CHAPTER 25

It's been three days since we study together. Ngayon ay pupunta siya rito dahil exam na naman namin. Inayos ko na lahat ng kailangan namin, pati pagkain. Maya-maya ay narinig ko na ang door bell kaya mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon.

"What took you so long?" Bungad ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin na para bang ngayon lang niya ako nakita. Bigla akong nakaramdam ng hiya at inisip na baka may dumi sa mukha ko. "Why?"

He blinked and shook his head. Hinayaan ko siyang pumasok at dumiretso sa sala. Umupo agad ako sa pwesto ko habang siya ay kinukuha ang mga libro sa bag niya.

"Uh..."

"Hmm?"

Hinawakan niya ang batok at nahihiyang tumingin sa akin.

"P-pwede bang..."

"Ano?"

"Pwedeng m-makigamit ng cr mo?"

Kumunot ang noo ko at tinuro ang daan. Tumango siya at naglakad papunta sa banyo. Kumuha muna ako ng libro at binasa iyon habang hinihintay siya.

Para siyang hindi komportable ngayon. Kumuha ako ng isang piraso ng grapes at kinain iyon. Nahagip ng tingin ko ang bag niyang bahagyang nakabukas. Umiwas ako ng tingin at nagfocus sa binabasa ngunit bumabalik pa rin ang mata ko sa bag niya. Tumingin muna ako sa gawi kung saan siya naglakad. Mukhang wala pa naman siya.

Tinagilid ko ang ulo para masilip ang laman noon. Hindi ko gaanong makita ang laman pero may nakita akong mga makakapal na papel.

I think it's a book?

Hahawakan ko na sana iyon nang bigla siyang magsalita.

"Let's start?"

That was fast. Mabilis kong binawi ang kamay ko at tumango sa kaniya. Itinuro niya sa akin ang mga lesson na na-miss namin nitong mga nakaraang araw. May alam naman na ako roon dahil kapag wala akong ginagawa ay binabasa ko ang mga sinulat niya at sinunod ko ang nakalagay sa sched.

Hindi rin kami nagtagal sa pag-aaral. Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit. Malapit na siyang matapos. Hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa loob ko na gustong itanong sa kaniya.

"Uhm..."

Napatingin siya sa akin.

"Ano..."

"Ano? May ipapaturo ka?" Tumigil siya sa ginagawa at humarap sa akin.

Umiwas ako bg tingin at sa lamesa ko itinuon ang mga mata. May part sa akin na nahihiyang magtanong sa kaniya ngunit parang hindi ako papatulugin nito kapag hindi ako nagtanong ngayon.

"You have lots of friends, huh?" Nakagat ko ang labi dahil bigla iyong lumabas sa aking bibig.

"Ah...yes"

I licked my lips and looked at him.

"All of them are your friends?"

He nodded. "Yes."

"Just friends?"

He nodded again.

"Are you sure?"

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ngunit tumango pa rin.

"You're not lying? Liars go to hell." Pagkukumpirma ko.

Tumagilid ang ulo niya at biglang ngumiti. Napakurap ako at napatitig sa mala-anghel niyang mukha nang gawin niya 'yon.

He's so damn handsome.

Kahit na may salamin siyang manipis, gwapo pa rin. In fact, mas gwapo siya kapag suot niya 'yon. Lalo na kung malapitan siyang tititigan. His face is clean, and he is very handsome. If he wasn't wearing thick glasses, he would definitely be chased by all the girls at school. I can feel my heart beating fast.

"I am not lying, and I will not lie to you, Miss Davies." Aniya

Huminga ako nang malalim at tumingin sa gilid. Pakiramdam ko nag-init ang dalawang pisngi ko. Baka napansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Gosh, I'm embarrassed.

"Okay, if you say so."

Naramdaman kong gumalaw siya at lumapit sa akin kaya kusang umikot ang ulo ko paharap sa kaniya. Napaatras ang ulo ko nang konti dahil sa lapit ng kaniyang mukha. I blinked when I realized our position. Pakiramdam ko ay nangyari na 'to.

"Bakit mo pala natanong?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ang alin?"

He chuckled. "My friends."

Tumingin ako sa gilid niya. I don't want to look at his eyes dahil baka mahuli niya ako. Isa pa, he's so close. Hindi naman niya ako niyakap pero parang nahihirapan akong huminga sa sobrang lapit niya.

"A-ano...wala lang."

Ilang segundo siyang hindi nagsalita kaya unti-unti akong tumingin sa kaniya. Nakita kong nakatingin siya sa aking noo, pababa sa aking mata, sa ilong, at sa aking labi. Muling umangat ang tingin niya sa aking mga mata at lumapit lalo kaya napapikit ako.

And he kissed my forehead. Again.

Pakiramdam ko mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Even though my heart was beating fast, his lips brought me calm. Every time his lips touched my skin, something inside me settled. My mind couldn't think of anything else but his lips. It felt like his kiss was drawing out all the negative energy from my body. Dumilat ako nang lumayo ang labi niya sa akin.

"Okay, if you say so." Sabi niya, ginaya ako.

Umayos siya ng upo at pinagpatuloy ang ginagawa kanina. Dahil sa hiya ay tumayo ako at tumakbo papunta sa second floor. Pagkarating ko sa kwarto ay patalon akong dumapa sa kama at sinubsob ang ulo sa malambot kong unan. Hindi ko alam kung bakit pero makiramdam ko gusto kong sumigaw kaya idiniin ko ang ulo sa unan at doon tumili. Ilang beses ko iyong inulit hanggang sa kumalma ako.

Hinihingal kong inangat ang ulo at umalis sa kama. Pumunta ako sa harap ng salamin and sh*t! Kulang na lang ay tubuan ako ng dahon sa tuktok ng ulo at mukha na akong kamatis.

"My gosh, why are you doing this?"

Bigla kong naalala ang mukha niya kanina habang nakangiti. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Hanggang sa nauwi iyon sa mahinang pagtawa. Mabuti na lang at ako lang ang nandito sa kwarto dahil magmumukha akong baliw sa harap ng iba kapag nakita nila akong ganito. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapagtantong wala pa pala akong ibinibigay sa bayad sa kaniya.

Mabilis akong kumuha ng pera sa wallet at patakbong bumaba sa hagdan. Ngunit pagkarating ko sa living room ay wala nang tao at malinis na rin ang lamesa.

"Oh, he left."

Kinuha ko ang cell phone at pinadalhan siya ng mensahe.

Me:

Hey, you haven't taken your payment yet.

Mabilis naman siyang nagreply.

Nerdy:

Okay na.

Kumunot ang noo ko sa reply niya. Anong ibig niyang sabihin? Nagbayad na ba ako kanina?

Me:

What do you mean?

Nerdy:

Nakuha ko na ang bayad.

Naguluhan ako sa sinabi niya at napaisip. I already paid him? Binalikan ko ang nangyari kanina dahil baka naabot ko na, nakalimutan ko lang.

"First, we study. And then we finished studying. And after that, I asked him. And he answered me. I confirmed it, and he still said they are just his friends and he won't lie to me. And then after that, he ki—" nanlaki ang mga mata ko. "Was that..." napatakip ako sa aking bibig at mariing pumikit.

Binasa kong muli ang reply niya at napangiti.

Sakto lang ang dating ko sa school. Pero ang mga estudyante sa building namin ay mas lalo yatang dumami ngayon. Nagbubulong-bulungan sila at sa sobrang dami nila ay hindi ko na maintindihan ang kanilang sinasabi.

"Hindi pa rin ba 'yon tapos?" Maglalakad na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Nionahlie!"

Huminto ako at humarap sa kaniya. "What?"

Hinihingal na huminto sa gilid ko si Rinoa. Hinayaan ko muna siya ng ilang minuto para huminga nang malalim.

"So? Why are you running?"

"Right..." tinuro niya ang library sa taas. "Channel's there."

I rolled my eyes. "So what? I don't care about—"

"With nerdy."

I stilled and looked at her. "Really?"

Tumango siya at kinuha ang kamay ko sabay takbo pataas. Hindi pa kami agad nakarating doon dahil sa dami ng tao.

"Hey! Get out of my way!" Inis na sigaw ni Rinoa sa mga nakaharang sa dinaraanan namin.

Huminto kami nang makarating na kami sa harap at nakita ko nga si Channel. Lumipat ang tingin ko kay nerdy na nasa harapan niya at walang emosyong nakatingin kay Channel.

"Why don't you just admit it?"

"Wala akong kinukuha."

Tumawa si Channel. "Oh really? Kaya pala nasa bag mo ang mga librong nawawala sa building namin?"

Napasinghap kami nang marinig iyon. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay nerdy kahit hindi siya nakatingin sa akin.

He stole it?

Naalala ko yung mga nakita kong libro sa bag niya kahapon. Ayon ba 'yon? Siya ba ang kumuha? Ninakaw niya? He's...a thief? Hindi makapaniwala akong nakatitig sa kaniya. I don't want to believe it pero may mga naririnig akong bulong-bulungan na siya yung pumupunta sa library namin.

"Hindi ko 'to kinuha, pinahiram 'to sa akin." Aniya at binuksan ang bag niya. Nagulat ako nang ilabas niya ang apat na libro. Hindi ko alam kung iyon ang hinahanap ni Nate pero sa tingin ko ay ayon nga.

"Making excuses, eh? We have a librarian here, let's see kung hiniram mo nga." Pumasok si Channel sa library at tinawag ang librarian namin. "Sir, did he borrow those books?" Itinuro ni Channel ang mga librong hawak ni nerdy.

"Actually, hindi ko na maalala kung nanghiram ka pero may mga listahan naman ako ng pangalan sa log, ano bang pangalan mo?" Tanong nito sa kay nerdy.

"Hindi ho ako nanghiram sa inyo."

"Huh? Pero sabi mo nanghiram ka. Are you kidding me?" Ani Channel. Tumingin sa kaniya si nerdy.

"Oo, nanghiram ako pero hindi sa librarian niyo. May hiniraman akong babae."

"I'm sorry, hijo, pero hindi pwedeng manghiram ang mga estudyante sa hindi naman librarian. Pwede ka lang humiram kapag pinabantay muna sa estudyante ang library kapag may importanteng gagawin ang librarian, at wala akong maalalang pinagkatiwala ko ang library sa kahit kanino." Sabi ng librarian namin.

Nagulat si nerdy sa sinabi nito. "P-pero..."

"Just admit it! Damn it!" Sigaw ni Channel. "You are a thief!"

I don't know pero biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Channel. Well, it's normal dahil lagi namang kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

"Seriously?" I heard Rinoa whispered.

"Hindi ko nga ito kinuha."

"Yeah, hiniram mo kuno 'diba? So, kanino mo hiniram?"

"Sa akin."

Napatingin ang lahat sa akin. I don't want to interrupt but Channel is pissing me off.

"Excuse me? Don't butt in. Hindi ka kasama rito," maarte niyang sabi.

Lumapit ako sa tabi ni nerdy na gulat ang ekspresyon nang makita ako.

"How about you? Bakit ka nakikialam? Hindi ba't si Nate dapat ang nag-iinvestigate here? Bakit mo sinasalo? Basket ka?"

"What did you—"

I faced the librarian. "It was me. Pinahiram ko siya ng libro dahil kailangan niya raw."

"P-pero Miss Davies, alam mong hindi pwede—"

"I know." I crossed my arms and looked at Channel, "Actually, kaya kong bumili niyan. Ibigay niyo na lang sa kaniya at ibibili ko kayo ng bago, hindi yung nagti-tiyaga kayo sa luma na."

Tumaas ang kilay ni Channel, "Why are you doing this, bitch? I know it wasn't you who lent it to him."

"Oh? Why? Do you know who did? Do you know who it was?"

I'm sure kagagawan niya 'to. She's behind this. Hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa at kung bakit si nerdy ang tinatarget niya.

"I don't. But I know that he's a thief."

"How can you be so sure when you don't have an evidence?" Sabi ko at ibinuka pa ang dalawang braso.

Tinuro niya ang mga libro. "Hindi ba 'yan ebidensya?" Huminto siya saglit at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. "Wait, why are you defending him?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Tumingin ako kay nerdy na nakatingin din pala sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang libro kaya kinuha ko iyon at ibinigay sa librarian.

"Ayan, naibalik na. All good?"

"What?! Ganon-ganon na lang iyon? Pagkatapos ng gulong ginawa niyan?" Sabi ni Channel at dinuro pa si nerdy.

Konti na lang at mapupuno na ako sa babaeng 'to. Madiin kong pinagdikit ang mga labi dahil sa inis sa kaniya.

"What do you want, really?"

"Ikaw! Bakit ka ba nakikialam dito?!," sa akin naman niya nilipat ang hintuturong daliri. "Lagi ka na lang nakikialam. Why don't you just mind your own f*cking business, bitch!"

Hinampas ko ang kamay niya at pinandilatan siya. "Don't you f*cking shout at me, witch."

"Miss Davies, Miss Sullivan, that's enough."

Hindi namin pinakinggan ang librarian.

"You f*cking bitch!" Tumaas ang kamay niya at akmang sasampalin ako nang bigla iyong huminto sa ere. More like, someone stopped it.

"You know, it's inappropriate to fight in front of the library." Napatingin kami sa lalaking sumabad. "And don't slap my sister's pretty face with your filthy hand." Ani Sheldon at itinapon ang kamay ni Channel. He looked at me. "Are you okay?"

Tumaas lang ang sulok ng labi ko sa kaniya. What is he doing here?

"Ah, man, why are you getting involved in the fight between the girls?" Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Channel. "You act like you care about your sister, but the way you let go of my fiancé's hand..." matalim na tingin ang ibinigay ni Aelle kay Sheldon. "Do it again and I'll punch you to death."

Pagak na tumawa si Sheldon. "Oh? At least I care for my sister. I'm not like you..." tumingin si Sheldon kay Channel, "who only care about girls when I am involved."

Ngumisi si Aelle. "Who knows what you'll do to them?"

"Ah, so, you wanna act like a hero?"

Ang lahat ng tao sa paligid ay nanonood sa kanilang dalawa. Maging kami ni Channel ay nahinto. Seriously? Bakit ba silang dalawa ang nag-aaway?

"That's enough, Sheldon. Let's go." Hinila ko ang braso niya. Nagpatinaod naman siya sa akin. Iniwan namin sila roon. Hila-hila ko siya hanggang sa makaalis kami sa maraming tao.

My gosh, why do these people always bring trouble into my life?

Binitawan ko si Sheldon nang makalayo kami. Wala nang gaanong tao. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para sana hanapin si Nate nang hawakan ni Sheldon ang siko ko at hinarap ako sa kaniya.

"What?"

"Answer it."

Kumunot ang aking noo, "Answer what?"

Binitawan niya ang siko ko at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "Channel's question. About you defending that nerd."

I stared at him. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.

"Why? Why do you wanna know?"

Ayon na naman ang ngiti niyang hindi malaman kung pang-tao ba o pang-demonyo.

"Because these past few days, you've been acting unusual."

I crossed my arms. "How can you say that? Have you been watching my actions? I thought you were busy with that Nezel girl?"

"You also saved him in the locker room before, while he was on his knees. You were the one who talked to me to cancel the case I filed against him. Oh, and also the rooftop scene. I've just noticed," he stepped closer to me, "you're always saving him. Why, Niona?"

Umatras ako at matapang siyang hinarap.

"For your information, I am not saving him. I just..."

Tumaas ang dalawang kilay ni Sheldon, "Just?"

What? Why can't I answer? Why don't I know the answer? Why can't I come up with an answer? Why can't I think of a reply? Why is that? Why do I always save him? He's just a nobody in my life. Oh, right, he's my tutor. He's just a tutor to me.

"What? Can't find the answer?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Why do you care?!" Tinarayan ko siya at iniwang mag-isa roon.

Gusto ko nang lumayo sa kaniya. Baka may malaman pa siyang hindi dapat. Sheldon is so good at reading other people. That's his nature. Baka malaman niya ang relasyon ko sa nerd na 'yon. I can't risk that. Knowing him, baka ako naman sunod ang target niya. Baka ipagkalat pa niya. Ayaw kong malaman iyon ng ibang tao.

Natapos ang buong araw nang tahimik. Nang maglakad ako sa hallway ay wala na ring gaanong tao. Wala na yung mga estudyanteng hindi naman talaga sa building na 'to ang room. Hindi ko rin nakita si Channel na pumasok matapos ang sagutan namin. Well, mas okay na rin 'yon. Baka magkaroon pa ng round two sa room namin.

"You're late again."

Hinihingal na si nerdy ang bumungad sa akin.

"What happened to you?"

"Sorry...nag-deliver pa kasi ako."

Sumarado ang aking bibig. He's still working kahit na nagtuturo siya sa akin pagkatapos pumasok sa school. Ginagamit niya ang iilang oras sa pagtatrabaho bago pumunta rito.

Pinapasok ko siya at agad kaming nagsimula sa pag-aaral. Hindi ako makapag-focus dahil nililipad ang isip ko sa nangyari kanina.

"Wait, why are you defending him?"

"You're always saving him. Why, Niona?"

Napatitig ako sa lalaking nasa tabi ko. Bakit nga ba kasi? Sa tuwing nakikita kong binu-bully siya, parang hindi ko iyon kayang makita. I am not like this before.

"Why?" I suddenly asked.

Napatingin siya sa akin. "Ha? Dahil kapag ni-solve mo—"

"Why do you always make me feel like I need to save you?"

He didn't answer. Instead, he started at me too. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. I'm staring at him because I'm looking for an answer. Dahil sa mata niya nagsimula ang lahat. The look in his eyes...iyon ang dahilan kung bakit parang may masakit sa puso ko sa tuwing nakikita siya sa hindi magandang sitwasyon.

"Why, nerdy?"

"Because you're a kind person, Niona."

I stilled. Huminto rin ang paghinga ko nang ilang segundo. I blinked and looked away. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko sa may bandang puso.

It's...it's beating fast again.

"I'm not." Mahina kong sagot.

"Then why do you always save me?"

That's the question that's so hard to answer. A simple question, but I can't find the answer. I don't know the answer. No matter what I do, I still can't find the answer.

"I... I don't know." I felt his hand on top of mine. I looked down at it.

"Maybe there's another reason, you just can't think of it right now." I felt him gently squeeze my hand. "Don't think about it for now, you'll find the answer someday."

I looked at him. He gave me a sweet smile. This man. Since he came into my life, my life has been like this. I no longer know what I feel. The reason why I'm feeling things I never felt before is him. He made me feel this way.

"And my name is not nerdy."

"Huh?"

"It's not nerdy. It's Jared. My name is Jared."