Nakabalik ang karwahe sa kanilang pinanggaling at sinabihan ni Eddy na pumasok sa palasyo.
"Sa palasyo ka nakatira!?" patakang tanong ni Grace.
"Nakikituloy lang ako dyan." Pangiting sagot ni Eddy.
Napakulot ng noo si Grace at hindi malaman kung nagbibiro lang si Eddy.
Pagdating sa tarangkahan ng palasyo ay binuksan ni Eddy ang kanyang bintana at agad silang pinapasok sa tarangkahan.
Napatingin si Grace kay Eddy na may pagtataka. Hindi naman nakasuot ng pang-maharlika si Eddy at mukhang isang karaniwang mamayan lamang.
Agarang naghanda ang mga bantay upang salubungin ang parating na karwahe. Pinagbuksan sila ng mga alalay. Bumababa si Eddy at inalalayan sa pagbaba si Grace.
Matapos makababa ay sumaludo ang mga bantay at bumati.
"Maligayang pagbabalik Batang Maestro!" Pagbati ng mga bantay.
"Isa kang Maharlika!?" Pabulalalas ni Grace.
Sinagot lamang ni Eddy ng ngiti ang kanyang tanong.
Pagdating nila sa pintuan ay sinalubong sila ng kanyang lolo.
"Kamusta apo ang iyong araw? Naging masaya ka ba?" Bati ng lolo at sabay tingi kay Grace na may paghanga.
"Lolo, ito si Grace galing sa angkan ng apoy." Pakilala niya sa lolo.
"Grace? Ikaw ba ang apo ni Malikas?" Tanong ng lolo.
"Opo! Ako nga po ang apo nya." Sagot ni Grace.
"Kilala nyo po ang aking lolo?" Tanong niya.
"Ang iyong lolo ay aking tunay na kaibigan at katunggali. Madalas kaming magkatungali sa lahat ng mga paligsahan noong aming kabataan kaya kami naging magkaibigan. Kamusta na ang lolo mo?" Paliwanag ng lolo.
"Darating po siya sa bukas. Raja maari po ba akong manatili muna dito? Tumakas ako sa aking mga bantay at ayoko po munang bumalik." Paki-usap ni Grace.
"Malamang makagalitan ka ng iyong lolo, hayaan mo ako na ang bahala. Wag mo na akong tawaging Raja at lolo nalang. Kaibigan ka ng aking apo at ikaw ay Maharlika kaya hindi na kailangan ng pormalidad."
"Eddy ikaw na muna na ang bahala kay Grace at ako'y magpapahanda ng hapunan para sa ating bisita." Utos ng kanyang lolo.
Nagtungo silang dalawa sa hardin at nagpahinga sa gazebo. Minabuti ni Eddy na makapag-usap silang dalawa at nakapagkwentuhan.
Ikinuwento ni Eddy ang kanyang buong pagkatao at kung saan siya nanggaling. Nang makarating siya sa kwento tungkol sa kanyang ina ay agad napaluha si Eddy. Mas nararamdaman ni Eddy ang pangungulila ngayon sa kanyang ina dahil sa nasaksihan niyang pagtatapo ni Grace at ng kanyang ina. Naging magaang ang kanilang loobin sa isat-isa dahil sa pareho nilang sitwasyon sa ina.
Matapos ang isang oras ng kwentuhan ay pinatawag na sila ng kanyang lolo upang maghapunan. Matapos ang hapunan ay inilibot ni Eddy si Grace sa palasyo. Humanga si Grace sa kabuuan ng palasyo dahil sa kakaiba nito karakter. Ang kanilang palasyo ay gawa sa baton a karaniwan kawa ng mga palasyo.
Matapos ang paglilibot at inihatid na ni Eddy si Grace sa kanyang tulugan.
"Magandang gabi sanay maging matiwasay ang iyong tulog." Paalan ni Eddy.
"Gayundin sayo. Salamat sa araw na ito." Ngumuti si Grace at pumasok na sa kanyang silid.
----------
Sa gusali na pinanggalingan ni Grace ay natataranta ang lahat ng tao. Maging si Michael ay sobra ang pag-aalala. Lahat ng bantay ni Grace ay nakahanay sa harap ni Michael habang ito'y kanyang pinaagalitan.
"Ano ang sasabihin ko ang Raja pagdating nya? Pinabaayan kong mawala ang kanyang apo!?" Galit na pasigaw ni Michael.
Dinuro niya ang gereral na nasa hanay. "Ikaw ang magpaliwanag sa Raja! Dahil sa inyong kapabayaan ay nawawala ang kanyang apo!"
Napatingin ang lahat ng biglang may pumasok na isang tao sa bulwagan at dumeretso kay Michael.
"Ginoo! Nagpadala ng mensahero ang palasyo at pinagpapaalam na ang prinsesa ay nasa kanila at ito ay kanilang bisita ngayon. Ipagpapabukas nalang daw ng prinsesa ang pagbalik dito." Balita ng pumasok.
"Sakit talaga sa ulo nitong babaeng ito!" Nawala na ang pangamba ni Michael ngunit ganoon pa rin ang kanyang pagsumpa kay Grace.
"Tapos na ang paghahanap! Sabihan ang lahat na tumigil na sa pahahanap at sila'y magpahinga na." Utos ni Michael.
Kinabukasan ay naghahanda na ang mga tauhan sa pagdating ni Raja Malikas. Maraming bisita ang gusali at masaya ang kapaligiran. May musiko, sayawan at mala-fiestang handaan.
Kinabukasan, kinakabahan si Michael dahil parating na ang Raja ngunit si Grace ay hindi pa rin bumabalik. Nagpadala na siya ng susundo kay Grace ngunit bumalik ito at sinabing ihahatid ng Raja ng tubig si Grace at makikisalo ito sa kasiyahan.
Medyo nawala ang pangamba niya dahil may masasabi na siyang dahilan sa Raja.
Goooong! Gooong! Gooong!
Tatlong magkakasunod na tunog ng Gong ang umalingawngaw at nag-umpisa na ang malalakas na tugtog mula sa hanay ng banda hudyat ng pagdating ng Raja ng Apoy.
Nataranta si Michael at nagmadaling tumungo sa labas ng gusali.
Mahaba ang parada ng mga sumalubong sa Raja. Marami dito ay inaabangan na makita si Grace para masulyapan ngunit sila'y nabigo.
Naging masaya din ang mga tao dahil sa makukulay na sayawan at malalakas na musika.
Tumigil ang karwahe ng Raja sa pamintuan ng gusali at agarang itong pinagbuksan siya ng mga alalay.
Pagkababa ng Raja ay agad nitong inilibot ang kanyang paningin nang hindi niya nakita ang kanyang apo ay agad itong sumibangot.
Nakita ni Michael ang reaksyon ng Raja kaya agad siyang tumungo rito.
"Pagpaumanhin Raja! Ang inyong apo at hindi nakakarating dahil siya ay nasa palasyo bilang bisita ng Raja Habil. Ang Raja daw ay makikisalo sa pagdiriwang mamaya." Paliwanag ni Michael.
"Pupunta si Habil at kasama ang aking apo? Hmmm. Hahaha!" Nagalak ang Raja sa balita.
Minarapat n ani Michael na imbitahang pumasok ang Raja para makapagpahiga.
Maya-maya lamang ay dumating na ang karwahe nina Eddy sa harapan ng gusali. Naging alerto ang mga mamayan sa pagdating ng karwahe. Naging interesado sila kun sino ang sakay nito. Bumaba si Eddy at inalalayan ang Raja palabas. Nagpalakpakan ang mga nasa paligid. Minsan lang nilang makita ang kanilang Raja kaya sobra ang kanilang kagalakan.
Matapos bumaba ng Raja ay sununod ni Eddy na alalayan si Grace pababa. Hindi pa nakakababa si Grace ay naghiyawan na ang lahat. May mga pumito ng malakas at may sumisigaw ng kanyang pangalan.
"Mukhang mas sikat ka pa kaysa sa akin sa loob ng aking teritoryo!" Pangiting biro ng Raja.
Sinalubong ng ngiti ni Grace ang biro ng Raja at kumapit kay Eddy upang tumungo papasok ng gusali.
Nabigla si Eddy sa ginawa ni Grace ngunit bilang isang maginoo ay hinayaan nalang niya ito sa pagkapit.
Biglang natahimik ang paligid dahil sa Nakita nilang pagkapit ni Grace. Nagtataka ang mga ito kung sino ang lalaking kanyang kinapitan. Kung si Michael ang kanyang kinapitan ay maari pang matangap nila dahil alam nilang masugid na manliligaw ni Grace ito.
"Mukhang mapapahamak ako sa pagkapit mo sa akin. Pakinggan mo ang paligid biglang tumahimik." Pabiro ni Eddy.
"Hayaan mo sila! Basta gusto ko nakakapit ako sayo pagnakita ako ng aking lolo." Nalaman ni Eddy ang balak ni Grace.
Pumasok sila ng gusali at tinungo ang bulwagan. Pagpasok nila ng bulwagan ay agad na ananunsyo ang kanilang pagdating. Lahat ay napatingin sa kanila dahil sa taas ng estado ng Raja at kasikatan ni Grace. Inanunsyo din ang pangalan ni Eddy bilang apo ng Raja at batang maestro .
Nakita ng Raja ang kapit ni Grace sa bisig ni Eddy ngunit siya lang ay napangiti. Naging masama naman ang tingi ni Michael sa kanyang nakikita. Ang pagkapit na ito ay hindi niya naranasan kay Grace at nahahawakan lang niya ang kamay nito kapag aalalayan pababa ng karwahe.
Lumapit ang Raja Habil kay Raja Malikas.
"Amigo! Amigo!" Bati nila sa isat-isa.
Ipinakilala ni Raja Habil ang kanyang apo kay Raja Malikas.
Nang kamayan ni Eddy ang Raja ay agad itong sumimangot at nagtataka.
"Isang Mala! Ikatlong antas!" Napabitaw ang Raja kay Eddy na may konti tsasko.
"Ikatlong araw palang ang paglabas ng kanyang tanda at sa una niyang pagsubok ay nakamit niya ang ikatlong antas!" Paliwanag ng lolo.
"Isang talentadong Mala! Kinagagalak kong malaman na kayo ng aking apo ay nagkakasundo." Napangiti ang Raja sa paliwanag ng lolo ni Eddy.
"Sya! Simulan ang kasiyahan!" Utos ng Raja.
"Kayo muna ang humayo at magsaya. Kailangan kong makausap ang aking amigo at makapag kwentuhan." Sambit niya kina Eddy at Grace.
Tumungo sila sa kasiyahan at pinuntahan ang mga kaibigan ni Grace n amula sa iba't-ibang ang ankan at pamilyang marangal.
Naging masaya ang kanilang pag-uusap ng bilang "Isang Mala! Paano ang isang prinsesa ay nagkaroon ng isang kaibigang Mala at napakababa ng antas?" Pagsusungit na kantsaw ni Kathy.
Si Kathy ay prinsesa ng Angkan ng Lupa at tagahanga ni Michael. Masama ang kanyang relasyon kay Grace dahil kahit anong gawin niyang paramdam kay Michael ay hindi siya pinapansin nito.
Maganda din si Kathy. Mataas, makinis, kulay kayumangi at mahaba ang buhok na gusting-gusto ng mga kalalakihan. May pagka dominate ang kanyang pagkatao na nagiging masama ang dating na inayawan ni Michael.
Siya ay Antas Walo ng Dakila at may unang espiritong antas na Berde. Mataas na antas kumpara sa mga katulad niya edad. Isang "prodigy" sa larangan ng paglilinang.
Huli na ng dating si Kathy sa salo-salo kaya hindi niya alam na si Eddy ay isa ring Maharlika at apo ng Raja ng tubig.
"Wala kang pakialam kung sino man ang aking kaibigan! Hindi ako humihingi s aiyo ng permiso kung sino man ang aking gusting Samahan!" Pagali na patatangol ni Grace.
"Hindi ko akalain na isa ka ng taga pagtangol ng mga mahihina. Ang taas ng tingi ko sa iyo ngunit ngayon ay napakaliit na." Paasar ni Kathy.
Dahil sa mga sinabi ni Kathy ay hindi na nakapagpigil si Grace. Naglabas ito ng Aura at itinungo kay Kathy. Napaatras si Kathy ng kangapin niya ang opresiba nito.
"Antas siyam!" patakang sabi ni Kathy.
"Inaasahan talaga sa isang prisesa maging kahanga-hanga!" Mapanuksok sambit ni Kathy.
Napangisi si Grace at alam niyang mas malakas siya kay Kathy.
Sumenyas si Kathy gamit ang kanyang kanang kamay at biglang napaatras si Grace at natangal ang kanyang opresiba.
"Berde Espiritu!" napabulalas sa Grace.
Ang Berdeng Espitu ay katumbas ng unang limang habak ng antas ng immortal.
"Itigil nyo ang inyong ginagawa!" Napasigaw si Michael sa nagtutungali.
Matagal ng pinagmamasdan ni Michael ang kanilang sagutan. Natutuwa siya ng iniinsulto ni Kathy si Eddy kaya hinayaan lang niya ito. Ngayon na maari ng masaktan si Grace ay agad niyang pinigil ang mga ito.
"Ito ay pagtitipon para parangalan ang Raja at kayo'y nanggugulo."
Huminahon ang dalawa at hinatak ni Grace si Eddy papalayo.
Lalong nainis si Michael sa kanyang nakita.
Nagngingitngit ang buong katawan at tumatagos sa kanyang buto ang galit ni Michael habang papalayo ang dalawa.
Natungo silang dalawa sa mga Raja upang magpaalam para bumalik sa palasyo.
"Lolo maari po ba kaming umuwi na at magpahinga." Sabi ni Grace sa kanyang lolo.
"Mabuti pa at kailangan nating pumunta sa kabisera para sa pagsubok." Sabi ng kanyang lolo
"Nakatapos na ako ng pagsubok na iyon nung nakaraang taon bakit kailangan magsubok muli?" Patangi tanong ni Grace.
"Dadaan si Eddy ng unang pagkakataon sa pagsubok ayaw mo bang sumama?" Pangiting tanong ng lolo.
"Ahhh! Kung gayon uuwi na kami at makapagpahinga." Masayang bawi ni Grace sabay yakad kay Eddy palabas.