Chapter Twenty-Four: Demons Are Red, So are You (Part Two)

Mavis' POV

"Sh*t..."

Napalingon ako kay Flare na ngayon ay nakahawak na sa kanyang noo at tagiliran. Nabitawan ko ang aking arnis at inalalayan siya.

Nabitawan ko ang dalawang arnis at kaagad na lumapit sa kanya. "Sorry, Flare. You alright?"

Tumingin siya sa akin habang iniinda ang sakit. "You think I'm fine?"

I gave an awkward laugh. "Yeah, right."

"F*ck!" mura niya at umigik na naman sa sakit. Nilagay ko ang braso niya sa aking mga balikat at pinilit siyang itayo.

"Sorry pero kailangan kitang dalhin sa clinic ngayon."

I heard him scoffed. Nagtataka naman akong napalingon sa kanya. "How pathetic of me. I didn't use my full power on you because I liked you but you're merciless."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He didn't go easy on me a while ago... Meaning hindi pa 'yon ang full power niya? Just what else this man is hiding except for his deduction skills and his position in being the next heir of a mafia organization?

"At sinong may sabing magpaka-gentleman ka sa'kin nung laban natin? You gave yourself a reason to hurt yourself."

Bumuntong-hininga siya. "I agree, madam."

Ngumiti ako sa kanya at hinatak siya papuntang clinic. "Now, let's go to the clinic. Baka bigla ka pang magkaroon ng amnesia diyan."

"Song thrush, I won't die. I would just have bruises for fuck's sake," sabi niya. "And possibly a few cracked bones in the rib," nakangisi niyang sambit.

Kinurot ko siya sa tagiliran kung saan ko siya tinamaan ng arnis stick kanina. Napa-igik siya sa sakit. "Ayan, ayan! Ang bagay sa'yo, makurot! Huwag mo nga akong lolokohin na mayroon kang sirang buto. Bubugbugin kita."

"Mahal mo naman ata ako so why bother kicked me in my ass?" nakangisi niyang sabi.

Napatigil ako sa sinabi. Mahal? Tumibok ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Mahal ko ba siya?Napailing na lang ako at iwinaksi iyon sa isip ko.

"Don't say any ridiculous things. Friar," tawag ko kay Fri sabay lingon sa kanya. Tumakbo agad siya papunta sa akin. "Dalhin mo si Flare sa clinic."

"Hindi ka sasama?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin.Umiling ako.

"Susunod na lang ako. I will just check out something."

"The shout..." Flare blurted out. Napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami. "You heard it too, don't you?"

Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Friar ng matalim. "Please, Friar. Pumunta na kayo ng clinic."

"For f*ck's sake, Mavis, I won't leave you while this case is not deducted by me!" sigaw ni Flare na um-echo sa buong gym. Pati ang mga kaklase namin at ang sa PE teacher namin ay narinig 'yon.

"Oh, stop that ridiculous nonsense," rinig kong sabi ng isa naming babaeng kaklase. "Kaso? Paano naman magkakakaso sa isang eskwelahan."

Nakita kong umirap si Lucas. "Please, 'di ka ba observant? Even in schools pwede magkaroon ng cases 'no. 'Di ba nagkaroon ng report dito na may namatay dito dati?" mataray niyang sambit.

"Still, it won't make sense that cases just randomly appearing all around the school!"

"That is none of your business, Miss Claire Mantugan," malamig na sabi ni Flare.

"Ha! Akala mo matatakot ako sa'yo, SSC President? Hindi! Tama na ang kalokohan mo! Tama na ang paglalaro mo ng Sherlock Holmes!"

"So, you mean what I'm doing is such a nonsense act? Deducting a case is not simple as a game, miss," malamig niyang sambit.

Napatigil naman si Claire at namutla. "H-Hindi iyon ang ibig sabihin ko," nauutal niyang sambit.

"Then, what else are you referring, miss? I do not receive opinions without credible sources," sabi niya Tumalim ang pagkatingin niya kay Claire. "I've encountered many cases than your fingers could count. I will justify the means and you'll have nothing to do with it."

Tinanggal niya ang kanyang braso sa 'king mga balikat at nag-stretching. Pinisil-pisil niya ang injured niyang tagiliran at inikot-ikot ang kanyang braso bago lumingon sa akin at ngumiti.

"Close your mouth, song thrush, and let's go," aya niya sa akin habang nilahad ang kanyang kamay sa harap ko. Kaagad kong sinara ang nakabukas ko na palang bibig, napatango na lamang at wala ka-anu-anong hinawakan ang kamay niya.

Tumakbo kami palabas ng gymnasium nang bigla kaming napahinto ng may humarang sa amin na isang lalaki na naka-unipormeng pam-P. E. May tumutulong mga pawis sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg at napansin kong may pag-aalala siya sa kanyang mga mata.

"What happened?" Iyon agad ang naitanong ko sa kanya.

Nanginginig ang daliri na itinuro ng lalaki ang kanan habang nakahawak ang isang kamay sa tuhod at hapong-hapo na tila tumakbo siya sa isang marathon.

"S-Science Club... Pangalawang hallway... Gitnang pinto sa kanan," sabi niya habang habol ang hininga. "Tulungan... niyo... kaibigan... ko," dagdag niya at lumingon sa akin bago mahimatay.

Kaagad ko naman siyang nasalo sa bisig ko at inalog-alog siya. "Kuya? Kuya," tawag ko at damping sinampal ng ilang beses sa pisngi pero hindi nito minulat ang kanyang mga mata.

Lumingon ako kay Friar at parang nakuha niya ang punto ko, tumango siya, kinuha sa akin ang lalaki at isinama si Lucas papunta ng clinic.

Napaayos ako ng tayo at tumingin kay Flare na ngayon ay nakatingin sa direksiyon na tinuro kanina ng lalaki. Nakapamulsa na siya ngayon at malamig na ang kanyang aura.

"Mavis, you know the direction, right?"

"Yes," sagot ko.

"Then, lead the way," sabi niya at nagsimulang tumakbo.

Napairap ako. Ako daw mauna pero siya ang unang tumakbo. Psh. Tumakbo ako nang mabilis palampas sa kanya ng maabutan ko siya.

Sinunod ko ang direksiyon na sinabi ng lalaki kanina at nakarating na kami sa harap ng isang pintong nakabukas, na sa loob ay tanging dilim ang makikita sa unang tingin.

May nakalagay na karatula sa taas ng pinto na "Science Club" pero may mga bakas na mga pulang marka ang mga letra nito at ang tanging wala ay ang 'S', 'C' at 'b'.

Kumabog bigla ng mabilis ang puso ko. Huminga ako ng malalim. This feels like deja vu, alright. Science Club... Bakit ba ako laging nakakaenkwentro na may konekta sa club na 'to kahit sa'n man ako magpunta?

Pumasok na kami at bumati kaagad sa amin ang mabahong amoy na tila amoy basura na napabayaan ng matagal.

"Find the switch. I will be going to search for the body," aniya. Tumango naman ako at hinanap ang switch. Dahil madalim, hindi ko kaagad mahanap ang switch.Kinapa-kapa ko pa ang aking mga kamay sa concrete na dingding

Nang makahawak ako ng isang naka-umbok na bagay na tila wala sa ayos ang hugis, sinubukan ko iyong itulak gamit ang aking payat na daliri at nagtagumapy ako. Nagsilaw ng aking paningin ang sobrang liwanag na nagmumula sa binuksan kong ilaw sa kisame.

Pagkalingon ko sa ibaba ay tumambad sa akin ang mga kalat. Mga basag na apparatus, mga upuan at lamesa na wala sa wastong pag-aayos, at isang bagay na may nababalutan ng pulang likido.

Napakunot ang aking noo at lumapit doon ngunit bago pa man ako makalapit doon at natisod ako sa isang matigas na bagay dahilan para matumba ako. Buti ay naitukod ko ang aking mga kamay sa sahig bago pa man masubsob ang buo Kong katawan. Tumayo ako at sana'y papagpagin ang sarili nang nanlalaki ang aking mga mata sa nakita kong pulang likido sa 'king mga kamay.

Napaigtad ako nang biglang May humawak sa paanan ko kaya naman lumingon ako. Napalunok ako at kinabahan ng makita ang isang babaeng magulo ang buhok na halos matakpan na ang mukha nito, naka-uniporme siya ngunit may bakas na iyong dugo. Napansin ko ring mayroong dugo sa buo niyang mukha at nakalata na lang ang tilang bali niyang kaliwang braso. Mukha siyang isang multo na biglaan na lamang susulpot sa kawalan.

"T-Tulungan mo ako," pagmamakaawa niya. Ang kanyang boses ay garalgal kaya hindi ko na maintindihan ang kanyang sunod na sinabi ngunit bago siya mawalan ng ulirat ay narinig ko ang kanyang mga huling kataga. "... Devils are red, so are you. SC.B."

Nawalan na ng lakas ang pagkahawak niya sa paanan ko kaya naman dali-dali ko iyong itinanggal at tiningnan siya na may gulat sa mukha. Nakalantad na ang kanyang kamay sa sahig habang mukha pa ring nanghihingi ng tulong. Nakabuka ang bibig at nakadilat ang mga mata ngunit wala ng buhay ang mga iyon. Maputla na rin ang itsura nito dahil sa kawalan ng dugo.

Napabuntong-hininga ako at lumapit sa babae. Umupo ako at sinarado ang kanyang mga mata. "Rest in peace," bulong ko bago siya ininspeksiyon.

May daplis sa kanang tainga niya pero pagkatingin ko sa kabila ay mayroon siyang hikaw, sa isa'y wala. May malalim siyang sugat sa tagiliran dahil May malaking warak ng damit sa kaliwang gilid ng damit. May bakat din na tila isang pahugis bilog na pulang likido sa dibdib nito. Isang burol na may buong dugo sa uluhan at isang daplis rin sa kanyang pisngi. May posas siya sa kanyang pulsohan at isang matibay at matabang lubid sa bandang paanan.

"I could not find the body of the victim. Maybe we should--" Napatingin ako Kay Flare na natigilan. Nakatingin siya sa babaeng nakahandusay. Lumingon siya sa akin. "Is she..." Tumango ako at tumayo.

"She's dead," anunsyo ko sa kanya at tumingin sa bangkay. "I talked to her a while nang hawakan niya ako sa paa."

"What did she say?"

"Tulungan ko raw siya. At hindi ko na alam ang susunod pa pero may naintindihan ako sa mga huli niyang sinabi. 'Devils are red, so are you. SC.B.' ang sinabi niya," sabi ko. "And also, I noticed, nawawalan siya ng isang earrings sa left ear niya."

"Oh,this?" Hinablot ni Flare sa paketa niya ang isang maliit at kumikinang na bagay.

"Yes! That's it," sabi ko habang tumitingin sa mga nakadikit na pekeng diyamante doon. "Saan mo iyan nakita at nakuha, Flare?"

"Near the messed-up skeleton model." He shrugged. "I just took it because it looks important. I don't know why but my conclusion here is the victim was a girl and neither it is a boy or a girl who killed her."

"Huwag mo akong paikutin, Flare." Matalim ko siyang tinignan. "You speculate something already, don't you?"

Nanlaki ang mga mata niya pero kaagad niya iyon pinikit habang may nakasupil na ngiti sa kanyang labi. "I guess you got me. But I shall not spoil the details. Even on you as well, mi amor." He sighed. "So, care to share your thoughts?"

"I do not have any clue about the rhyme pero sa SC.B. mayroon na."

"Hm? Tell me more."

Kunwari akong nag-isip. "Hm... SC stands for Science and B stands for Biology," sagot ko sa kanya. "But I don't think it is just having something to do with the name of the club. Feeling ko may kinalaman pa ang mga letters na 'yon sa ibang factors."

"What is it?"

"Names," sagot ko. "It has a connection with names or rather, the killer's name. But I'm still not a hundred percent sure. Parang kutob ko may double meaning na ibinibigay ang SC.B. na 'yan."

"No, it is not a double meaning, Mavis," aniya.

Kunot-noo akong napatingin. "You have anything else in mind?"

Tumango siya. "STEM Class Letter B. That's also equivalent to the letters you had given. In their class, their topic is Science for the first semester in first segment was Biology, and I think there's a student that was named with the initials of the given letters as well, but I could not directly say who among them is the student."

"Wow. Magandang impormasyon ang binigay mo ngayon ah."

He smirked. "Of course. I'm called as the Sherlock Holmes of Ferris University for a reason."

Umiling-iling ako. "For now, let's keep those theories in mind."

"I'll agree." Inilahad niya bigla ang kanyang kamay sa akin na ikinapagtaka ko.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"My hand," sagot niya. "Let's go to the canteen."

"Eh? Ano naman ang gagawin natin do'n?"

"We need to consume in order to have energy. You don't want to be de-energized while doing this case, do you? Besides, it would've been pain in the ass for me if I would take you in a bridal style because you fainted in the middle of the case."

Tinaasan ko siya ng kilay. "I thought you liked me?"

"I do but I don't make my special treatment be abused, song thrush. There's a limit."

I laughed and loooked at the body. "Eh, paano ang bangkay?"

"Leave it to the authorities. I'll call the inspector to inspect the student's body and let the death be informed to the student's parents."

"Alright."

"So, shall we?" Inilahad pa niya ulit ng sobrang lapit ang kamay niya sa akin. This man will not give up, isn't he?

Tinanggap ko na lang ang kamay niya at sabay kami na naglakad papuntang canteen. Marespeto siya at hindi niya pinagsiklop ang kamay namin. Habang naglalakad kami, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng babaeng biktima.

'Roses are red, so are you...'

What's the meaning of that rhyme and whom does it referring to?

###