Chapter 15: Love and jealousy

* End of Flash back *

"Hi nurse, saan ang room ni Valerie Fuentebella?"

"Ano po ang name mo sir? Kaano ano mo si Mrs. Anderson?" Napakunot noo siya ng marinig ang apelyido ng bastardo. "I'm Henry Lee, She's my friend." "Room 405 third floor po Sir, pagkatapos sabihin iyon' ay ngumiti ito.

Nag-pasalamat at kaagad niya tinungo ang room kung saan naroroon si Valerie.

"Sir, ano po ang order mo?"

Bigla siya bumalik sa ulirat ng tanongin

siya ng cashier sa isang fast food chain.

"6 pc chicken McNuggets with rice Regular drink. 1 pc chicken Mcdo spaghetti plus regular drink, 2 Apple pie. Pagkatapos niya makuha ang order, kinuha niya iyon at bumalik na siya sa hospital.

"Hi Valerie, Kumusta kana?", Inilapag niya muna ang prutas at bulaklak na dala niya".

"Henry, ano ang ginagawa mo dito?"

"Ano bang klaseng tanong yan? syempre dinadalaw ka." "Pakiusaap umalis kana, bago kapa maabotan ni Aaron dito!" "Ang hayop na bastardo na iyon' anong ginawa niya sayo' huh?"

Kahit hirap siya sa pagsasalita pinipilit parin niya, dahil alam niya na malaking gulo na naman iyon, kung mag-papangabot ang mga ito.

"Wala akong pakialam sa bastardong iyon, ikaw ang ipinunta ko rito!" "Pakiusap! Henry, kung ano man ang nangyayare sa amin ni Aaron' huwag kana makiaalam pa, para maiwasan ang gulo."

"Okay, okay! Aalis ako para sayo' pero hindi dahil sa natatakot ako sa bastardong iyon".

Ngunit bago pa man ito nakaalis, huli na ang lahat' dahil madilim ang mukha nito ng makapasok ito at nakita nito si Henry".

"Gago ka! Anong ginagawa mo rito? Hayop ka!"

",Masama bang dalawin ang taong mahal ko?" Pagkatapos ngumisi ito na para bang nakakaluko. "Gago ka pala! Lubayan mo ang asawa ko!", Malakas na sigaw niya rito.

"Asawa?", Sa pagkakaalam ko hindi naman asawa ang turing mo sakanya kundi kaaway!"

"Nanlilisik ang mga mata nito sinugod si Henry, Gago ka pala talagang hayop ka! Dalawang magkakasunod na suntok ang pinakawalan nito, dahilan para matumba ito. "Tama na' Pakiusap!" maluha-luha niya awat sa mga ito..

Maya maya pa ay dumating na roon ang dalawang security guard ng hospital, inawat ang mga ito. "Ilabas na ninyo ang tarantadong yan dito! Kahit anino ng hayop na iyan ay huwag ninyo papasokin!" Pagkatapos sabihin iyon sa dalawang security guard, inilabas na ng mga ito si Henry. "Bitawan ninyo ako! Hindi pa ako nakakaganti sa bastardong yun!" Nagpupumiglas siya habang bitbit siya ng mga ito.

Naiwan ito sa loob kasama niya, madilim ang mukha nito at nan-nanlilisik ang mata na nakatingin sakanya, na para bang ano mang oras ay sasakmalin siya nito.

Pagkatapos siya tingnan ng masama umalis ito at pabagsak na isinara ang pinto.

Dahilan para magulat siya at maiyak sa takot.

Maya maya pa ay dumating na ang doctor at nurse. Kinumusta siya ng mga ito dahil sa kagulohan na nangyare. "Don't cry! hindi iyan makakabuti sayo." "Doc, sino ba naman ang hindi ma stress, na pinagaagawan ng dalawang gwapo at mayaman na lalaki. Sana all!", Sabay ngiti nito sakanya. "Nurse Joy, umandar na naman ang pagka maretes mo. saway ng doctor rito". "Mabuti pa kumuha ka ng gamot na pang pakalma, para marelax ang isip ni Mrs. Anderson at mabawasan ang pangininig niya. "

"Yes doc! Right away!" "Please try to calm down! Mrs Anderson, hindi ito makakatulong sayo."

"Doc, ito na yung gamot." Kinuha ito ng doctor at inabot sakanya, pagkatapos binigyan din siya ni nurse Joy ng tubig. Ininom niya iyon' maya maya pa ay unti unti ng pumikit ang kanyang mga mata.

"Hello, Banjo! Mataas ang boses niya kausap ito sa kabilang linya, "Hello" Sir Aaron, bakit po?"

Papuntahin mo rito si Edwin at Leo, pakisabe daanan si Manang Lina sa mansion, pumunta sila ngayon rin sa hospital.", "Sir, akala ko ba ikaw ang magbabantay kay Mam Valerie?" "Hindi na! kailangan ko na pumasok sa opesina."

"Sir, Kaya ko naman gawin yung mga trabaho na naiwan mo rito." "Basta! sundin mo ang pinaguutos ko! Pagkatapos pinutol na niya ang kabilang linya, na hindi man lang ito nagpaalam sa kausap. Maya maya pa ay dumating na ang tatlo. sa hospital.

"Sir, Good afternoon!", Nakangiti bati ng mga ito sakanya, ngunit madilim parin ang mukha niya".

Pinapunta ko kayo rito dahil kailangan ko na pumasok ng opesina!" "Manang Lina, ikaw na muna ang bahala kay Valerie, may pagkain na ako iniwan sa loob. Kung may kailangan pa kayo tawagan mo lang si Mang Larry." "Sige po Sir, Ako na bahala kay Mam Valerie." Pagkatapos niya makausap ang boss, agad niya sinunod ang utos nito.

"Edwin, Leo, Magbantay kayo rito sa labas ng hospital, ayawko na may Ibang lumalapit sa asawa ko! Kung mayroon dadalaw dito huwag ninyo papasokin. Kung ano ang maging problema dito, itawag ninyo kagad sa akin o kay Banjo! Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo Sir, sagot ng dalawa niya taohan.

Madilim ang mukha niya nilisan ang hospital.

"Sir Aaron, saan po tayo?"

"Mang Larry, sa opisina tayo."