Chapter Twenty-One: swallowed the pawn

Mavis' POV

I groaned as I tried to open my eyes in the light blinding my eyes coming from the broken ceiling.

"Well, well, look who's awake now." 

Napalingon agad ako sa isang madilim na sulok at lumabas doon ang babaeng nagdala sa akin dito-- si Felicity. I ignored her and looked around. Wala na kami sa lugar kung saan ko siya kinausap. By the rotten blackboard and abandoned broken chairs, sa tingin ko nasa isa akong old classroom.

I pulled my hands and tried to stand up, but all my limbs are tied with a thick rope--my hands at my back and one rope at each of my ankles.

Tumawa ako at tumingin sa kanya. "Sa tingin mo, kaya ako ng mga tali na 'to?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, but I would trust that you won't try to escape dahil sa naging agreement natin," sabi ni Felicity at ngumisi. "And well, you fell for it. You just made yourself as the bait."

I tilted my head as I watched her walking back and forth while trying to piss me. "Ah, talaga? Eh baka naman nagkakamali ka lang ng intindi sa agreement natin?"

Nawala ang ngisi niya at lumapit sa akin. "Hindi totoo na nakipag-usap ka kay boss namin. I just received a message saying there's no agreement between you and my boss."

I shrugged my shoulders. "But you still fall for it despite of the lies." I laughed again. "At hindi ka na rin nakatakas dahil bago pa ikaw naka-receive ng message, you agree to have an agreement with me."

"You're crazy."

I laughed again. "Yeah, yeah. I get that comment a whole lot."

And then in a sudden, my head turned sideways, and I felt a sting on my cheek. "Huwag kang magmayabang dito, baliw!" Napaigik ako sa sakit nang maramdaman ko ang sakit ng pagsabunot niya sa akin. Her face is close to mine and her eyes is shooting daggers to me. "I pity you, Mavis. Nagtiwala ka pero sa huli, pinagtaksilan ka pa rin."

I just smiled at her and never uttered a word. Magsaya ka lang, Felicity. Magsaya lang kayong lahat na kalaban ko. Binitawan na niya ang buhok ko at tumawa uli ako. Nagtataka siyang napatingin ulit sa akin.

"Si Joker ka ba? Lagi kang tumatawa? Siguro baliw ka 'no?"

Napailing-iling ako at ngumiti sa kanya. "You know what? I feel the same for you too. I. Pity. You."

Tumawa siya n a parang loka-loka. "Oh, dear Mavis. Don't pity me at all. Pity yourself. Kawawang-kawawa ka ngayon."

Humahakbang siya sa akin habang tinatanggal ang pagkakaipit ng kanyang buhok; ako naman ay nanghuhusgang nakatingin sa kanya. Nang bumaba na ang kanyang buhok ay kita ang pagbabago ng kanyang mukha. Wala na ang mahiyain na Felicity na kanina naming nakilala. Para siyang ibang tao na nagbalat-kayo para lang malinlang kami.

"Surprise! Are you shocked na ganito talaga ang itsura ko? Nagagandahan ka ba sa akin?"

Bumuntong-hininga ako. "Oo, maganda ka."

"Oh, thank you. Maganda pala ang taste mo sa mga babae, Mavis." Nag-pose pa siya na parang isang model sa harapan ko at nasisilaw ako sa nakikita ko ngayon. 

"Oo, maganda ka, hindi katulad ng ugali mo, mas masahol pa sa isda," dagdag ko at napatigil siya sa pagmomodel niya. 

"Anong sinabi mo?" 

"You have all the looks pero panget ugali mo. Hindi bagay sa mukha mo. Dapat diyan panget din para parehas na ang ugaling panloob mo at ang itsura mo sa labas."

"At ikaw? Mas masahol pa sa isda ang ugali mo. Baka nga itulad pa nga sa pirana. Ay hindi pala. Sa pating pala ihahantulad ang ugali mo. Nagmamasid pero kapag may nakita ng target, tutuklawin." Inirapan niya ako, tumalikod at bumuntong-hininga. "Katulad ng ginawa mo sa bebe ko."

I frowned. "Bebe?"

"Oo, bebe ko," sabi niya. "Ang bebe Flare ko."

I scoffed and laughed that it went on silent mode. "Oh please." Napairap ako. "Bebe mo? Si Flare?" Natawa ulit ako. "Talaga? Gusto ka ba niya?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "So ano gusto mo iparating? Bebe mo siya?"

Umirap ulit ako. "At sinong papatol sa malamig na taong 'yon? At saka, hindi ko 'yon tinuklaw. Dikit nang dikit lang 'yon kaya siya laging nakasabay sa akin."

"Liar. Ginayuma mo ang bebe Flare ko," she said, emphasizing 'bebe'.

Natawa ulit ako. "Okay. Sabi mo eh."

"So inaamin mo that you seduce Flare?"

"Pftt. You're barely far to the point, my dear," panunukso ko sa kanya. Sino ba naman kasing papatol sa malamig na mukhang pagod na sa buhay na Flare na 'yon? "I never seduce nor ginayuma. Wala akong ginawa sa kanya."

"Sinungaling." sabi niya at pumunta sa likod ko. "Siguro may ginawa ka para ma-fall siya sa'yo."

I rolled my eyes. This girl is obsessed with Flare. And our conversation about the agreement is long gone. Ngayon ay ito na lang ang nawi-witness ko, ang pagkabaliw ng isang estudyante dahil sa isang obsession niya. 

What a great scene to behold, I guess.

"Kung ito lang naman ang dahilan mo para ma-entertain mo ako, sana 'di ka na pala nagsayang ng oras. You're wasting your mouth by spouting nonsense."

"Ang sabihin mo naiinggit ka lang dahil mas mahal ko si bebe Flare more than your love for him."

This is getting boring. "Akala ko ba kinidnap mo ako per request ng boss mo? So, the other reason pala kung bakit mo ako kinidnap ay dahil sa pagmamahal mo kay Flare? Eh, kung gano'n lang pala. Kuhang-kuha mo na si Flare, Felicity. Take him so please untie these ropes 'cause it's freaking hurting me."

Lumakad siya sa harap ko at inilapit ang mukha niya sa akin. "And why would I do that? Mang-aagaw." Isang malutong na sampal na naman ang natanggap ko mula sa kanya. "And that's not my only reason here. Dinala kita dito para mapatay kita."

Common schemes of a beginner killer. Should I still play this game? Probably. Wala akong choice kung hindi makilaro sa play na tinayo para sa akin.

I gasped. "So, ako talaga ang biktima dito," sabi ko na may pekeng takot. "Kailangan ko na ba sumigaw? Magpanic? Matakot? Ah, gusto mo ba akong manginig? Ah, tulong! May nangidnap sa'kin dito! Please, help m--"

"Manahimik ka!" sigaw niya at nakaramdam ako ng matalim na bagay na onting dumikit sa aking leeg. "I'll slit your throat if you talk." 

Nandilim ang kanyang tingin na puno ng poot at inggit at ang kanyang labing nakangiti katulad nang nakikita sa isang tao na gustong pumatay. 

I smirked. "Slit my throat then. Let's see kung sino ang mamatay sunod sa gagawin mong galaw," pagbabanta ko sa kanya.

She clicked her tongue and retrieved the knife on my neck. There's a sting I felt on my neck when I just move slightly. Nagalusan pa niya ako, hays.

I read my situation quite well here. Si Felicity ang naatasan na kidnapin ako nang hindi masyadong halata since ang background naman niya sa school na 'to ay Grade 8 kaya maganda siyang gamitin. And to the fact that she has a hidden obsession with Flare. 

Ano bang mayroon sa lalaking 'yon at laging nagugustuhan ng mga babae?

And the mastermind of this act is also addicted to Flare, that's why they want me to be the bait. To lure the man who they have been obsessed with. And to get rid of me with their outmost pleasure, I guess.

"Oh! There's just five minutes left before my baby comes," rinig kong sabi niya at napalingon ako kay Felicity.

"Five minutes? Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Hm?" Humarap siya sa akin nang may ngiti sa labi. "Sino pa ba bebe loves ko, Mav? Pupunta na siya dito! Si Flare!" She chuckled happily. "Ooh~ Papatayin kita kapag nandito na siya. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nakita niya na ang dugo mo ay tumatalsik na habang paunti-unti kang namamatay sa--"

"He will not be happy," I cut her off. 

Napatigil siya sa pagsasalita at nawala ang ngisi sa kanyang labi. Lumapit siya sa akin at nilagay na naman ang kutsilyo sa leeg ko.

"What did you just sa--"

"I said he will not be happy," pag-ulit ko. Masama ang tingin niya sa akin. "Hind siya psychopath, hindi siya mamamatay-tao. Well, I should say na nakapatay na siya but he wouldn't be happy if I will be dead."

"And why would he not?"

"Kasi mas mahal niya ako kaysa sa'yo," sagot ko sa kanya. 

She scoffed. "Quit your daydreaming, Mav."

"At 'wag mo akong tawag-tawagin sa nickname na 'yan." Matalim ang pagkakatitig ko sa kanya. "Kung sino man ang nagbigay sa'yo o kung saang lupalop mo pa nakuha ang nickname na 'yan, wala kang karapatan gamitin 'yan. You're not even my friend."

"So, the great Mavis Sherlia Throver have friends now? Huli yata ako sa balita."

I rolled my eyes for the nth time. "Ang sabihin mo 'di ka updated kasi hindi ka gagalaw hangga't walang utos ang boss mo."

Mas diniinan pa niya ang pagkakalagay ng matalim na parte ng kutsilyo sa leeg ko. "Don't talk further than that o talaga puputulan na kita ng buhay."

My head is tilted up now and I'm looking at her with half-lidded eyes. "I told you, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo."

"Kahit ano pang cause ang mangyayari sa akin, I am satisfied I could kill you with my own hands," sabi niya at ngumiti ng parang demonyo. 

"The cause would be terrible," sabi ko sa kanya ng kalmado. And it really is. For she would be drop dead the second she slit my throat.

"Hindi ako natatakot kaya naman..." Naramdaman ko na ang matalim na parte ng kutsilyo ay mas lalo pang lumalim sa leeg ko. "... do me a favor. Die."

I closed my eyes and I just patiently waiting for my death to come. Praying mentally that, if possible, someone could've barged in this very old classroom with a dramatic entrance.

Boom!

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita na ang pinto na kaninang nakasarado ay naktilapon na ng malayo sa sahig. Pero mas tumuon ang tingin ko sa tatlong taong nakatayo kung saan dapat naroon ang pinto.

"Hi, Mav!" sigaw ni Friar habang kumakaway sa akin. 

"Sabi ko sa'yo huwag kang gagawa ng kahit anong ikakasama sa'yo eh," sabi ni Lucas habang nakasibangot.

"Friar... Lucas..." Ngumiti ako sa kanila. Mukha namang maayos naman ang kalagayan nila maliban sa unting galos na natamo nila at madumi ang kanilang damit. Napatingin naman ako sa taong nakahalukipkip ang mga braso, nakasandal sa jamb ng pintuan at nakatitig siya sa akin ng diretso. "Flare..."

"Babe!" rinig kong sabi ni Felicity at tumakbo palapit kay Flare at niyakap siya. Nagulat sina Lucas at Friar. Napairap ako. This woman really has a nerve. But Flare has no reaction. He stood still there while the woman with the knife hugs him.

"Sino ka?" rinig kong tanong ni Friar habang nakakunot ang noo pero binalewala lang siya ni Felicity.

Si Lucas naman ay dire-diretsong naglakad sa direksyon ko pero agad na nahinto nang mapansin siya ni Felciity at tinutok sa kanya ang kutsilyo.

"Huwag kang hahakbang ng isa pa," banta ni Felicity sa kanya.

Lucas laughed and smirked. "And what? Ibabato mo 'yang kutsilyo mo?" turo niya sa hawak ni Felicity. He scoffed. "Wanna play a death game? Fine. Game ako. I will take one step..." He took one step forward towards me. Parehas na nakataas ang kamay niya sa ere. "... tas subukan mo akong patayin. Game?"

Napa-smirk din si Felicity at tinanggal ang pagkakagapos ng kanyang mga braso sa leeg ni Flare. Ibinato niya kaagad ang kutsilyo papunta kay Lucas. Lucas tilted his head to the right side as he put his hands down and put it in the pockets of his trousers. Hindi siya nag-blink nang makalagpas sa kanya ang kutsilyo.

"Iyon lang ba kaya mo?" panunukso niya rito. 

Nagalit si Felicity at may kinuha mula sa blouse niya. Itinutok niya 'yon kay Lucas at mas lalo pa siyang ngumisi. "This is the end for you so die." She pulled the trigger. There's a loud bang echoed in the room but at the same time, the gun fell down the floor, my hands are untied in a second and someone pulled me by the wrist. 

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ro'n si Flare. Tinignan niya ang ulo ko, mukha, mga braso at paa, pulsohan at damit. Nilagay niya ang pareho na kamay sa magkabila kong pisngi at puwersa akong pinatingin sa kanya. "You alright?"

"Yeah."

Nakita kong nandilim ang paningin niya ng dumako na ang tingin niya sa leeg ko. "No, you're not alright." 

"No, I'm fi--" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang hawakan niya ang sugat at napapikit na lang ako sa sakit.

"See? You're not alright. Stop humbling yourself."  He pulled me up to make me stand up and looked directly at my eyes. "We're gonna kill that girl, got it?"

"Hindi," sagot ko.

He frowned. "Why not? She almost slit your throat."

"Doesn't mean na magde-decide ka na patayin siya," sabi ko at hinampas ang kamay niyang nasa braso ko. "Thanks for the help. You're on the right time."

"What do you mean by that?" He sounds very confused.

"Sasabihin ko sa'yo mamaya." 

I turned my back on him and walked towards the two--Felicity and Friar who is willingly to consider each other as the other's punching bag. But for some expected event, Friar is putting Felicity in a tight situation, holding her arm in the air while locking it with two legs to suppress motions. 

Umupo ako para magkasing-level kami kahit papaano ni Felicity at pekeng naaawa sa kanya. "Oh, dear Felicity. Don't pity me at all. Pity yourself. Kawawang-kawawa ka ngayon."

Sumigaw siya at sinubukang kalmutin ako pero tumayo na ako at tinitingnan siyang masaktan sa mas lalong paghigpit ng hawak sa kanya ni Friar.

Once a pawn is a pawn. It is easily discarded by the player if it is no use for them anymore. And I swallowed the pawn, defeating it with no pieces getting swallowed in my side.

"That's pretty cruel of you, Mavis," sabi ni Lucas nang makalapit siya sa akin.

"Thank you pero sa tingin ko, kailangan nating 'to ipaalam kay Tito," sabi ko at ngumiti sa kanya. "Would you mind?"

Tinaas ni Lucas ang kanyang mga kamay. "Nope. I'll send Tito the message and Fri," lumingon sa kanya si Friar. "Make sure to rope that girl. Baka may kung anong gawin pa 'yang kakaiba."

"Aye aye, captain!" maligayang reply ni Friar habang sumaludo at hinatak si Felicity papunta sa upuang dati kong kinalalagyan.

My phone suddenly vibrated so I took my phone out and looked at the notification. I smirked subtly as I read the message:

"The mastermind agreed." - N-R.

So, the game is temporarily postponed playing, huh? 

I texted my "piece" back for their next move and put my phone back on the pockets of my skirt. Saktong lumapit sa akin si Flare at tinatanong pa rin ako kung ayos ba ang kalagayan ko.

Kung may emotional damage raw, triggered trauma o kahit ano mang makapag-trigger ng malakas na pagpapasakit sa akin. Pero lahat 'yon ay sinabihan ko ng hindi.

"Mavis, are you sure you're--"

"I'm not sugarcoat things out, Flare. At hindi ako gano'n kahina para maatake agad ng damage sa emosyon ko so quit the worry of yours."

Flare sighed. "Fine, I will. But next time, please be aware of your surroundings."

"Ite-take note ko 'yan sa susunod na magkaroon pa ng ganitong senaryo." I looked at him softly and caressed his cheek. "Thank you for saving me."

He leaned in and his cold eyes gave me a soft gaze. "You're welcome, my Hera."

###