Chapter 7
Ang s-sakit-sakit
Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Bakit hindi ko kaya ang sakit? masakit sa pakiramdam hindi ko na kaya, nasasaktan ako ng sobra-sobra, sana hindi ko nalang 'to nararamdaman, sana naging manhid nalang ako.
Naghihinagpis kong tinignan ang braso ko ng maramdaman ko ang hapdi na may tumutulo na palang dugo sa braso ko. Ang bait naman ni Lord, gusto ko lang namang maging hero kanina.
Binalik ko muli ang atensyon ko sa Facebook notification sa account ko ngayon na nagtataka.
Bakit kasama ko tong lalaking 'to dito? Nakadress ako ng mahaba na kulay asul sa picture habang ang buhok ko ay sobrang ikli pa lamang noon. Nakangiti ako ng masaya na hindi ko maimagine na ako ba 'to dati?
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng biglang sakit. Tangina nahihilo ako.
---
I love you, but I don't really show you
I call you, but only if you want me too
Oh, don't you let it~stop
Oh, I would let it happened baby
Oh, I won't never~stop
But only if you listen to me...
"Come inside of my heart, if you looking for answers," Ang mga tao inside here sa bar are singing too, sinasabayan nila ako. Nakakatuwa. "Look at this stars, go a little bit faster Ooh, ooh, hoo~ahh~ooh"
I love the beats that beaten rthym, my heart dance with all that it can be, and I sing also like a beautiful man infront of this people. Para akong artista na nasaakin lahat ng atensyon. around and around, and around and again and again, all over with my charismatic voice.
"Oh, I won't never~stop" With matching pogi face "But only if you listen to me~" Napangisi ako bago ko itinuloy muli ang lyrics ng kanta. "Come inside of my heart If you're looking for answers Look at the stars, go a little bit faster Ooh, ooh, hooh~ahh~ooh"
"Seah!" Napaligon ako sa tumawag sakin sa dressing room habang nagpapalit na ko ng damit bago umuwi.
"May naghahanap sayo sa labas." Sabi ni Maki nang makita niya ko. "Sino?" Tanong ko sakanya na ikinabing balikat niya lang.
Inayos ko na muna ang sarili ko bago ko pinuntahan yung naghahanap sakin. Si Joshua.
"Hi! Seah! Long time no see! Buti nalang buhay ka pa!" Agad na bati niya ng lapitan ko siya. Niyakap niya ko at ginantihan ko din ito. "Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" Masayang gulat na tanong ko sakanya.
Tagal na din ng muli kaming magkita, ilang years na atang lumipas. Siya yung mahilig mag aya sakin noon nung highschool sa kung saan saang kalokohan.
"I'm literally okay, ikaw ba? Tagal mong di nagpakita samin ah."
Sinama niya ko sa table nila para makipag kwentuhan daw siya sakin sandali, kasi namiss niya ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya na hindi ko kilala.
"Naglalaro ka parin ba ng basketball?" Tanong sakin ni Joshua pagkatapos niya kong abutan ng beer. Nginitian ko siya sa ginawa niya.
"Matagal ng hindi." Sagot ko na ikinagulat niya. "Weh?" Gulat niyang tanong na ikinatawa ko. Yung reaction niya parang di parin nagbabago.
"Bakit nirarayuma ka na ba?" Tanong niya ulit na ikinailing ko nalang habang natatawa. "Sama ka nalang samin bukas, Sunday naman eh. Laro tayo sa Highville!"
---
Sakit ng ulo ko, kingina. Hindi na talaga ako iinom kahit kailan. Tumayo ako sa higaan ko ng sunod sunod kong marinig ang maingay kong doorbell.
Asan ba si Stellan?
"Sandali lang!" Paika ika akong naglakad papunta sa pintuan at agad na binuksan ang pintuan ko.
"Goodmorning po Ma'am Seah Licauan, parcel delivery po." Ngiting bungad ni Manong delivery man. "Magkano po?" Nahihiya kong tanong habang tinatakpan ko ang bandang dibdib ko. Wala kasi akong suot na bra.
"380 lang po Ma'am." Kinuha ko agad ang wallet ko sa kung saan at agad na binayaran ang delivery. "Keep the change po." After kong ibigay four hundred ko sakanya.
"Thank you po."
Nilagay ko sa ibabaw ng table ko ang parcel na dumating at agad na dumeretsyo sa Cr ng makaramdam ako ng hilo.
Madalas akong nakakaramdam ng pagkahilo dahil siguro sa init ng panahon at sa kulang ako sa tulog.
Mamayang gabi pa ang part-time ko sa RB Side kaya napagdesisyonan ko nalang na sumama sa larong basketball na aya ni Joshua kagabi. Kailangan siguro ng exercise ng katawan ko.
Nag general cleaning ako sa buong bahay at agad na nagready ng susuutin na jersey sa laro mamaya.
Buhay pa din ang jersey ko noon na ginagawa ko nalang pambahay.
"Ganda parin walang kupas." Bati sakin ni Ivan na childhood friend ko. "Kamusta?"
Niyakap niya ako ng makalapit siya at ginantihan ko naman yon. "I'm good, long time no see." Ngiti kong bati. Namiss ko sila.
Bukod kina Joshua at Ivan na kateamate ko sa laro, kasama din namin si Gab na madalas kong kasama noon sa fishball-an, at ang iba ay di ko na kilala.
Nanonood muna kami ng mga naglalaban dahil kami na ang sunod na maglalaro mamaya. Ang gagaling nila.
"Gusto mo gatorade?" Napaligon ako sa biglang nagtanong sa gilid ko. Si Joshua.
"Libre mo?" Tanong ko pabalik na ikinatawa niya. "Syempre naman, tara?" Tumango nalang ako bilang pagsagot.
Umalis kami sa court at dinala niya ko sa tindahan.
"Ano pa gusto mo?" Tanong niya habang kumukuha ng pambayad sa tindera. Yaman naman nito.
"Okay na 'to." Turo ko sa gatorade na nilibre niya.
Lalong lumaki ang katawan niya kumpara noon. Meron din siyang biceps at mukha siyang malinis sa katawan. Masarap kaya 'to? Joke.
Nang pabalik na kami sa muli sa court napatigil siya sa paglalakad na ikinatigil ko din. "Bak-?"
Napatigil ako sa itatanong ko ng makita ko na ang sagot. Sina Yeshua at ang mga kaibigan niya ay narito? Sila ba ang makakalaban namin?
Madilim ang paraan ng mga ng mata ni Yeshua na nakatingin samin at ang mga kaibigan niya naman ay pinapanood lang kami.
Iniwas ko ang mga mata ko sakanila at hinawakan ko ang kamay ni Joshua para umalis na. "Halika na."
Manananalo kaya kami rito?