" Kaya malas ka sa buhay kasi tulala ka palagi ". Yung totoo kagigising ko lang mula sa mahimbing na pagtulog after ko gumawa ng reportings sa minor subject namin na feeling major. Medyo nagulantang pa ako kasi magkasama ang dalawang ipinadala ni top G sa'kin para sirain ang buhay at ang mga pangarap ko sa mundong ito. Si Shay at si Rean magkasama. Nandito ang dalawa kong bestfriend para hilain ako paibaba at bibigyan ako ng mga advice na wala namang connect sa mga pinagdadaan ko " Bigyan mo ng lalaki para naman lumuwang ang hininga nyan ". saad ni Rean. Prangka talaga kung magsalita si Rean kumpara naman kay Shay. Si Shay kasi s'ya yung tipong abnormal lang at walang kwenta kausap na akala mo galing sa planetang Nemic. Si Rean naman ang tipong bayolente kung magsalita at sarcastic na tao. Prangkador siya at bayolenteng babae. Ano naman gagawin ko sa mga lalaki? kahit isaksak ko sila isa-isa sa baga ko o sa puso ko t'yak na hindi sila magkakasya sa sobrang dami kong oppa na nasa loob.
" Hayaan mo s'ya mamatay sa lungkot ". Nagsalita yung ghoster. Ang sabihin n'ya kamo ipinagdadamot niya sa'kin ang mga lalaki n'ya at wala s'yang pakialam sa'kin. " Hayaan mo na lang akong mamatay sa lungkot kasi wala kang konsensya. Wala kang awa, hindi mo ako mahal. ". Kumunot lang ang noo niya at ngumuso sa'kin. Kainis wala talaga s'yang awa. Gusto ko lang naman mabinyagan ang pagiging NBSB ko pero pinagkakait n'ya sa'kin ang mga pogi na kakilala n'ya. Tss, takot talaga s'yang malamangan kasi ayaw niya akong ireto.
" Wag na kayo mag bf ni Shay, Para saan pa pag bbf ninyo kung natagpuan ko naman ang tamang tao ". Ang weird talaga ng isang tao kapag inlove ano? nitong mga nakaraan lang saksi ako kung paano murahin ni Rean ang mga lalaki dahil nag-cheat sa kanya ang ex-bf nito. Natatandaan ko pa ang mga sinabi niya na hinding-hindi na daw s'ya magmamahal ulit. Pero sa pagkakataong ito halos maghugis ang puso na ang mga mata niya sa sobrang inlove niya sa lalaking 4th year college student na BEED student. Tss, wag sana ako mahawaan sa ka-werduhan niya. Ibang klase ma-inlove ang mga kaibigan ko.
" Oh edi ikaw na, parinig pa more sa'kin. ". Ito na naman s'ya sa pagiging sadgirl kahit na s'ya naman talaga ang may kasalanan kung bakit hindi na sila nag-usap pa ng lalaking yun. " Porket hindi na kami nag-uusap gumaganyan na kayo huhu ". Seryosong saad ni Shay, Hayst. Napaka OA talaga na tao. Sa mga sandaling ito bigla itong nag walk out habang umiiyak. Samantalang kibit balikat naman si Rean habang pinapanood ang pag-alis ni Shay palayo.
Sanay na ako sa ganitong eksena, Hindi na bago sa'kin ang ganitong bagay. Basta ang masasabi ko lang ako ang pinaka mabait sa aming tatlo kahit wala pa akong boyfriend.
Wala naman ginawa si Rean kundi tutukan ang cellphone niyang maya't maya ang pagtunog. Bawat tunog ng cellphone niya ay pagkasabik naman para sa kanya na tingnan ito. Hindi nga maialis sa labi nito ang naglalakihang ngiti na parang wala nang bukas. Masaya siyang nagtitipa sa cellphone samantalang hindi man lang ako maka relate sa ginagawa n'ya.
Napasandal na lang ako sa upuan habang nagmumuni-muni, Wala akong makausap na matino ngayong araw dahil abala silang lahat sa kani-kanilang buhay. Napaisip tuloy ako......
Paano kaya nagkatubig yung niyog? at sino naman ang nag-imbento ng pinto at bintana atsaka bakit hindi nagka d-diabetes yung mga langgam e di'ba paborito nila ang mga butil ng asukal?
Bakit kaya? hmmmmm.....
" Uhm excuse me, are you friend of Shay?". Saglit naman akong natigilan sa pagmumuni-muni ng lapitan ako nitong lalaki na hindi ko naman kilal-----
T-teka, s'ya yun ah! Siya yung lalaking kumakaway-kaway kahapon
" O-oo, ako nga kaibigan niya. Bakit, anong kailangan mo sa kaibigan ko? ". Teka nga, bakit ba natataranta ako sa lalaking 'toh? dapat mainis ako. Oo tama! dapat inis mode ako sa kanya pagkatapos ng nangyari kahapon.
" Pakisabing pautangin n'ya ako ng bente at iabot n'ya sa'kin mamaya sa canteen". saan ka nakakita ng taong mangungutang na lang demanding pa. Akala ba niya nakalimutan ko na agad ang mga nakita ko kahapon, pwes nagkakamali ang lalaking `toh!
" Pero bayaran mo muna ang utang m---". Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong inakbayan at tumalikod mula kay Rean na walang pakialam sa mga nangyayari. " Alam mo, pwede tayo maging best friend, pwede mo din ako utangan minsan ". anong sinasabi ng lalaking `to, naka rugby ba s'ya kaya s'ya nagkaganito? sa inis ko tinabil ko ang kamay niya na nasa balikat ko at inis ko itong pinagpagan. " Manahimik ka nga, hindi mo nga mabayaran utang mo tapos ang tigas pa ng pagmumukha mo magpautang---". nginisihan lang ako ng mokong at bigla itong napa-isip.
" May naalala lang ako kahap----". hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad ko s'yang inakbayan kahit pa hindi ko s'ya maabot. Ang tangkad ng lalaking 'to, may lahi ba s'yang kapre?
" Anong naalala? naalala mo na ba ang mga utang mo sa kaibigan ko?". ngumiwi ang gungong at bumawi sa pag-akbay. Yumuko pa s'ya ng kaunti para abutin ako. " Anong sinasabi mong may utang, w-wala akong utang no. Paano mo naman nasabing may utang ako kay Shay e ngayon pa nga lang tayo nagkita. Wag mo sabi---". wala na akong panahong makinig sa lalaking katulad niya. Agad ko s'yang sinuntok sa mukha dahilan para mabitawan n'ya ako.
" Anong sinasabi mo? di ako yon no...." depensa ko pa, Kung ano man ang nakakahiyang pangyayaring nangyari kahapon ayokong maalala yon. Kapag naaalala ko yun parang gusto ko na lang magpakain sa lupang kinatatayuan ko ngayon at kasalanan `to ng lalaking yan.
" Ang sakit mo naman manuntok, anak ka ba ni May Weather huh?". hawak hawak ng lalaki ang panga niya at hinapo hapo pa niya ito. Dapat lang sa kanya yan. tss.
" Oh eh ano naman?". galit kong sagot sa kanya pero nakakainis lang kasi nakangiti lang s'ya na para bang inaasar ako. Ang galing n'ya kuhang kuha ng lalaking 'to ang inis ko.
" Oo na, panalo ka na.... kunwari hindi ko nakita yung ginawa mo kahapon ". nakakainis ang lalaking `toh pero at the same time hindi ko maitatangging gwapo s'ya. Ito ang pangalawang beses na nakita ko s'ya pero ngayon malapitan ko s'yang natititigan. Kung idedescribed ko ang katangian niya. Matangkad s'ya at sa pagkakatansya ko as a mathematics major mga 6'1 ang tangkad n'ya. Moreno ang atake ng lalaking ito at ang tangos pa ng ilong niya at ang bagay na mas nagpapa gwapo sa kanya ay ang mga mata niyang pumupungay tuwing ngumingiti s'ya. Ang weird lang sa feeling kasi hindi ko maialis sa kanya ang tingin ko.
" Basta pakisabi sa kanya na pautang ako ahh". aniya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko nanghihina ako ngayon, Ito kasi ang kahinaan ko eh. Buong buhay ko hindi pa ako nakikipag eye contact sa isang tao na hindi ko naman kakilala. Ang weird lang sa feeling kasi kinakabahan ako at nabibingi at the same time. Wala akong ibang naririnig malaiban sa puso kong daig pa ang nakikipag karera sa sobrang bilis ng tibok.
" Oo nga pala kaibigan ko din si Shay, Jhounzel ng pinas nga pala ". naputol ang moments kong yun nang dahil sa sinabi n'ya. Tumaas lang ang kanang kilay ko at inirapan s'ya ng matindi. Bahala nga s'ya sa buhay n'ya. Bumili s'ya ng kausap bwesit.
Palagi akong nanonood ng k-drama at nagbabasa ng mga pocket book na romance ang genre pero kahit kailan walang libro o palabas ang nakapag kumbinse sa'kin na totoo ang Love at first sight at First love na yan. Para naman kasi ang corny ng dating.
Pero bakit ganito yung nararamdaman ko, naiinis ako sa lalaking yon pero natutuwa ako at the same time sa mga ngiti n'yang sobrang creepy. Err bahala s'ya. Ayoko s'yang makita at ayokong mag cross ang landas namin dito sa school.
Lumingon ako sa kinaroroonan niya at nandon pa rin s'ya nakatayon at nakatingin sa'kin mukhang hinihintay ang sagot ko.
" Kayce...." tipid kong sagot
" Nice to meet you kayce. "