Mavis' POV
"Current search on Mavis' previous encounter. The man who kidnapped and drowned you is dead. Found randomly near Ferris University. Found out that he is also one of the members of the failed students who have an intention to lower the rates of our school."
Ito ang anunsyo sa'min ni Yna habang nakatayo siya sa gitna ng opisina ni Flare na may hawak-hawak na clipboard at fini-flip ang mga papel doon.
Three days ago, I have been kidnapped and got almost drowned. Since then, Furrer Mafia has been keeping an eye on me. Not just keeping an eye but keeping a keen eye on me. At sino ang may pakana? The twins. They issued the order to the High Reapers with, of course, the big check of Tito Rux. At sino ako para tumanggi? Wala naman din akong magagawa dahil kahit anong refuse ko, they'll just keep on pushing on giving me a guardian, especially when I go out.
"Nahanap niyo na ba ang lugar kung saan sila nag-exchange ng transactions tungkol sa ginawa nilang abduction sa akin?" tanong ko.
Umiling siya. "Unfortunately, they're good at hiding. We couldn't track them but there's a piece of new information involved in this case."
"Tell us," ani Flare.
"Someone from our organization is a spy from Castell Organization," anunsyo niya. Nanlaki ang mga mata ko pero mukhang kalmado si Flare at Friar sa kanilang narinig.
Tumango-tango pa nga si Friar. "There's really a possibility na mayroong spy sa loob ng mafia natin. But we can't let the rat play any longer."
Tumango si Flare. "Is he with the minor reapers?"
"Yes," sagot ni Yna.
"Then, it'll be easier to get through with the traitor." Tumayo si Flare at nagbigay ng documents kay Yna. "Here are the documents for the previous events that happened in our school. Send this to the teachers. Might get those students with no proper manners low grades on their character. And give a warning concerned to one of the students on the list. Make sure to give each students' list on their respective advisers."
"Understood, sir," pagtango niya at umalis na sa opisina.
"So, you're going to issue an order to the High Reapers about the traitor?" tanong ni Friar nang marinig ang pagsarado ng pinto.
"I'll take Throne and Liz on doing this," aniya at lumingon kay Friar. "Pass the message to them."
"Roger that," nakangising sambit ni Friar at lumabas ng opisina hawak-hawak ang kanyang selpon.
Pagkalabas, tumingin sa akin si Flare at sinabing, "Let's go back to the club." At iyon nga ang ginawa ko. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa club niya habang nakayuko ang ulo ko.
It's been three days since the abduction yet I still find myself being awkward when Flare is around. Pa'no ba naman kasi, sa dinami-dami pa kasi ng nangyari sa akin ay nalunod pa ako? Kaya tuloy nahalikan ako--este, CPR pala. But still! Our lips touched, though no tongue involved, still! He stole my first kiss on that freakin' CPR!
Suddenly, I heard a door slide open. Napataas ako ng tingin at nakita si Flare na nakalingon sa akin nang may nagtatakang ekspresyon.
"You're red."
"Eh?"
Lumapit siya sa akin at biglang nilagay ang kamay niya sa noo ko. Ang lapit ng mukha niya! Wah~
"You have no fever though," nakakunot-noo niyang sambit habang hawak-hawak rin ang kanyang noo.
I felt like my breath just got sucked out of my lungs. Ang lapit-lapit ng mukha niya at saka-saka ramdam ko ang init ng palad niya sa noo ko... Wah~ Humakbang agad ako ng isang beses patalikod at dumiretso ng tayo, at umiwas ng tingin sa kanya.
"A-Ah! B-Baka, ano lang 'to, Flare, sunburn. O-Oo! Tama! Sunburn 'to, Flare, sunburn! Hehe," nagpapanic kong reply sa kanya. Now, that's obviously a lie.
"Oh, is that so? Then, apply an ointment on your face. Come in," sabi niya habang tinalikuran ako at nagdiretso ng lakad papasok ng club.
I blinked numerous times in shock. He buy that lie?! Walang emosyon akong napatawa. Detective siya pero 'di niya nahalata. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman 'di niya nahalata.
Nang makapasok, kaagad kaming napalingon sa figure na nakaupo sa couch. Sa pagkakakita pa lang ng mahabang buhok at slim na mukha, masasabi ko ng babae ang pigura na 'yon.
"Another client, huh?" Naglakad si Flare papunta sa couch na katapat no'n at umupo nang naka-de kwatro saka lumingon sa babae. "State your name and whereabouts. Give the specific details about the case. Now."
Dahan-dahan kong sinarado ang sliding door at lumakad papunta kay Flare. Unti-unting naoobserba ko ang galaw ng babae. She looks pale white, hands are fidgeting and whole body are shaking with her teary eyes closed as her head bowed down.
"I-I'm Veronica Sison. Galing akong Grade 12, strand STEM. Tama ka, Pres. Mayroon akong kasong ipapa-solve sa'yo kung maaari lang sana," nauutal niyang sambit.
"I said to spill the details straight to the point. I'm not a patient person to give a long time here."
Napaigtad sa upuan si Veronica at napatingin ng diretso kay Flare. "M-May napansin kasi ako na kakaiba sa canteen these past few days. Wala naman masyadong nakakapansin. Naririnig ko lang na pansamantalang sakit lang raw ang nararamdaman ng mga estudyante. Kahit ang nurse sa clinic, walang nakitang kahit anong kakaiba sa katawan ng mga kapwa ko kaklase at iba pang estudyante sa school na 'to. But there is. There's something, Pres. It happened during the time that the canteen is selling apples. 'Yong kinds na parang ginagawang apple candy. Tumpak siya ngayon sa mga estudyante sa t'wing sumasapit ang recess o lunch. My friends once bought apple candies each. Hindi nila ako binilhan kasi 'di ako kumakain ng mansanas. Makalipas ang ilang minuto, namutla silang lahat at tumamlay. Mukhang mga nawalan ng gana. Pati paglakad nila, apakabagal. Like they suddenlt got negativity on their body.
"Furthermore, students who ate the same apple candy also has the same symptoms. Naobserbahan ko ang lahat ng 'yon dahil lagi akong pumupuntang canteen para bumili ng pagkain. They only eat one apple candy and then, they're looking like a tired zombie. I tried to make jokes with my friends pero kahit saglit lang ang pagtawa nila kasi nang makalaunan, napansin ko na kahit ang jokes ko hindi na nila tinatawanan. Hindi na nila sukat na pakinggan. Para silang laging tulala. I went to the clinic with one of my friends and the nurse said to get her a couple of days to rest."
"Where's your friend?" tanong ko.
"Nasa dorm niya. Isa sa mga kakilala ko na malapit sa dorm room niya ang nagche-check sa kanya lagi."
"Will you tell us the condition of students before this incident?" tanong ni Flare.
"Normal. Masisigla naman ang mga itsura nila at halatang may kulay pa ang mga mukha nila. Muukha ring healthy sila nang hindi pa sila kumakain ng apple candy na 'yon."
"Do you know the sellers? Any information about them?"
Umiling ito. "Since I transferred her a year ago to continue my senior high school year, hindi ko pa masyadong saulo ang mga staffs. Lalo na sa canteen since barely akong pumupunta do'n last school year."
"What is the look of the seller who's in charge of the apple candies?"
"Mukha ng matanda eh. Malalaki na ang eyebags sa ilalim ng mata."
Flare hummed in response and stay silent for a while. The atmosphere got quickly uncomfortable as he stared blankly at Veronica until he speaks, "Got it." Tumayo siya at napatayo din tuloy si Veronica. "I am glad to make your acquaintance, Ms. Sison. I'll inform you once I got the progress of this case off to a good start."
They shook hands while Veronica is in a startled state. She left the club and as the door closed, I felt a little bit hanged towards the new case kaya kaagad akong lumingon kay Flare para makahanap ng sagot.
"Ate Mariel is one the suspects," he suddenly blurted out that made me tilt my head in confusion.
"Ha?"
"Ate Mariel. She is one of the staffs in the canteen. Since she's the oldest among the sellers, she is possibly the one who is looking out for the apple candies and selling them to students," pag-e-explain niya. "I will relate this case to the old woman who made the young lady with short hair to eat a poisoned apple. There must be an accomplice within this case or perhaps, a frame-up situation."
"Si Snow White ba sinasabi mo at 'yong evil stepmother niya?" Sinamaan ko siya ng tingin. "You only relate this case dahil mayroon lang mansanas 'no?"
"The apples are poisoned." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Well, not poisoned, really. It is, however, been drugged."
"Drugged?"
"You remember what Ms. Sison identified the students? Pale and slow in motion. Like zombies."
"Oo. Pero anong-" Napahinto ako nang mapagtantunan kung ano ibig niyang sabihi. "Is it related to the opium cases again?"
"The only way to connect the drugs were from the same organization I am thinking. The marionette cases are related to Castell Organization. They've been constantly keeping chain cases back and forth before. But now, they're doing small cases with delays. Tch. It's irritating rather than thrilling." He sighed. "This play should be rewarded as the best novel murder book."
Halata namang ayaw na niyang i-solve ang kasong 'to, hehe. "So, alam mo na kung sino ang culprit agad?"
"I have two suspects," he answered. "One is the person you saw a while ago and the other one is who I mentioned the name."
"Si Ms. Sison?" panghuhula ko. Tumango siya. "Bakit naman kasama siya?"
"You'll soon find out. Now, shall we get down to the case and close the curtains quickly? I have another appointment to do after this silly game."
~***~
We started the investigation in a simple pace first. Pumasok muna kami ng canteen. As Flare discussed while we're walking, mahihirapan daw kami mag-start if ang pinuntirya naming unahin ay ang mga naapektuhan. Needed namin makita muna kung saan at paano nakuha ang cause ng pangyayari.
"Hello, miss. Is Ate Mariel on-duty today?" tanong agad ni Flare sa babaeng nasa counter nang makalapit na kami.
"Ah, oo. Naka-duty pa naman, hijo. May kailangan kayo kay Ate Mariel?"
"Ah, gusto lang po namin sana siya makausap," nakangiti kong sabi at bumati nang patango.
"Ah, sige, sige. Tawagin ko lang ah."
Nang umalis ang babae para tawagin ang taong gusto naming makausap, tumalon bigla si Flare sa loob ng counter.
"HOY!" sigaw ko sa kanya ng pabulong, nag-aalala ng mahuli siya.
Nilagay niya ang daliri niya sa kanyang labi at binuong na, "Stay quiet."
Pinanood ko lang siya nang sinabi niya 'yon. Tiningnan niya ang bawat maliliit na compartment ng counter doon hanggang sa tumayo siya nang may hawak-hawak na dalawang maliit na plastic na naglalaman ng puting pulbo.
"Based on the look, it's drugs," aniya at tumalon palabas ng counter, at itinago ang packet. "I'll let the smug check on this later." He meant Lucas. "I ran a check on the other compartments as well. Nothing. Only the place where the apple candies were before. White dusts also formed pointing arrows on four sides, forming a rectangle. There must be a box containing more drugs. It has been disposed though. We can't do anything about it. For now, we have the evidence and we should put this on good use."
"So, papaghinalaan mo si Ate Mariel?"
"Yes, in another reason. But the old woman isn't the type who uses drugs yet, I don't want to judge anyone. Any person could change with a snap of a finger."
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at nang lumingon kami sa counter, kasa-kasama na ng babae ang isang matanda na naka-pink na apron. Singkit ang mga mata na halos 'di mo na makita ang kanyang mga mata at nakalagay sa likuran ang dalawang kamay.
Nagpaalam ang babae sa amin at iniwan kami kasama ang matanda. Nang marinig ang pagsarado ng pintuan, saka nagsalita si Flare nang walang kahinto-hinto.
"Drugs. There are drugs here," kaagad niyang sambit sa matanda. "You know something."
Ni isang salita na lumalabas sa bibig niya ay may kaba o hinto. Literal na diretso sa punto ang bigay ng impormasyon sa matanda ang kanyang ginawa.
Ang nakangiting labi ng matanda ay nawala at napalitan iyon ng pagkabahala pero hindi ito nagsalita. Ang ekspresyon lang niya ang nakikita namin—pagkakaba at ang tumutulong isang butil ng pawis sa kanyang noo.
"There's nothing to be afraid of, Ate Mariel. You know something about this incident. I could confirm someone must have ordered you—no, scratch that—forced you to put the drugs on the apple candies. And it must be one of the students whom first tasted the apple candies when it's still on trial, right?"
Nanahimik ang buong paligid ng ilang minuto hanggang sa nagsalita ang matanda, "Tama ka, hijo."
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig 'yon. Thank goodness it's not the old woman.
"Do you know the name of the student?" sunod na tanong ni Flare.
Tumango ang matanda. "Oo naman, hijo. Malinaw pa naman paningin ko. Babaeng estudyante, hijo. Mahabang buhok, slim ang mukha at maputi. Nakasalamin. Maganda rin siya, hijo."
"Thank you, Ate Mariel. We should get going now," aniya at may kinuha sa kanyang bulsa, at binigay 'yon sa matanda. "Here, Ate. You need this. Para sa likod mo."
"Ah, hijo! Salamat! Paki-send na lang ang bati ko sa iyong tatay ha. Marami na akong naging utang sa pamilya niyo."
"Don't mind, Ate Mariel. You have done a lot for us as well. Take that as a gratitude for your kindness."
Nakipag-usap pa si Flare sa Ate Mariel habang ako ay lumabas ng canteen para tawagan si Friar. Ilang ring lang ay nag-pick up agad ang linya.
"Oh. Hello, Mav."
"I have a favor to ask."
~***~
The next location is the girl's dorm. Flare suggested it, of course. Para daw sa aming imbestigasyon.
Huminto kami sa tapat ng gate at humarap si Flare sa guard. "Veronica Sison. That's the name of the girl who will we visit today," anunsyo nito.
Akmang maglalakad na siya papasok nang humarang ang guard sa harapan niya at nanlilisik ang mga matang bumalik ang tingin ni Flare rito.
"Sorry, sir, pero bawal po pumasok ang isang lalaki sa girl's dorm. May mga patakaran ho kami rito."
"Tch. We're here for an investigation. Shall this situation be an exception? This is urgent."
"I'm sorry, sir, pero bawal talaga. Hindi pwedeng pumasok ang mga lalaki sa dorm na 'to."
"Do you know who I am?" Halatang naiinis na si Flare sa pagharang sa kanya ng babaeng guard.
"Yes, sir. Anak po kayo ng may-ari ng eskwelahan."
"Then, let me in with her," turo niya sa'kin.
Lumingon sa akin ang gwardiya bago bumalik ang tingin kay Flare. "Pasensya na po. Nakalagay po sa rule na bawal papasukin ang mga lalaki sa dorm na 'to."
"Tch." Naglakad si Flare sa akin at humalukipkip. "What a nusiance. This is what I hate the most, someone trying to stop me in the middle of a case."
Nagkibit-balikat ako. "Wala tayong magagawa. Girl's dorm 'yan eh. Shall we try calling your father?"
"You have my father's number?" gulat niyang tanong.
"Yes," sagot ko at kinuha ang selpon mula sa bulsa ng palda ko. "I'll call him na." Tatlong ring lang bago ko narinig na pumasok ang connection sa kabilang linya. "Hello, Tito?"
"Oh yes, why did you call your beloved father-in-law, Mavis dear?" nanunuksong pagbati nito sa akin.
Napasimangot ako. "I would rather not tell something that will not happen in the future, sir."
"Oh, I would rather say it, my dear. Baka magkatotoo. Why not manifesting it now?"
I swear na medyo kakaiba ang ugali ng tatay ni Flare kaysa sa kanya habang patagal nang patagal ang pakikipag-usap ko sa kanya.
"Can I ask a favor, Tito?"
"Anything for you, my future daughter-in-law."
"A-ha-ha, not funny, Tito. Kailangan namin ng tulong. Hindi kami pinapasok ng guard sa girl's dorm."
"And what do you mean by 'we', deary? Is it supposed to be considered if you and Friar in that place? Or rather, I could tell that it is not Friar whom you are with right now, isn't it?"
"Bingo, Tito." Napabuntong-hininga na lang ako. "Actually, may kaso kaming nakuha and the girl's dorm is part of it. Flare wanted to investigate further pero nahinto kami ng gwardiya."
"Alright. Put the line on the guard, dear."
Lumingon ako sa babaeng gwardiya at lumapit dito, at binigay ang cellphone ko sa kanya. Kinuha niya iyon at tinapat ang cellphone sa tainga niya.
"Good day, sir, it is me. Your son, sir... Gusto niya ho pumasok ng girl's dorm. Mayroon tayong patakaran na inilaan para ligtas ang dorm so I can't easily let him. Huh? But, sir-- Yes. Yes. Alright, sir. I understand. Here, miss." Ibinalik sa'kin ng gwardiya ang selpon at sabay sabing, "You may come in," while glancing at Flare, "with him."
Tumango ako at nagpasalamat kay Tito Ris bago pinatay ang call. Narinig ko ang pagtilamsik ng dila ni Flare habang papasok kami ng girl's dorm. Nakasimangot siya at nanlilisik ang mga mata.
"What a nuisance," bulong niya sa sobrang inis.
"Well, nakapasok na naman tayo kaya ayos na naman."
"Tch."
Suddenly, my phone vibrates. Kinuha ko kaagad iyon at nakita ang notification message ni Friar sa akin. Pinindot ko iyon at binasa ang message:
"We found someone na nakakain ng madaming apple candies and you know what's crazy? Crazy siya literal! Sa sobrang nabaliw, you don't know kung ano pinagsasabi niya. It is a girl. Lucas filed a video. It is attached here. Pls watch it, Mav." -Friar
Pinindot ko ang attachment at sinimulan ko na ring i-start and video.
"Hi, miss," rinig kong bati ni Friar mula sa video. Kitang-kita ang pag-shake ng phone sa pagkakahawak ni Lucas.
"B-Bakit? A-Ano ang kailangan mo sa akin?" nauutal na tanong ng babae. Putlang-putla ang mukha nito at halatang natatakot.
"Kailangan ko lang naman makausap ka," malumanay na sabi ni Friar habang nakangiti. Humakbang siya palapit pero humakbang palayo ang babae. Napabuntong-hininga si Friar. "Huwag kang matakot. Kakausapin lang naman kita. Wala akong masamang gagawin."
"K-Kakausapin mo lang ako?" Nanginginig ang babae habang yakap-yakap ang sarili niya kahit na hindi naman malamig ang paligid. Humakbang pa ito palayo. "H-H-Huwag kang lalapit."
"Tatanungin ko lang kung kamusta ang kalagayan mo?"
"Hindi okay! Hindi okay! Hindi ako okay! HIndi talaga! Hahahaha!!!"
Bigla siyang tumawa na parang baliw. Parang sinapian ng kung ano man gano'n. Her pupils dilated and saliva is dripping on her mouth, bubbles forming out of her mouth as she continues to talk.
"Sawa na ako sa buhay ko! Ahaha-- Sawa na'ko! Gusto ko magpakamatay! Magpa--Magpakamatay, ahaha! W-Walang kuwenta magulang ko! Wala, wala! Hahaha"
Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa sarili niya na halos parang pilit na sinasakal niya ang sarili niyang katawan.
"That's not entertaining to watch," rinig kong sabi ni Flare. Nasa likod ko na pala siya. He leans in and puts his chin on my shoulder. "So, that's related to the case? Looks like it is more an escaped asylum kids we're investigating rather than a thrilling zombie movie."
Sinamaan ko siya ng tingin at nagkibit-balikat lang siya sa akin. Pinagpatuloy namin ang panonood ng video.
Biglang sumigaw ang babae ng malakas at tumingin ng nakangisi kay Friar, at dinuro siya nito. "Ikaw!" sigaw niya. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"
"Uh, Fri, sa tingin ko, nababaliw na siya ng sobrang-sobra. I think it's time to---"
"No, kailangan nating makuha ang lahat sa clip," pagputol ni Friar sa sinasabi ni Lucas. Narinig kong bumuntong-hininga si Lucas sa likod ng camera. Nakatapat pa rin kay Friar ang camera at sa babae. "Miss, I need you to calm down and we could talk about--"
"Aaaaghh!"
And that's the end of the clip. Naputol iyon bigla sa pagbagsak ng cellphone at pag-automatic pause ng video.
"So, the girl went rampage and what I know is that my sister and that smug is safe because they sent you that attachment. Hm. Not a bad clip though." Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Thank you for the effort, song thrush."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi at naglakad lagpas sa kanya, at inaya na siya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa likod at mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng pisngi. Crap, why I am getting embarassed?!
Ignoring that scene, we got in the first floor and everybody kept on glancing at Flare with dreamy eyes and uncomfortable gaze. Pero ini-ignore iyon lahat ni Flare hanggang sa makarating kami sa mini-counter at nalaman na ang number ng dorm ni Veronica ay 043.
And when we got in front of the door, the number's staring right at us as the atmosphere becomes heavy.
###