Mavis' POV
The next day came, and a letter has been brought in a golden tray in my room. Apaka-aga-aga mayroong letter agad? Dala-dala iyon ng isang maid at kaagad na rin siyang lumabas nang mailapag niya ang tray sa higaan ko.
Curious I am, I went to open the letter. It is a letter from Tito Ris. Nagtataka ako dahil nandito lang naman si Tito Ris kahapon. Ba't niya pa ako pinadalhan ng letter?
Dear son's beloved Hera,
I wish you are well. There have been a few acquaintances I'm about to meet in London that's why I sent a letter than to walk the message to you personally. I apologize in advance for not informing you.
I could preferably assume you have made a move, but this letter will be given you a warning. Trixie, the girl I've been keeping an eye on, will be your enemy on trial for you to officially be ranked the same as my twins. The twins had received my letters about this sudden event as well. I hope you do well in your trial.
Sincerely,
Cronus
An enemy on trial? So, which means, ngayong araw dinesisyon ni Tito na bigyan ako ng tsansang patunayan ang sarili ko na pwede ako maging parte ng Furrer Mafia?
As soon as I finished reading the letter and put it back on the golden tray, my bedroom's door burst open. There, stood Flare with his blue pajamas. May hawak rin siyang envelope ng kaparehas ng akin.
Ganda naman ng bati niya sa akin sa umaga. Pagpapanic agad.
"Song thrush! Do you receive the message my father gave you?" nagpapanic niyang tanong.
Hindi ko alam kung bakit siya nagpapanic pero mas aayos siguro ang mood niya kung sasagutin ko na lang ang kanyang tanong.
"Oo. Si Trixie daw magiging kalaban ko. Ngayon na ang trial ko," sagot ko.
"Are you okay with doing the trial? Just say so. We could postpone the battle if--"
"Battle?" I cut him off before he could say any convincing suggestions on making me give up. "So, 'di lang pala 'to ordinaryong trial?"
He nodded. "That's why I'm suggesting if--"
"Mavis!"
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko roon si Friar na tumatakbo. Nakapasok na siya sa loob ng kuwarto ko at pansin ko rin ang hawak niyang envelope.
"Uy, uy, Mav! Kakabasa ko lang ng bigay na letter ni Dad! Trots ba? You received a trial?! Oh my gosh! Congratulations!" natutuwa niyang sabi. "Kailangan na nating maihanda ka para sa battle mo." Kumikinang pa ang mga mata niya habang sinasabi 'yon.
"Wait. Sister, you can't just force song thrush to--"
"Oh, nandiyan ka pala, my brother mine," komento ni Friar nang makita si Flare. She's wearing the same pajamas as Flare pero pink version naman. "Huwag mo ngang i-suggest na mag-back out si Mav. Keribels niya ang kalabanin si Trixie."
"I don't know what the term you're speaking but I suggest she should back out," ani Flare at humalukipkip. "I'm worried."
"Worried about what? Na masugatan siya? Na mapuruhan siya? O sadyang ayaw mo lang siyang mawala?"
"I'm pertaining about if she will be alive at the end," sagot ni Flare. "Do you want her to die?"
"No," sagot agad ni Friar. "Pero it doesn't mean na ikaw magde-decide if lalaban siya o hindi. Besides, Father told us to prepare for it. Wala siyang binigyan na instruction na pwedeng mag-back out si Mav o si Trixie sa laban. You know the rules when it comes to these trials. Walang uurong dito."
Hindi ko alam kung sinong tama pero para sa akin, may punto ang sinabi ni Friar. If their mafia has rules during these trials, mas makakabuti if "go with the flow" ka na lang sa ibinigay sa'yo. If I were to think about the rules in these types of trials, there is a chance na mayroong kaakibat na compensations. If you don't go with the flow on these trials, there will be a punishment.
"At sa tingin ko aware si Mav sa mga rules dito sa Furrer Mafia." Tumingin sa'kin si Friar at ngumiti. "Right, Mav?"
Napabuntong-hininga ako. "Sinabi na ni Tito Ris na lalaban ako so lalaban ako. 'Yon lang ang susundin ko."
"Oh, 'di ba?! Sabi sa'yo eh, Flare!" natutuwang sabi ni Friar at pumalakpak pa dahil nanalasyo sa argumento nilang dalawa.
I'm aware of Flare's feelings about this trial. I'm a teenage girl. I'm not use to mafia's daily training, nor have I ever been fought with one. Mukha akong mahina base na rin sa katawan ko. Pero hindi naman ako lampa. May lakas pa rin ako.
Narinig kong bumuntong-hininga si Flare at tumingin sa akin. "If that's your decision, it stays as it is," sabi niya.
Lumabas na si Friar nang may sobrang lawak na ngiti sa labi habang si Flare naiwan sa kuwarto ko. May namamayaning katahimikan sa'ming dalawa. Wala namang awkwardness pero apakaingay ng katahimikan. Sa sobrang ingay, tanging paghinga ko lang ang naririnig ko.
"Mavis," rinig kong tawag niya sa pangalan ko.
Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Kitang-kita ko pa rin ang pag-aalala niya sa kanyang mga mata at ang kagustuhan ng reassurance.
"Are you sure you want to have the trial with Trixie?" tanong niya.
"I told you. If that's what Tito Ris wants as what he told me in the letter, I will--"
"No, I'm not talking about what my Father wanted you to do. I'm talking about yours."
"I do," sagot ko habang nakatitig sa kanya. "Hindi ako napipilitan. I wanted to be official in this mafia. Ayokong mabigyan ka uli ng kahit anong masamang salita ni Throne. And I don't want you and Friar to be compared by others just because of the stupid hierarchy you're having in Furrer Mafia."
He sighed and smiled. "Well then. That's the answer I'm seeking." Tumingin siya sa akin. "I'll prepare the gears and all for you. Go to the gymnasium and straight to the boy's locker room. I'll get you prepared in there."
Umalis siya nang wala man lang paghihintay sa magiging komento ko. Napatingin uli ako sa letter. It is too sudden to have me on trial. Ito na nga ba ang sinasabi nilang "desperate measures"? Masyado na bang gano'n kalala ang paggalawa ng Castell Organization para patayin ako para maging ganto agad ang desisyon ni Tito Ris?
Whatever the case, it means all is moving forward. Gumagalaw na dapat ang dapat gumagalaw. And I must, as well, do my part.
Unknown's POV
"You need to defeat Mavis."
"What? Why me?"
Napabuntong-hininga ako. "Ikaw ang sinalang, Trixie. You have no choice but to fight."
"Hindi mo ako mapipilit, Taurus!" singhal niya na may galit sa mga mata.
Napabuntong-hininga ako. Nauubos na ang pasensya ko. "Trixie, that's the Master's order. Kailangan mong makipaglaban."
"Master's orders my ass! I never want to be here in the first place at pinilit niyo lang ako maiging kasapi niyo just because you are targeting someone!"
"Malapit nang maubos ang pasensya ko, Trixie. Ano ba ang gusto mo? Mamatay sa kamay ni Mavis o mamatay sa kamay ng Master?"
Namutla siya bigla. "M-Mamamatay... ako?"
"If you kill Mavis, then you will survive and leave this place at once. Mabibigyan ka pa ng reward. If not, you are really dead. Mavis is strong pero kakayanin mo siya. In means of physical strength, you have the advantage. But I'm warning you again, don't make her really mad. You're going to put your life much over the line of death if you did that.
"Kuya..."
Napabuntong-hininga ako. "Lil' sis, you became precious to me but I'm sorry to tell you this. Hindi kita matutulungan ngayon." Malungkot akong napangiti sa kanya. "Your life is the risk of the Castell Organization. Kung makapasa ka sa misyon mo o hindi, wala ng pakialam ang mga ka-organisasyon natin. You know the consequences."
Napabuntong-hininga siya. "I know," sabi niya. "Anong oras ba ang laban ko?" tanong niya.
"At 10. Sharp," sabi ko.
She is not actually my sister. Matagal na siya sa organisasyon kaya ko siya tinatawag na little sis. My real sister is still alive and well, away from this nasty side of the world.
"If you did not make your promise real, ikaw ang papatayin ko," pagbanta niya sa akin at umalis na sa harap ko.
Napaupo ako sa sofa at tinitigan ang apoy na nagbabaga sa nakasinding kandila sa loob ng madilim na kuwarto.Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang usok ng apoy na umaakyat pataas nang pataas nang pataas hanggang sa naglalaho iyon kasabay ng hangin na humahalik sa 'king pisngi.
Good luck, Trixie and I'm sorry, Mavis.
Mavis' POV
Binigyan ako ng message ni Flare na dumiretso muna raw ako sa kusina bago kami pupunta sa gymnasium. Hindi na ako nagtanong sa kanya kung anong purpose nang pagpunta ko sa kusina bago kami maghanda pero as soon na makapunta ako do'n, parang gusto ko na agad na umalis.
"Ate Mav!" Naroon si Light na nakataas sa ere ng sobrang taas ang kanyang kamay habang malawak ang pagkakangiti ng kanyang labi.
Katabi niya si Tyrone na pansin kong umiinom ng alak umagang-umaga. Nakatitig siya sa akin. Naroon din si Throne na may hawak ding baso na may lamang alak. These two brothers really are drunkards even in the morning.
"Hey there, beautiful." Napatingin naman ako sa gilid kung saan do'n ko naman nakita si Kuya Xel na naka-lean in ang likod sa counter, nakahalukipkip, nakangiti at nag-wink sa akin. "Hindi ko alam na pupunta ka pala dito."
"Oh shut the f*ck up, Xel," ani ni Tyrone at uminom sa kanyang baso ng alak.
"Ha?! 'Wag ka nga mangialam! At hindi Xel kung hindi 'Kuya'! Kuya Xel!" pagkokorekta niya dito.
"Whatever, Kuya," sabi ni Tyrone habang nanunuksong ngumisi rito.
"So, I guess everyone's here." Napatingin ako sa gilid ni Kuya Xel at nakita si Ate Ren na papalapit sa amin. Ngumiti siya sa akin at kumaway. "Hi there, Mavis."
Kumaway ako pabalik kay Ate Ren at ngumiti. "Hi."
"Ouch naman 'don, beautiful Mavis. 'Di mo man lang ako binati ng gano'n oh," reklamo ni Kuya Xel.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at umupo sa tabi ni Throne. Iyon lang naman ang nakikita kong bakante na upuan. Kung uupo man ako sa pinaka-dulong dulo na upuan, ma-a-out of place naman ako.
"Tch."
Narinig ko ang pagtilamsik ng bibig ni Throne. Uminom siya sa kanyang baso ng alak matapos niyang gawin ang maliit na ekspresyon na 'yon. Wala naman akong paki kung galit pa siya sa akin. Hindi ko rin naman makokontrol ang kung ano mang emosyon niya ngayon tungkol sa akin. Basta ako, nakaupo lang ako sa tabi niya at nananahimik.
"Ah, nandito pala kayo." Napataas ako ng tingin at nakita si Lucas at Friar na naglalakad patungo sa amin. "Inimbita rin pala kayo ni Flare. Akala ko kami lang. May iba pa bang sinabi si Flare sa inyo?" tanong ni Friar.
"Sir Zeus just sent us the same message. To come here," sagot ni Yna.
"Sa 'kin rin gano'n eh. Nagulat nga ako nag message siya," ani Void.
"Same as mine," ani Tyrone.
"Ooh, ooh! Ako rin, ako rin! Gano'n din sabi sa akin ni Kuya Flare! 'Yon nga lang, bibigyan niya raw ako ng bagong baril kapag pumunta ako!" maligayang sambit ni Light habang kumikislap ang mga mata niya.
"He told me that he will give me the latest computer set and other electronic-related things I needed if I were to be here," sagot ni Throne.
Medyo nagulat ako na nakumbinsi siya ni Flare na pumunta dito dahil sa simpleng offer na 'yon. Well, I guess money really has the advantage to pull somebody even if they don't want to.
"Wala naman siyang binigyan na ibang conditions sa akin," sabi ni Liz.
"Same here," sabi ni Ate Ren at tinuro rin si Kuya Xel. "And for him."
"Wala rin sa akin ibinigay na conditions si Flare," sagot ko.
"Well, you don't really need anything from him to convince you since you're going to oblige his order anyway, because he's your Master," komento ni Throne.
I will pretend I didn't hear that from him.
I saw him flinched beside me and I glanced towards Liz who has a quite a bad mood while glaring. I supposed it isn't to me who she is glaring but at the person beside me.
"So, I guess all of you are here."
Napatingin kaming lahat sa bagong dati. Si Flare 'yon na nakasuot na ng puting T-shirt at black slacks. Pambahay na pambahay ang dating.
"So, ano ang gusto mong sabihin sa amin? I wanted to get out of here as soon as possible. There are some things worth my time than this," komento agad ni Throne.
"I'll get straight to the point. There will be a trial for today and Mavis is the competitor," anunsyo ni Flare sa lahat. Nanlaki ang mga mata ng lahat. "I received a message from Father. It seems like Trixie will be her opponent."
"Looks like I could say good luck to you then, future queen," sarkastikong sambit ni Throne sa akin nang may nakakainis na nanunuksong ngiti.
"Salamat ah," reply ko rin ng may sarkasmo.
"Ooh~ Lalaban si Ate Mavis? Gusto ko makita! Gusto ko makita!" excited na sambit ni Light. "Pero... 'Di ba si Trixie 'yong bagong pumasok na miyembro sa team ni Kuya Ruxinaire? Balita ko malakas 'yon eh..." Halata ko ang pag-aala ni Twilight.
"Mavis could do it, sweetie," sabi ni Ate Ren sa kanya. "It does not seem like that Trixie is the only one who's strong. Right, dear?" Tumingin siya sa akin pagkasabi niya ng "dear".
Tumango na lang ako bilang sagot. Wala rin naman akong masasabi. Ayoko rin namang ipagmayabang na malakas ako. I'm not that strong. Just enough para maka-survive lang ako. Iyon lang ang lakas na mayroon ako.
"Sa tingin ko, hindi mo lang naman kami tinawag dito para maibalita lang 'to, 'di ba? What else is in there, Sir Zeus?" Ngayon ko lang nakitang seryosong nagsalita si Kuya Xel.
"Yeah. I could feel there's something more you wanted to tell us," sabi ni Void.
Flare closed his eyes. "I want to put tasks for you, guys." Tumingin siya sa amin isa-isa. "I will repeat what Father tasked us. Throne and Tyrone," tawag niya sa dalawang magkapatid. "Track Castell Organization's secret website. I heard it'll be the most useful material for us when we make plans on defeating them."
"Well, that's interesting. Tito never gave us that order," sambit ni Throne at ngumisi. "That's quite exciting to hack. Right, Tyrone?"
Ngumisi rin si Tyrone at humalukipkip. "Isang madaliang task lang 'yan. Huwag kang mag-alala, Flare. We'll send you the hacked links right away."
Tumango si Flare at tumingin kay Void at Yna. "You two, I want you to search the equipment room."
Kumunot ang noo ni Void. "Equipment room? Do'n natin nilalagay ang weapons natin so bakit--" Biglang umawang ang labi ni Void at kaagad niya 'yong isinara. Tumango siya kay Flare. "Never mind. I got it," seryoso niyang sabi.
Tumango si Flare sa kanya at tumingin siya kina Ate Ren at Kuya Xel. "And Kuya Xel and Ate Ren, you should--" Huminto si Flare at bumuntong-hininga. "Well, I guess you know what task you're going to make."
"Mayroon ng results ang paghahanap namin and Tito Ris is right. It's positive. Some of the medicines, I mean," reply ni Ate Ren.
Tumango si Kuya Xel. "Several of them has been opened. Chineck namin ang listahan ng mga gamot and we found that our mafia ordered the medicines but not the contents. On purpose nilang pinalitan."
"Good thing we have progress and Light?"
Tumayo ng diretso si Light. "Yes, Kuya?"
Flare's eyes soften. "Did you do what Father told you to do?" mahinahon niyang tanong.
Tumango-tango si Light. "Oum. Nagawa kong mabuti!" maligaya niyang sambit.
Flare smiled at her. "Good. Now then..." Lumingin si Flare kina Lucas at Friar. "I guess you have something to discuss on us."
Alam ni Flare na malaki ang parte nina Friar at Lucas sa plano. Sila ang umaksyon bago pa magsimula ang lahat. Ngayon namin malalaman kung anong mga impormasyon ang nakuha nila.
"Nakausap ko si Trixie," paninimula ni Lucas. "Well, I kind of have no luck on pushing her on telling me kung ano talaga ang binabalak niya. Pero alam ko ang isang bagay: na nagsisinungaling siya. She is too much in-denial about what I asked her. 'Isa ka bang traydor?' She flinched. 'May kinalaman ka ba sa kalaban natin ngayon?' She gave me silence treatment for too long. 'May target ka ba sa mafia namin?' Sabi niya ano ba raw paki ko if meron o wala. And that heightened the suspicions. Dine-deny niya na attacker siya ni Mavis pero nainis siya nang tinanong ko if meron siyang target dito. It doesn't make any sense. Parang sinasabi niya na gusto niya magtago, at the same time ayaw niya magtago. She's a weirdo, really."
"At ano pa nakalap mo maliban do'n?" tanong ni Tyrone na mukhang intrigang-itriga sa impormasyon.
"Well, nakipag-usap ako sa ibang minor reapers tungkol kay Trixie. Most of them said she's really brutal. Kahit na pinagbabawalan siya ni Ruxinaire, wala pa rin siyang tigil. She has only been in the Furrer Mafia for a few days and yet, naghahasik na siya ng lagim sa grupo."
"Apaka-accurate nga ng sinabi mo," sabi ni Ate Ren habang nag-iisip. "Actually, ang daming napuntang kasamahan natin sa clinic namin dahil daw may na dislocate na buto, nabalian, o may maraming sugat o pasa sa katawan. Mayroon pa ngang muntikan mawalan ng buhay eh." And she said that with a casual tone.
So, that's the level of brutality that woman have. I wonder if makaka-survive nga ako sa gano'ng klaseng tao.
"P-Pero sure naman ako, mananalo si Ate Mavis!" sabi ni Light.
"Don't be too confident, Light," Tyrone said.
"Huh? Bakit naman, Ty? Ate Mav is a strong woman. Kaya niyang patumbahin ang kalaban niya ng isang suntok. Woosh!"
I gave an awkward laugh. Mukhang sobrang taas yata ang tingin sa akin ni Light. She describes me with exaggeration.
"Tama si Tyrone, Light. 'Wag mo masyadong i-toss ang bet mo na mananalo si Mavis. I heard Trixie is good at combat. Ebidensya na ang mga taong napapunta niya sa clinic nina Ate Ren," said Liz.
"Not just combat but also from attacking and defensing. Weapons are like her friend. She could kill thousands with just one slash," said Throne. Wow, that's also a form of exaggeration there I may say. "Pero, hindi naman basta-basta rin mapapatalsik ang future queen natin kung may tinatago siyang alas."
He stared at me for a good few minutes. Pansin ko na ang tingin niya ay may pinangangahulugan sa akin na may alam siya sa akin na hindi ko maitatago sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin kapagkuwan. Ba't siya gano'n makatingin sa akin?
"Ayoko na sa babaeng 'yon. Papatayin niya si Ate Mavis." She pouted and crossed her arms childishly. "I hate her right now."
"But it doesn't seem to look like Mavis would die, baby," said Tyrone.
Medyo nakakagulat na tinatawag niya si Light na baby pero siguro dahil nga sa rules na Master-Assistant nila dito, baka may ground rules sila na inilaan para lang sa kanila.
"Hindi mamamatay si Ate Mavis?" Twilight's eyes is searching for a hopeful answer. "Talaga? Hindi siya mamamatay, Ty?"
Tyrone sighed and waved his hand to urge Twilight to come at him. Pumunta sa kanya naman si Twilight. Niyakap niya ito at yumakap din ang mga braso ni Light sa gitnang bahagi ng katawan niya.
"She will be okay. Okay? She will live. Mavis will live," he said to her with assurance. Tumingin sa akin si Tyrone and his eyes gave me a meaningful look.
I nodded at him in response. He smiled at me and mouthed 'thank you' before comforting Light again, caressing her hair and giving reassuring words at her.
I could agree I will survive the trial, but I could not assure that I will be a hundred percent win na walang galos o masaktan man. I only have high tolerance in pain but doesn't mean it actually not hurting me. And the possibility of me getting stab during battle is a fair enough play for someone na target ako. If ever na ang Trixie na 'yon ang galing Castell Organization attacker ko.
"So, are we done yet? Kung nagsasayang lang tayo ng oras dito, aalis na ako." Tumayo si Throne at umalis na sa kusina. Sumunod sa kanya si Liz.
Nagpaalam na rin ang iba. Inaya na rin ako ni Flare na pumuntang gymnasium. Pinaupo niya ako sa isang mahabang metal bench na naroon. Nandoon din ang aking gym bag na sa tingin ko ipinahanda niya sa mga katulong.
"So, how does it feel like to be a person going on a trial?" tanong niya habang umupo siya sa tabi ko.
Napabuntong-hininga ako. "I guess it doesn't feel like I'm getting nervous or something. Parang wala lang sa akin ang lahat ng mangyayari ngayong araw."
"Pretty brave, ei?" tukso niya at natawa naman ako. "Be careful," seryoso niyang sabi bigla. Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Be careful to her, Mavis."
"Hindi, Flare. Hindi ako dapat ang mag-ingat sa kanya. Dapat siya ang mag-ingat sa akin."
He rolled his eyes. "You're too confident on yourself. You know this is a mafia, right? The members are more--" Napahinto siya at bigla siyang napailing. "No, I was wrong. I always forgot you're more experience than us. Than me."
Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko ipinagmamayabang ang kakayahan ko sa kanila pero aware na aware ang lahat ng High Reapers, lalong-lalo na ang dalawang kambal, tungkol sa past ko at sa mga nagawa ko na noon. Hindi ako beginner. At sa tingin ko, na-realize 'yon ni Flare ngayon.
"Don't mind me. I will go easy on her," sabi ko.
Suddenly, someone came out of the boy's locker room and came rushing to us with quick feet. Huminto siya sa harap namin at direktang tumingin kay Flare.
"Sir, you're here. I am just about to tell you na nahanap ko na ang gear niyo na gagamitin ni Miss--" Bigla siyang napahinto nang mapatingin ang mga mata niya sa akin. "Lia," pagpapatuloy niya. "Miss Lia! What are you doing here?!" gulat niyang tanong.
I waved my hand at him. "Hi," bati ko sa kanya.
"Balita ko lalaban ka raw," sabi ni Ruxinaire at nag-wink sa akin. "Good luck, bestie."
Nag-wink ako pabalik sa kanya. "Will do, Rux."
"Guess I became the third party here. Shall I leave?"
Napatingin kaming dalawa ni Rux kay Flare. I flinched. Oo nga pala, nandito pa pala siya kasama namin.
"N-N-No! Of course not, Sir Zeus," kaagad na sagot ni Rux at pekeng umubo. "Well then, I am just about to inform you that the gear is ready in the locker room, sir. Miss Lia could change now."
"Thank you, Ruxinaire. You may leave now," malamig na sambit ni Flare.
Tumango si Ruxinaire at nag-bow bago umalis ng gymnasium. Nang mawala na ng tuluyan si Ruxinaire sa paningin ko, lumingon ako kay Flare at parang medyo kinabahan nang makita na wala siya sa mood na makipaglokohan.
Ramdam ko ang sobrang lamig na aura niya. 'Yong akala mo galing North Pole ang lamig. Kasabay no'n parang nasapian ata siya ng demonyo. Sobrang talim ng tingin sa akin nang mapalingon siya sa'kin eh.
"Is your bodyguard your type?" tanong niya bigla.
He's referring Ruxinaire as my bodyguard. Kumunot ang aking noo. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Does that man is the ideal type for you? Ang gusto mong lalaki? The one you want to have as your date. Your lover. Or perhaps, a partner for a lifetime?"
Wait, this is a familiar feeling for me. Mayroon na akong nabasang mga romance books and most of them tend to have cliché dialogues like this. Is this one of the cli·ché moments that tend to have a "boom" effect on a character's relationship on their future lover? Hindi ko inaasahan ang ganito na mangyayari sa buhay ko.
"Are you, perhaps, jealous?" tanong ko sa kanya.
He looked away. "No," reply niya.
I smiled mischeviously. So, he is. "Nagseselos ka nga," sabi ko.
"I'm not," naiinis niyang sabi.
"Okay," reply ko sa kanya. "So, what if sinabi ko na ideal type ko nga si Ruxinaire? I wonder kung ano ang reaksyon na maibibigay mo s--"
Bago ko pa man maituloy ang panunukso ko, bigla niya akong hinatak at niyakap patalikod. I was stunned by the sudden action. Hindi ko maproseso ang pangyayari.
H-H-H-Huh? B-Bakit niya ako niyakap?
Napayuko ako at naramdaman kong namula ang aking pisngi sa kahihiyan. Napalunok ako sa kaba.
What is this damn situation?!
"Song thrush, please. Don't make things worse for me. I love you and please make me the only person you accept on loving you. Not anyone else but only me," bulong niya sa akin.
Bawat paglabas ng salita sa bibig niya, ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Para akong ninanakawan ng hininga sa sobrang lapit niya sa akin.
And he is begging for me. The Flare Furrer is begging! Gosh! Anong romance drama ang napasukan ko at anong nakain ng lalaking yelo na 'to para magkaganito siya sa akin?!
"H-Hindi ko naman talaga ideal type si Rux eh," hindi ko mapigilang sabihin sa kanya.
Napalingon ako sa gilid. Nakapikit siya at nakalagay ang baba niya sa balikat ko; nakabaon ang mukha malapit sa leeg ko. Napaiwas agad ako ng tingin sa nakakahiyang mukha niya.
He looks pretty cute in that position. Like a cute little baby.
"A-At saka, wala naman sa aking gusto si Ruxinaire so 'wag kang magselos do'n."
Hindi ko alam kung bakit dinedepensahan ko ang sarili ko at si Rux sa lalaking ito. Sobra ba naman kasi kung magselos, akala mo naman magjowa na kami.
"Why you admit it so early?" Ramdam ko ang pag-ngiti ni Flare sa aking leeg. Oh, no. This is bad. Kumakabog ng mabilis ang puso ko sa ginawa niya. "You're weak to me, Mavis."
And that done it. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya; masama ang tingin na iginawad ko kapagkuwan.
"Hindi ako weak sa'yo 'no," sabi ko sa kanya at nag-middle finger dito.
"You're a bad girl, song thrush." I was surprised when his voice is low and deep so suddenly. Nanayo lahat ng balahibo ko nang lumapit siya lalo sa akin. "Tell me, song thrush..." Ang lapit na ng mukha niya ngayon sa akin at halos ramdam ko na ang paghinga niya sa 'king labi. "...do you still not like me?"
Napalunok ako at kaagad umiwas ng tingin. Shit, this is bad. Mukha yatang magkaka-heart attack sa sobrang hot ngayon ng boses niya.
I also caught his scent as well. It smelss like mint, wood, and manly with a little bit of sweetness.
Lumayo ako ng onti sa kanya at kunwaring napaubo. "S-Sa oras na 'to, sana b-bigyan mo muna ng pansin ang laban," pag-re-remind ko sa kanya.
"Right."
Narinig ko ang pabuntong-hininga niya. Pangurado nasa isip niya na gusto pa niyang lumandi sa akin para maka da-moves siya pero nasa isip niya rin na valid ang binigay kong rason sa kanya para tumigil siya sa panlalandi niya.
Tumayo na siya at inaya akong sumunod sa kanya. Pumasok kami ng boy's locker room. Before everyone would think that he would suddenly push me in the wall and kiss me feverishly and there would be litte loving moments after, 'wag kayong umasa.
Pumasok kami sa boy's locker room, isinara niya ang pinto at kaagad na ipinasuot sa akin ni Flare ang kanyang gear. Iyon ang aming ginawa. Nothing else, nothing less and nothing more.
"Hm, my gear looks good on you." Ngumisi siya. "It fits very well. Hindi na kailangan ng adjustments."
Inangat ko ang mga braso ko para ma-try ang weight ng gear at sinubukang maglakad. "Hindi naman siya mabigat." Napansin ko ang tag na nakatahi sa gilid ng gear. Flr. Consonants ng first name ni Flare. This proved that this gear was his. "Nakakagulat naman. Ang gaan para sa isang gear 'to, Flare."
Nakita ko siyang parang biglang natulos sa kinatatayuan niya. "It's light?" tanong niya.
Kunot-noo akong napatingin sa kanya. "Uh, oo? Bakit?"
"That's the heaviest gear we had here," sagot niya. Napanganga ako sa sinabi niya. He shooked his head in disbelief. "I can't believe you called my 8-year-old gear light."
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. "8? So... 10 ka nung una mo 'tong sinuot?" He nodded. "Ganitong kalaking gear para sa isang ten years old?!"
He nodded again. "Yes."
How crazy Tito Ris was! To think binigyan niya ang kanyang sampung taong gulang na anak nang ganitong kabigat na gear!
"You don't believe me?" tanong niya. "I have proofs if you want to have o--"
"Nope. No, thank you. Naniniwala ako. Yabang mo naman. Nakayanan mo ang ganito nung maliit ka."
"Why? You never experienced to wear a heavy gear before?"
"I did pero siguro mas mabigat pa rito," sagot ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
"Seriously?" Halatang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Oo."
"You even said that in a casual tone. Seriously, Mavis. How strong are you?"
Napatitig ako sa kanya. How strong am I? Iniisip ko ri nga kung gaano ako kalakas. I am not boastful on my strength to others, but I am also aware I have more experienced in combat and strength than others.
I shrugged. "Dunno. Maybe a little bit?"
"I don't buy lies, song thrush. I know your strength is not little. It's more. You're hiding something."
Napabuntong-hininga ako. "I swear my strength is not that promising to see, Flare."
"I'm aware." Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang niyakap niya ako. "Just take it easy, song thrush. I won't stop your battle. I won't stop you. Just, be careful."
Pangatlong beses na niya sinabi 'yon sa akin Be careful, he always told me. Napabuntong-hininga ako at niyakap rin siya pabalik. Tahimik kaming magkayakap ng ilang minuto sa locker room; pinapakiramdaman lang ang isa't isa. Walang ginagawa kung hindi pakinggan ang mga tibok ng puso namin.
I wonder how long this gonna last. His affection to me and the undeniable feeling that slowly building up inside me.
###