A heart to

" 2.0 Ang tamang sagot base sa computation ko!". singhal ng kanilang kaklaseng babae na s'yang pinaka matalino sa kanilang klase. Taas noo ito at confident, Gayunpaman hindi mawawala ang isa pang pinaka matalinong takot malamangan sa lahat ng bagay. 

" I disagree ma'am, base on the formula it was 3.0 Her computation are totally wrong." singhal nang isa pang matalino na ipinaglalaban ang kani-kanilang mga sagot. Napakamot ng ulo si Kayce nang tingnan niya ang kaniyang papel at napangiwi ito matapos makita ang sariling sagot. Kinulbit niya si Rean para tanungin kung nakakuha ito ng tamang sagot base sa binanggit ng dalawang matalinong kaklase.

" Anong sagot mo?". bulong niya sa kaibigan, hindi umimik ang kaibigan niya bagkus iniabot sa kanya ang notebook nito. Nang makita ang sagot ay kaagad itong nanlumo at mukhang nawalan ng pag-asa.

Seryoso 4,789? Ahhh ang layo naman sa totoong sagot na pinaglalaban nila hys....

Napanguso ito at muling tinignan ang sariling notebook. 69 ang nakalagay na sagot dito mukhang malayong malayo sa sagot na pinagtatalunan nila. Napatulala na lang siya sa may bintama habang nagmumuni, Para sa kanya wala nang pag-asa para mapasama siya sa Dean Lister. Masyadong competetive ang bawat estudyante ngayon at mukhang malabong makakuha pa siya ng 90 and above na grades dahil sa kursong kinuha niya. Wala nga sa plano niya ang maging isang teacher na major of Mathematics, ni minsan hindi niya nakikita ang sarili niyang nagtuturo sa mga bata dahil napaka layo ng Nursing sa teacher. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang iniisip ang realidad na haharapin niya balang araw pagtapos ng kolehiyo.

Nang matapos ang klase ay naintriga ang lahat nang ilabas ng paaralan ang listahan ng mga estudyanteng nakakuha ng matataas na grades after exams. Ang mga estudyanteng nakalista doon ay galing sa iba't-ibang department ng mga kurso.

Nagmadali siyang nananakbo sa General chart para tingnan ang listahan at nagbaka sakaling nakalista din ang pangalan niya doon. 

" Grabe, limang estudyante lang ang nakapasok sa dean's list".

" Malabo nga naman talagang makakuha tayo ng 90 plus sa sobrang hirap ng mga subjects sa course natin."

" Balita ko yung tatlo sa listahan magbe-bestfriend daw pero magkaiba lang sila ng course".

Ilan yan sa mga bulong bulungang naririnig niya dahilan para mas lalo silang maintriga sa mga listahang nilabas ng school. Nang nasa tapat na siya ng chart....

5. Co, Olivia A. BSIT-92

4. Cabarle, Kyl G. BSE-94

3. Pacs, Daniel Mist L. BSCRIM-95

2. Ulitin, Angelo Dave R. BS Marine-98.40

1. Fernandez, Jhounzel Gabriel. Mechanical Engineer - 99.8

Hindi makapaniwalang napamaang siya ng makita ang pamilyar na pangalan na nangunguna sa listahan na mukhang malabong habulin ang nakuha nitong marka. Para siyang nabagsakan ng langit at lupa matapos makita ang nilabas na listatahan, hindi dahil sa nandon ang kinaiinisan niyang tao kundi wala doon ang kaniyang pangalan. 

" Oh, mukhang naiiyak ka na. Hindi mo ba nakita pangalan mo dyan?". natigilan siya nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking gusto niyang tirisin at isumpa na may dala-dalang plates. Payapa ang mukha nito at mala-asong nakangiti itong bumungad sa kaniya.

" Kapal mo naman, hindi no matalino toh". naiilang siyang napangiwi dahil sa mala asong pagmumukha ng mokong na inaasar asar siya. Pakiramdam niya ngayon napaka malas niyang tao dahil sa dinami raming tao sa mundo ang kupal na Jhounzel pa ang bumungad sa kanya.

Lord, pwedeng ilibing n'yo na po ako ngayon sa lupang kinatatayuan ko ngayon na po

Sa ilang saglit dumating ang mga kaibigan ni Jhounzel kasama ang mga nag gagandahang mga babae na nakaakbay sa kaliwat kanang braso nina Angelo at Daniel.

" Yo pare, want one of my shawty?". mayabang na bungad ni Angelo sabay halik sa babaeng nasa kanan niya, kilig na kilig naman ang babae maliban sa ibang babae na kasama nito na masama ang tingin sa kanya. Kapwa parehong naimid ang matapos makita ang kalaswaan ng kaibigan nutong si Angelo.

" Yoo Jounzel, Gf mo?". nakangising tanong ni Daniel habang diretsong naktingin sa dibdib ni kayce, nang mapansing nakatuon ang tingin ni Daniel sa dibdib niya tinikpan niya ito bigla gamit ang bag na dala-dala niya at walang alinlangang iniwan ang tatlong magkaibigan.

Para sa kanya ito na talaga ang pinakamalas na araw at walang dudang napaka malas nga naman talaga. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang mapag tantong na sa harapan siya ngayon ng library kung siya dinala ng kanyang paa.

Inis siyang kumuha ng librong babasahin at pumuwesto sa pinaka dulong pwesto ng library. Hindi naman talaga niya babasahin ang librong kinuha. Dahil ang totoo niyan kinuha lang njya ang libro para makatambay siya sa loob dahil may aircon. Bakas pa rin sa hitsura niya ang matinding pagka-inis at dissapointment. Wala sa listahan ang pangalan niya at mukhang malabong makahabol ang grades niyang 86 sa 90 dahil sa napaka hirap ng mga subject na meron sila sa kursong kinuha n'ya.

Napahilamos na lang siya ng mukha gamit ang pawisan niyang palad at matamlay niyang pinagmasdan ang libro. Hindi niya namalayan ang sandali na may taong umupo sa harapan niya at mukhang may inilapag pa niya sa mesa.

" Oh, akala ko ba sa math lamg interesado ang isang math major? ..." tumigil ang ikot ng mundo niya sa pagmumuni-muni nang mapagtanto ang librong binabasa, Books about sex ng nursing. Madiin siyang napalunok at tinignan ng masama si Jhounzel.

" Nakita lang kita sunod-sunod na yung malas ko, anak ka ba ng malas?". iritadong niya rito dahilan para matawa ito habang nakahawak sa tiyan. Sa isip pa niya naka singhot ng rugby ang lalaking 'to.

" Ikaw lang yata yung maganda kapag nagagalit ". aniya habang inaayos ang mga plates, seryoso niyang pinagmasdan si Jhounzel ng walang halong malisya. " Ayokong makita pagmumukha mo naiirita ako." kompronta pa niya ngunit tanging ngiti lang ang natanggap niyang tugon mula sa lalaking walang pakialam sa opinyon ng ibang tao tungkol sa kanya.

" Same campus kaya tayo, baka sa araw-araw mong inis sa'kin bigla kang mainlove ah...." ngisi niyang saad habang nakatingin sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at itinuon na lang ang tingin sa libro na kunwari ay nagbabasa. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit napalitan ng palihimm na saya ang puso niyang naiinis kanina. 

" Ayy oo nga pala, Kayce right? We check a papers from educ department and napasakin ang papel mo. Paborito ba ang 69?". Natatawang tanong ng mokong, hindi niya kinibuan ito pero nakikinig ito sa mga pinagsasabi niya. " 0 ang tamang sagot, you've got 0 points..." nadagdagan ang kahihiyan niya sa sinabi ni Jhounzel dahilan para mas lalo itong hindi kumibo. 

" More on your quizes and exams are zero pagdating sa computation....." hindi niya magawang iangat ang ulo sa kausap dahil wala siyang lakas na loob para mainis sa lalaking kaharap niya ngayon. Totoo lahat ng sinabi niya, karamihan sa scores niya sa computaion ay 0. Dito kasi mahina at nang dahil dito nahihirapan siyang pataasin ang grades niyang mababa.

" Nakikinig ka ba? Sorry sa sinabi ko ahh....Nandito nga pala ako para tulungan ka". nagdugtong kilay niya sa sinabi nito at biglaan itong nag-angat ng tingin. " Alam mo puro ka kalokohan, Isa pa ang hihirap ng mga subjects na meron kami kaya wag ka ngang delulu na matulungan ako tss". inis niyang singhal sa binata, gayunpaman nanatili pa rin ang kalmadong ekspresyon ng binata habang nakatingin sa kanya na para bang kainte-interesado ang nakikita.....

" Tuturuan kita...." aniya, napaiwas na lang siya tingin at kunot noong nag arm closed....

" Done, Ang galing. Hindi ka naman pala mahirap turuan, fast learner ka naman pala. Hindi lang talaga magaling mag explain yung instructure n'yo kaya madalas zero ka." napangiti siya ng malaki matapos siyang turuan ni Jhounzel sa math subject kung saan s'ya nahihirapan. Ngayon n'ya lang napagtantong mas mahirap lang itong tignan kumpara sa pag c-compute dahil mas madali ito. Nakaramdam siya ng kaginhawan kahit papaano.

" Anong agahan mo ngayon at bakit bigla kang bumait?". kalmado niyang tanong sa binatang abala sa pagsusulat sa kanyang plates. " Wala naman concern lang ". tugon nito bagay na ipinagtataka niya " Ha? Anong concern na sinasabi mo dyan, tsaka wala akong pambayad sayo no sa tutor tutor mong yan". sarkastiko niyang saad bagay na nagpatawa sa binata habang patuloy na nagsusulat sa kanyang plates.

" Hindi naman masamang tumulong, maliit lang na bagay,.." huminto ito sa pagsusulat sa plates at seryosong tumingin sa kanya. " Gusto ba maging dean lister?". seryoso nitong tanong at walang alinlangang tumango si kayce kahit pa may pagtataka ito. " Gusto ko pero wala naman akong maibayad sayo". nahihiya niyang saad habang nakatingin sa sahig na nasa likuran ng binata.

" Yun ba? wag mo na isipin yun. madali lang sa'kin ang math kaya maliit na bagay. May kasunduan lang akong gustong gawin". seryosong saad ng binata dahilan para tumibok ng mabilis ang puso n'ya. Ang gwapo n'ya kasi tuwing seryoso siya, Sa mga oras na ito hiniling niyang sana seryoso na lang s'ya palagi.

" A-ano.....ano ba kasing plano mo sa buhay ah?". para mabawasan ang kabang nararamdaman sarkastiko na naman niya itong kakausapin. "Sa totoo lang ayoko talaga ng engineering na 'to, wala lang akong choice dahil ito ang kagustuhan ng magulang ko. Wala naman din sigurong masama hindi ba kung papasukin ko at tatapusin ang course na 'to." napakagat siya ng ibabang labi habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ng binata. 

Aba ano naman kinamalayan ko dyan sa mga trip n'ya sa buhay...

" Pautangin mo lang ako palagi tuturuan kita hehe". ang kaninang seryoso ay napalitan ng malokong mukha. Sa inis ay binatukan na lamang niya ang binata at kunwari ay sinasakal. Kapwa nag e-enjoy sa isat-isa ang dalawa at hindi na napansing may naabala silang ibang taong mambabasa sa loob. Nanlilisik ang mga mata ng librarian nang bumungad ito sa kanila, at dahil doon...

" H'wag kayong aalis dyan nang hindi sumasapit ang hapon". Saad ng librarian at iniwanan silang may nakapatong na libro sa ulo at sa magkabilaang kamay habang nakatayo sa harapan ng library.