Epilogue

Ang saya ko ngayong araw nahalikan ko nanaman kasi kanina ang magiging future wife ko. Ang sarap talaga nang labi nito nakakaadik di ata ako magsasawa na halikana ito araw araw. Sigurado ako nasa private office niya siya tatambay sakto may two hours break kasi ito bago magtuturo ulit sa next class nito. Dahil mahaba haba pa ang oras ay napili ko nalang tumambay sa may garden sariwa kasi ang hangin dito at maganda ang tanawin.

Nandito ako ngayon sa isang bench nakaupo nagpapahangin lang medjo Hindi kasi maganda yong pakiramdam ko. Ito namang grupo nang kababaihan na katabi lang ng inuupuan ko ang inggay nila. Nahahalata mo pa sa pinagchichismisan nila na kinikilig ito dahil narin Panay hampas at parang kiti-kiti na di mapakali sa inuupuan nila. Dahil na curious ako nakisagap nadin ako nang palita Mula dilo lihim lang akong nakikinig sa usapan Nila nang hindi sinasadyang nabanggit sa usapan ang pangalan Ng babaeng mahal na mahal ko.

"Best! Alam mo ba kinikilig parin ako? Ang gwapo ng ex ni miss. Smith bagay na bagay sila mukhang may comeback pa. Ang sweet kasi nila magkahawak kamay at masayang pumasok pa ito sa office ni miss nakakakilig talaga mapapa sana all ka nalang. nang marinig ko ito ay agad na tumakbo papunta Ng private office niya.

Kinakabahan ako ang bilis nang tibok ko na para bang pinapahiwatig na may di magandang magaganap. Andito nako sa labas ng office kahit nanginginig ang kamay ay pinilit ko paring buksan ang pinto. Nasana hindi ko nalang ginawa parang may biglang sumagasa sa puso ko dahilan para ito ay mawasak at mag pira piraso ang sakit lang nakita ang taong mahal mo na nanghahalikan at parang gagawa pa sana nang milagro kong hindi lang ako dumating.

Kahit parang gustong bumigay nang tuhod ko dahil sa nasaksihan pati ang luha kong kanina pa pumapatak ay nagawa ko paring tumakbo nang mabilis na di lumilingon kahit Panay pa tawag nito sa pangalan ko.

Hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa may park. Napaupo nalang ako sa ilalim nang Isang puno at palihim na umiiyak.Ang sakit sakit pinaasa lang Niya ako sa wala akala ko may nararamdaman din ito sakin pero mali pala puro kasinungalingan lang ang pinaparamdam Niya na mahalaga din Ako.

Ang tanga Tanga ko alam ko naman na dati pa wala na akong pag-asa dito sadyang makulit lang ang puso ko at ayaw makinig sa kanya sa huli ako parin ang talo at luhaan.

Ipinangako ko sa sarili ko ito na yong huling na magiging marupok ako sa kanaya. Mag momove-on nako at kakalimutan tong nararamdaman ko sa kanya isang buwan nadin naman at magtatapos nako sa pag-aaral. Sigurado akong tuluyan kona siyang makakalimutan at hindi na ulit pa magkikita ang landas naming dalawa kasi uuwi nako samin.