chapter 26

Elise and Spencer 's Relationship

Elise's POV

Bago ako uuwi sa bahay nag picture muna kami nila dad, mom and kuya sejun.

" Anak , *Hinawakan ang kamay ko* Thank you so much kasi pumunta ka dto , nagawa natin ulit yung favorite bonding natin kahit nasa Kay Cindy ka na ngayon. " - Medyo maiiyak nitong sabi , si mommy Allison

" Mom! Wag na po kayong maiyak , syempre kahit real fam ko sila mommy Cindy kayo parin po yung tinuturing kong pamilya , De Luna parin ako dad kahit Lee na yung dinadala kong apilido , di parin talaga nawawala sa papel yung De Luna "- I said , natawa si kuya sa sinabi ko

" So ganito Yun.. Elisabeth De Luna Lee? Ganon? Eh parang naging middle name mo na yung apilido namin e ✌"- Kuya Sejun sabay peace mode.. Natawa ako sakniya

" Kuya naman e pero seryoso , you know what dad? Every time na inaaway ako ni ate cheska at sa tuwing pinapahiya niya ko sa maraming tao , iniisip ko sana di nalang ako umuwi sa tunay ko na mga magulang no? Sana nung pag uwi ko palang galing states sana di nako nagalit sainyo. Sana happy ako ngayon, sana di ako nahihirapan "- I said , di ko na napigilang umiyak naiyak narin si mommy sabay hagod ng likod ko

" Nak, wag mong sisihin yung sarili mo sa nangyare okay? Ako/Kami dapat yung humingi ng sorry Sayo kasi itinago namin ang totoo anak, Sana di ka nalang nagalit sa kuya sejun mo kasi decision ko yung wag niyang sabihin Sayo ang totoo kasi ayokong mawala ka samin Elise , di ka man galing sa sakin pero anak kita , inalagaan kita , minahal kita , itinuring na tunay kong anak kaya masakit saakin na mawala ka samin. Na iba na yung pamilyang makakasama mo, yung lalambingin mo pero Elise anak, thank you kasi kahit sa ganitong paraan nakakabonding ka parin namin"- Mommy Allison

" Mommy "- I said sabay yakap Kay mommy. Pati sina daddy and kuya sejun naiyak narin sa madrama naming eksena ngayon.

Scene Skip

After ng sobrang madramang eksena namin nila mommy Allison ay umuwi na ko sa bahay pagdating ko dto sa loob nasa sala sina mommy Cindy , daddy Alex at ate cheska habang nanonood ng movie na the ten commandments it is a religious movie actually ito yung mga gusto na panoorin ni mommy Cindy

" I'm home"- I said to them

" Oh Elise anak halika dito dali movie marathon tayo "- Cindy

" Ano pong movie yan mom?"- I said habang papalapit saknila

" Ten Commandments "-Alex

" *Umupo sa tabi ni ate* " , saka naman siya pwersang tumayo.

" Oh cheska anak? Saan ka Pupunta? Di pa nga tapos itong movie e aalis kana?"- Cindy

" Dumating na kasi yung favorite " Lost Daughter " nyo kaya nawalan nako ng gana"- Pasungit nitong sabi ni ate tumayo ako para hawakan siya sa kaniyang braso

" Ate, samahan mo na po kami dito family bonding natin e were complete na po "- I said, nilingon niya ko na my masamang tingin

" Don't touch me! "- She said sabay piglas ng mga braso niya

" Ikaw naman yung favorite nila mom and dad Hindi ba? Hindi nga sila Tumigil mahanap ka lang e so for me? This is not a complete family dahil ang kompleto para sakin si mommy, si daddy at ako. Wala ka! Okay? "- She continued then she rolled her eyes to me saka siya pumunta upstairs. Yumuko ako na iiyak na naman.

" Shh. Wag mo nang pansinin yung ate mo ah nood nalang tayo"- Mommy Cindy

Meanwhile

Pagkatapos naming manood ng movie biglang dumating si Spencer

" Hi po "- Spencer

" Oh spen iho napadalaw ka ata?"- Mommy Cindy

" Pwede ko po bang hiramin si Elise? "- Spencer, napalingon ako sa sinabi ni spen

" Hmm bakit spen ? Anong meron?"- I asked

" Labas naman tayo , busy ka? "- Spencer

" Ahm... Wala naman akong gagawin bukas pako pupuntang work e saan tayo Pupunta?"- I continued

Nilingon ko sina mom and dad para magpaalam pero di panga ako nagsasalita pumayag na sila

" Sige lang anak , magiingat kayo ha! Saka uwi kayong maaga"- Alex

" Sige po dad"- I said then umalis na kami ni Spencer

Scene Skip

Nandto kami ngayon on park

" Akala ko ba sa mall tayo Pupunta ? Bakit sa park?"- I said

" Wala lang Elise gusto ko kasi maglakad lakad with fresh air"- Spencer

"Ahh. Ano bang kakainin natin dito? "- I said

" Hmm "- Spencer nilibot niya ng tingin ang buong paligid nang my nakita syang nagtitinda ng sorbetes icecream

" Bili tayong ice cream "- He said sabay hila saakin papunta doon

" Kuya pabili nga pong ice cream "- Spencer

" Sige po dalawa po ba?"- Boy

" Yes po "- I said, then bumili na kami ng ice cream at umupo sa my upuan at doon kumain.

Vanilla Ice Cream yung saakin then yung Kay spen naman strawberry ice cream.

Meanwhile

" Elise/Spencer"- Sabay naming sabi ni Spencer kasabay ng pagtawa din namin sa isa't isa

" Ahm... Spen , about dun sa confession mo ng feelings sakin ahm. Sorry ah kung wala akong reaksyon agad. Nagulat lang kasi ako nung time na Yun"- I said

" Naku lise, wala Yun I understand "- Spencer

" Gusto mo bang malaman kung ano yung feelings ko din for you?"- I said

" Sige ba, don't worry about me kung ano man yan tatanggapin ko"- Spencer

" Madrama yern?"- Biro ko ,

" "- Tumawa nalang si Spencer.

" Spencer. "- I said

Dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha ni Spencer namutla siya bigla!! Kala niya siguro ikikiss ko siya sa lips! heey! I cannot do that!! ✌ humalik ako sa kaliwang pisngi niya sabay ngiti ko sakniya

" Ano yung ibig sabihin nun? "- He asked

" I like you too Spencer "- I said

" Really!! "- Gulat na sabi nito

" Um.. "- I said

" So ibig sabihin nyan! We in relationship na? Tayo naba?"- He Said

" Um. Babe "- I said

" Y-yes!!! Yahoooo! Sinagot nako ng best friend koooo! "- He Shouted, nahiya ako bigla sa sinabi niya.

" Hoy! Spencer!! Ano bang ginagawa mo! Nakakahiya!! "- I said

" Babe!! Bakit ka naman mahihiya? Never akong mahihiya sa lahat ng taong nandito ngayon kasi Hindi kita ikinakahiya! "- He said sabay tayo at Sigaw sa lahat ng tao dito

" Hooooh! Girl Friend ko na po ang childhood friend koo"- He continued

Sobra na talaga akong nahihiya sa ginagawa niya ngayon.