"Ma, natanggap po pala ako sa trabaho." Panimula niya sa ina habang naghahapunan sila. Katatapos lang niyang mag-impake bago siya magluto ng kanilang hapunan.
"Mabuti kung ganoon. Kailan ka sasahod? Kailangang bilhin ko ang gamot ni Kaelen." Sagot nito na hindi manlang siya tiningnan.
"Titingnan ko kung pwedeng mag-advance Ma." Pilit niyang pinapasigla ang boses dahil nakatingin sa kanya si Kaelen.
"Siguraduhin mo lang Vivienne dahil kung matanggal ka na naman sa trabaho mo.Lumayas ka na lang din sa bahay na ito."
Pasimple niyang inirapan ang kanyang stepdad. Gustong-gusto niyang sabihin dito na kung mayroong mas may karapatan sa bahay ay siya iyon dahil pag-aari ito ng namatay niyang ama. Pero dahil ayaw na niyang humaba ang usapan ay hindi nalang niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay dinagdagan niya ng ulam ang plato ng kapatid. Ngumiti naman si Kaelen sa kanya.
"May staffhouse nga po pala doon Ma. Doon muna ako tutuloy." Simpleng sinabi niya sa mga ito.
"Ano?! Bakit? Sa dati mo namang trabaho nakakauwi ka dito. How about the chores? Alam mong hindi ko na magawa dahil inaalagaan ko ang kapatid mo." Sunod-sunod na sinabi nito.
"Baka naman gusto mo lang gumimik pagkatapos ng trabaho Vivienne." Ang Tito Ron niya ulit.
"Hindi ko po gagawin iyon." Medyo pairap ng sagot niya dito.
"Kung ganoon ay umuwi ka nalang dito.Ano ba yang trabaho mo at kailangan mo pang manatili sa kanila?"
"Basta Ma."
Hindi niya sasabihin dito na magpapakasal siya. Malawak ang mundo kaya siguradong hindi makakadaupang-palad ng mapapangasawa niya ang ina sa agwat pa lang ng kanilang pamumuhay.
"Kung bakit ba naman hindi mo pa tanggapin ang panliligaw ni Cael. Edi sana may pera na tayo ngayon."
"Excuse me lang po Tito Ron pero mali naman po yatang panghimasukan ninyo ang buhay ko." Hindi na niya napigilan ang inis sa kanyang boses.
Ang lalaking tinutukoy nito ay higit dalawampung-taon ang tanda sa kanya. May-ari ng mga motel, kung saan ang isa ay tatlong kalye ang layo sa kanila. Madalas itong pumunta sa kanila dahil inaanyayahan ng dalawa na ikinaiinis niya ng husto. Halos ipagtulakan siya ng mga ito sa lalaki na ayaw na ayaw niya. Hindi din nakakatulong ang kakaibang tingin ng lalaki sa kanya at minsang paghawak nito sa kanyang kamay na agad niyang iwinawaksi.
"Ano ba pang inaarte mo? Pareho din naman kung mag-aasawa ka ngayon o sa susunod. Hindi ka naman pinagbabawalan ng Mama mo!"
Tuluyan siyang nawalan ng gana sa sinabi nito. Sumulyap siya sa ina ngunit yumuko lang ito at nagkunwaring busy sa kinakain.
"Mamaya na lang po ako kakain." Pagkuwa'y mabilis siyang umalis at nagtungo sa kanyang kwarto.
Nagmukmok lang siya sa loob. Simula ng mamatay ang kanyang ama ay hindi na siya halos kinausap ng ina. Grade six siya ng mamatay ito dahil pinilit siyang sagipin sa dagat. He knows how to swim pero dahil malakas ang alon ay nahirapan itong isalba ang sarili dahil nagkaroon ng cramps. Himala na nakaligtas siya dahil madami din ang nainom niyang tubig pero ang ama niya ay hindi. Sinubukan pa itong i-revive pero dahil natagalan ito bago mahanap ay nawala na ito sa kanila ng ina.
Alam niyang siya ang sinisisi ng ina dahil doon. Kahit siya ay sinisisi niya ang sarili kaya kahit hindi maganda ang pakikitungo ng ina sa kanya ay inuunawa nalang niya ito. Five years after her father's death, inuwi ng kanyang ina ang Tito Ron niya sa kanilang bahay. Nasaktan siya dahil doon pero ng makita niyang ngumingiti na ulit ang kanyang ina ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ang stepdad niya kahit magaspang ang ugali nito. Then Kaelen came, she became her light. Pero sakitin ito ng ipinanganak, she witnessed how her mother cared for him but she never felt jealous. Masaya siyang nagkaroon siya ng kapatid dahil pakiramdam niya ay ito ang kumumpleto sa buhay niya.
Alas-singko pa lang ng umaga ay nakagayak na siya. Isang maleta ang lagayan ng kanyang mga gamit. Hindi naman iyon lahat damit, mas lamang pa nga ang mga libro niya doon.
Mabuti at nakaalis na ang Mama niya at si Kaelen ng alas-sais. Isinabay na ito ng kanyang Tito Ron dahil papasok na ito sa kanyang trabaho bilang isang insurance agent.
Eksaktong alas-siyete ay tumatawag na si Mrs. Alcantara, ang secretary ng lalaki. Agad naman siyang lumabas hila ang kanyang maleta habang nasa balikat niya ang isang maliit na bag na naglalaman ng mga importante niyang gamit.
Tinulungan siya ng driver isakay ang kanyang maleta pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan kung saan naghihintay sa kanya ang secretary.
"Good morning, Ms. Elara. Mr. Monteguado asked me to help you settle into his house. Maaga ang meeting niya ngayon pero magme-meet kayo mamayang hapon para sa detalye ng inyonng magiging kasal bukas." Nakangiting sinabi nito.
Ngumiti din siya sa babae. Mabait naman pala ito, kahapon kasi ay sobrang stoic ng babae kaya akala niya ay masungit din ito katulad ng amo.
"Pero dadaan muna tayo sa mall para mamili ng iyong mga damit pati na ang toiletries."
"Nakakahiya naman po mam. May mga damit naman po akong dala. Ako na lang po siguro ang bibili ng mga toiletries ko."
"No, it's alright. Besides, you're actually part of my schedule for today."
Hindi na siya umimik sa sinabi ng babae. Tumango nalang siya dito pagkatapos ay sinabihan na nito ang driver na umalis.
Pagdating nila ng mall ay nakahilera na ang napakaraming damit. From casual to formal, natitigilan na lang siya tuwing makikita ang ginagawang pagturo ng secretary ng damit sa personal shopper nila pagkuwa'y ibibigay sa kanya.
They proceeded to try on the shoes. The secretary had bought over twenty pairs for her. Most of them were heels, though there were also a few sneakers and simple flip-flops.
Pagkatapos ng dalawang oras ay nakasakay na silang muli ng sasakyan at nagbabyahe papunta sa bahay ng lalaki. Everything happened so quickly-one moment, she was in the car, and the next, she was admiring the entire house. It was a perfect blend of glass, steel, and sharp elegance, all infused with a touch of Spanish soul. Terracotta tiles met sleek marble, arched doorways softened bold lines, and warm light poured into every room. The entire house radiated power, much like its owner.
"This will be your room for the next six months." Narinig niyang sinabi ng secretary ng buksan nito ang isang malaking pinto.
"I already transferred fifty million on your new bank account. Pwede mong i-check iyon mamaya."
Iniwan din siya ng secretary doon. Aniya ay kakausapin lang nito ang mga katulong.
Hindi niya mapigilan ang paghiga sa malambot na kama at pagbuntong-hininga. Sure, her choice may not be for everyone, but for someone like her-who didn't grow up surrounded by wealth-it was a rare opportunity she couldn't pass up.
For Kaelen, Vivienne!
Limang taon na ang kapatid niya ngayon pero dalawang taon ito ng ma-diagnosed na mayroong Ephron's Disorder. It's a rare condition that causes severe chronic fatigue, muscle weakness, and occasional loss of coordination in young males. The disease progresses slowly, and without proper medical intervention, it can worsen over time. Treatment is expensive, involving frequent physical therapy, energy-enhancing medications, and specialized care that isn't easily accessible. Kaya't kailangang-kailangan niya ng pera, once na makuha na niya ang natitira pang bayad ay mabibili na nila ang RehabAssist Walker na kailangan nito, sobrang mahal niyon dahil ginagamitan ng sensor technology.
Dahil wala na din siyang gagawin sa loob , lumabas na siya ng kanyang kwarto. Katatapos lang makipag-usap ni Mrs. Alcantara sa kanyang cellphone. Binalingan siya nito at nginitian.
"Your dress for tomorrow is here."
Pinasadahan niya ng tingin ang tinutukoy nito.
It's a simple A-line ivory satin dress with a soft V-neck and cap sleeves. The back features a subtle keyhole opening, and the skirt flows gracefully to tea-length. The gown is beautiful, but seeing it makes her feel a pang of sadness. She had always dreamed of marrying someone in front of her happy parents, but now, she's doing it for the sake of money, and the thought of it makes her heart heavy. It's no longer about what she truly wants, but about how they can survive.
"Since everything is settled, I'll leave you here. Mr. Monteguado called me to the office, and he'll be here later. In the meantime, you can tour the house. I've already asked Mary to show you around." She said, nodding toward the maid standing nearby.
Pagkatapos ng ilan pang bilin ng babae ay iniwan na siya nito doon. She scanned the whole house.She would definitely need something to occupy herself in this big house, or she'd be bored for the entire six months.Pwede din siguro na kausapin niya si Mr. Monteguado na bigyan siya ng trabaho sa kompanya nito para kahit paano ay busy din siya.