"Ysla Paraiso" Part 64
Ysla's P.O.V.
Pinagpipitas namin ang mangga mula s punong pinagkuhanan ni Fiña, napakatamis ng lasa niyon at sariwang-sariwa di kagaya ng mga napapamili noon sa mga palengke.
Kasama kong namimitas si Ino na siya namang may kasama ring isang babaeng chef na napakaganda ng hita at seksi rin ang katawan.
"Kapitana, pwede bang sa kusina ko na natin ideretso itong mg mangga? Gagawin ko lang dessert para makakain ang lahat." Ani ng seksing chef na iyon.
"Sige Katya, tayo na malapit nang gumabi." Sagot ni Fiña sa chef na Katya pala ang pangalan.
Nanguna papabalik si Fiña at akin naman siyang sinabayan.
"Kakilala mo ba yung chef na yun?" Tanong ko kay Fiña.
"Ah, si Chef Katya ba? Sikat yan eh, sa tingin ko nga magkakilala din sila ni Ino." Sagot ng aking kaibigan.
"Talaga ba." Ani ko bago lumingon sa chef na kasalukuyang nakikipagkuwentuhan kay Ino.
Nagderetso na lamang ulit ako sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang barko.
Lahat ng bag na mga dala namin ay puno ng manggang aming napitas. At ipinakita namin iyon sa mga pasahero sa itaas.
"Magandang hapon ulit sainyo, sa aming pagbaba ay napag-alaman naming maraming makakain sa islang ito. Kaya't huwag na kayong mag-aalala sapagkat kung magtatagal man tayo dito sa isla ay siguradong mabubuhay naman tayo. Ngayon tayo muna ay mamamahinga, kasalukuyang isinasaayos ng mga tauhan ko ang sir ng barko at maghahanda na rin kami ng makakain para sa lahat sa pangunguna ni Chef Katya." Pakilala ni Fiña sa seksing chef.
"Mababa lang muna ako ulit Fiña" Paalam ko sa aking kaibigan, matagal na akong nakasakay sa barko at ayaw kong palampasin na hindi maligo sa magandang baybayin sa ibaba.
Hinubad ko ang aking damit hanggang sa bikini na lamng ang aking suot, doon pa lamang ay sigurado kong nabusog ko na ang mata ng mga pasahero.