Chapter Ten: Masquerade

Third Person's View

"You have a mission for today."

The voice echoed through the walls. The room is vividly dark. A large window reflecting the light of the moon, shadowing two people in that very space.

One sitting on a grand throne with head up high and the other with their one knee kneeled on the ground while looking up.

"Kill Mr. Hope and..." She tossed one rectangular object and it appears to be an image of a girl. "...annihilate Mavis Sherlia Throver."

Mavis' POV

Sabado ngayon at kakatapos lang ng Hunyo, at ng aming mga mahihirap na activities. Nasa bahay ako ngayon ng mga Furrer at tinutulungan si Flare sa mga gawaing "mafia".

"Aren't you irritated with Kuya, Ate Mav?" tanong ni Light.

Nasa living room ako kasama sina Friar, Light, Liz at Yna.

"Naiirita," sagot ko. "Pero kaya ko namang tiisin. Besides, I'm just using your organization to claim my goal."

She hummed and leaned to the backrest of the couch. "Pero, hindi ka nagka-catch feelings kay Kuya, ate?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Ha? 'Di ko gets."

"Naku, Light. Huwag mo ng tanungin 'yang Ate Mavis mo if nagka-catch siya ng feelings sa malamig kong kapatid. Halata namang paunti-unti na naman silang nahuhulog sa isa't isa eh," sabi ni Friar na may halong panunukso sa kanyang tono.

Sinamaan ko siya ng tingin. Narinig kong na nag-segundo si Yna sa kanyang sinabi.

Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga para ipakalma ang aking sarili. Catch feelings, catch feelings. My only goal is to claim what I want in this organization. Nothing more.

"Oh, by the way. Mavis," napalingon ako kay Friar nang tawagin niya ang pangalan ko. "Father informed me to inform you that you will attend a masquerade ball this evening."

Masquerade ball? Kasama ako?

"From whom?"

"From one of the most trusted CEO of Father. But there's another reason for you to attend the ball."

Kuno-noong nakatingin ako sa kanya. Another reason?

"To protect Mr. Drebber."

"Ha? Bakit? Hindi ba ang mga may pera ay pwede namang maghire ng mga bodyguards?"

"He have many but they were no use if assassination will be occurred anytime soon on Mr. Drebber."

"Bakit magkakaroon ng assassination? Eh, masquerade ball lang naman 'yon."

"That's why it was made. To catch the person behind the assassination. Mayroong nagtataka na pumatay kay Mr. Drebber at nagsesend na mga letters na mamamatay raw siya sa isang date at ang date na 'yon ay ngayon, which the masquerade ball going to be held. Pass this to my brother as well. This is originally an invitation for my brother to come on that event."

"Pero bakit ako?" kunot-noo kong tanong.

She smiled. "You are his secretary, right?"

"Right," sabi ko nang ma-realize ko ang kanyang pinupunto.

"Now, the event will start at exact seven o'clock in the evening and ends at exact twelve o'clock. Keep that in mind."

"For sure, Mavis will take the lead. Flare couldn't say no to her," tukso ni Liz sa akin. Her legs are crossed and looking at me with a teasing smirk.

"Ah, totoo ba iyon, ate?!" Lumingon sa akin si Light nang may naiinis na itsura. "Bakit sa'yo hindi pwede mag-no si Kuya Flare tas sa'kin pwede. Not fair!"

"Beh, you're not worth the consideration raw," tukso ni Friar rito.

"Hindi ka rin daw 'yong papakasalan ni Sir Zeus kaya 'wag ka raw umasa," pag-segundo ng tukso ni Yna rito.

Light's eyes is misty. She's on the verge of crying.

"But Flare spoils you more than Friar, right, Light?" biglang sambit ni Liz.

Nagliwanag bigla ang mukha ni Light tumango sa tanong niya at nagsimulang magsikuwento ng mga ni-spoil sa kanya ni Flare habang si Friar ay sumisigaw habang takip-takip ng mga kamay ang kanyang dalawang tenga.

~***~

"You may come in," ani Flare matapos kong kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kanyang kwarto.

Nang makapasok, agad kong sinabi sa kanya ang tungkol sa masquerade ball.

"So, there will be a possible assassination during the masquerade ball of Drebber's, correct?" I nodded. He groaned in annoyance. "Father must have planned this."

"Friar told me to transfer the message to you that has been told with her by Tito. Kaya yes, pinlano nga ng tatay mo ang pagpunta mo sa masquerade ball."

He sighed and leaned in to his chair. "Friar and Lucas are available for this job." That means he is not up for the case.

"But this is an opportunity to grab. Malay mo, baka may connection sa Castell Organization ang pag-assassinate doon."

Kumunot ang noo niya, pinikit ang mga mata, at naghalukipkip. "You can't fool me."

"Nandoon rin ako. Ayaw mo makita akong mag-gown?" tukso ko.

Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin. Pero ilang segundo lang iyon nangyari bago siya umiwas ng tingin at pekeng umubo. Halata ang blush sa kanyang pisngi.

"Y-You can't tease me lik that as well," aniya.

Napasimangot ako. Ang hirap namang pilitin 'to. Literal na walang pakiramdam eh.

"Fine. Baka makatulong 'to sa pagiging heir mo sa posisyon ni Tito," sabi ko. "You're still training, right? Kaya need mo ng more experience."

He glanced at me with questioning eyes. "And what will be my reward if I am in that masquerade ball?"

"You could do anything you want from me," sabi ko nang walang iniisip hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung anong sinabi ko. "N-No, that's not what I meant! Nadulas lang ang labi k—"

"Touch move. You can't take it back," nakangisi niyang sabi.

Nagliliwanag ng interest ang kanyang matang nakatingin sa akin. Uh-oh, I'm doomed. What a bad luck for a slip of tongue.

"Oh my, oh my. What should I do, what should I do?" he sang while looking at me.

Napabuntong-hininga na lang ako nang makalabas ng kanyang kuwarto.

~***~

Pagdating ng ala singko ng hapon, kumatok si Jade sa pintuan na may dalang beige sequence gown.

"Sir Zeus ordered me to deliver the gown to your room," malamig niyang sambit at iniwan ang gown sa higaan.

Tiningnan ko ang gown at naka off shoulder siya na mayroong slit sa bandang left hip. It was more like a sexy dress than a masquerade gown. Kasama ng gown ay mayroong matched gold mask and a little gold, tulle-material and feather hat.

I feel like this is becoming more and more like a fairytale. Parang isang araw lang, nag-transfer lang ako ng Ferris University and then, all of a sudden, I became one of the Furrer's mafia, and now, I will be the future heir's partner in a masquerade ball with a fancy gown and accessories.

Napabuntong-hininga ako at nagsimula ng suotin ang gown. I contacted Friar to ask help on Kuya Xel's partner, Ate Ren, to put on make-up. Inayos rin ni Liz ang aking buhok. It is styled in a fancy high bun like a bundle of rose and the tulle-feathered golf hat was attached at the top right side of my hair.

Friar gasped and squealed. "You're gorgeous, Mav! Mahal na mahal kita, love you lots! Ganda mo talaga sa dress ko!"

"Dress mo 'to?"

"Oh why, yes! Hindi ba halata?" Nag-twirl siya sa harap ko at mayabang na pinakita ang kurba niyang katawan. "Hmph. Maganda katawan ko, hourglass."

"Ang sabihin mo, pang-model lang katawan mo. Not every thin body is an hourglass, Fri," ani Ate Ren.

Ngumuso si Friar. "Oo kaya, hourglass ako. Nakikita niyo naman kurba ko every time we go on a vacation."

"Oo na, oo na. But this isn't about you but about Mavis," ani Liz at tumingin sa akin. "You are beautiful, Mavis."

"Thank you."

"O, wala ng intro-intro pa masyado! Arat na! At papakita ka pa namin sa malamig kong kapatid!" sigaw ni Fri at tinulak ako palabas ng kwarto.

Pagkalabas, nandoon si Kuya Xel, Tyrone at Throne na naghihintay. Bakit sila nandito?

"Mavis, the boys will escort you all the way down the stairs. Mahirap ng madapa ka," sabi ni Liz na naka sagot sa tanong sa isipan ko.

Tumango ako at yumuko bilang paggalang sa tatlo. Napangisi si Kuya Xel at lumuhod.

"You are beautiful as a rose, mademoiselle. Can you lend me your hand for providence that I shall—"

Hindi na nakatapos ang ma-ala-flowery na pagsasalita ni Kuya Xel nang kaltukan siya sa ulo ni Throne at lumakad papunta sa akin.

Nakasimagot siya at masama ang mga tingin sa akin. "I'm just doing this for Liz. Nothing more. Don't expect me to like you," sabi niya bago pumunta sa gilid ko at in-offer ang braso niya.

I hooked my hand there and we started walking. Tyrone told me the progress about the Castell Organization and how fun to tease Throne on looking up to me when I am not around. A blush crept on Throne's face as he silently embarrassed on my side. While Kuya Xel, eto na nga po, nagrereklamo na hindi raw siya ang main escort ko pagbaba. Para siyang bata haha.

"Mavis, dito ka," nagtatampo niyang sambit. Dinilaan ko lang siya at ngumuso siya. "Susumbong kita kay Tito at Flare. Manigas ka diyan kay Throne."

Natawa ako sa sinabi niya at napailing-iling. Sometimes, I'm thinking if he really is the oldest among the reapers. Apaka isip-bata kasi.

Third Person's View

While Mavis and the men was walking down, Flare is on the couch waiting for them. He is stomping his feet impatiently.

She's taking so long. He thought as he stood up, glaring at the grand staircase. I wonder if—

His self-conversation halt as he saw someone descending from the stairs. A beautiful lady wearing a gold gown with three man beside her, guiding her all the way down to him.

Hindi mapigilan ni Flare na mapamangha sa kagandahang inilalabas ngayon ni Mavis. She's beautiful that on his eyes, she looks entirely a goddess. Not because of the make-up or the dress she wears, her aura is completely different. More like, mas powerful ang dating niya and he liked that.

A queen, huh... He thought as a small smile spread on his lips. My Queen.

Nang makababa na si Mavis, pekeng umubo si Flare habang nakatingin sa ibang direksyon at bumaling ng tingin sa dalaga nang naka-poker face siya uli, tinatago ang kanyang tunay na nararamdaman: ang pagtibok ng sobrang lakas ng kanyang puso.

It's unusual, he thought, that his heart is pounding right now when a girl he just met a few weeks ago is walking the isle towards him with a beautiful, gold dress and oh-so gorgeous her.

Unconsciously, he is admiring her. Hindi niya alam pero nakatitig na talaga siya sa kagandahan niya at mayroong visible na kislap sa mga mata niya. Malumanay rin ang kanyang titig, isang patunay na bihirang magkaroon ng kahit ano ng emosyon si Flare—lalo na sa mga babae—na ipinapakita.

"You are really disgusting." Napatingin si Flare kay Throne na may ekspresyong nangangasim. "Why do you have that look on your eyes as you stare at her?" turo niya kay Mavis.

"Uy, may gusto siya kay Mavis," tukso ni Xel.

"Quit it, Xel," sabi ni Tyrone at siniko siya.

"Kuya Xel kasi, tch. Know your manners naman, Ty," inis na sabi ni Xel.

"At hindi mo akong pwedeng tawaging Ty. Only Light could call me that," kalmadong reply ni Tyrone dito.

"Oh, ayan na si Mavis. Stop that glimmering eyes. That's disgusting," ani Throne at hinatak palapit si Mavis sa kanya.

"Hey," nakangiting bati ni Mavis sa kanya.

"Hey," bati pabalik rin ni Flare.

Ang unusual din na walang bahid na kahit anong kalamigan ang kanyang boses habang binanggit ang salitang 'yon sa kanya.

He is wearing a black suit with a white flower with a mix of dark blue and black as its feathers on the left side of his suit.

"Bagay sa'yo ang damit mo," pag-compliment ni Mavis kay Flare.

Nanlaki ang mga mata ni Flare at biglang nag-iwas ng tingin. Peke siyang umubo habang nararamdaman niyang uminit ang mga pisngi niya.

"T-Thanks."

"Uy, nahiya," panukso ni Xel dito at siniko na naman siya ni Tyrone.

"So, shall we?" sabi ni Mavis nang hindi pa rin napapansin ang pagka-flush ni Flare sa kanyang sinabi.

Tumango na lang si Flare at ibinigay ang kanyang braso kay Mavis saka sila naglakad papunta sa harap ng mansion. Doon, mayroong naghihintay na nakabukas na itim na limousine sa kanila.

Flare assisted Mavis on getting in the vehicle because the end of the dress is somehow long and could possibly be tripped over.

The limousine started its engine and moved when the two of them are in.

~***~

"State your names."

Dumating na sila sa kanilang destinasyon at mayroong sumalubong sa kanila sa entrance. Naka-suit at suot-suot ang itim na maskara.

"Mr. and Ms Reuf," banggit ni Flare habang binibigay ang invitation.

The man inspected it and once inspected, ibinalik iyon kay Flare at ngumiti siya. "Welcome to the masquerade, monsieur," aniya sa tonong French. Nakalahad ang isang kamay patungo sa entrance ng mansion.

Nang makapasok, kaagad silang binati ng apaka-nostalgic na musika at mga mukhang expensive na tono ng mga tao. Magagara rin ang mga damit at maraming alahas na dala-dala sa kanilang leeg at pulsohan.

"Welcome, welcome!"

Napatingin sina Flare at Mavis sa kanilang likod at nakitang may nakangiting matandang lalaki doon. Puting-puti na ang kanyang buhok at mayroong kapansin-pansing makapal na balbas sa kanyang baba.

"I hope you will enjoy the masquerade for today, Mr. Furrer!"

"Reuf, sir. And I'm delighted and honored to be here," nakangiting bati ni Flare rito.

"Oh, yes, yes! Mayroon palang inilaan sa imbitasyon na magkaroon ng ibang ngalan sa gabing ito!" Humalkhak siya at nakangiting tumingin sa akin nang may interes. "And whom this lovely lady be?"

"Oh," hinatak ako ni Flare sa kanyang tabi at inakbayan. "This is my beloved half. She loves fancy events and so I invited her to come."

Kahit na ako ang nagsabi sa kanya ang tungkol sa ball. Ani ni Mavis sa kanyang isip.

Ngumiti siya sa matanda at bumati rin. "You must be Mr. Drebber. I am honored to meet one of the trusted CEOs of uncle."

"What a respectful lady you have here, monsieur!" natutuwa niyang sambit at hinalikan ang likod-kamay ni Mavis.

She winced a little, not liking the expression but not enough for the old man to see the expression on her face when she does it.

"Yes, I am quite surprised she could make a conversation," ani Flare habang nanunuksong nakatingin sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin at pilit ngumiti ng matamis sa nanunukso niyang partner.

"Certainty. I am always on home and school works are getting difficult each day, that's why I tend to get stress a lot but for goodness sake I must say, Flare is such a good half helping me."

And this time, si Flare naman ang nagsama ng tingin sa kanya. She laughed through her nose as she caught his expression.

Pekeng napaubo si Flare at sabing, "If we could be excused Mr. Drebber, I would like to have a conversation with my lady."

"Oh, why yes! Anytime you could pass a conversation with me. You are always welcome to converse with each other. Privacy is important for romantic couples."

Nanlaki ang mga mata ni Flare at Mavis. Mavis laughed awkwardly and Flare made a fake smile. Nagpaalam na sila at pumunta sa isang sulok kung saan hindi sila maririnig.

"That's Drebber," bulong ni Mavis. "Iyon ba ang poprotektahan natin."

"Inspecting is the correct term," reply ni Flare. "He looks a fine man. I think we should leave early."

"Hindi pwede. Ayon sa sinabi ni Friar, someone is targeting him. Kailangan nating i-track kung sino ang assassin na papatay sa kanya."

"Then, let's wait a little more."

Nagtanguan silang dalawa at saka naghiwalay. They each choose a different person to talk with. Mavis always get the old men that invited her on a usual move for perverts and male teenagers and adults inviting her to a dinner or a dance. Pero wala siyang time para do'n. She needs to know who is the killer.

Nang makalayo na sa mga bastos, umupo siya sa isang upuan at saktong may digmaang waiter na mayroong tray ng wine glasses. Kumuha siya roon at uminom ng onting wine lang habang pinapanood ang mga tao.

If this is connected to the Castell Organization, malaki ang tsansa na isa ito sa magiging onting yapak sa pagpunta sa loob ng organisasyon na 'yon at malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng aking ama. Iyon ang nasa isip ni Mavis.

Biglang sumarado sunod-sunod ang mga kurtina ng malalaking bintana at namatay ang mga ilaw. Kasabay niyon ay ang pagkita ni Mavis ng naka-itim na kapa sa gitna ng mga tao na may nakakapagtakang awra. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan iyong dumaan sa gitna ng mga naimbita sa event.

"Welcome, ladies and gentlemen!"

Bumukas ang dalawang ilaw at tumapat iyon sa kapansin-pansing hagdanan na mayroong red carpet. Sa gitna nito ay ang bumabang may-ari ng mansion na may hawak-hawak na mikropono sa kanyang kanang kamay at nakataas ang kanyang kaliwang kamay habang nakangiti ng matamis.

"Well, well," Ibinaba niya ang kanyang kamay at nag-bow sa lahat. "This is the intro of our masquerading. Shall we all enjoy the feast and game prepared by one and only me!"

Nagsipalakpakan ang lahat habang si Mavis ay sumipsip ng mas maraming wine sa kanyang glass habang hinahanap pa rin ng kanyang mga mata ang misteryosong naka-kapa sa gitna ng mga tao.

Who's that? Tanong niya sa sarili. Ibiniba niya ang glass sa isang upuan at tumingin sa may-ari ng bahay na nagsasalita pa rin ng kanyang speech sa hagdanan. Is that the assassin?

"Now, the game starts now!" sigaw niya at bumukas muli ang mga ilaw.

Mga excited na hiyawaan ng mga tao ang narinig ni Mavis at nagsimula ng mag-usap-usap kung paano raw mahahanap ang "taya" sa larong ipinalabas ni Drebber.

Kuno-noong tumayo si Mavis at lumapit sa isang tao para maitanong kung anong nangyayari.

"Ah, may palaro daw si Mr. Drebber. The game is called The Lord of Crime. I don't know what he's up to pero base raw iyon sa isang animation na napanood niya at interesadong laro raw itong maaaring mailagay sa masquerade na ito," sagot ng lalaki.

"Oh. I also heard that there will be a compensation if you lose the game," ani babaeng nasa tabi niya.

"Right. Thank you," sabi ni Mavis at bumalik sa dati niyang pwesto, at nag-isip tungkol sa misteryosong naka-kapa. Looks like he isn't related to the game.

Nagsimula na ang laro. Bawat round ay mayroong nababasang wine sa kanilang mga damit at ang compensation ay isa sa mga alahas na gamit nila sa gabing yaon. Habang patagal nang patagal ang laro ay mas lalong naiirita si Mavis kakahintay ng mga babala o clue man na pwede makita sa magaganap na assassination daw kay Mr. Drebber.

Her feet is stomping on the floor impatiently ang her fingers are tapping the arm of the chair with fast pace.

This is getting nowhere. Aniya sa kanyang isipan. Tumingin siya sa kanyang gilid at unti-unting nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang naka-kapang itim na nakatitig sa kanya—isang matang nakalabas at nakatingin sa kanya habang nakasandal sa dingding ng nakahalukipkip. That's...!

Napatayo si Mavis at dali-daling tumakbo palapit sa misteryosong naka-kapa. Hindi sagabal ang kanyang dress para makatakbo siya pero nang malapit na siya, tumalikod ang misteryosong tao at lumabas ng mansyon. Sumunod siya doon at nang makalabas, tumingin siya sa gilid-gilid.

She clicked her tongue as she can't see who she wants to capture. I lost him!

She gave one last look in all directions before turning back and walk inside the mansion again. But as she walks, a hand have suddenly been put on her mouth and nose making her hard to breath. Nang nilingon niya, nakita niya ang mata ng misteryosong figure at ang labi ay nakakurbang pangisi.

"Caught you, Throver." Iyon ang narinig ni Mavis hanggang sa mawalan na siya ng malay.

###