Chapter 3

Kris

Nagising ako dahil sa tunog nang alarm clock ko. Nakasanayan ko kasing gumising nang maaga para mag jogging alam niyo na pangkondisyon nang katawan. Agad nako bumangon at pumunta ng cr para maghilamos at toothbrush para naman magmukha akong pogi. Habang mag jogging atleast di maturn off ang chicks. Tamang nike black jogging pants,

nike black t-shirt, nike black running shoes at syempre ang aking mahiwagang cp at headset. Sinipat sipat ko muna ang sarili ko sa harap nang salamin nang okay na. Agad nako bumaba nang hagdan at nagmamadaling lumabas nang bahay.Nag start nako mag jogging habang nakikinig ng paborito kong music. Tumitingin din ako sa paligid nasa subdivision pala kami nakatira kaya malalaki din ung bahay nang kapitbahay namin. Almost 1 hour nadin akong tumatakbo at tamang tama may nakita akong park sa unahan lang kaya don nalang Ako magpapahinga.

Malapit nako sa may park nang may nakita akong husky na aso base sa itsura nito mukhang nakatakas may tali pa kasi ito. Papalapit ako dito nang bigla nalang itong tumakbo sakin at dinamba ako para magpakarga lang pala akala ko kakagatin nako nito. Ni rub ko naman ung belly nito ang cute kasi nong aso sino kaya may ari nito for sure pinaghahanap nato.

Tinignan ko yong collar nito kaso walang pangalan na nakalagay. Ang cute panaman black and white kasi kulay ang nito. Kinuha ko nalang ang tali mukhang wala naman kasing may ari isasama ko nalang papuntang park.

Grabe parang nagsisi tuloy ako na kinuha ko ung aso ang likot likot kasi panay pa hila sakin kahit saan. Nandito ako sa lilim nang malaking puno tinali ko muna yong aso napagod ako kakahila nito sakin.Pagtingin ko sa oras 6am na pala need kona umuwi sa bahay. Tinignan ko naman yong aso kawawa naman kong iiwanan ko nalang dito dadalhin ko nalang muna sa bahay. Tumayo nako at akmang tatanggalin yong tali nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Baby" para akong napako sa kinatatayuan ko. Wala naman akong girlfriend ha sa pagkaka alala ko lang naman. Nasagot Ang tanong ko nang nilampasan ako nito at niyakap ang aso na panay tahol at kaway nang buntot.

" Baby, san kaba kasi nagpupunta? Panay tuloy iyak ni Kian kasi bigla ka nalang nawala". Hay ang ganda na Sana nang boses kaso para namang baliw kong kausapin ung aso kala naman sasagot sa kanya.

Nang natanggal na nito ang tali agad na umalis kasama ung aso ni hindi manlang nag thank you. Ni hindi nga lumingon para kahit papano makita ko yong mukha. Pero sure ako na maganda at sexy siya tapos ang bango pa amoy vanilla.

Pinagsawalang bahala ko nalang ang nasa isip ko at nag jogging ulit pauwi nang bahay.

Linggo ngayon kaya dapat na magsimba ako para makapagpasalamat naman kay lord.

Kaya naman nandito ako sa loob nang simbahan at nagdadasal. Na sana pagtagpuin nakami nang ka forever ko para naman masabi kona yong katagang till death so as part. Hahahhahhaha pero syempre joke lang yon. Ang gusto lang ay sana may magmahal sakin at tanggapin ako bilang ako. Sa panahon pa naman ngayon ang daming judgemental na nabubuhay. Yong pag Ng chismis malimali yong nag iisip ka palang ng what if? Tapos sila nasa conclude na agad.

Yong time na kakanta at hahawakan yong kamay nang katabi bigla nalang ako nakaramdam nang pagdaloy nang kuryente sa buong sistema ko ang bilis pa nang tibok nang puso. Hala baka may sakit nako grabe ka naman Lord nang bibiro lang naman ako kanina sa mga pinagsasabi ko wag naman yong death agad.

Isa patong si Ate ang higpit nang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ba niya alam nakakasakit na siya tas maylahi pa ata itong volta nangunguryente eh. Pero infairness ang lambot nang kamay at ang bango pa amoy vanilla.

Ito na yong part na mag pepeace to be with you kana sa katabi mo. Kanina ko pa kasi gusto makita yong katabi ko kaya naman chance kona to. At nong lumingon sya sakin para mag sabi Ng peace with you ay parang nag slow mo ang nasa paligid ko parang siya nalang ang taong nakikita ko ni wala akong naririnig na inggay kung di yong tibok nang puso ko na subrang lakas.

Kumurap kurap pako baka kasi na engkanto lang ako at iba na pala yong nakikita ko.

Pero kumunot ang noo nitong nakatingin sakin kaya masasabi ko totoo nga ang nakikita ko ngayon.

" I do" kabadong sagot ko sa kanya. Nang kumunot yong noo niya don ko lang napagtanto kung ano yong sinabi ko.

Nakakahiya ka self. " Ehemm ehem" tumikhim nalang ako para pagtakpan yong kahihiyang ginawa ko.

"Peace with you too miss" hehehehehe sabay kamot sa ulo ko. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa hiya.

" Tsssk.. idiot" pagkasabi niya non ay umalis na ito. Napa nganga nalang ako dahil sa sinabi nito maganda na sana kaso ang sama naman ugali.

Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko nang maalala ko kong sino yong babae kanina kaya pala pamilyar sya sakin kasi siya yong babae sa exit. Ang ganda niya talaga kaya pala nagwawala yong puso ko dahil siya yon. Napangiti nalang ako dahil don thank you Lord ang bait mo talaga. Sayang hindi ko manlang natanong ang pangalan nito di bali may next time pa naman.

Habang papunta sa kotse naagaw ng isang karatula sa gilid yong atensyon ko. Nakaturo ito sa isang bahay malapit kong San naka park yong sasakyan ko.

"Hula ni madam awring" Yan Ang basa ko sa karatulang malapit sakin.

Masubukan nga wala namang mawawala kong I try ko ito kahit na alam kong scam lang ito pero umaasa parin ako na sana naman legit yong hula.

Pagpasok ko palang madilim na lugar agad ang bumungad sakin tanging nagbibigay liwanag lang sa silid ay yong ilaw na mula sa crystal ball na nakapatong sa mesa.

Ano ba naman dito brown out tanghaling tapat ang dilim. Siguro naputulan to nang kuryente sabagay mahal pa naman singil ngayon sa meralco nakakabutas sa bulsa.

May bigla nalang nag salita sa likuran ko kaya agad napatingin ako sa gawi nito. Isang matandang babaeng puti na kulay nang buhok at medjo kulubot nadin ang balat nito senior citizen na ata si lolo pero kumakayud parin.

"Maupo kana at magsisimula na tayo. Akin na kamay mo? Yan agad ang sabi ni nanay sakin sinunud ko nalang ang gusto nito. Wala manlang intro intro direct to the hula si lola.