DREA'S POV:
"Ang ganda dito sa farm nyo, tahimik, maaliwalas at wala sanang problema pero kinalaban nyo ako eh." Sabi nung Thiago.
"Sino si Drea sa inyo?" Pagtatanong nung Jerome.
"Wag mo na syang hanapin dahil sigurado naman akong isa sa kanila si Drea na sinasabi mo. Lahat naman sila ay may kasalanan sa pagkamatay ni Olivia, sa dami nyong yan hinayaan nyo lang na mamatay yung anak ko." Sabi pa nung Thiago.
"May dahilan naman kami kung bakit namin ginawa yun." Lakas loob na sabi ni Greyson.
"Ano? Dahilan? Nagsisimula pa lang yung usapan natin mga wala na agad kayong kwentang kausap, parang yung anim lang na mga kaibigan nyo na walang laban sa amin." Sabi pa ni Thiago.
"Ano bang gusto nyo?" Pagtatanong ni Boss J.
"Sino ka? Ang leader nila? Tinuruan mo ba yang mga alaga mo kung paano pumatay ng isang babaeng walang kalaban laban sa inyo?" Sabi naman nung Thiago.
Walang kalaban laban?
"Di bale, ang gusto ko lang naman ay sumama kayo sa amin don sa base namin at don natin pag-usapan to." Sabi pa nung Thiago.
"Kung hindi naman kayo papayag, tatapusin ko na kayong lahat dito, ano?" Dugtong pa nya.
"Magdesisyon kayong mabuti." Sabi naman nung Jerome.
"Sasama kami." Sabi naman ni Greyson.
"Madali ka palang kausap eh." Sabi naman nung Thiago.
"Patayin nyo lahat ng hindi kasama sa grupo nila at wala kayong ititira kahit isa, isakay nyo na silang lahat sa sasakyan." Sabi pa nya.
Agad naman nila kaming tinutukan ng mga baril at pinalakad.
Nakita ko pang sinamaan ako ng tingin ni Carter bago sya tuluyang lumakad. Narinig ko na lang yung sigawan ng mga tao dito sa farm at yung putok ng mga baril.
Nang makalabas naman kami ng farm ay pinaghiwahiwalay nila kami ng sasakyan. Ang kasama ko ngayon ay si Greyson, Sylus at Yvonne, nahiwalay sa amin yung iba.
"Saan daw sila dadalhin?" Pagtatanong nung driver.
"Sa factory daw." Sagot naman nung lalaki kaya naman pinaandar naman nung driver yung sasakyan.
+
KIERAN'S POV:
Nasa isang factory na kami ngayon at kasama ko na ulit sina Allison, Felix, Zayne, Kevin at Rafael.
Nandito kami nakaluhod, maliban kay Rafael dahil hindi na kaya ng mga hita at binti nya kaya nakaupo lang sya sa sahig. Kami nina Zayne, Felix at Rafael ay bugbog ang buong katawan pati ang mga mukha namin. Sina Allison at Kevin naman ay may mga sugat at mga pasa sa mukha.
Nakaluhod kami at nakaharap don sa may malaking gate, kalahating oras na din kaming nakababad sa araw kaya nakakaramdam na din ako ng uhaw at alam kong ganon din sina Rafael.
Ang daming mga tao dito, pinagtitinganan kami at pinapanood. Ito yata yung sinasabi ni Thiago na mga alipin nya, iniwan naman kami dito nung mga armadong lalaki kaya yung mga taong alipin ni Thiago ang mga nandito.
Nagulat na lang kami ng biglang may babaeng lumapit sa amin at may dala syang mga tubig.
"Uminom na muna kayo ng tubig." Sabi nya at pinainom nya kami ng tubig.
"Salamat." Sabi ko.
"Wag kayong mag-alala, wag nyo na lang kalabanin si Thiago para wala nang masaktan pa sa inyo. Magiging mga alipin nya kayo dito sa factory, basta gawin nyo lang yung mga iuutos nya." Sabi pa nya.
"Pumunta ka na dito, baka makita ka pa nung mga tauhan ni Thiago." Pagtawag nung babae sa kanya, kaibigan nya yata yun.
Nanonood lang yung mga tao don at nagbubulungan.
"Sige, aalis na ako ah." Sabi pa nung babae bago tuluyang lumayo sa amin.
"Ikaw talaga, paano kung nakita ka nung mga tauhan ni Thiago." Sabi nung kaibigan nya.
"Gusto ko lang naman silang tulungan, nakakaawa kaya sila, okay na yun at least na tulungan ko na sila." Sabi naman nya.
Bakit kaya nila kami dinala dito.
+
DREA'S POV:
Nandito na kami sa factory na sinasabi nila dahil tumigil na yung sasakyan. May nagbukas naman nung malaking gate kaya agad nilang pinasok tong mga sasakyan.
Pinark muna nila yung sasakyan bago nila kami tuluyang pababain sa sasakyan at gulat na gulat kami sa nakita namin.
Sina Zayne, Kieran, Rafael, Allison, Kevin at si Felix.
Nakaluhod silang lahat at nakaharap sa amin, nakahubad sina Zayne, Kieran, Rafael at Felix at pangbaba lang ang suot nila. Bugbog pa ang mga katawan at mukha nila habang si Allison at Kevin naman ay may mga sugat sa mukha at pasa.
"Paluhurin nyo din sila." Sabi pa ni Thiago kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Luhod." Sabi nung lalaki sa likod ko at mahina pa akong tinulak gamit yung baril nya.
Wala naman kaming nagawa kundi lumuhod, nanginginig yung mga kamay ko at hindi ko sila kayang tingnan kaya napayuko na lang ako.
Na aalala ko si Caleb.
Nakaluhod kaming lahat sa harap nina Zayne, ang dami din mga tao sa paligid ang nakatingin sa amin at mga nagbubulungan.
Napansin ko namang si Rafael lang yung hindi nakaluhod sa aming lahat. Nakaupo sya at kulay ube na at nangingitim na yung mga hita ni Rafael, sigurado akong pinaghahampas yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko, natatakot ako.
Agad naman akong tumingin sa kanan ko at nakita kong lahat sila ay tahimik at nakatingin lang kay na Zayne. Tumingin naman ako sa kaliwa ko at ganon din, nakita ko namang nakakunot ang noo ni Greyson at nakakuyom yung mga kamay nya.
Nakita ko pa si Yvonne na pinipigilan yung iyak nya. Agad ko namang ibinalik yung tingin ko kay na Zayne at huminto ang mga mata ko kay Zayne, nakita kong tumingin sakin si Kevin, patago at pasimple pang nagthumbs up si Kevin sa akin, ibig sabihin non okay lang sila. Pero alam kong hindi.
+
RHYZEN'S POV:
Nakaluhod kami ngayon at kaharap namin sina Kevin, grabe yung ginawa sa kanila. Pagbabayaran nila to. Hindi tumitingin si Kevin sa akin pero nakita kong nagthumbs up pa sya kay Drea.
Sana okay lang sya.
+
DREA'S POV:
"Nakikita nyo ba ang mga taong to? Sila lang naman ang pumatay sa nag-iisa kong anak na si Olivia, manood kayo sa amin." Sabi ni Thiago don sa mga taong nakatingin sa amin.
"Ano? Nakikita nyo ba yung mga kaibigan nyo? Ayan ang napala nila." Sabi naman nung Jerome sa amin at tinutukoy nya ay sina Zayne na ikinainis ko.
"Anong gusto nyong mangyari?" Pagtatanong ni Thiago.
"Wag mo na silang idamay." Sabi ko kay Thiago kaya napatingin sila sakin.
"Ooohh.... Ikaw si Drea?" Pagtatanong ni Thiago.
"Oo, ako ang pumatay sa kanya kaya wag mo na silang idamay... Mag-isa lang naman akong pumatay sa kanya kaya mag-isa mo lang din akong patayin at pahirapan." Sabi ko sa kanya.
"Hmm... Paano yung mga kaibigan ni Olivia na pinatay nyo din?" Pagtatanong ni Thiago.
"Pinatay nyo na din yung karamihan sa amin, pati nga mga tao sa farm dinamay mo... Hindi ba sobra na yun para sa isang anak mo at mga kaibigan nyang walang kwenta?" Sabi ko naman sa kanya.
"Anong gusto mong palabasin? Na kasalanan pa namin kung bakit nangyayari to sa inyo? Wala ng batas ngayon kaya kahit anong gawin namin walang mali." Sabi nya pa.
"Yun naman pala eh, tutal nakabawi naman na kayo sa amin at marami na kayong pinatay... Paalisin nyo na kami. Wala ng batas ngayon kaya kahit ano din gawin namin walang mali, pinagtanggol ko lang yung sarili ko sa anak mo." Sabi ko naman sa kanya.
Lumapit naman sya sakin.
"Tumayo ka nga." Sabi pa nya kaya naman agad akong tumayo at tumawa sya.
"Pero sakin may batas at hindi ko yun papalagpasin, hindi kita gagalawin at wala akong gagawin sayo... Basta panoorin mo lang maghirap yung mga kaibigan mo." Sabi pa nya.
"Ganto Drea, gabi-gabi nandito tayong lahat at isa-isahin nating babawasan yung mga kaibigan mo. Wag kayong mag-alala dinanas din naman yan ng mga alipin ko dito at tingnan nyo, namumuhay sila ng ayos dito at araw-araw nag aayos ng mga pagkain sa factory, ang kaso lang sila yung mga natira. Matira matibay na lang sa mga kaibigan mo, Drea... Wala kang ibang gagawin kung di manood." Sabi ni Thiago na ikinainis ko.