Ibang mundo. Ibang katawan. Dalawang alaala.
Sa pagdilat ni Maia, siya ay wala na sa sariling katawan—bagkus, nasa loob ng isang dalagang may dugong maharlika, sa isang mundong pamilyar sa kanyang alaala… ngunit hindi kailanman tunay na sa kanya.
Isang mundong tila nabuhay mula sa mga pahina ng isang lumang journal— isang kasaysayang hindi niya inakalang magiging kanya.
Ngunit sa kaniyang pagpasok sa katauhan ng isang maharlikang binibini na nakatakdang mamatay, isinumpa ni Maia na babaguhin ang tadhana. Na ililigtas niya ito mula sa trahedyang gumuguhit sa landas nito.
Subalit habang lumalalim siya sa bawat alaala at bawat kasinungalingan, unti-unting nawawala ang kaniyang katiyakan. May mga puwang na hindi niya maipaliwanag. May mga lihim na pilit nagpaparamdam.
At sa kanyang paghahanap ng mga kasagutan… isang pares ng mata ang lihim ding nakamasid sa kanya—mata ng isang tao na tila matagal nang naghihintay, at handang sirain ang lahat… maging ang puso niyang matagal nang iningatan.