PROLONGE

ᜋᜎᜒᜄᜌᜅ᜔  ᜉᜄ᜔  ᜇᜆᜒᜅ᜔  ᜐ  ᜁᜊᜎᜓᜅ᜔

Ang unang nakita agad ni Chesah habang tinititigan ang malaking karatula na nasa kanyang harapan.

Nung nakita niya ito ay pakiramdam niya ay nakita na niya ito kung saan ngunit hindi niya mawari kung saan.

Tumingin muli siya sa paligid upang maka sigurado sa kanyang hinala at nung nakita nga niya ang mga karatula na nasa paligid niya at tumango lamang siya sa kanyang nadiskubri.

ᜊᜒᜄᜐ᜔

ᜀᜐᜓᜃᜎ᜔

ᜐᜄᜒᜅ᜔

ᜃᜊᜓᜄ᜔

ᜃᜋᜓᜆᜒᜅ᜔  ᜃᜑᜓᜌ᜔᜔

Ito ang pansulat nuong unang panahon pa ng pilipinas. Ang Baybayin. Hindi niya mawari ang lahat ng ito dahil kakasimula palang niyang aralin ang panulat na ito.

Habang pinag mamasdan ang nakaka manghang tanawin at ibat ibang uri ng mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid ay hindi niya namalayang pagka harap niya mula sa kanyang likuran at mababangga niya ang isang ginoo na ika bago ng kaniyang buhay.