CHAPTER 7: DATE?

Kinaumagahan ay maaga kami gumising para mag asikaso dahil maalis pa kami papunta sa aming pamilya, 4 na beses sa isang buwan kami nagkikita nila mama dahil medyo busy kami pagdating ng lunes, martes, miyerkules, huwebas, biyernes, at sabado, at pagdating namna ng linggo ay yun nalang yung time namin para sa sarili namin kaya naman minsan ay hindi kami nakakapunta kayla mama dahil sa sobrang busy.

Habang nga kami ay nag aasikaso ay may biglang nagnotif ang phone, nung chineck ko ay nagmessage pla si Daniel.

~MESSAGE~

Daniel: Good Morning Anie

Daniel: I'm just gonna ask if where are we going to meet up?

Annie: Oh right, we can meet up at the park

Daniel: Freedom park?

Annie: Yes

Daniel: Sure

Daniel: See you at 1:30

Annie: Yeah see you

"Ate Liana sa park daw ma meet up" inform ko naman kay ate Liana. "Hmm" naghumm na lang si ate Liana at nagpatuloy sa pag aasikaso. "San muna tayo ma punta? Kayla mama o tita?" tanong sakin ni ate Liana. "Ikaw bahala" sagot ko naman, dahil well hindi ako pala desisyon or hindi ako maka make ng desisyon minsan para sa sarili ko. "Ok edi kayla mama na muna di bale 8:37 na, tapos mapunta naman tayo dun kayla tita ng 9:30 hanggang 10:30 naman tayo dun, tapos babalik tayo ng siguro 10:45 dito sa bahay kasi mabyahe pa tayo tapos since 10:45 nandito na tayo, aasikasuhin na din natin yung mga bilihin, mga papeles at iba pang kaylangan asikasuhin para buksa di na tayo apurada matapos ang lahat, ok?". "Ok ate" yun nalang ang nasagot sa pagkahaba haba ng sinabi ni ate, Hayyst ang dami nanamang gawain di na natatapos. "Wait diba 1:30 tayo maalis mammaya para makipag meet up kay Daniel tama ba?". "Oo" sagot ko. "Oh edi may time pa tayo since sa park medyo malapit lapit lang edi 1:25 na tayo mag alis ng bahay". "Luh bakit naman 1:25, kala ko 1:30 since malapit lang" sagot ko kay ate Liana na may pagkadismaya sa aking pagkakabigkas nito. "Well alangan man pag intayin natin sya diba?". "Oh anong masama kung pag intayin natin sya?". "Hayy naku Annie masamang pag intayin ang isang tao lalo na kung mayaman yun baka kung anong sabihin nun sa iba tungkol satin". "Oh ano sasabihin nya na sa iba, tsaka pake ko sa sasabihin nya, tayo na nga ang nagtulong sa kanyan maghanap nung singsing--". "For your information na pulot mo yung singsing hindi mo hinanap". "Hay naku ate parehas lang yun" sagot ko naman kay ate na alam kong pagod na pagod na makipagbardagulan sakin.

~FAST FORWARD~

Naka uwi na nga kami ng bahay at 11:06 na, sinabay na din namin magbili ng mga kaylangan namin dito sa bahay renirestock namin lahat ng kaylangan naming irestock para di na kami mahirapan sa sunod.

Pagkatapos na nga naming magrestock ay nagpahinga na din kami para mamaya maya ay makaligo na at makaasikaso dahil aalis ulit kami. 'Hayy ang daming gawain' sa isip isip ko. Pagtingin ko sa orasan ay 12:45 na. '?!' nabigla nga ako at sinabihan ko na nga si ate pero pag tingin ko sa kwarto nya ay naliligo na pala. 'Wow di man lang ako sinabihan'. Naligo na nga din ako at nagbihis at syempre yung casual na damit lang ang dinamit di naman ako pupunta sa sosyal na lugar kaya ayun nag casual clothes lang ako.