Chapter 6.

(LORAIN RAMIREZ DURUMIO: POV)

Malalim na ang gabi, ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Lorain. Nakatayo siya sa kanyang kwarto habang pinagmamasdan ang nagliliwanagang mga ilaw sa labas ng kanilang tinitirhan. Napakagandang pagmasdan ng gabi, lalo na kung narito si Winson.

Mga nakagawian naming gawin noon noong wala pa kaming anak... pero simula nang isinilang ko ang aming pinakamamahal na anak, bigla na lang siyang nagbago. Hindi ko alam kung bakit. Bigla-bigla na lang siyang nanlamig sa akin.

Naalala ni Lorain ang tumawag sa kanya kanina. “Ano bang sinasabi ng nasa kabilang linya? Hindi ko maintindihan.” Dahil sa kaiisip, hindi na niya namalayang nakatulugan na pala niya ang kanyang pag-aalala.

Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na tulog, biglang nakarinig si Lorain ng sigaw, at kasunod nito ang pag-iyak ni Shane. Agad siyang napatayo sa kama at tinungo ang anak.

Niyakap niya agad si Shane na halatang balisa, at pinakalma muna bago tanungin kung bakit ito umiiyak.

"Mama! Nakita ko kayo sa panaginip! Nag-away daw kayo ni Papa!" ang patuloy na kwento ni Shane.

"Panaginip lang 'yon, anak. Hindi naman kami nag-aaway ng Papa mo, hindi ba?"

"Tapos po sa panaginip ko, may dalawang babae raw na nakatingin sa'yo, Mama... habang pinagtutulungan ka nilang saktan."

"Tama na, anak. Panaginip lang 'yon. Hindi iyon magkakatotoo, maliwanag ba?"

"Pero Mama, napakalinaw ng panaginip ko. Tinulak ka raw ni Papa papalayo. Kahit ako, hindi niya pinansin. Huhuhuhu! Ang sakit-sakit po ng pakiramdam ko, Mama. Pakiramdam ko, totoo talaga 'yon."

Ang mahabang paliwanag ni Shane habang patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Tama na, anak. Panaginip lang ang lahat. Okay?"

Yumakap si Shane at sabay sabing:

"Ayoko pong mag-away kayo ni Papa. Hindi ko po kakayanin kung maghihiwalay kayo, Mama."

Ngumiti lang si Lorain at sinabi, "Bakit naman kami mag-aaway ng Papa mo, anak? Nakita mo na ba kaming nag-away? Hindi pa, 'di ba?"

Tumango lang si Shane at nagtanong: "Nakauwi na po ba si Papa?"

"Tumawag ang Papa mo kanina, anak. Nagpaalam siyang mag-o-overtime daw siya ngayon."

"Lagi namang gano'n si Papa. Wala siyang oras sa atin," ang tampo ng bata.

"Wag mong sabihin 'yan, anak. Busy lang ang Papa mo. Magkakaroon din siya ng oras para sa atin sa mga susunod na araw," ang pampalubag-loob ni Lorain.

"Matulog ka na ulit, anak. Dito na lang si Mama sa tabi mo hanggang makatulog ka."

Ilang sandali pa...

"Anong oras na ba?!" “Ala-4 na pala ng umaga.” “Bakit wala pa rin si Winson? Magdamag ba talaga siya sa office?”

Ilang araw nang naghihintay si Shane na makita ang kanyang ama, pero hanggang ngayon ay lumalala pa ang sitwasyon. "Bukas na bukas, kami na lang ang pupunta sa office niya. Isasama ko si Shane dahil sobrang miss na miss na niya ang Papa niya," ang nabuong pasya ni Lorain.

Kinabukasan, pasado alas-8 na nang magising ang mag-ina. Napasarap ata ang kanilang tulog habang magkatabing nahimbing.

"Winson!" tawag ni Lorain habang pababa ng hagdan, ngunit walang sumagot.

“Hindi siya umuwi… kahit ngayong umaga lang… ummmmm!”

Kaagad na nag-ayos ang mag-ina para magtungo sa CD Inc. Sa sobrang tuwa ni Shane na makikita na niya ang kanyang ama, nakalimutan na niyang may pasok pa pala siya sa eskwela. Pero mas pinili niyang makita si Papa.

(KAGANAPAN SA DAAN, PALABAS NG SUBDIVISION)

"Haynaku, Aling Corazon! Nabalitaan mo ba na may nakatirang 'ahas' dito sa subdivision natin? Akalain mo 'yon! Haynaku, wag lang siyang mahuli sa akin kapag asawa ko ang kinabit niya!" Ang pasulyap na sabi ng isang ale habang dumadaan ang mag-ina.

Dali-daling tinakpan ni Lorain ang tenga ng anak para hindi marinig ang mga chismis sa paligid.

"Teka lang, Aling Corazon... sabi nila 'yong babaeng 'yon, kabit ng anak niya!" Pabulong pero rinig na rinig ni Lorain ang kasunod na sabi ng isa pang ale.

"Uhmmmm… baka nabibingi lang ako sa mga naririnig ko!" “Napakatagal na nila rito pero ngayon lang natin nalaman na mistress pala siya? Nakakahiya siya, lalo na sa anak niya.”

Piniling palampasin iyon ni Lorain.

“Hindi naman totoo 'yon. Hindi magagawa ng asawa ko 'yon. Paano naman ako magiging kabit? Kasal kami ni Winson!”

"Mama, okay lang po ba kayo?" "Kanina pa po kita tinatawag pero parang wala po kayo sa sarili."

"Wala ito, anak. Tara na, sakay na tayo ng taxi," ang sabi ni Lorain sa kanyang anak.