E L I S H A
"Eli, let's go!" My mom suddenly called me. I immediately put my earrings in both of my ears before checking myself for the third time before leaving my room.
We're both now in limousine which is the color white. I was seated next to my twin brother, my mom and dad was on the driver and passenger seat.
"Are you ready?" My twin brother asked while we are on our way to the luxurious hotel.
I knew France from the start and when I was still in Japan. Of course, both of my parents are planning to have our marriage contract and direct to the engagement party after this. It's just that, I don't want to enter relationships anymore. I hate heartbreaks or what so ever.
Both of my parents will surely ignore me if I choose to decline that sh'ts. I have my own company which is perfume so I didn't know why they choose me to have a marriage contract for him instead of my twin brother.
"Never ready," My twin brother chuckle and held my right hand to comfort me.
I'm so thankful that I have him beside me. He is my protector and a bestfriend. We're so close, like really close. I was so worried sometimes.
He doesn't want to have a girlfriend, he has a freedom what to do of his life without having a permission to our parents. While I am here, stuck like hell. I don't even want to do this but I don't even have a choice.
"We're here," He whispered so I looked around and sighed.
This is the start.
"Ariantsurafamirī! Irasshaimase!" The old man greeted us when we go outside. There's so many camera around like we were a celebrity before guiding us upstairs.
(Trans: Alyanzra Family! Welcome!)
"Hisashiburidesu" My dad replied while smiling to the name Arlando which was the owner of the luxurious hotel and invited of this sh't'
(Trans: It's been a long time)
We have two language, which is Japanese and English. I know a little filipino but cannot speak with it. I only understand a filipino language. And I know that my husband would be a Filipino man and nothing else.
F R A N C E
Naka-ilang buntong-hininga pa ang ginawa ko habang nakatingin sa salamin. Hindi ko inaakala na aabot sa ganito ang desisyon kong pumayag dahil sa pamimilit ng magulang ko. Hindi ko rin naman maintindihan kahit na kaya ko naman silang suwayin, ay hindi ko magawa.
"Son, are you ready? Alyanzra family has arrived."
Pinagsabihan naman ako ng magulang ko na kung babatiin ko man sila ay kailangan ko pang yumuko upang magbigay respeto sa pamilya nya at kung makikipag usap ako ay salitang English. Mukhang mapapasabak yata ako ah!
Ichineck ko na muna ng sarili ko nang pangalawang beses bago lumabas dito sa hotel room at nag tungo sa pinaka mataas na floor para ma meet iyong soon to be bride ko daw.
"Kinakailangan nating mauna doon, nakakahiya naman sa pamilya na iyon kung sila pa ang mauuna sa atin." Nakangiting sabi ng tatay ko ngunit hindi ko sya napag tuonan ng pansin dahil sa sobrang kaba ko.
Hindi dahil sa okasyon na to. Kundi sa pagtago nito sa mga kaibigan ko na walang maski isa ang nakaka alam na may ganap akong ganito.
Nakokonsensya naman ako at balak ko sanang sabihin na kina Chloe pero pinangungunahan naman ako ng kaba. Iniisip ko palang ay alam kong magseselos na sya. Hindi ko din naman maiwasang hindi isipin sya. Nasasaktan na agad ako at pakiramdam ko ay nagta traydor na ako sa mga kaibigan namin, lalong lalo na sa kanya. Pinagdarasal ko nalang na mabilis lang matapos ito para makapunta na ako sa kanya.
Nang magbukas ang elevator ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Halatang mga imported yung iba dahil may sinasabi silang ibang lengguwahe na hindi ko naman maintindihan.
Nakakailang hakbang palang kami nang marinig namin ang tunog na elevator mula sa likuran namin kaya napalingon kaming lahat doon. Maski ang ibang bisita ay napatigil sa pag uusap para lingunin ang tao na kakalabas lang ng elevator.
Unang napako ang tingin ko sa magandang babae. Matangkad at kasama iyong kapatid nya yata na lalaki naman. Parehas silang matangkad at maputi. Hindi ko maiwasan mamangha kung gaano kaganda ang kutis nila at halatang mayaman ang pinanggalingan nila.
Napako ulit ang tingin ko sa babae. Kulay itim ang buhok nito na may highlight na gray. May pagka wavy ang buhok nya, kulay grey ang mata matangos ang ilong. Lalong lalo na yung labi nyang mapupula.
"This is my son, France Axle Molliñez," Nagising lang ang diwa ko nang marinig ang tatay ko na pinapakilala na sa kanila.
Nasa tapat na pala namin sila, ni hindi ko man lang napansin. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko, para na din mabawasan ang kaonting pagkapahiya dahil sa pagkaka lutang ko.
Iyong magandang babae na nanay nila ang nagsalita. "This is my daughter, Elisha Aianna R. Alyanzra." Nakangiting sambit nya pa habang pinapakilala ang anak.
Nagkatinginan naman kami nung Elisha daw. Ngumiti sya sa akin ng tipid at inilahad ang mapuputi at makikinis nyang kamay sakin. Agad ko naman inabot yung sa akin kahit namamawis na yung kamay ko sa kaba.
"It's nice to meet you, my future husband." Natigilan ako ng marinig syang nagsalita. Tila bumagal yung takbo ng oras ko ng marinig ang boses nya. Napaka anghel naman. Nakakagawa ba to ng kasalanan? Marunong kaya magalit to? Parang hindi e.
Tumikhim ako bago magsalita. "I-its nice to meet you." Nauutal pa ako, balak ko sanang dugtungan yung sinabi ko na parang kanya pero hindi ko kaya gawin.
"The engagement party will plan next year. Have a time to get to know each other. We will be first happy if you get a long well, do you, Elisha?" Nakangiting sambit nung tatay nila.
Tumango lamang sya at tinignan din ang kapatid nya o kambal nya.
"Can we have a moment please," Pagpapaalam n'ya at sumunod naman agad ako ng umalis na sya sa harap ng pamilya namin.
Hinabol ko sya agad. Gusto kong magpaliwanag na pinagbibigyan ko lang din ang tatay ko. Matapos lang din yung engagement party aalis na ako. Wala naman akong kailangan sa kanila e. Mas gusto ko lang makatulong sa kumpanya namin para makabangon ng kaonti. Kakayanin ko naman sana lahat ang kaso, mapilit sila. Sinasabi din ng tatay ko na hindi sila madaling kalaban.
"Huwag kang mag alala kung nahihirapan ka, tutulungan kita malusutan yung problema nyo ng pamilya mo." Wala sa sariling sambit ko. Late ko na narealize na english nga pala ang dapat kong sabihin.
Umikot ang white and gold na dress nyang hanggang tuhod kasabay pa ang buhok nyang malambot at matingkad nang lingunin ako.
"I don't understand a little of what you're saying. But don't worry, I got this Mr. Stranger." Walang kasing lamig ang boses nya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko ng kaming dalawa nalang ang natira. Halatang galing pa sya sa ibang bansa e. Iyon din ang nabasa ko sa sources ko. Kinakailangan ko lang maingat at baka kalaban pala yung ipapakasal sakin, edi nalagot na.
Sa unang tingin palang, parang napakalabong magustuhan din ako ng isang to. Mas ok na din siguro para mas mapadali after namin magpirma ng kontrata ay makaka alis na agad ako at tuluyan ko na din maputol ang koneksyon ng Alyanzra samin.
"We were just need to sign a marriage contract and after that, you are free to leave." Lumapit iyong guard o butler sa tabi nya kasabay nang paglapat ng attache case sa lamesa na nasa harap namin at binuksan iyon.
'Marriage Contract'