prologue

I killed my own mother?

" You don't remember?" Puno ng taka na tanong sa akin ni Elizabeth, pinsan ko at sa loob ng halos labin-dalawang taon ay ngayon nalang ulit kami nagkita.

"Hindi magandang biro yan Elizabeth, kung balak mo akong igood-time, hindi sa ganitong paraan!" Hindi ko mapigilan hawakan siya sa braso at titigan siya ng masama

"Ano ba? Nasasaktan ako! Tingin mo kaya kong mag-biro ng ganto?" Hindi ko parin siya binitawan at alam kong

Naiiyak na siya pero imbis na maawa, idiniin ko ang kuko ko sa mga braso niya at tuluyan na siyang napaiyak sa sakit.

"Aba malay ko? Ilang taon na tayong hindi nagkikita, malamang madami nang nagbago sa iyo!" Pasigaw kong sagot sa tanong niya kanina, ang boba ng pinsan ko!

"Kung ayaw mong maniwala sa akin, umuwi ka sa inyo at halughugin mo ang bahay niyo nang makakita ka ng evidence na IKAW ANG PUMATAY KAY TITA MARIZ, IKAW MISMO ANG PUMATAY SA NANAY MO!" Nag-echo sa aking tenga ang sinabi niya na ako mismo ang pumatay sa nanay ko, kamay ko mismo ang gumitil sa Ina ako!

Nag-init ang aking ulo "putang Ina, ang galing mo mag-sinungaling!" Sigaw ko sa kaniya kasabay ng malakas na tulak ko sa kaniya na naging dahilan ng pagka-hulog niya sa sahig ng condo ng kaniyang sala.

Pinapunta niya ako dito sa condo niya upang mag-bond naman daw kami dahil sa tagal naming hindi nagkita simula ng magpasya na silang tumira sa maynila, Siya ang pinsan ko na kalaro ko nung mga bata pa kami.

Pero nang mawala si mama, pagkalibing lang rin ay lumipat na sila at sa maynila na nanirahan ng hindi namin alam ang dahilan

Pero imbes na kami ay magkaroon ng bonding, nauwi ito sa galit ko sa kaniya nang aksidente niyang nabanggit na ako raw ang nakapatay sa nanay ko at ito raw ang dahilan kung bakit may peklat ako sa braso.

Walang segundo akong umalis sa kaniyang condo para tahakin ang bahay ko, at hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa harap ng bahay ko.

Agad akong pumasok at tinahak ang kwarto kung saan nakita kaming nakahalindusay sa sariling dugo ng nanay ko.

Pinagbubuklat ko ang lahat ng kabinet, karton, wallet na nakita ko. Hindi ako mapakali na naghahanap kahit hindi ko alam kung ano nga ba ang hinahanap ko.

Bakit ko nga ba ginagawa ito? Mataas naman ang kumpyansa ko na wala akong kasalanan pero tang Ina naman kasing bibig ni Elizabeth yan.

Nawasiwas ko na lahat ng gamit ko at sa loob ng envelope at may nakita akong maliit na USB. Inikot ko ang paningin ko para makita ang laptop ni carl at tagumpay ko itong nakita, takbo ko itong pinuntahan at saka isinaksak ang USB na hawak hawak ko.

Ramdam ng buong katawan ko ang nginig na nadarama ko, walang segundo ay nagplay na ang cctv.

This CCTV was recorded on July 13 1013 at 10:23 a.m

Oras, Araw, Taon kung kailan kami nakahalindusay ng nanay ko sa sariling dugo

Hindi mapigilan ng katawan ko ang panginginig nang sa tahimik na nag-tatahing nanay ko sa Sala ay aking walang awang tinutukan ng kutsilyo sa kaniyang leeg.

Kita ko ang takot sa mata ng nanay ko pero parang walang emosyon ko siya'ng sinaksak.

"Hindi" Hindi ko na kayang panuorin toh. Pigil ko sa sarili ko sa footage na akala mo naman ay naririnig.

"Tama na!" Sigaw ko sabay bato ng laptop na hawak ko.

"Hindi!" Hindi ko kaya, patuloy kong sambit habang binabto ang ang mga bagay na nahahawakan ko.

"Iyana!" Dinig kong sigaw ng lalaki na kaharap ko na ngayon, halata na kadadating niya palang at kita ko ang gulat at alala sa mata niya ng iikot niya ang mata niya sa paligid at napirmi sa akin.

"Iyana, anong-" amba niya akong lalapitan at hindi niya na natuloy ang sasabihin ng pinigilan ko siya

"Huwag kang lalapit!"

"Huwag kang lalapit sa isang murderer!"

" Iyana, my dear!" Ramdam ko ang paga-alala niya sa akin

"What's wrong, tell me please?" Pag mamakaawa niya.

"Mamatay tao ako carl" nanghihina kong sabi pero sapat na para marinig niya na akala mo batang nagsusumbong

"Baby, what are you talking about?"

"Ang sama ko!" Hikbi ko

"Ang sama sama ko carl" hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang bagay na akala ko impossible kong magawa

" Putang Ina Carl, sa sarili kong kamay namatay yung taong nagdala sa akin sa mundo!" Tuluyan nang bumagsak ang tuhod ko. " Putang Ina, yung nagi-isa kong kakampi noon, kinalaban ko!"

"Tang Ina, bakit sa kamay ko pa mismo?" Tanong ko kay Carl na akala mo kaya niyang sagutin.

"Tang Ina, prinotektahan ako niyon sa mundo, sa ama ko eh! Siya yung paa ko, ang nanay ko ang takbuhan ko kapag may nang aapi sa akin" hikbi ko

"Tapos sinuklian ko siya ng kamatayan!"

"Baby its not you-" carl

"Tang Ina Carl! Anong hindi ako eh ito na nga pruweba oh, ito na nga yung naganap oh!" Pagputol ko sa sasabihin sana niya sabay bato sa Mukha niya ng hawak kong USB.

"Baby, it's not-"

"Salamat" tanging tugon ko nalang sa sasabihin niya at agad akong tumakbo paalis ng bahay ko.

Natatakot ako, sobrang takot na takot ako sa sarili ko mismo. Hindi ko na kayang patawarin pa ang sarili ko.

_____

Prologue lang talaga yan, I already put warning in the first slide so don't blame me if ever na trigger ka for next chapter.

I assure you that this was just for you.

Hindi masiyadong nakafocus ang story diyan sa nanay niya, madami pang mistery na dapat mong malaman about this story.

Stop reading if you don't like it, keep reading if you found it interesting.

Thank youuuuuuu, muaps ka sakin:)