Chapter: 1
Five am in the morning ng magising ako. "Nakakarindi!" Binato ko ang alarm clock ko ng ayaw nitong tumigil sa pag alingawngaw. "Hayst!"
Bumangon na ko sa higaan ko dahil wala akong choice at inaantok na nag asikaso para pumasok sa school. "Unti nalang pala pagkain ko dito." Sinara ko ang pintuan ng ref after kong kumuha ng tubig at palaman sa tinapay.
"Meow."
Nasan na yun?
Hinanap ko ang pusa kong si Mocha ng makita ko ito sa ilalim ng kama. "Anong ginagawa mo jan?" Kinuha ko ito ng dahan dahan palabas. "Nagugutom kana hmm?"
Ito talagang pusang 'to kung saan saan pumupunta.
Nilapag ko si Mocha sa pwesto niya at agad na kumuha ng cat food at nilagay sa kainan niya. "Debale ng magutom ang amo mo kesa ikaw." Hinimas ko ang balahibo nito at pinanood siyang kumain. Ang laki na ng baby ko.
"Licauan?"
"Uy tawag ka." Nagising ako sa pagkakaidlip ng yugyugin ako ng katabi kong si Esche. "Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Licauan? Abs-?"
"Present po!"
Tinignan ako ng masama ni Ma'am Sanchez na nginitian ko nalang. "Aga aga stress agad yung mukha, kaya kumukulubot agad e." Bulong ko ng mahina.
"Yan tulog pa." Pang aasar ng asungot na si James sa tabi ko na di ko nalang pinansin.
"Mama mo."
Ilang oras ang makalipas ng matapos ang lesson at nagbreak na. Kinuha ko ang sandwich kong ginawa kaninang umaga at tahimik na kumain.
"Tara Seah cafeteria!" Aya ni Marian sakin.
"Kayo nalang may baon ako!"
Since magstart akong pumasok sa collage hanggang mag 2nd year na ngayon, ay madami akong nagiging kaibigan dahil siguro maganda ako. Well, Sabi ng iba mabait daw ako at natatalinuhan daw sila sakin. Syempre ako ang nangunguna sa batch namin eh. I agree with all that naman.
"Seah!" Napatingin ako sa tumawag sakin sa labas ng room habang kumakain. Ano kailangan nito?
Tumayo ako at nilapitan siya. "What?" Walang ganang tanong ko sakanya ng mapasin kong para siyang tanga. "Free ka ba this Saturday?"
"Bakit?"
"Ano kasi e..." Napakamot siya sa kanyang ulo at parang naguguluhan kung sasabihin niya ba sakin ang pakay niya.
"Kung wala kang sasabihin, baka ka jan." Tatalikuran ko na sana siya ng itinuloy niya na bigla ang sasabihin niya. "May favor sana ako, kilala mo naman si Mommy d'ba? She's always strict to me and this Saturday kasi is birthday ng boyfriend kong si Max, yung pinakilal-"
"Maging straight to the point ka nalang pwede?" I interrupted her. Umayos siya ng tayo sa harapan ko at lumapit nalang siya sakin at bumulong.
"I want to come and kailangan kasi kasama ka." Tsk. Like what I expected, idadamay niya na naman ako sa kalokohan niya. "No."
Hindi pa ata siya nakuntento sa ginawa niya sakin nung nakaraan kaya ako napahamak, at ngayon naman idadamay niya na naman ako?
"Please..." Hinawakan niya ang braso ko para pilitin ng nagmamakaawa, at irita ko itong tinanggal. "Get lost."
"Seah!"
Tinalikuran ko na siya at hindi na pinansin pa ng tawagin niya ulit ako. Like I care? "Stupid"
She's my childhood friend si Erich. Lagi niya kong sinasama sa mga galaan niya with her boyfriend at nakakainis yun, kasi wala manlang masyadong food. Nagreklamo tuloy ang tyan ko at ayaw nang sumama sakanya.
Nagsimula na ang class at muling lumipas ang mga oras ng matapos na ang aming klase. "Kailan natin gagawin yung group project?" Tanong ko sa mga kaklase kong kagroup na hindi ko alam kung anong pangalan. "This weekend ba?" Tanong ko pa habang nililigpit ko na ang mga gamit ko.
Nilipat niya ang tingin niya sa isa pa naming kagrupo na nagtatanong. "Huy, ano?" Inirapan lang siya nito bago sinagot. "After class nalang siguro tomorrow, kasi bawal ako ng weekend."
After kong marinig ang sagot nito, umalis na ko sa room ng tahimik. Hayst, each day is stressing me out! Nakakahagard na ang pag aaral! Hindi naman lahat magagamit in the future pero sige silang tambak ng mga activities sa mga estudyante!
Habang naglalakad na nagmumuni muni napatigil ako at napadaing sa sakit ng mabunggo ako ng kung sino. "Aray!" Shocks! Ang sak-kit
Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact. Ahhh ang pwet ko! Sino ba yung wall na yon?!
"Aren't you looking where you're going?" Galit na tanong ng nakabungguan ko.
Napatingin ako sakanya at nagulat. Natapon sa uniform niya ang iniinom niyang juice ng magkabungguan kami.
Pero hindi amoy juice ang amoy, parang amoy alak. Bawal ang kahit na anong alcohol sa Campus, lasing siguro 'to tapos binangga niya pa ko?
Tumayo ako sa pagkakalagapak at binigyan siya ng nagtatakang tingin habang nilalabanan ang tingin niyang parang gusto akong bawian ng buhay.
"Tumitingin ka din ba sa dinadaanan mo?" Mahinang sakristiko kong tanong sakanya ng makatayo ako.
Pinagpagan ko ang sarili ko at tangkang lalagpasan na siya dahil sa dami ng nanonood samin, ng bigla niyang hinawakan ang bag ko sa likod para di makaalis.
Napahinto ako sa balak kong gawin ng hatakin niya ko. Tinignan ko siya ng masama sa ginawa niya.
"Who was running and bumped into me, then?"
Eh? Tumakbo ba ko?
"Hindi kita mabubunggo kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo." Malakas na loob kong sagot sakanya at walang ganang tinanggal ang pagkakahawak niya sa bag ko.
Mabilis akong naglakad paalis ng makawala ako sakanya. Lasing nga ata at kung ano ano ang pinagsasabing katangahan. "Asshole."