CRENZ'S POV
Hindi na muna talaga ako bumalik sa bukid at hinayaan muna si Hans at Darwin ang mag handle ng mga bagay bagay doon.
Nag stay nga dito sila Raffy, dito mismo sa bahay na 'to. Hindi ko rin trip na dalhin sila sa bukid dahil dadami ang tanong ng mga bata doon at ayokong sumagot ng kahit na ano.
Hindi pa rin ako pinapansin nila Nina na ok lang naman sa'kin dahil mas trip kong tahimik ako ngayon. Alam naman nilang pabor sa'kin ang hindi nila pag pansin sa'kin.
Ang katabi ko sa kama ko ay si Raffy at Charrie, sa baba ng kama ay sila Nina pero naka foam pa rin naman sila kasi bigla silang nag order kanina.
Tsk! Ang yayaman talaga.
Tanging lamp shade nalang ang bukas at tulog na si Charrie na nasa pagitan namin ni Raffy.
"Let's talk."
Bulong sa'kin ni Raffy.
Kinunutan ko siya ng noo.
Tinuro niya 'yong dalawa na parang sinasabi na mag bigay ako ng information about kay Charrie.
Medyo napangiti ako at saka tumango.
"*Ehem* Crenz kelan birthday ni Charrie?"
Tanong niya.
Ako naman pasimple lang din sumasagot.
Sa side ko banda sila Nina at naka talikod ako sa kanila.
"Uhmm.. February 14."
"Oh? Ang galing, valentine's pa sumakto. So? Anong gagawin mo sa birthday niya? Babalik ka dito para kunin siya?"
"Hindi, baka busy ako no'n."
"Tss.. what kind of mother is that?"
Bulong ni Nina na nakapag palawak ng ngiti ko.
She's really listening.
Syempre I cecelebrate namin 'yon ng sabay.
"You're too loud, bitch."
Saway sa kaniya ni Chelsea.
Nag ngitian lang kami ni Raffy.
"Busy ka? Siguro pwede namang ako ang sumundo sa kaniya?"
Ano? Ayoko nga! Siraulo si Raffy at baka mapahamak pa sila dahil sa kabaliwan no Raffy.
"No, thanks. Iba si Charrie at iba si Hans. Si Hans kahit magalusan mo ok lang pero si Charrie kapag nasaktan mo baka hindi ka na humihinga bukas."
Sinamaan ako ng tingin ni Raffy na parang sinasabing kailangan ko ba talaga sabihin ang mga bagay na 'yon.
"Anong paborito ni Charrie?"-Raffy
Bigla ko siyang sinamaan ng tingin. Si Raffy ang pinaka malaking impluwensiya kung bakit bata palang si Charrie gusto niya na ang mga delikadong bagay.
"Barbie house, barbie dolls o kahit anong-"
"Weeeeh?"
Mapang asar na sabi niya kaya mabilis na lumapat sa braso niya ang kamay ko kasi halatang nang aasar siya at siya naman ang may kasalanan kung bakit kakaiba ang anak ko ngayon.
"Aw."
"Gusto niya ng baril, tirador or pana. Minsan pinag didiskitahan niya rin ang kutsilyo sa kusina kaya sa mataas na lugar nilalagay nila Mama ang-"
"What?!"-Nina
Sabay kaming dumungaw ni Raffy para tingnan si Nina na malakas na nag tanong.
"Paki sabi nga sa natutulog sa lapag na huwag maingay dahil tulog na 'yong bata."
Sabi ko kay Raffy pero parinig lang 'yon.
"Paki sabi rin sa bugnutin na nanay ng bata na kapag pinag patuloy niyang hayaan sa gano'n ang anak niya, mapapahamak lalo sila."
Teka di ko naman hinayaan ah?
"Raffy, sabihin mo sa tita ng bata na hindi ko hinahayaan ang bata na gawin ang mga bagay na 'yon at hindi ako ang may kasalanan kung bakit gusto ng bata ng mga gano'ng bagay-"
"Raffy, sabihin mo sa Mama niya na huwag niyang itutulad sa kaniya ang anak niya na mahilig sa delikadong bagay."
"Raffy-"
"Lintek! Ba't di niyo diretsuhin ang isa't isa -"
*Pak*
"Aw!"
Lumapat nanaman ang kamay ko sa braso niya dahil sa bigla niyang pag sigaw. Tulog na ang bata.
"Matulog na nga kayo."-Chelsea
Naiiritang aniya.
Nakakainis. Gusto ko rin naman na ilayo sa panganib si Charrie kaya lang si Charrie ang may gusto sa mga bagay na 'yon dahil sa siraulong Raffy na 'to.
Two years old palang si Charrie nang makita ko siyang tinuturuan si Charrie na humawak ng pana. Gustong gusto kong panain si Raffy that time kung hindi lang ako nakapag pigil.
~~~~
Kinabukasan at nag unat unat ako sa labas ng bahay at feeling ko sobrang gaan ng pakiramdam ko. Hindi na masakit ang ulo ko o kahit pa ang balat ko, tanda na wala na akong sakit.
"Uuwi kami mamaya, nanghihingi ng pasalubong sila Arya -"-Raffy
"Let's go."
Sagot ko agad.
"Teka, hindi mo pa nga alam kung-"
"Bibigyan ko siya ng isang sakong mangga, alam ko ang paborito niya."
Napangisi ako.
"Ahhh.. kaya pala sinabi niya lang mag dala ako ng pasalubong kahit hindi sinasabi kung anong gusto niya."
"Tss.."
Alam ko na ang karakas ng isang 'yon. Pa hard to get si Arya pero parang sila Nina lang din siya na mag susungit sa'kin pero sobra naman ang pag aasikaso sa'kin.
"Oh? Bakit nandito kayo?"
Sabay kaming tumingin sa bagong dating na si Drei at saka kami nag katinginan ni Raffy na parang nababasa namin ang iniisip ng isa't isa.
"H-hey, I really don't that kind of look- stop it, both of you."
Saway sa'min ni Drei pero tinulak namin ang likod niya hanggang maka labas kami sa bahay.
Panay siya tanong kung saan kami pupunta pero hindi namin sinasagot at sinasabing kumilos nalang siya, hanggang sa dumating kami sa manggahan.
Balak naming pa akyatin siya sa puno ng mangga.
"Bakit naman ako aakyat? Manungkit nalang tayo."
Reklamo niya.
"Bahala ka kung anong gagawin mo basta kumuha ka ng mangga!"
Sermon ng kapatid niya.
"Eh bat nagagalit ka?"
Napakamot nalang ako sa noo ko. Pareho nga pala silang may kasungitang taglay.
"Tumigil na nga kayo, kapag ako ang kumuha diyan pakakapitin ko kayo sa sanga ng mangga hanggang sa matapos ako manguha."
Sabi ko habang naka halukipkip sa harap nila.
"Ilan ba kukunin?"-Drei
"Isang sako"
"Isang sako?! Akala ko nag bibiro ka lang."-Raffy
Kelan ba ako nag biro?
"Kilos na. Sino ba kikilos sating tatlo rito?"
Tanong ko sa kanila kaya nag katinginan kaming tatlo.
"Si Drei sa mangga kasi balak kong kumuha ng santol."
Habang sinasabi ni Raffy 'yon bigla akong natakam at nag laway sa maaasim na prutas na 'yon.
"Santol? Tara."
Yaya ko kay Raffy.
"Uy teka! Iiwan niyo ko rito?"
"Sunduin mo si Daniel kung gusto mo ng kasama."-Raffy
Kumaway pa sa kaniya si Raffy nang lumayo na kami.
"Psh.. akala ko pa naman makakapag pahinga ang mata ko dahil hindi na kita makikita ng buong linggo."
Reklamo ko sa kaniya.
"Nag bukas ka ng opportunity kaya ako grinab ko na agad."
Malay ko naman kasing may mag sasabi sa kanila ng tungkol kay Charrie.
"Sino ba kasi sa inyo ni Hans ang nag sabi?"
May inis na tanong ko.
"Ako."
She answered full of herself.
"Ano na namang masamang espiritu ang sumapi sa'yo?"
"Sa'kin? Pfft.. tinutulungan lang kita. Nakikita ko kasi noon na nag aalangan ka kung paano sasabihin sa kanila ang tungkol kay Charrie kaya ako na nag sabi. Alam mo naman na kahit sabihin mong wag akong mangialam, makekealam pa rin ako."
Napangiwi ako. Talagang proud pa siya ah.
"Di ka si Raffy kung di mo ko kokontrahin."
"Tama!"
Masayang aniya at saka kami napatingin sa puno ng santol.
"Naaamoy ko na siya."-Raffy
"Ako rin."-me
"Dapat ba nag dala na ako ng asin?"-Raffy
"Oo, di ka nag isip."
Humawak ako sa mga sanga ng puno para maka akyat.
"Ikaw talaga aakyat?"
Bigla akong napangiti. Naalala ko no'ng bata ako, madalas akong umakyat sa mga puno para lang matakasan si Tanda.
"Edi umakyat ka rin kung gusto mo."
Ngisi ko sa kaniya.
"Hah! Ako pa hinamon mo ah."
Lagot kami kina Papa kapag nalaman nilang namitas kami ng prutas nang hindi nag papaalam sa kanila.
Umakyat nga si Raffy at sabay kaming nag hanap ng pwedeng maupuan matapos naming kumuha ng isang pirasong santol.
Nang komportable na kami pinirat namin ang santol sa mga palad namin at kinain ang buto.
"Ano balak mo kay Ryker?"
Yan talaga ang highlight sa mga tanong nila kung anong balak ko kay Ryker.
"Edi sasabihin sa kaniya ang kay Charrie, ano bang ibang choice ko?"
Nang umalis ako ng bansa, agad nalaman ni Raffy kung nasaan ako at nagulat din siya nang makita niyang may bagong silang na sanggol akong dala. Tanong siya nang tanong kung kanino ang bata pero nilinaw ko naman sa kaniya na ako ang ina ng bata. Tinatanong talaga niya madalas kung sino ang Ama pero hindi ko siya sinagot o di kaya ay pinag babawalan ko nalang siyang mag tanong tungkol sa mga nangyari sa'kin.
Habang nasa ibang bansa ako ay kasama ko si Raffy sa iisang bahay at pinag tutulungan naming alagaan si Charrie.
Napag aaralan namin ang pag papalaki ng bata pero on actual kasi mahirap siyang gawin. May idea kami pareho kung paano ang gagawin pero sa procedure kami natatakot kasi baka mali ang gagawin namin.
Actually apat kami sa bahay na 'yon sa ibang bansa, buti nalang ang isa naming kasama ay may idea na sa pag papalaki ng bata kasi limang suwail daw ang inalagaan niya nang ilang taon.
Nakapag aral kami ni Raffy dahil na rin sa tulong ng isang 'yon na nag bantay at nag alaga rin kay Charrie habang busy kami. Thankful ako kay Raffy at sa isang 'yon.
"Baka mawindang ang isang 'yon."
Natatawang aniya.
"Lahat naman kayo nawindang noong una pero naka move on din naman kayo."
Ang tungkol sa kasal naman, may naiisip ako pero hindi ko pa rin sigurado kung itutuloy ko.
"Hindi pa ako move on 'no, pero masaya rin maging instant mommy."
Natatawang aniya.
"Psh, baka mabaliw ka kapag nalaman mo ang totoo."
Bigla siyang naintriga.
"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin ang totoo? Ano ba? Anak mo ba talaga si Charrie?"
"Hoy babae, hanggang ngayon pinag dududahan mo pa rin 'yon? Hindi mo na nga kailangan ng DNA test-"
"Oo na kasi nag susumigaw na sa itsura niya ang dugo mo. Tss.."
Buti alam niya.
Kamukhang kamukha ko kasi talaga si Charrie kaya hindi mo na maipag kakailang dugo ko rin ang dumadaloy sa katawan niya.
"Kelan mo ba kasi sasabihin ang totoo? Kung bakit nag ka aksidente na dahilan ng pag kaka coma ni Crescia ngayon, kung bakit umalis ka ng bansa at may tangay tangay na tiyanak-"
Sinamaan ko siya ng tingin sa huli niyang sinabi.
"Ok, binabawi ko na 'yong dulo. Kung sino ang tatay ng bata at kelan ka pa nag lihim na may lalaki ka."
Huminga nalang ako ng malalim.
"Alam mo ba 'yong gulat nila Tita nang malaman nilang may anak ka?"
Ako naman ang naintriga ngayon.
"Bakit? Anong sabi nila."
Tumingin siya sa taas na parang nag babalik tanaw sa nakaraan.
"Hmmm.. ano nga bang nangyari no'n? Nag ti 3 na si Charrie no'ng dalhin ko siya rito. Tinanong pa ako ni tita kung anak ko 'yong bata at nang sabihin kong sa'yo ang bata at muntik siyang mahimatay. See.. 'yung kalokohan mo talaga ang nag papasama sa lahat Crenz."
"Nangyari na Raffy, huwag mo na ako sisihin."
Nag hihintay pa ako sa mga susunod niyang sasabihin.
"Nag stay ako rito ng 1 week para makilala muna ng bata ang mga grandparents niya then noong ok na siya at nakikipag laro na kay Darrin, umalis na rin ako at bumalik ng ibang bansa."
Napa tulala siya saglit.
Kaya na curious ako sa iniisip niya kasi nanahimik siya.
"Anong iniisip mo?"
"Para akong baliw no'n habang bumabyahe, naiisip ko si Charrie, umiiyak ako pabalik sa ibang bansa kasi nasanay akong may makulit na batang gigising sa'kin sa umaga kahit katutulog ko palang galing sa duty."
Mapakla siyang napa ngiti.
"Tsk, pag balik mo rin naman galing ibang bansa dito ka kaagad dumiretso."
Nalaman ko no'ng tawagan ko siya noong nag patulong ako sa kaso ng Zaylous ay kagagaling niya lang dito sa probinsya para dalawin si Charrie.
"Aba syempre, halos hindi na nga ako makatulog sa byahe dahil excited na akong makita si Charrie."
Pfft..
"Sa Korea ka dumiretso no'ng hinatid mo si Charrie rito diba?"
"Oo."
"Anong sabi ng pamilya mo? Walang naging balita sa'yo ng mag tatatlong taon."
Umiling siya.
"Pinakita ko na agad ang diploma ko kaya wala na silang naging angal, pero sinabi ko rin naman sa kanila na huwag nang ipag sabing bumalik na ako sa kanila kaya wala pa ring balita ang iba sa kung nasa'n ako. Ang tahimik kaya ng pamumuhay ko doon sa Korea, after duty tulog na agad at walang nag tatangkang gumising sa'kin HAHAHA.."
Mag kaibang bansa ang pinuntahan nilang mag kapatid. Nag kabalita lang sila Drei nang pumunta na sa Korea si Raffy.
"Anong sabi mo kela Mama?"
Kumain muna siya ng bagong buto at saka sumagot sa'kin.
"Edi ano pa ba? Na nagulat nalang din akong may bitbit ka nang bata. Kung kaedaran mo nga lang si Charrie baka napagkamalan ko na kayong kambal."
Napailing na lang ako. Malakas talaga ang dugo ko at wala na akong magagawa doon.
"Buti hindi nag duda?"
Tiningnan niya ako nang walang kwentang tingin.
"Slow ka ba or ano? Kamukha mo nga si Charrie kaya hindi na sila nag tanong. Hindi mo ba gets 'yon?"
"Ah.. para doon pala 'yon."
Ngayon ko lang na gets ang sinabi niya.
"Ano ba 'yan, slow ka pa rin?"
Reklamo niya.
Eh bakit ba? Hindi naman lahat na pipick up ko agad.
May narinig naming boses mula sa malayo kaya agad naming tiningnan 'yon.
"Palapit dito sila Nina."
Sabi ko.
"Ano?! Kasama si Chelsea?"
Aligagang tanong niya.
"Oo. Bakit?"
Tiningnan niya ang paligid niya at parang aligagang nag isip kung bababa ba siya or mag si stay lang at sasamahan ako.
"Anong problema mo?"
"Parating na 'yong bungangera."
Sagot niya.
"Sino ba sa kanila ang tinutukoy mo?"
Tiningnan ko si Nina at Chelsea na mukhang hinahanap kami.
Hindi ko naman kasi alam kung sinong bungangera ang tinutukoy niya kasi pareho naman bungangera ang dalawang 'yon.
"Iyong may konting pagka mild."
Ahhh..
Napatango ako.
"Ahhh.. si Chelsea."
Tumango siya.
"Anong meron sa inyo? Kayo na?"
Umiling siya.
"Oh eh bat para kang kiti kiti riyan?"
"Hindi kami pero parang kami na rin, ayaw ko lang ng label."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ang kapal naman ng mukha mo-"
Bigla niya akong nginiwian.
"-Chelsea na 'yan tapos ikaw pa ang may ayaw? Sira siguro ang mata ni Che."
"Sino bang bestfriend mo rito?"
"Kahit bestfriend pa kita, mas kampi ako kay Chelsea."
Inirapan niya ako.
"Ang sama ng ugali mo."
"Alam ko."
Natahimik na kami nang malapit na sila sa'min.
"Ang init! Nasa'n ba kasi sila?"
Reklamo ni Nina.
Sumilong sila sa puno kung saan naroon kami.
"Tinuro ko na sana sa'yo kung alam ko, bitch."
Pag tataray sa kaniya ni Chelsea.
"Kaya hindi ka nagugustuhan ni Raffy eh kasi napaka maldita mo."
"Look who's talking."-Chelsea
"Alam mo ngayon palang gumising ka na. Di kayo bagay ni Raffy. Maganda ka naman kaya marami ka pang mahahanap diyan. Wag si Raffy, hindi maganda ang ugali niya at hindi rin siya maganda-"
Tiningnan ko si Raffy na ang sama ng tingin kay Nina na nasa baba niya habang ako nag pipigil ng tawa.
"-si Crenzy lang ang nakikita no'n at-"
*Plok*
Hinulog ni Raffy ang kalahati ng santol na pinirat niya kanina sa ulo ni Nina.
"Hoy, rinig na rinig ko paninira mo sa'kin. Sisiraan mo pa talaga ako."
Nag hahamong sabi ni Raffy habang sabay kaming naka dungaw sa baba.
"Screw you, Raffy! You're so nasty!"
Singhal sa kaniya ni Nina.
"Nyenyenye.."-Raffy
"Bumaba na nga kayo diyan!"-Nina
"Hindi raw bababa si Crenz hanggat hindi niyo siya pinapansing dalawa."
Anong sinasabi niya? May sinabi ba akong gano'n?
Sumandal nalang ako sa puno at saka pumikit. Bahala silang mag baliwan diyan.
"Ano?! You're threatening us?!"-Nina
"Hoy bumaba ka na nga doon. Gusto kong matulog dito."
Sabi ko kay Raffy kasi hindi titigil kaka daldal yang si Nina hanggat walang bumababa sa'min.
"Ayoko nga. Mukhang nag aapoy na si Chelsea oh, ayokong mabugahan."
"Under ka? Haha.. serves you right."
~~~~
Hindi ko na sila hinatid pa paalis dahil pumunta na ako sa bukid no'n kasama si Charrie nang sunduin kami ni Hans.
Gabi na rin kaya nandito na silang lahat sa bahay. Nakatambay na kaming lahat sa bagong gawa nilang tambayan sa labas ng bahay.
Nag lalaro ng cellphone ang mga lalaki habang ang kaming mga babae ay nag babalat ng mangga para pag saluhan naming lahat since ang mga lalaki ang gumawa ng pag luluto at pag huhugas kanina.
"Ok ka na Crenz? Hindi ka na nahihilo?"
Tumango ako sa tanong ni Sandra
"Kaya ko nang mambalibag."
"Kahit naman may sakit ka Master kayang kaya mo pa ring mambalibag"-Jigs
"Oo, pwede kitang sample-an ngayon."
Seryosong sagot ko tsaka nila kami tinawanan.
Pansin ko lang na kanina pa ako iniiwasan ni Pula. Usually kasi kapag dumadating ako, isa siya sa mga unang lalapit at mangungulit sa'kin, pero ngayon hindi ko pa siya nakakausap.
"Iniiwasan niya ako?"
Bulong ko sa sarili ko.
"Hm? Crenz? May sinasabi ka?"
Tanong ni Cess na nasa tabi ko
"Wala."
Sinulyapan ko si Pula na masaya namang nakikipag laro sa mga kaibigan niya.
"May nangyari ba rito no'ng wala ako?"
Tanong ko sa kanila.
"Wala naman, normal naman lahat."-Sandra
"Walang nag away?"
"Si Nemi at JM as usual."
Pero bakit feeling ko ang bigat ng atmosphere?
"Anong inaalala mo Crenz? Mga pagod na yan para mag bangayan pa, buong mag hapon yan pinag tanim nila Tito."
Nag tanim sila?! Wow! Nakakamangha.
"Buti walang nag reklamo?"
"Meron syempre pero hindi sila makapag reklamo dahil nandoon si Tito."
Napangiti nalang ako.
"Hoy, mag si kain na kayo."-Nemi
"Ayon! Tapos na."
Nag simula na nga silang mag kagulo.
Mas masarap talagang kumain kapag marami.
Pumasok ako sa loob kung nasa'n si Dada at Charrie na nag lalaro ngayon.
"Baby, it's already your bed time."
Paalala ko sa kaniya.
"Mommy I'll sleep beside Tita tonight, but tomorrow I'll sleep beside you."
Ang cute niya talaga.
"Suit yourself baby, you can sleep wherever you want."
"Then can I sleep outside?"
Nanlaki ang mata ko.
Kakaiba rin talaga ang trip nitong isang 'to. Gumagaya pa sa mga lalaki namin na gustong matulog sa labas ng tent.
"No."
"Hahaha.. no wonder, blood's thicker than the water."
"Shut up."
Pag tataray ko kay Darrin.
"Why? Ganiyang ganiyan ka rin noon."
"Kung mag salita ka parang mas matanda ka sa'kin ah."
"Mas bata nga ako pero naaalala ko pa rin kung anong trip mo dati. Sakit ka rin kaya sa ulo ni Mama."
Oo na, alam ko na 'yon.
"Tama na daldal, patulugin mo na si Charrie. Baby, enough for gadgets, ok?"
"Yes, Mom."
Pumasok na sa loob ng kumot si Charrie at ako naman ay lumapit sa kaniya at saka siya hinalikan sa noo.
"Goodnight."
Pumikit na siya kaya lumabas nalang ulit ako para uminom.
Naabutan kong umiinom doon si Pula.
Muntik pa niyang maibuga ang nasa loob ng bibig niya pero agad niyang nilunok at saka siya nasamid.
*Cough*
Anong katangahan yang ginagawa niya?
Tumalikod siya sa'kin at mukhang aalis na.
"Iniiwasan mo ba 'ko?"
Simpleng tanong ko pero bakit pakiramdam ko sobra akong kinakabahan? Anong meron? Natural naman sa'kin ang mga tanong na 'yon ah?
Natigilan siya sa pag hakbang at saka tumingin sa'kin.
"Anong sinasabi mo?"
Tiningnan ko ang mga mata niya habang umiinom ako ng tubig. Nag iwas siya ng tingin.
"Umiiwas ka nga."
Kumpirmadong sabi ko saka binaba ang basong ininuman ko.
Lumapit ako sa kaniya at humalukipkip sa harap niya.
"So? Bakit ka umiiwas? May ginawa kang mali?"
Naiilang siyang tumingin sa ibang direksyon.
"Hindi kita iniiwasan at wala akong ginawang mali."
Ah wala ba talaga? Bakit hindi siya makatingin sa'kin ng maayos? Ang Pulang nakilala ko at matapang na nakikipag titigan pa sa'kin kahit may mali na siyang nagawa.
"Bakit nga? Anong problema?"
"Wala nga."
"Wala pero hindi na makatingin sa'kin nang maayos."
Napakamot siya sa ulo niya at saka bahagyang lumayo sa'kin.
Ang weird niya, ano bang problema niya.
"A-ano, sorry."
Ha? Sorry?
Nawala lang ako ng 2 araw nag iba na ang Attienzang nasa harap ko?
"Sorry? Kelan ka pa nabagok at naging mabait? Hindi bagay sa'yo."
Kontra ko sa kaniya kasi hindi ako sanay.
"Ang hilig mo talaga mangontra."
Naiiritang aniya.
Oh yan, bumabalik na rin siya sa dati.
"Oh eh bakit ka ba kasi nag sosorry? Anong kasalanan mo?"
Baka mabigat na kasalanan ang ginawa niya kaya para siyang sinaniban ng anghel ngayon.
"Kahapon ko lang naalala iyong nangyari no'ng unang gabi natin dito."
Hindi talaga siya tumingin sa'kin at halatang naiilang siya.
Unang gabi? Ano bang nangyari noong unang gab-
"Ahhh.. iyon lang? Nakalimutan ko na nga 'yon kung hindi mo lang pinaalala ngayon."
Iyon lang pala, akala ko naman kung ano na.
"May mga nagawa akong hindi dapat-"
"Ok na, nag sorry ka na, tinatanggap ko na ang sorry mo kaya huwag kang parang bading diyan na may pag iwas iwas pang nalalaman."
Kahit may kaba ako nang maalala ko 'yon ay inisang tabi ko na lang dahil wala rin namang magagawa 'yon baka lalo lang makasira ng usapan namin.
Tanapik ko siya para kalimutan nalang niya 'yon at saka ko siya nilampasan para sana bumalik na kina Sandra.
"But did you get how serious I am?"
Napapikit ako nang mariin dahil hindi ko gustong pag usapan pa ang bagay na 'yon. Masyado nang maraming gumugulo sa'kin kaya hindi ko na gustong mag dagdag pa.
"Ayokong pag usapan Jhonzel Liphyo. Marami akong mas dapat pang isipin kaysa sa sinasabi mo. Mali ka ng nagugustuhan dahil itong kaharap mo-"
Humarap ako sa kaniya para mas maintindihan niya ng maayos.
"-Laging inuuna ang sarili, walang pakealam sa iba at hindi kailangan ng kahit sino, sa madaling salita sobrang selfish ko kaya huwag mong asahang may babalik sa mga sinasabi at pinaparamdam mo dahil ibang iba ako sa pagkaka kilala mo sa'kin."
Nginitian ko siya para ipakitang seryoso ako sa mga sinabi ko.
"Kaya kong mag adjust at mag hintay-"
"Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi ako nakakaramdam ng kahit ano tungkol diyan sa sinasabi mo. Itong utak ko ay naka focus lang sa pamilya, kaibigan at sa organization kaya walang puwang sa'kin yang sinasabi mo. Kung kaya mong mag adjust pwes tumigil ka na, alamin mo kung anong kailangan ko imbes na ipilit pa yang gusto mo. Buong buhay ko nag aadjust ako para sa iba, para hindi sila mahirapan kaya sana kung gusto mo 'ko, irespeto mo nalang ang gusto ko at huwag nang ungkatin pa 'yang nararamdaman mo sa harap ko."
Minsan kailangan ng pukpok sa isang tao para tumigil sila, hihinto rin sila kapag nasaktan na sila, mapapagod at susuko. Gano'n naman madalas.
Tumalikod na ako.
"Then I'll wait."
Pahabol niya sa'kin.
"Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Sinabi ko na sa'yong wala kang aasahan sa'kin."
Nag lakad na ako paalis.
Feeling ko ang init init ng katawan ko ngayon kahit pa malamig dito sa lugar namin.
Siya lang kasi ang unang taong nag sabi sa'kin na gusto niya ako kahit pa mortal enemy ko siya noon.
Bago sa pakiramdam ko kaya minsan naiisip kong sisirin kung anong hiwaga meron sa gano'ng kataga para mabaliw ang ibang tao sa bagay na 'yon, pero habang naiisip ko ang pag papakasal, si Crescia, organization, ang mga bata, sila Ryker at ang pamilya ko isinasang tabi ko ang gusto kong gawin para makapag focus sa kanila.
Sa totoo lang hindi sila ang problema ko kundi ang sarili ko. Pinipili kong pag tuunan ng pansin ang mga bagay na 'yon kesa sa sarili kong kagustuhan.
Bago ang nararamdaman ko kapag si Pula ang kasama ko at gusto ko pa 'yon ma explore, kung magiging selfish ako baka enentertain ko ang gusto ni Pula pero siguro hindi pa ngayon ang tamang oras at hindi rin ata sa tamang tao? Hindi ko alam kasi marami pang pwedeng mag bago.
Kung mag hihintay pa rin siya kahit pinatigil ko na siya at palagi lang siyang nasa tabi ko, baka nga may pag asa pa. Pero sa ngayon ang klase lang ng love ang gusto ko ay Agape, Storge at Philia, hindi pa oras para sa Eros.
~~~~~
Kinds of love:
Eros- Passionate love. (Partner)
Storge- love of parents to children. (Parents and children)
Philia- love of friends. (Friends)
Agape- love of mankind. (People)
~~~~~
KINABUKASAN
Nag aalmusal na kaming lahat. Himala nga na nauna pa silang gumising kesa sa'kin.
"Anong assignment niyo ngayon?"
Tanong ko sa kanila habang sila mga bangag pa ang itsura.
"Sasama para manungkit ng mga prutas!"
Masayang sagot ni Sandra.
Lahat kami ay tumingin sa kaniya.
"Hoy bata, ganiyan ka kaexcited? Aga aga ang taas ng energy mo."-Jigs
"Oh eh anong masama? Marami na akong nakikilala rito atsaka sabi ni Mang Isko bibigyan niya ako ng pinya."
Si Sandra palang ata ang handa sa kanila.
"Kasama ba natin si Tito?"
Kinakabahang tanong ni Jhom.
"Pfft.. you should see your face."-Mike
Anong nakakatakot kay Papa?
"Let's go na-"
Mag lalakad na sana paalis si Sandra nang hilain siya ni Pula.
"Pwede bang mag almusal tayo ng hindi nag mamadali? Ilang araw mo na 'to ginagawa."
Nag papaawang sabi ni Pula.
"Sandra umupo ka muna pwede?"-Nemi
"Why? Kaya ko namang ako lang, alam ko naman ang papunta doon."
Pfft.. mas independent pa si Sandra kesa sa kanila.
"Hindi mo ba nakikita? Pasubo palang ako ng tinapay."-Migs
"Ayos lang 'yan, hindi naman ikaw ang kasama ko ngayon diba?"
Ngumiti si Sandra na may halong hindi magandang intensyon.
"Sino na ba ngayon?"
Tanong ni JM.
"First day ako"-Jm
"Tapos na ako noong nakaraan"-Hans
"Pinagod niya ako kahapon"-Migs
Kaya lahat kami ay napatingin kay Jigs.
"Kaya nga sinasabi kong wait lang diba?"
Reklamo ni Jigs.
Ahhh.. si Jigs naman pala ngayon ang mag babantay kay Sandra, mukhang tadtad na naman yan siya ng pasa pag uwi.
"Tara na Jimiel."
Nag lakad na paalis si Sandra
"Haaaay! Mag reresign na ako."
Aniya at saka kinuha ang tinapay niya at kumagat sa tinapay ng kapatid niya.
"Hoy! Siraulo!"-Migs
Mabilis na sumunod si Jigs kay Sandra.
"Ano 'yon? Hindi man lang maliligo?"
Tanong ko.
"Sa may ilog naliligo 'yon kasi ayaw sa posohan. Nakakita raw siya ng lumilipad na tabo no'ng nakaraan doon."-Migs
"Oo, ilang beses niya kinukwento 'yon. Sobrang duwag pa naman no'n sa multo."-Jm
"Sunod na ako sa kanila, di ko alam papunta doon."-Austin
"Sama na ko."-Jhom
Teka? Multo? Totoo ba 'yon?
Kinikilabutan tuloy ako.
"Woooh yung artista at model ang sipag ah?"-Jm
"Ikaw lang naman ang tamad."-Nemi
"Ok lang naman na ang pi picture sila dito diba? Nag a update kasi kami status sa social media."-Mike
Tumingin sila sa'kin.
"Ok lang."
Simpleng sagot ko.
Maganda rin sa image nila yung nahihirapan sila.
"Aalis na ako."
Tinatamad na tumayo si Nemi.
"Tara na?"-Cess
"Sasabay na ako."-Darrin
"Sinong kasama ni Charrie?"
Tanong ko sa mabait kong kapatid.
"Si kuya, nandoon sila sa kabila."
Ano? Akala ko tulog pa 'yong bata.
"Ang aga pa ah."
"Hindi kaya mahilo na 'yong bata kaka punta dito at doon?"-Nemi
"Kapag nag stay kasi 'yon dito kawawa ang mga alaga namin dito. May time na iniwan ko siya saglit para kumuha ng sinampay sa labas tapos pag balik ko hawak na niya patiwarik yung manok namin tapos 'yong iba naka kalat na sa paligid. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa 'yon sabi naman niya naaawa raw siya sa manok kasi naka kulong."
Oh?!
"Pfft HAHAHA.."
Tumawa ng malakas si Hans.
Alam ko na ang nasa isip niya.
"Bakit?"
Bumalik sa pag kakaupo si Nemi.
"Kasi no'ng bata rin kami gano'n din ang ginawa ni Crenz. Pinakawalan din ni Crenz lahat ng hayop na nakita niyang naka tali kaya hindi mag kanda ugaga sila Tito kung paano ibabalik ang mga hayop kasi hindi lang manok ang pinakawalan niya, kambing, kabayo at mga model bird, iyong mga may kakaibang lahi na ibon. Iyong ibang mga hayop naibalik pa pero yung mga model bird malaya nang lumipad sa ibang lumapalop ng mundo."
Tinawanan nila ako habang ako seryoso lang na naka tingin sa kanila. Ano ngayon kung gano'n ang ginawa ko?
"Bakit? Anong trip mo master?"-Migs
"Sabi niya maingay daw sila kaya ayon pinakawalan niya."-Hans
"Ayoko ng istorbo kapag nag papahinga ako."
Seryosong sabi ko sa kanila kasi hindi ko alam kung ano ang nakakatawa roon.
Bata pa ang isip ko no'n at ayokong nakikitang may kagaya ako sa paligid ko na hindi malaya kaya pinakawalan ko sila.
"Simula no'n nilipat na nila tito 'yong mga hayop na dapat nandoon sa may Kayo banda. Iyong lugar diyan sa taas kung saan tumatambay si Crenz."
Tumango tango ako.
Ahhh.. ako pala ang dahilan kaya wala na doon ang mga hayop. Akala ko nag sawa lang silang umakyat doon.
"Anong ginawa sa'yo?"-Pula
Inalala ko kung anong parusa ang ginawa sa'kin.
"Dapat that time mag hapon siyang ibibilad sa araw para parusahan kaso namuti nalang mata nila Tito kaka hanap sa kaniya kasi tinakasan na sila ni Crenz. Tatlong araw atang wala si Crenz no'n."
Gulat na tumingin sila sa'kin.
"Sa'n niyo siya nakita?"
"Ahh.. sa taas ng puno, kumakain ng buko. Gimbal na gimbal sila Tito no'n kasi walong taon lang si Crenz no'n pero umakyat siya ng puno at doon namalagi ng ilang araw."
Napaka OA niya mag kwento.
"Bumababa rin naman ako doon kapag gusto ko na mag bawas. Mas tahimik sa taas, try niyo."
Pangungumbinsi ko sa kanila.
"Wow, ngayon lang ako naka rinig ng gano'ng kwento."-Jm
"8 years old? Gano'n ka na ka pilya?"
Tumayo ako.
"Kahit ilang taon ka pa, kung gustong gusto mo ang ginagawa mo mag kakaroon ka ng paraan. Ang gusto ko lang naman no'n ay tumakas sa trabaho kaya gumagawa ako ng paraan."
Nilayasan ko sila.
Ayoko sa ginagawa ko noon pero kailangan kong gawin. Kabisado ko pa rin hanggang ngayon ang kasuluksulukan ng lugar na 'to dahil halos lahat ata nataguan ko para lang maka takas.
Ngayon naman ay kailangan ko na asikasuhin ang assignment ko.
Alam ko na ngayon kung ano ang kulto na 'yon. Kailangan ko nalang ng dalawang araw para mag masid at isang araw para tapusin ang lahat.
Pumasok ako sa hidden place namin kung saan naroon ang mga computer namin at CCTV na kinabit nila Papa noon para i monitor ang buong lugar.
May mga trabaho sila kaya ako lang ang gagawa ngayon.
May kilala akong isang tao na pwede kong sundan na konektado sa kultong 'yon.
Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay tingnan kung ano ang meron sa posohan para makakita sila Jigs ng kakaiba roon. May ugali kasi ang kulto na 'yon na takutin ang mga taong lalapit sa pag aari nila para na hindi na sila lumapit. Kung tama ang hinala ko hindi multo ang nakita ni Jigs kundi puppet show.