CHAPTER 2

Ceruz POV

" kumusta na kaya si Dawi? " biglang tanong ni Lean habang humihigop ng mainit na tsaa sa harden.Natigilan ako sa narinig at napabuntong-hininga na lamang.

Ang pangalang ilang taon ko nang nakalimutan,mali pilit kong kinakalimutan.Hindi ako umimik at ipinagpatuloy ang ginagawa.

" Ceruz may tanong ako " aniya't narinig kong ibinaba muna nito ang kaniyang tsaa.

" ano iyon? " tanong ko na hindi man lang ito tinatapunan ng pansin.

" paano kung dumating ang araw na mas piliin ni Dawi ang pagiging isang mortal kaysa sa kanyang dating buhay? " natigilan ako.Hindi ko alam pero pakiramdam ko bumigat bigla ang pakiramdam ko.Hindi ko hawak ang buhay niya at desisyon kaya wala akong mahagilap na sagot sa kaniyang katanungan.

" paano kung tatalikuran niya ang pagiging isang Dyos? " patuloy ni Lean.Nanatiling tahimik ako.

" paano kung may ibang mortal nang nagpapatibok sa puso ni Dawi? " patuloy nito.

" LEAN!! " tuluyan na akong nilamon ng galit.Naramdaman ko ang biglang pag-init ng paligid.Bakas sa mukha ng taong kaharap ko ang takot at pagkabigla sa biglaan kong pagpupuyos.Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko subalit wala akong lakas para amuin ang sarili.Ayokong makita ako ni Lean na ganito kaya naman agad kong nilisan ang lugar at nagpakalayo-layo muna.

New POV

Pagkatapos ng klase namin inaya kami ni Ken na mag-meryenda sa malapit na coffee shop.Libre niya kaya hindi na kami nag-protesta pa.Habang papalabas ng campus,kapansin-pansin ang kakaibang kulay ng kalangitan.Pulang-pula ito,animo'y dugo na isinaboy sa itaas.

Global Warming.

Iyan na lamang ang unang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa itaas.Tama nga naman kahapon kasi maganda naman iyong panahon pero bigla na lamang umulan ng pagkalakas-lakas kinagabihan tapos ngayon heto nama't kakaiba ang kulay ng kalangitan.

" bakit kaya ganyan ang kulay ng kalangitan ngayon? " biglang basag ni Clide sa katahimikan,tinutukoy ang himpapawid habang binabagtas ang daan palabas.Napansin nya rin pala.Agad naman napatingin ang mga kasamahan ko sa kalangitan at may pagtatakang tumingin sa amin ni Clide.

" alam mo Clide dami mo lang napapansin sa paligid,aminin mo nga,nag-aadik ka ba? " wika ni Ken.Agad naman itong binatukan ni Clide.Napatawa na lamang kami sa inasta ng dalawa.Ganyan naman sila kapag magkasama parang mga aso't pusa.

" tama na nga iyan bilisan niyo na lang ang paglalakad niyo gutom na ako! " reklamo ni Anika.

Dahil suki na kami sa coffee shop na ito,alam na alam na nila ang order namin kaya naman hindi na kami pumila pa.As usual doon pa rin kami sa paborito naming puwesto,sa medyo pribado.

" kanina ka pa tahimik Wayne " biglang puna ni Anika dahilan upang lahat kami'y mapatingin sa isa pa naming kabarkada.

" h-huh?ah wala naman may iniisip lang " paliwanag niya.Sa totoo lang ganiyan naman talaga si Wayne,tahimik lang iyan at magsasalita lang siya kapag ikaw ang maunang mag-approach sa kaniya.Hindi katulad ni Ken na ang ingay-ingay lalo pa't kung magkasama sila ni Anika na parehong bungangero.Samantalang si Clide naman ay iyong tipikal na kaibigan lang katulad ko.

Ilang minuto pa't dumating na iyong aming order at dahil libre naman ito ni Ken medyo dinamihan na lang rin namin.Nag additional order pa kasi si Anika akala mo naman piyesta.

" selfie muna guys! " nasasabik na wika ni Anika.Wala na kaming nagawa kung hindi ang pagbigyan ang nag-iisa naming boss.Ngumiti na lamang kami sa camera ng phone niya at pagkatapos ay inabala na lang namin ang aming mga sarili sa pagkain at pakikipag-kuwentuhan.Ganito ang tinatawag na friendship goals,4 years and counting.

Napuno ng halakhakan ang lugar na iyon dahil sa kagagawan ng dalawa.Hindi ko na sasabihin kung sino basta kilala niyo na sila.Habang nag-uusap sila,nagpaalam muna ako papuntang banyo,magbabawas lang ng likido.

Tinungo ko na ang papuntang banyo at pumasok sa isang bakanteng cubicle tsaka inilabas ang naipong likido.Lumabas na rin ako pagkatapos at dumiretso sa lababo.Habang naghuhugas ng kamay,bigla akong napatingin sa kaharap na salamin.Pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon ng biglang may kung anong bagay ang pumitik sa isip ko't biglang umikot ang buong paligid kasabay nito ang pagkarinig ko ng isang boses na waring umiiyak habang tinatawag ang hindi pamilyar na pangalan.Napaupo na lamang ako habang tinatakpan ang tainga ko.Hindi ko rin alam at bigla na lamang ako napahagulhol nang iyak.Ano bang nangyayari sa akin?Bakit pakiramdam ko nasasaktan ang puso ko.Bakit pakiramdam ko may isang taong nangungulila.Ano bang nangyayari sa akin!!!

" New!!!ayos ka lang?!anong nangyari!! " agad akong napatingin sa nagmamay-ari ng boses na iyon at napayakap ng mahigpit rito.

" Clide di ko alam " paliwanag ko rito habang yakap-yakap.Humahagulhol pa rin ako.

" may nanakit ba sayo?? " nag-aalala nitong tanong sakin.Umiling lang ako bilang sagot rito.

Nanatili akong nakayakap sa kanya hanggang sa tumahan na ako.Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at inayos ang sarili.

" sorry nabasa ko ata iyong uniporme mo " nahihiya kong paumanhin rito.

" may problema ba?handa akong makinig " aniya.Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o isasawalang bahala ko na lang.Kahit nga ako hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.May mga gabing bigla na lang ako umiiyak ng walang dahilan o kaya minsan pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dibdib ko.

" hmmm hindi ko alam Clide,ewan ko ba sa sarili ko nababaliw na ata ako " iyon na lamang ang naging tugon ko at ipinagpatuloy ang naudlot na gawain kanina.

Agad akong umuwi dahil medyo sumama pakiramdam ko.Hindi na ako sumama sa lakad nila Anika.Gusto pa nga sana nila akong ihatid sa apartment ko pero tinanggihan ko na sila dahil gusto ko munang mapag-isa.Gusto kong magisip-isip muna.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang beach kung saan agad akong sinalubong nang preskong ihip ng hangin mula sa karagatan.Gabi na kaya konti na lamang ang mga tao rito.Naupo ako sa buhangin at ninamnam ang lamig ng hangin.Kahit papano medyo gumaan pakiramdam ko.

Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa naisipan ko nang umuwi.Tumayo na ako at akmang lilisanin na ang lugar na iyon ng bigla akong may narinig na boses na parang tinatawag ako.Agad akong napatingin sa paligid pero wala naman akong nakitang tao maliban sa akin.Baka guni-guni ko lang iyon.

Nagpatuloy ako sa paglakad.Nakailang hakbang palang ako mula sa aking puwesto kanina ng bigla na namang may tumawag sa aking pangalan.Sa pagkakataong ito medyo malakas na at masasabing kong boses babae ito.Sa ikalawang pagkakataon,huminto ako at lumingon-lingon sa paligid,nagbabakasakaling may nakikipaglokohan sa akin pero katulad nga ng sinabi ko kanina,wala namang tao rito maliban sa akin.Sa mga sandaling ito,medyo nakaramdam na ako ng takot kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binilisan na lamang ang paglalakad.

Hanggang sa bigla akong napaatras ng may isang magandang babae ang bigla na lamang lumitaw sa aking harapan.Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakapako ang aking mga mata sa kaniya.Parang nagkubli ang boses ko sa halu-halong emosyong naglalaro sa aking sistema ngayon.

" s-sino ka?? " hindi ako sigurado kung sapat na ang lakas ng boses ko upang marinig nya.

" Dawi " tawag niya.