Chapter Thirty Two

KEVIN'S POV:

"Tatanungin ko kayo isa-isa, dapat tama ang isasagot nyo... Dahil pag may nagkamaling isa sa inyo at hindi tumugma sa sagot ng isa ibig-sabihin may nagsisinungaling sa inyo." Sabi nung lalaki kaya kinabahan ako.

"Ako pala si Jerome, wag kayong mag-alala mabait pa naman ako. Buti nga hindi boss namin yung nakasalamuha nyo ngayon, kung hindi, sigurado akong patay na kayong lahat." Sabi nya at tumawa.

"Anong pangalan mo, toy?" Pagtatanong nung Jerome at tinutok yung baril kay Rhyzen.

"Rhyzen." Sagot naman ni Rhyzen.

"Rhyzen.... Ang gandang pangalan, ang gandang pangalan na burahin sa mundo." Sabi nyaa at tumawang mag-isa.

Anong nakakatawa don? Kung mag-isa lang tong lalaki na to baka napatay ko na sya.

"Ikaw?" Sabi nung Jerome at tinutok sakin yung baril.

"Kevin." Sagot ko at alam kong nakatingin sakin si Rhyzen ngayon.

"Kevin? Hmm.... okay." Sabi nya.

"Ikaw?" Pagtatanong nya kay kuya Zayne.

"Zayne." Sagot naman ni kuya Zayne.

"Okay, Zayne." Sabi nung Jerome.

"Ikaw?" Pagtatanong naman nya kay kuya Felix.

"Felix." Sagot naman ni kuya Felix.

"Ah." Sabi nya.

"Ikaw?" Pagtatanong naman nya kay Allison.

"Allison." Sagot naman ni Allison.

"Okay, bakit parang hindi naman kayo natatakot sakin? sa amin? Hindi ko ramdam sa mga boses nyo na natatakot kayo?" Pagtatanong nung Jerome.

"Bakit naman kami matatakot, eh wala naman kasi kaming ginagawa sa inyo." Sagot ni kuya Felix.

"Tumahimik ka, sinabi ko bang ikaw yung sumagot?" Sabi nung Jerome.

"Sorry kung naabala ko kayong lima hah, alam kong nagtataka kayo ngayon kung bakit wala lahat ng zombie dito. Inalis namin silang lahat dito para lang makapasok sa airport kaya wag nyo ng isipin yun." Sabi nung Jerome.

"Gusto ko lang malaman kung saan kayo ng galing lahat, nagstay ba kayo sa airport? Oh, ikaw sumagot Felix." Sabi nung Jerome kaya napatingin ako kay kuya Felix, nakatingin din sya sakin.

Pasimple naman akong nagthumbs up at nakita naman nya yun, alam na nya yung ibig-sabihin non. Magsasabi sya ng totoo.

"Oo, nagstay kami don." Sagot ni kuya Felix at tumingin ulit sya sakin. Pasimple ko naman syang nginitian.

"Oh, baka kasi kilala nyo yung mga hinahanap namin." Sabi nung Jerome na ipinagtaka ko.

"Anong nangyari sa airport? Bakit nagkagulo don?" Pagtatanong nya. Bakit alam nya yung sa airport, eh hindi naman namin sila nakita o nakasama don.

"Ikaw, Allison, anong nangyari sa airport? Anong pinagmulan ng lahat? Bakit nagkagulo don?" Pagtatanong ni Jerome kay Allison.

"Hindi ko alam, nagkakagulo na lang don bigla tapos nagkalat yung mga zombies." Sagot ni Allison, nagsinungaling sya.

Alam kong alam nyang sina Olivia yung nagsimula ng lahat.

Tama lang yung ginawa ni Allison, hindi pa namin alam kung ano talagang pakay ng Jerome na to.

"Ikaw, Kevin? Nasaan ka nung nagkakagulo sa airport?" Pagtatanong ni Jerome.

"Nakatulog kami ni kuya Felix pagkatapos namin gawin yung mga gawain namin at nagising kami nung marinig namin yung sigawan ng mga tao, kaya wala kaming alam." Sagot ko.

"Hmm, Zayne, ikaw?" Pagtatanong ni Jerome.

"Wala ako sa airport nung nagkagulo don, nasa labas ako nung nangyari ang lahat." Sagot ni kuya Zayne.

"Eh, ikaw Rhyzen?" Pagtatanong ni Jerome.

"Wala din ako don, nasa hospital ako nung nangyari yung gulo." Sagot ni Rhyzen at napatango naman Jerome.

"Sige, mukhang hindi naman kayo yung pakay ko, dederetsohin ko na kayo ah. Noong nabalitaan naming nagkagulo sa airport ay agad kaming pumunta dito para hanapin si Olivia." Sabi nung Jerome na ikinagulat ko.

"Si Olivia kasi ay nag-iisang anak ng boss namin at nabalitaan naming patay na si Olivia. Nakita pa namin yung katawan nya don sa loob ng cr, binaril sya sa ulo. Kaya ngayon ay naghahanap kami ng mga nakaligtas na tao sa airport para tanungin sila at alamin kung sino ang pumatay sa kanya dahil may na sabi si Olivia sa amin na may nakaaway daw sila na isang grupo sa airport... Ah, Drea ba yung pangalan non? Cessa? Xavier? Greyson? Hindi ko matandaan basta isang grupo ng magkakaibigan. Kaya ang tanong, nakita nyo ba silang nakaalis sa airport?" Pagtatanong ni Jerome.

Ang daming mga tanong na tumatakbo sa utak ko. Anong nangyayari? Anong meron sa grupo ng mga lalaki na to? Bakit may koneksyon si Olivia dito?

"Allison, Felix at Kevin, kayong tatlo ay nasa airport nung nangyari ang lahat diba... nakita nyo ba sila?" Pagtatanong ni Jerome.

"Hindi, wala akong nakita at magkasama kami nina Felix at Kevin nung mga oras na yun, pinilit lang namin na makalabas dahil ang dami ng zombie don." Sagot ni Allison.

"Mukhang nagsasabi naman kayo ng totoo, pero saan na kayo tumutuloy ngayon?" Pagtatanong ni Jerome. "Rhyzen?"

"Sa cabin sa gitna ng kagubatan." Sagot ni Rhyzen.

"Okay, pasensya na sa istorbo... Akala namin kayo na ang hinahanap namin. Tumayo na kayong lima dyan." Sabi ni Jerome at agad naman akong lumapit kay Rhyzen. Dumudugo pa din yung sugat nya sa noo.

"Kailangan nating gamutin yan." Sabi ko sa kanya.

"Kailangan na nating masabi sa kanila to." Mahinang sabi ni Rhyzen.

"Biro lang, hindi pa tayo tapos... Luhod, luhod, lumuhod ulit kayo." Sabi nung Jerome na ikinagulat ko. Agad naman kaming nagsi luhudan.

"Ilabas nyo nga yung mga bisita natin dyan." Sabi ni Jerome na ipinagtaka ko.

"Kayong lima, ang gagaling nyong magsinungaling." Sabi ni Jerome at tumawa at pumalakpak pa.

Kinabahan naman ako.

"Ito na sila." Sabi nung lalaki at nilapit yung apat na tao kay Jerome. May mga tabon yung ulo nila ng plastic at hindi ko makilala yung mga itsura nila dahil hindi ko ito makita. Laking gulat ko pa ng makilala ko yung suot nung isa sa kanila.

Si Simone.

Anong nangyayari.

"Tanggalin nyo yung mga tabon sa ulo nila." Sabi ni Jerome at isa-isa nilang tinanggal yung mga tabon.

Una si Kieran na ikinagulat ko at sumunod naman si Rafael. Isang matanda pa at si Simone.

"Ang layo ng mga sinabi nyo sa sinabi nila." Sabi sa amin ni Jerome at tumatawa pa.

"Kayong apat tumabi kayo don sa lima. Bilis, bilis... Luhod na aba." Sabi ni Jerome.

Kieran - Rafael - Allison - kuya Zayne - ako - Rhyzen - kuya Felix - Simone at yung matandang lalaki, yung papa ni Simone.

"Walo na kayong tatanungin ko, papalagpasin ko yung pagsisinungaling nyong lima hah. Sa oras na may magsinungaling sa inyo, hinding hindi ako magdadalawang isip na barilin ang isa sa inyo. Diba, Kevin?" Sabi ni Jerome kaya kinuyon ko yung kamay ko.

"P-please wag nyong sasaktan yung P-papa ko, sasagutin ko lahat ng mga tanong mo." Sabi ni Simone habang umiiyak.

"Sinabi kong magsalita ka? Manahimik ka dyan." Sabi nung Jerome na ikinainis ko.

"Base sa nakuha kong impormasyon kay na Kieran, Rafael at Simone. Lahat kayong nakaluhod ay kaibigan nina Drea, maliban sa Papa ni Simone." Sabi ni Jerome.

"Nakaaway nyo nga daw sina Olivia at pwede din na kayo ang pumatay sa kanya at sa mga kaibigan nya... Halaaaa, lagot kayo... Ano na lang ang ipapaliwanag nyo sa Papa ni Olivia?" Sabi pa ni Jerome.

"Sasagot agad kayo sa tanong ko hah. Madali lang naman ako kausap... Sa oras na walang sumagot sa inyo babarilin ko ang isa sa inyo." Sabi ni Jerome at agad tinutok yung baril kay kuya Felix.

"Isa ba sa inyo ang pumatay kay Olivia o sa mga kaibigan nya? Sagot!" Sabi ni Jerome. "Walang sasagot? Babarilin ko na tong si Felix."

"Isa." Si Jerome.

Wala pa din sumasagot.

"Dalaw-"

"Oo, isa ako!" Sigaw ni kuya Zayne.

"Ooopps! Nagsinungaling ka, kakasabi mo lang kanina wala ka sa airport nung nangyari ang lahat diba, panong magiging isa ka sa pumatay sa mga kaibigan ni Olivia? Dahil sa pagsisinungaling mo babarilin ko si Felix." Sabi ni Jerome.

"Ako!" Sigaw ni Allison kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Isa ako sa pumatay sa kaibigan ni Olivia." Sabi ni Allison.

"Ayun may sumagot din ng tama." Sabi ni Jerome.

"Bakit mo naman nagawang patayin ang isa sa mga kaibigan ni Olivia?" Pagtatanong ni Jerome kay Allison.

"Sinubukan nya akong patayin eh, malas lang nya nauna ko syang patayin... Pinagtanggol ko lang yung sarili ko. Ikaw ba pagsinubukan kitang patayin, ipapagtanggol mo din naman yung sarili mo diba?" Sabi ni Allison.

Bigla namang sinipa ni Jerome yung mukha ni Allison na ikinagulat namin. Napadaing naman si Allison sa sakit.

"Wag mo syang saktan." Sabi nung Papa ni Simone.

"Wag kang mangialam dito, tanda." Sabi ni Jerome.

"Sinabi ko bang tanungin mo ako, Allison? Ang lakas din ng loob mo." Sabi pa ni Jerome, napatingin naman ako kay Allison at Dumudugo yung ilong nya.

Ano nang gagawin namin, pati si Rhyzen at yung Papa ni Simone nadamay pa.