha and Kenneth, naisip ni Jenneth na, oo nga. Baka nga may chance na iyon talaga ang nakatadhanang mangyari. Na sila talaga ang nakatadhanang magsama hanggang sa pagtanda nila. They seem to be a picture of a perfect couple, of a perfect family. Lalo na at kasama nila si Darlene.
"Beautiful…"
Napatingin si Jenneth sa katabi. Ryan is staring at the three, admiring the perfect image they create. Napangiti si Jenneth. Beautiful nga naman.
Naramdaman yata ni Ryan na may nakatingin sa kanya. Napatingin ito kay Jenneth, at nang makitang nakatingin nga ito ay napaiwas ng tingin ang lalaki.
"Lunch," Ryan said as he indicated the way to the rest house. Nauna na rin itong bumalik sa bahay.
Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Jenneth. So, Ryan is intimidated by her. Dapat lang. Itinuloy pa rin kasi nito ang balak nito. Isinama pa rin siya nito sa mga plano niya. Alam niyang idinahilan ni Ryan ang tungkol sa kanilang dalawa kaya napapayag niya sina Kenneth at Samantha na i-set up siya sa lugar na ito.
Siguro, sinabi ni Ryan na gusto nitong makipag-ayos sa kanya. And knowing Samantha na obvious namang fanatic ng love story nila ni Ryan na hindi naman nito nasaksihan, at si Kenneth na katulad ni Samantha ay tahasan ang panunukso sa kanilang dalawa, malamang na madali silang nakumbinsi ni Ryan.
Napatingin si Jenneth sa beach. Mabuti na lang, talagang maganda dito. Kung hindi ay tuluyan na siyang maiinis kay Ryan. Oh well, maybe she really needs some time to relax. Eenjoyin na lang niya ang bakasyong iyon, at sana ay maging maganda ang apat na araw nilang pananatili doon.