Chapter Thirty Four

DREA'S POV:

Nasa loob kami ng bahay ngayon dahil namatay na yung babaeng buntis, pero yung baby ay nailigtas.

Bigla namang dumating si Xavier.

"May kotse na paparating." Sabi ni Xavier.

"Kaninong kotse?" Pagtatanong ni Raymond.

"Hindi ko ho alam eh, hindi naman ho yun yung bus na ginamit nina Rhyzen." Sagot naman ni Xavier.

"Titingnan ko." Sabi naman ni Carter at lumabas.

+

RHYZEN'S POV:

Nang makarating ako sa farm ay agad kong itinigil yung sasakyan sa tabi. Agad naman akong bumaba ng sasakyan at nakita kong papalapit si Carter sa direksyon ko.

"Rhyzen?! Anong nangyari sayo?" Gulat na pagtatanong ni Carter.

"Sina Drea, kailangan kong makausap sina Drea." Sabi ko naman sa kanya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

+

DREA'S POV:

Wala pa din malay si Rhyzen, ginamot na din ni Carter yung mga sugat nya. Hindi din nya kasamang bumalik sina Zayne dito, pero ang pinaka hindi namin inaasahan sa lahat, dala-dala ni Rhyzen yung bangkay ni Simone at ng isang matandang lalaki.

Inilibing na nina Luke, Boss J at Xavier yung bangkay nila. Lahat kami ay nandito pa din at hinihintay na magising si Rhyzen. Gustong-gusto ko na malaman kung anong nangyari.

"Ano kayang nangyari sa kanila." Pagtatanong ni Yvonne.

"Posibleng may nakalaban sila, mga tama ng baril ang natanggap nina Simone." Sabi ni Boss J.

"Pero sina Zayne nasaan?" Pagtatanong ni Xavier.

"Ayan ang hindi ko masasagot." Sabi naman ni Boss J.

"Hintayin na lang natin na magising si Rhyzen." Sabi ni Greyson.

+

KEVIN'S POV:

Nandito na kami.

"Ibaba nyo na sila." Boses ng isang lalaki kaya naman agad nila kaming ibinababa.

"Ikulong nyo muna sila at kakausapin ko muna si Boss." Narinig ko pang sabi nung isa.

Pinalakad nila kami nang pinalakad hanggang sa tumigil na kami. Naramdaman kong tinatanggal na nila yung tabon sa ulo ko hanggang sa tuluyan na ngang natanggal yun.

Agad naman akong tumingin sa paligid, parang nasa isang malaking hospital kami.

Nilibot ko pa yung paningin ko at may mga selda din, may mga iba pang nakakulong.

Hindi kaya nasa Mental Hospital kami.

"Pasok." Sabi nung lalaki at agad kaming pumasok sa isang selda. Kinadena naman nya yung pintuan ng selda para hindi kami makalabas.

"Nasaan tayo?" Pagtatanong ni Kieran.

"Nasa mental hospital." Sagot ko naman.

"Kailangan nating makatakas dito." Sabi ni Kuya Felix.

"Hinanap talaga nila tayo dahil sa Olivia na yun." Sabi ni Allison.

"Papatayin nila tayo." Sabi ni Kieran.

"Ibig sabihin nandito din yung Papa ni Olivia." Sabi ni Kuya Felix.

"Sabi nung Jerome na yun, na ikinwento tayo ni Olivia sa kanila dahil nakaaway natin sila, kaya ngayon hinahanap nila tayo para gantihan dahil sa pagkamatay ni Olivia." Sabi ni Allison.

"Ang ipinagtataka ko ay bakit nasa airport sina Olivia kung may sarili naman na silang grupo at base." Sabi ko.

"Baka nag-spy sila kay na sir Owen." Sabi naman ni Kuya Felix.

"Kailangan nating magplano." Sabi naman ni Rafael.

"Anong gagawin natin?" Pagtatanong ni Kieran.

"Nangyari na sa atin to, hindi lang ito ang unang beses na nangyari sa atin to... Naalala nyo yung kinalaban natin sina Lucius? Makikipag patayan tayo sa kanila." Sabi ni Rafael.

"Nasaan pala yung Jerome? Hindi ko sya nakita at narinig." Sabi ni Kuya Zayne.

"Shit." Sabi ni Kieran kaya napatingin kami sa kanya.

"Baka sinundan nya si Rhyzen?" Sabi pa ni Kieran.

+

DREA'S POV:

Habang naghihintay kami ay bigla namang nagising si Rhyzen.

"Rhyzen?" Pagtawag ni Carter.

"Anong nangyari sayo?" Pagtatanong pa ni Carter.

Agad namang umupo si Rhyzen.

"Yung katawan nina Simone, nasa sasak-" Sabi pa ni Rhyzen pero biglang nagsalita si Xavier.

"Nailibing na namin sila." Sabi ni Xavier.

Tumingin naman sakin si Rhyzen.

"Drea, may problema tayo." Sabi ni Rhyzen.

"Anong problema? Nasaan si Zayne?" Pagtatanong ko.

"Bakit sugatan ka? Anong nangyari?" Pagtatanong pa ni Talia.

"Kinuha sya nung Jerome, si Zayne pati yung sina Felix, Kevin, Allison, Rafael at Kieran." Sabi naman ni Rhyzen.

Sinong Jerome?

"Nakita nyo sina Felix?" Gulat na pagtatanong ni Cessa.

"Oo, nakita nila kami sa city at walang zombie sa city kahit isa." Sabi pa ni Rhyzen.

"Walang zombie? Bakit? Nasaan?" Pagtatanong ni Xavier.

"Inalis nina Jerome, para makapasok sila sa airport. Noong nakasakay na kami ni Zayne pati nung mga kaibigan nya, may bumaril sa gulong ng school bus namin at sina Jerome yun kaya bumangga kami." Sabi ni Rhyzen.

"Hinabol nila kami at kinorner, don na nila kami pinaluhod at sinimulan tanungin." Dugtong pa ni Rhyzen.

"Sino si Jerome?" Pagtatanong ko sa kanya kaya napatingin sila sakin.

"Hindi ko din sya kilala pero kilala nya kayo dahil don sa Olivia." Sagot nya na ikinagulat ko. Kilala nila kami?

"Si Olivia?!" Gulat na tanong ni Xavier.

"Oo, may koneksyon yung Olivia sa kanila, nakita nilang patay si Olivia pati yung mga kaibigan nya kaya tinanong nila kami kung sino sa amin yung pumatay sa kanila dahil kayo yung nakaaway nina Olivia at hinahanap nila kayo, Drea." Sabi pa ni Rhyzen kaya kinabahan ako.

"Pinatay nila sina Simone dahil walang sumagot sa amin kung nasaan kayo, Drea. I'm sorry." Sabi pa ni Rhyzen, alam kong nakatingin silang lahat sakin.

Nabato ako sa kinatatayuan ko at na g-guilty ako sa nangyayari.

"Bukas babalik dapat ako don na kasama ko kayo, Drea, yung buong grupo nyo. Dahil kung hindi, papatayin nila sina Zayne at hindi daw sila titigil na hanapin tayo. Pero sa tingin ko hindi sila susunod sa kasunduan dahil papatayin nila kayo." Sabi pa ni Rhyzen.

"Pumatay kayo ng tao? Gagantihan nila kayo? Pa, nagsinungaling sila sa atin! Sabi nila hindi sila pumatay ng tao pero ngayon hinahanap na sila. Paalisin mo na sila dito, Pa. Baka madamay pa tayo sa away nila." Galit na sabi ni Jenna at tahimik lang kaming lahat.

"Pinatay nyo ba talaga sila?" Pagtatanong sa amin ni Raymond.

"Oo." Diretsong sagot ni Greyson.

"Pinatay namin sila, pero may dahilan kam- " Sabi pa ni Cessa.

"Dahilan? Wag na kayong magpaliwanag, umalis na kayo kaagad dito dahil ayaw naming madamay sa gulo nyo! Mga mamamatay tao." Galit na sabi ulit ni Jenna.

"Wag kang makinig sa kanya, Yvonne." Mahina pang sabi ni Sylus kay Yvonne dahil nasa likod ko sila at narinig ko yun.

"Grabe ka naman makapag salita sa amin, ni hindi mo nga alam yung nangyari pero kung makapag salita ka akala mo alam mo na yung buong kwento." Sabi naman ni Cessa.

"Kahit anong sabihin mo pumatay pa din kayo ng tao, umalis na kayo dito!" Sabi pa ni Jenna.

"Pinagtanggol lang namin yung sarili namin sa kanila dahil balak nila kaming patayin." Sabi naman ni Cessa.

"Wag ka ng magsalita." Sabi pa ni Carter.

"Bakit? Pinapaliwanag ko lang yung side namin, pag ikaw ba sinubukan kong patayin, hindi mo ba ipapagtanggol yung sarili mo para patayin din ako?" Sabi naman ni Cessa.

"Magkaiba pa din naman tayo ng sitwasyon." Sabi naman Carter.

"Tama, isa kang doctor na hinayaan lang mamatay yung isang buntis, mamamatay tao ka na din. Doctor ka pa naman tapos ni isang pasyente mo hindi mo man lang mailigtas." Sabi naman ni Cessa kaya natahimik si Carter.

"Ang kapal naman talaga ng mukha nyo no, matapos namin kayong tanggapin dito at palamunin, ganyan yung iaasta nyo." Sabat naman ni Jenna.

"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Raymond.

"Wag kayong mag-alala aalis din kami bukas dito, wala kasi kaming sasakyan." Sabi ni Boss J.

"Bukas? Nagpapatawa ka ba? Ang kapal naman ng mukha nyo at nagrequest pa kayo ng isang gabi dito matapos nyo kaming sabihan ng kung ano-ano, kung wala kayong sasakyan maglakad kayo." Galit na sabi naman nung Jenna.

"Madame, aalis pa din naman ho kami at pag sensyahan nyo na yung mga kasama ko." Sabi naman ni Boss J.

"Pero ho kung hindi naman ho kayo payag, aalis na kami ngayon." Sabi ni Greyson.

"Mabuti pa nga." Sabi ni Jenna.

"Hindi, pagbibigyan ko kayo na magstay na lang ngayong gabi at bukas ay aalis din kayo." Sabi ni Raymond na ikinagulat naming lahat.

+

JEROME'S POV:

Sa isang farm pala kayo nagtatago, para kayong mga tupa. Hindi napansin ni Rhyzen na nasundan namin sya.

"Babalik na ako don at bantayan nyo sila kung aalis, bigyan nyo agad kami ng update." Sabi ko sa mga tauhan ko.

Magandang balita to.

Kailangan ko ng masabi sa ama ni Olivia na alam ko na kung saan nagtatago ang mga tupa.

Hindi na ako makapaghintay na makitang naghihirap sila at gusto kong malaman kung sino ang bumaril sa ulo ni Olivia.