Dumating ng maaga sina Eddy, Eric at ng ama sa Diamond Hotel. Agad silang sinalubong ng General Manager at inalalayan sila patungong Penthouse. Pag-akyat nila sa Penthouse ay sinalubong sila ng mga staff na mag-aayos sa kanila. Tinungo nila ang kwarto ni Eddy upang doon na sila makapaghanda. Pinaliwanag ng mga staff ang mga damit na kailangan ni Eddy para sa pagdidiwang. Pinapunta ni Eddy ang mag-ama sa kanyang walk-in cabinet para makapamili ng kanilang mga susuotin. Matapos paghahanada ay minabuti nila mag-kwentuhan muna habang inaantay ang pagsisimula ng selebrasyon.
Lumipas ang mga sandali at magsisimula na ang pag-diriwang. Pinatawag sila ng lolo upang magtungo sa bulwagan kung saan nag-aantay na ang mga bisita.
Nagtungo ang mag-aama sa bulwagan. Dumeretso ang mag-ama sa loob ng bulwagan at binigyan sila ng upuan nakahanda para sa kanila. Humiwalay si Eddy ng direksyon ayon sa utos ng tagapamahala ng pagdiriwang. Nagtungo sila sa isang kwarto upang mag-antay ng senyales ng kanyang pagpasok.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Marahil ang karamihan sa inyo ang nagtaka ng kayo ay nakatanggap ng imbitasyo mula sa akin na nagsasad ng pagdiriwang ng kaarawan ng aking apo. Apo na ngayon Ninyo lang nalaman at makikilala. Siya ang anak ng aking anak na babae na matagal ng nawawala. Ang aking apo ay aking nakita at nakilala kamakailan lamang. Ninais kong masiguro kung siya nga ang aking apo kaya kinakailangan ng matagalang pagsusuri at imbestigasyon. Ngayon na napatunayan ko na siya nga ang aking apo na matagal na nawalay sa akin. Ipinakikilala ko sa inyo ang may kaarawan ang aking apo na tagapagmana ng aking emperyo … Eddy Madrigal!" Nagtayuan at nagpalakpakan ang lahat ng bisita.
Pumasok si Eddy at bumati sa kanyang lolo bago pumunta sa harapan upang magsalita.
"Salamat sa inyong palakpak, ako po ay nagagalak at kayo'y nakarating sa pagdiriwang na ito. Sobra ang aking kasiyahan ngayon araw na ito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng magkaroon ng selebrasyon sa aking kaarawan at napakaraming tao kahit hindi ako nang-imbita." Pabungad niya at sinabayan ng ngiti. Nagtawanan ang mga tao at nabatid ang kanyang pagbibiro.
"Salamat sa aking lolo sa pagbibigay ng panahon upang ito'y matupad at syempre sa aking cute na pinsan si Aika na alam kong isa sa kasama ni lolo sa paghanda nito, salamat." Patuloy siyang sinalubong ng palakpakan.
"Marami na rin ang mga nakilala ko sa aking paglilibot sa Negosyo ni lolo, salamat sa inyong pagtangap." Nilibot niya ang kanyang mata upang masilayan ang mga ito.
Nahagip niya ng kanyang mga mata ang mag-ama at si Ester.
"Sa aking kapatid at ama na tumulong sa paghubog ng aking katauhan." Sabay lahad ng palad sa mag-ama.
Nagtinginan ang mga tao sa kanyang tinuran.
"Maaari bang tumayo ang aking ama at kapatid ng kayo naman ay makilala nila lahat." Tumayo ang mag-ama na may konting pagkahiya na may konting pagmamalaki.
Nagpalakpakan muli ang mga tao.
"At ang huli kong pasasalamatan ay ang bumubuo sa aking pagkatao. Isang matalik na kaibigan na tagapagtangol ko, isang katuwang at palaging kasama ko sa pag-aaral at ang ka isa-isang babae sa aking puso … Si Ester." Naramdaman na ni Ester na ipapakilala siya ni Eddy kaya naghahanda na siyang tumayo ngunit dahil sa sobrang pagpapakilala niya ay bigla siyang di makatayo.
Naglingunan ang mga bisita lalong-lalo na ang mga kababaihan. Lubos ang kanilang nais na malaman kung sinong babae ang umagaw sa kanilang Eddy. Marami sa mga kababaihan ang nangarap agad na maging kanila si Eddy sa unang sambit palang ng kanyang lolo sa siya ang magiging tagapagmana ng buong emperyo nito. Kanya-kanya na sila isip kung papaano makalalapit kay Eddy upang ito ay kanilang maging kaibigan. Ang hindi pagtayo ng Ester ay nakatangap ng mga ismid sa mga ito. Nang di tumayo si Ester ay nilapitan ito ni Eddy upang akayin patungong harapan.
"Ito ang aking mahal na si Ester, kilalanin Ninyo siya dahil siya ang susunod ninyong reyna." Pagmamalaki ni Eddy.
Hindi malaman ni Ester kung ano ang gagawin kaya minabuti niya nalang na humarap sa mga tao at ngumiti. Muling nagpalakpakan ang mga tao.
"Wag na nating patagalin pa ang selebrasyon! Salamat sa lahat!" pangtapos ni Eddy.
Naging masaya ang selebrasyo na napuno ng kantahan, sayawan, kainan at inuman. Maraming ipinakilala ang lolo niyang mga pinuno ng mga Negosyo nila. Naging abala ni Eddy sa mga bisita kaya pinaubaya niya si Ester sa mag-ama. Bago matapos ang selebrasyo ay niyaya niya si Ester sa terase upang makapag-isa.
"Bakit mo ko dinala dito eh kailangan ka doon sa party?" turan ni Ester.
"Hayaan mo ng matapos ang party ng wala ako. Kailangan kitang makausap tungkol sa isang importanteng bagay sa aking buhay." Seryosong sambit ni Eddy.
"May bago ka na namang supresa!? Baka naman atakihin na ko niyan!" pabiro ni Ester.
"Seryoso itong sasabihin ko kaya dapat mong ihanda ang iyong sarili." Dagdag ni Eddy.
"Nahihirapan akong kumuha ng salita kong papano ko ito sasabihin sa iyo. Sana sa mga sasabihin ko ay hindi magbago ang iyong pagtingin sa akin." Pasamo ni Eddy.
Kinakabahan si Ester sa mga sasabihin ni Eddy sa kanya, hindi niya maisip kong anong bagay na seryoso ang gustong sabihin ni Eddy. Malikot ang kanyang isip, "tungkol sa babae, hindi naman siguro. May anak na siya, waaaa wag po. Bading kaya siya? Malabo!" Saglit na tumahimik ang dalawa habang buwebwelto si Eddy.
"Isa akong manlilinang!" sabi ni Eddy.
Napatulala si Ester sa sinabi ni Eddy. Inakala niya na nagulat si Ester sa kanyang sinabi. Kilala ni Eddy si Ester alam niyang hindi seryosong tao ito kaya maaaring ikabigla niya talaga ang kanyang sinabi.
"Ano yun! Hahaha! Nakakaloka kala ko … kung ano-ano inisip ko … Hayz! Alam ko magbobote ka dati, dish washer, naging gas boy, construction worker. Hindi ko alam na nagbukid ka rin pala?" Bulalas ni Ester.
"Manlilinang? Alam ko manlilinang tawag sa mga mangingisda, pastol at magsasaka. Sila ang naglilinang ng dagat, mga hayop at bukid. Anong klaseng manlilinang ka ba?" Paliwanag at tanong ni Ester.
Napanganga si Eddy, hindi nya malaman kung matatawa o magagalit. Buong akala nya ay nagulat si Ester at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Napaisip siya at naintindihan. Tama nga naman sinabi ni Ester tungkol sa manlilinang. Agad siyang natawa sa kanyang sarili at nag-isip kung papaano nga ba niya ipapaliwanag. Naisip niya ang kanyang mga inensayo. Mula ng kanyang nalaman na may kakaiba siya lakas na dulot ng kanya pagiging isang manlilinang ay nag-ensayo na siya at sinusubukan kung ano ang mga kakayanan niya. Nasubukan na niya ang kakaibang lakas niya sa pagsuntok at pagbuhat. Naging kakaiba rin ang kanyang bilis sa pagtakbo na maaaring makipagsabay sa sasakyan. Ang huli ay ang pagtalon ng mataas at malayo.
"Kapangyarihan!" Sambit ni Eddy.
"Ako ay manlilinang ng kapangyarihan!" Dagdag niya.
"Ha!?" pagtataka ni Ester.
Hindi niya maliwanagan ang sinasabi ni Eddy ng bigla siya nitong inihiga sa kanyang bisig at kinarga.
"Anong ginagawa mo?" Malambing na tanong ni Ester.
"May tiwala ka ba sa akin?" Hinintay ni Eddy ang sagot ni Ester sa kanyang tanong.
Tumango lang si Ester sa kanya. Bumwelo si Eddy at tumalon sa kabilang terase. Sa gulat ni Ester ay napasigaw siya ng malakas. Mabuti nalang at sarado ang mga pintuan ng terase kaya walang nakarinig sa kanila. Ibinaba ni Eddy si Ester mula sa kanyang bisig.
"Yan ang gusto kong sabihin sa iyo. Isa akong manlilinang at ang aking ina na nakapag-asawa ng ordinaryong tao kaya ko namana ang kakayanan ng aking ina. Si Aika at lolo ay parehong manlilinang." Paliwanag ni Eddy.
"Mahal mo pa rin ba ako?" Malumanay na tanong ni Eddy.
"Mahal kita kung ano at kung sino ka man!" sabay halik kay Eddy.
Pagtapos na ang pagdiriwang kaya hinananap na siya ng kanyang ama at kapatid. Pinasok ng mag-ama ang terase na pinasukan nina Eddy upang siya ay kanilang tawagin. Nakita ng mag-ama ang dalawa sa kabilang terase kaya sila ay nagtaka. Alam nilang tama ang kanilang pinasukan kung bakit nasa kabila ang dalawa. Minabuti nilang lumabas at pumasok nalang sa kabilang terase.
"Hinahanap ka ng organizer para tapusin na raw ang pagdiriwang." Paalala ng ama.
Agad silang bumalik sa pagtitipon at pumunta si Eddy sa gitna ng bulwagan.
"Muli! Maraming salamat sa inyong pagdalo sa aking kaarawan. May munting regalo na inihanda para sa inyo. Maari niyo itong kunin sa inyo paglabas ng pinto. Salamat!" Paalam ni Eddy.
Natapos ang pasasalo-salo at inihatid ni Eddy sa kanyang tahanan si Ester. Sa loob ng sasakyan ay nagpaalam si Eddy kay Ester.
"Ako ay mawawala ng isang lingo mula bukas. May kailangan akong gawin sa amin mundo ayon kay lolo. May kailangan daw akong pagdaanang proseso dulot ng pagbabago sa aking katawan. Hindi ko din alam kung anong mga proseso ang sinasabi ni lolo kaya di ko din masasabi sa iyo." Paliwanag ni Eddy.
"Mag-iingat ka at siguruhin mo lang na babalik ka ng ligtas." Sabi ni Ester.