interrogation?

papalapit na ako sa kanya. tinanggal nya lang kanyang cap. ang ganda ng mata. syempre baka pagsinabi Kong gwapo siya. baka ma wow Mali naman ako. na ka facemask ehh. matangkad, maputi and clean cut ang buhok. lalaking lalaki.. ehh teka bat ba ito iniisip ko.

"Ma'am!" tawag nya sakin.

"yes sir?"

"ang sabi ko po. patingin po ako ng loob ng bag nyo?" medyo may inis na sabi nya. ngee so habang kinakausap ko ang sarili ko. tinatanong na pala ako. shiitiee ...

"pasensya na po! " sabi ko sabay open ng traveling bag ko. maayos naman na ka tupi lahat ng damit at gamit ko. he check it.

"sir wag mong masyadong kalkalin baka bumulaga yung undies ko." pabulong ko na sabi. bigla naman syang napasmile. paano ko nasabi syempre nakita ko yung mukha nya gilid tumaas.

"its done! thank you for cooperate but may ask you something or some information about you?" paktay.. Englishero. "of course sir, just ask". akala mo ikaw lang marunong huh. teacher ata tung kaharap mo!

" May I see your ID please" di na ako sumagot binigay ko na agad.

" may I know your name?" binigay ko naman ID ko ahh.. baka di nya lang ma pronounced.

"I am Aerriel Gale Frieres sir, 23 born on December 16 1999." name lang self tinanong pero bakit ganon sagot mo? syempre para wala ng further question baka isipin nya na Hindi ako yung sa ID. ganda ko kasi don may filter yun ehh. ngayon mas haggard pa nang itsura ko kisa sa gulong sa naflatan.

"Saan ka galing? " Luh marunong din naman palang mag Tagalog ehh..

"sa bahay ko!" walang pagiisip na sabi ko. "ahh eh sa lake sebu sa bahay!" ngewe Kong sabi. dinaman nya makikita kung nakangiti ako o nakangiwi ehh.. salamat sa facemask.

"at saan naman distinasyon mo?"

"sayo. ahh ehh sa school na pinapasukan ko. Jan lang sa San isidro. " paktay nahh.. yung bibig mo self.

"Teacher ka pala?" tanong nya

"Hindi po magdadamo lang po ako doon!" bigla siyang tumingin sa akin then tiningnan ID ko. tapos tingin sa akin pero magkasalobong na ang kilay.

"joke lang po! opo sir teacher po ako" bakit sir mag eenroll ka sa klase ko tuturuan kita. tuturuan kitang mahalin ako. charis LAng.

"may boyfriend ka na?" out of no where na tanong nya. "I know na its not related but I just want to ask. meron ba? "

ohhh shiiit ... mahirap to sir. dhay! baka magkalab life kana. landi pa! eheem

"wala po!" sabi ko.

"so saan ka nakatira kung wala kang kapamilya o kasintahan dito?" nagcross arm pa.

"di ba pede sir na independent ako. Na Hindi ko kailangan ng isang kasintahan para manatili rito." judgemental naman si sir, kamot sa ulo, tingin sa paligid.

"sir gumagabi na kailangan ko nang umuwi. mahirap pa naman sumakay ng trycicle dito. at ang mahal pa. boarding house lang po ako nakatira. magluluto pa po ako ang gagawa ng lesson plan for the week. kaya sir pwede bang umuwi na ako. " tudo explain para makauwi na.

"ihahatid kita sa bhouse mo para makasigurado na Hindi ka isa sa kanila. put your number here and wait for me for a while. got it?" tumango ako as response then tinype ko na ang cp number ko sa cellphone na binigay nya. tapos may kinausap siyang mga pulis at kumaway. binigay ko agad cp nya pagkarating nya. hinila nya ako sa sasakyan na Toyota black. binuksan nya then he said "get in." pumasok ako agad at lumakad sya papuntang kabila at sumakay na rin . bumusina sya at pinaharurut na ang sasakyan. Sa conel road kami dumaan. bakit Parang Alam nya kung saan dadaan papuntang school.

"asan dito ang bhouse mo?" tanong nya ng malapit na kami sa school." Jan sa harap lang. lalakarin ko lang papasok."sagot ko.

"No! ihahatid kita sa lavas ng bhouse mo mismo. Malay mo peke pala identity mo!" pinagdududahan talaga ako nito.

"Hindi po ako NPA sir promise cross my heart with 100 padlocks and itapon nyo pa ang susi." sabay promise sign ng kamay. siege na nga para matapos na "Jan sir pumasok ka po Jan. sige po. yung may door na blue sir." pagtuturo ko. "bakit walang gate! ligtas ka ba dito? " tanong nya nung nakababa na kami. "gusto mong pumasok sir?" pagtatanong ko baka gusto. ide papasukin. at lalandiin joke lang . prim and proper kaya ako. kahiya naman sa mga students ko.

"is it okay with you.?" tanong nya.

"of course" sabi ko sabay pagtanggal ng lock sa pintuan at pumasok. I turned the lights on and put my luggage on my table. I'll fix it later. I will gonna cook first. Bahala na sya. gutom na talaga ako.