Chapter Five: Suicide or Murder? (Part II)

"Mr. Flare Furrer, buti nakapunta ka na agad dito," bati ng isang teacher na kanina lang ay nasa gilid kasama ng ibang students sa gilid.

Malapit na kami sa bangkay. The victim is a boy. As I previously observed, his corpse has broken bones, especially his leg and arms. Blood was pooled on his head and his eyes has no soul left.

Napatingin ako sa teacher na kausap ni Flare. Medjo napaurong ako ng onti nang makitang nakatitig na pala siya sa akin.

"Miss Mavis, the transferee, right?" tanong niya sa akin.

I nodded. She is one of the teachers in our classroom. Pero dahil nga baguhan pa lang ako sa eskuwela na 'to, sometimes they tend to forgot my face in a short amount of time.

Hinila niya ako bigla papunta sa tabi niya. "You shouldn't be interrupting Mr. Flare's investigation. Sumama ka sa 'kin."

Aba naman—With all due respect naman ha! Hindi ba niya akong nakitang kasa-kasama ni Flare ever since we got here?

Nagsimula na siyang maglakad at hinila na ako. Bago pa man niya ako mahila ng tuluyan, hinatak naman ni Flare ang isa kong braso. 'Ba naman 'yan! Tug of war ba ako para hilahin ng todo?

"Excuse me, Miss, but she's with me," sabi ni Flare at tuluyan na akong hinatak sa likuran niya.

"Ah, sorry, Mr. Flare. Hindi kasi pwede ibang students na mag-imbestiga hangga't hindi sila napapayagan. You and the others only have the special requirements to continue further." Nanginginig ang kanyang mga mata habang sinasabi ang bawat salitang binibitawan niya.

I understood it. Only the people who had high and special authority could enter investigatory issues—in short, ang mafia. Expect mo nang kasama ang mga pulis sa imbestigasyon but the point of the teacher is far from the definition for the police.

"Put the students back in their designated rooms, miss. A longer time would cause long-term trauma for the students who witnessed this case. Please, back off," sabi niya.

Tumango ang teacher at saka sinabihan ang mga estudyante na umalis na sa eksena. Paunti-unting nawawala ang mga students sa harapan ng school. Tinulungan na rin sila ng mga guards galling sa gate para iwas-takas din sa labas ang mga students.

Habang umoonti-onti ay kanina ko pa nararamdaman na parang may nakatitig sa likod ko. Sino na naman kayang mga masasamang tingin ang makikita ko?

Napatingin ako sa likod ko at iyon nga, mayroon ngang mga nakatitig sa akin. Mga babaeng nagbubulungan.

"Tingnan niyo siya oh. Ang land-landi niya. Kung makalapit kay Flare, wagas," ani ng babae na may mahabang buhok.

Akala mo hindi ko sila naririnig. Parang sinasadya nila ring mapakinggan ko ang kanilang bulong na hindi naman talaga bulong kase rinig na rinig ko.

"Oo nga. Kung makasunod sa mahal ko, wagas," ani naman ng babaeng nasa gitna.

Napairap ako. Waw. Mahal ko? Kailan pa naging mahal niya si Flare?

"Oo nga. She looks like a b*tch."

And that's when I snapped.

Lumapit ako sa tatlong babae at huminto sa harapan nila. Para silang mga spy na nahuli. Agad silang naghiwa-hiwalay kasi ng makita nila akong tinitignan sila isa-isa.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko sa kanila. Pilit ang ngiting iginawad ko para mas ramdam nila galit ko.

Unang sumagot ang unang chismosa. "Bakit ka sumasabat dito? Friend ka namin? Hindi ka ang pinag-uusapan namin."

"Gold ka para pag-usapan? Ha, asa ka. You're not worth gossiping." Umirap ang pangalawang chismosa.

Inirapan din ako ng pangatlo. She also gave me mock expressions. Sinusubukan talaga ako ng mga babaeng 'to.

"First of all, you," humarap ako sa una. "How could you tell na hindi ako ang pinag-uusapan ninyo, eh ako lang naman ang kasama ng minamahal niya," I glanced at the second one as I muttered the last two words. "Ano ka rin, gold para maging mahal ni Flare? Baka nakakalimutan mo, estudyante ka lang din ng eskwela na 'to. Wala kang koneksyon sa kanya. So don't f*ck around looking like a desperate slut."

She gasped and sobbed. Ha, deserve. Gold-gold ka pa diyan kanina, ikaw rin pala iiyak. Humarap ako sa pangatlo. Takot na takot ang ekspresyon niya.

"At ikaw," I tilted my head and smiled bashfully. "Sa tingin ko mas mukha ka pang b*tch sa akin. Ay, hindi pala." Kunwari akong nagulat. "Hindi pala b*tch. Katulad ka rin pala ng kaibigan mo..." My smile dropped down in a nasty glare. "A S-L-U-T."

Nanlaki ang mga mata niya at napahakbang paatras. I heard the first girl clicked her tongue and trying to comfort the second girl.

"What's happening here?" Napalingon ako sa aking gilid at nakita si Flare doon.

"A-Ah, Flare! Ayan, ayang babaeng 'yan!" turo sa akin ng pangatlong chismosa. "Pinaiyak niya ang kasama namin! Wala naman kaming ginagawa sa kanya!"

"Sinasabi lang naman namin sa kanya ang totoo," sabi ng unang chismosa.

Ako pa pala naging masama ngayon ah. Napairap ako. I don't care what might happen, I just did what I think what's right to defend myself from discrimination.

"Ang totoo? What truth?" kunot-noong tanong ni Flare at tumingin sa akin. "Mavis, what's happening here?"

Ibubuka ko sana ang bibig ko nang magbukas na naman ng bibig ang isa sa kanila. "Siya kasi! Ang landi-landi niya! Lapit ng lapit sa'yo! Eh, bago lang naman siya sa eskwelahan na 'to!" Sumagot ang umiiyak.

"Oo nga! Halatang may intesyon sa'yong gahasain ka! At," the third girl faked gasped. "Baka gawin ka pa niyang alipin o kung ano man na—"

"Stop."

I looked at Flare and I stepped back a little. He is gritting his teeth with his fist closed. Pero kahit man ganoon, wala pa ring emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga babae.

"You're irritating me," he muttered.

"At bakit naman kami hihinto?! Hindi mo ba siya nakita kanina? She just keeps on following you! Hindi siya tumigil kasi gusto niya makuha ang atensyon mo!" sabi ng first girl.

"Yeah," second the motion ng second girl.

"Nah-uh." The last girl snapped her fingers.

Flare lets out a heavy breath before pulling me to his side. Nakita ko ang paglaki ng mata ng pangalawang chismosa. I grinned at her teasingly.

Nawala bigla panunukso ko nang hinatak pa lalo ako ni Flare at niyakap para lang maitago mukha ko sa mga tatlong chismosa. I let out a sigh. Nawala angas ko do'n ah.

"Song thrush is innocent here, I see," said Flare. "And you three may have been gossiping about her being a girl who just wants my attention too much that she keeps on following me like sort of a tail in the back."

Tumingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. He only gave me a teasing smile before looking at the three girls again. Kung hindi lang talaga siya busy magbawal ngayon, inapakan ko na paa niyang nakasapatos.

"I'll request the teachers to drop you all out if you accused her wrongly again," pagbabanta niya. Nai-imagine ko na ang pagkaputla ng mga mukha nila. "I could call the owner of this school to contact other schools not to make you apply to other universities if you've been expelled to this university." He snapped his finger once.

Parang may mahika ang pagkapitik ng kanyang daliri dahil pati yata hangin biglang natakot sa maaaring gawin ni Flare ngayon.

Narinig ko ang kanilang mga pagtawad. Yumuyuko rin sila kay Flare. Nagmamakaawa na 'wag sana sila ipa-expel.

He sighed. "Fine. I won't take another chance on seeing three of you bullying Mavis again. If you do so once more, I will not hesitate to contact the owner of the school and expelled all of you."

Akala ko natapos na ang pagsesermon nang binitawan na ako ni Flare. Pero hindi pa pala. The middle girl gasped with widened eyes as she looked at Flare.

"I can't believe this..." Lumingon siya sa akin. Napalitan agad ng makamandag na tingin at galit sa ekspresyon niya. "Ikaw!" duro niya sa akin. "Siguro inakit mo ng todo si Flare 'no! Para protektahan ka sa amin! Ang landi-landi mo!"

Umatake siya papunta sa akin pero kaagad iyong naharangan ni Flare. Handa ko pa namang balikan ng sipa ang babae kung hindi man lang umintriga si Flare.

Hmph. Best of luck, I guess.

"Ms. Bella Montefalco, I will say this for the third time. I could dropped you out of this school and I have no second thoughts in doing so if you do not stop on keeping this act," pagbabanta ni Flare.

Nanlaki na naman ang mga mata ng babae na nagngangalang "Bella". "No! You can't do this to me! I could sue you for this! I could tell my father that—"

"I have a huge connection with your father. I could contact directly from his company to take out a few hundred dollars in your credit bank account to just atone your bullying on my friend."

A few hundred dollars just for atoning sa pambubully sa akin? Hindi ako makapaniwala na napatingin kay Flare sa kanyang sinabi.

"You can't do tha—"

"Shall I contact your father's company then?" banggit niya kasabay ng pagkuha ng kanyang cellphone sa paketa ng uniform niya.

Nanlaki ang mga mata ni Bella at nanginginig ang mga labing sinabi, "I'm sorry! I'm sorry, okay? 'Wag mo lang ipakuha kay Dad ang dollars ko!"

Ay, wow. So, that's how it is. She's concerned about the money, not the bullying. Andami pala talaga ditong mayayaman. Buti na lang nasa pinakamayaman ako naka-side.

Pinaalis na ni Flare ang mga babae at para namang mga nasa marathon ang mga babae dahil sa pagtakbo nila ng napakabilis. Flare groaned and messed his hair, cursing under his breath. I sighed. Buti nakahinga rin ako sa mga babaeng 'yon.

I heard someone snickered and I turned to look at Flare. And there he is, smirking like an idiot. "Bakit ka tumatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.

He snickered again and grinned with his teeth showing. Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita si Flare na ganito kasaya. And... I think he is sparkling right now.

H-Ha! Erase, erase, Mavis! What were you thinking?! Hindi siya nag-sa-sparkle! That's only your imagination! Yes, yes. Imagination mo lang 'yon.

"Why are you nodding on yourself there?" nakakunot-noong tanong ni Flare.

I faked a cough and looked in another direction to sway my thoughts. "We are still doing a case. Kailangan na nating magpatuloy."

Narinig ko siyang tumikhim at lumingon din sa ibang direksyon. "Yeah. You're right."

Ilang minute kaming nakatayo doon na hindi nagtitinginan sa isa't isa. Nakisabay pa ang paligid. Tanging hampas ng hangin sa mga dahoon ng puno ang maririnig mo at ang huni ng mga ibon.

"Flare! Mavis!"

Napatingin ako sa front entrance ng campus at nakita na papalapit sa amin sina Friar at Lucas. Kumakaway ang kamay ni Friar habang tumatakbo habang si Lucas ay nakasunod lang sa kanya.

"Hm? Ba't namumula yata mga mukha ninyo?" tanong niya at nagbaling ng tingin sa aming dalawa.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at walang sinabi. Gandang timing ng babaeng 'to. Ngayon pa.

"Uy, 'wag ninyong sabihin nagkaaminan na kayo," panunukso niya.

Nanlaki ang mga mata naming dalawa at napatingin kami sa kanya sabay sabing, "No way!"

Malakas na tumawa si Friar at napailing-iling na lang si Lucas sa likuran niya. Nakakabaliw. This is only my fifth day of school year and I'm encountering this kind of things. What people I had come into.

Binasag ni Lucas ang ma-ala-cheerful na mood at sinabing mayroon silang nakalap na impormasyon related sa kaso. We formed a circle and listened to what Lucas has to say. Mayroon daw nakakita na may pumunta sa rooftop. There are three person who went up. Kasama nila ang biktima nang pumuntang rooftop. At nalaman naming ang isang kasama pala ay girlfriend ng biktima, ang isa ay girl best friend niya.

"Anything else?" tanong ni Flare nang huminto si Lucas sa pagsasalita.

"Apart from that, the steel on the rooftop which is restricting the students to go to the edge of the building has slight blood on it in a certain part. Sa tingin ko, nauntog muna ang ulo ng biktima sa bakal before he died on the fall."

Flare nodded and looked at his sister. "Na-inform ko na sina Yna at Void. They called the police. They will be here right away. Void also informed Tyrone to further investigate the connections within this case."

"Thanks."

Friar smiled. "As always, brother. Ay oo nga pala, while waiting, why are you two blushing earlier? Ano pinag-uusapan ninyo?"

Napairap ako at umiwas ng tingin sa kanya. She went back to the previous topic. Great.

"It's just a simple argument between three girls who are trying to mock Mavis. Nothing more," rinig kong sabi ni Flare sa kanyang usual na tono.

"Mock? Three girls? Sino-sino?" tanong ni Friar.

"Bella Montefalco. That's one of the girl's name," sagot ni Flare at humarap kay Lucas. "File her name to the drop-out section. I want her gone to this university."

Napatingin ako sa kanya nang nanlalaki ang mga mata. "Seryoso ka?"

"Do you think I'm joking?" sabi niya. He's staring at me with meaningful eyes. Yep. He's not joking alright.

"You mean, Bella na Grade 10 student ngayon? The one who likes you?" tanong ni Lucas. "I thought you gave her a second chance."

"She's least of my concern now. I don't f*cking care what type of useless emotions she had for me. She and her two b*tches are enough reason to make her drop out. And she threatened me that she will sue me." Nandilim ang mata ni Flare and his fists clenched. "How could she call Mavis a wh*re when she looks like one when she's flirting with me? Mavis didn't do anything to her. To them. So, how could they?"

Bakit siya pa ang galit? Dapat ako 'di ba? Ako nasabihan ng malandi? Kung makaasta siya parang boyfriend ko ah. Wait, what? What am I thinking again?!

Napabuntong-hininga ako at lumapit kay Flare para hawakan ang nakakuyom na kamao niya. His tensed shoulders went down and his fists unclenched. Eyes were also back to his cold ones. There, better.

"Uh, I think Tito Ris would not agree with this," ani Lucas.

"I think I will have to side Lucas on that one," sabi ko kay Flare. Nagtatakang tumingin sa'kin si Flare. Nginitian ko siya. "I'm fine, see? Buhay pa naman ako, hindi naman ako nabugbog. It's just words, Flare. And I don't think na magandang i-drop out si Bella. That's her name, right? Bella?" He nodded. "Hayaan mo na lang siya."

"But she insulted you."

"Not enough reason para kuhanin mo sa kanya ang education niya." I slapped his face lightly. "Cheer up. Hindi ikaw ang dapat maapektuhan. Dapat ako."

"Tama, tama," pag-second the motion ni Friar at tumatango na akala mo proud mom.

"Malay mo 'di ba magbago ang babaeng 'yo—"

"Naku, diyan ka nagkakamali, Mavis," singit ni Lucas at nagkibit-balikat. "Three years. Ganoon pa rin ugali no'n. Umasa kang magbago 'yon."

"Sama makapagsalita nito. Akala mo naman siya nagbago," sabi ni Friar.

Namula ang pisngi ni Lucas at tumingin kay Friar para parangalan siya. Dinilaan lang siya ni Friar at tumakbo palayo sa kanya.

Humarap uli ako kay Flare at nakitang naghihintay pa rin siya ng pwede kong sabihin. Kumuha ako ng lakas ng loob at tumitig sa mga mata niya.

"Maybe, you could drop off the drop out part and give her a punishment instead," I suggest.

His eyebrows knit together curiously. "Like what?"

"Hmm..." Kunwari akong nag-iisip habang ang baba ko ay nasa gitna ng dalawa kong daliri. "Clean the bathroom, trim the gardens or sweep the floors clean. How about that?"

His eyes widened but then, he smirked. Eyes are gently looking at me with amusement. "Sounds fun to give for a b*t—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, tinakpan ko ang bibig niya at sinamaan siya ng tingin. "That's enough bad words for today. Masyadong nakakarami ka ng bad words kay Bella—ah!" Kaagad ko tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. "Kadiri ka! Bakit mo dinilaan?!"

"You stopped me," reklamo niya. He licked his lips. "And also, that's what you get for stopping me."

Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak. Tch. Nagmamagandang-loob na nga lang na 'wag na niyang sabihan masyado ng masasamang salita ang babaeng 'yon, dinilaan pa kamay ko.

I pouted as I looked at him. "You're a bad boy."

He smirked as he tilted his head while saying, "I am."

Napailing-iling na lang ako. How could I ever get rid of this man in front of me? He's so... boastful.

~***~

Time passed. The police had arrived the crime scene. Yellow tapes surrounded the place of the victim. Nakuha na rin ang katawan ng lalaki para mainspeksyon. They drew a white line on the previous place of the body and put labels on it as well.

"Nice to see you again, inspector," bati ni Flare. Si Inspector Reed na naman ang nakasama namin sa pag-iimbestiga.

Hinatak ako ni Flare sa tabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. I guess he still doesn't forget what happened to the last case.

"Oh, hijo. Nice to see you again rin pala," bati ni inspector. Napatingin siya sa akin at ginawaran ako ng ngiti. He nodded slightly before looking at Flare again. "Sa tingin ko, kailangan mong maki-cooperate uli sa mga pulis at sabihin kung anong nangyari dito." His face was stern and eyes are dead serious.

Nagtinginan kaming dalawa ni Flare bago lumingon muli kay Inspector Reed at tumango. Inilayo muna kami sa crime scene at saka nagsimula kaming i-interrogate.

###