DREA'S POV:
Iniwanan muna nila kami dito pero may mga tauhan pa din ni Thiago ang nagbabantay sa amin na nandito, si Yvonne na kay Rafael at umiiyak kaya lumapit na din ako sa kanila. Umiiyak na lumapit din si Derrick sa katawan ni Rafael.
Si Sylus naman ay nakayuko don sa pwesto nya at umiiyak kaya naman nilapitan sya ni Greyson.
Agad namang lumapit papunta sakin si Cessa at niyakap ako ng mahigpit.
"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong nya at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak habang nakayakap sya sakin.
"H-hindi ko na alam ang gagawin..." Naiiyak kong sabi kay Cessa.
"Gaganti tayo sa kanila." Sabi naman ni Cessa.
+
FELIX'S POV:
"Hindi ka ba lalapit sa kanila?" Pagtatanong ni Allison.
"Ayoko, hindi ko kayang makita na wala na sila." Sagot ko naman.
+
RHYZEN'S POV:
Nagtipon-tipon na yung iba sa katawan nina Boss J. Yung iba naman nasa pwesto lang nila at nakatulala.
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan si Kevin. Agad akong lumapit at niyakap sya na ikinagulat naman nya.
"A-aray." Daing nya kaya binitawan ko naman sya.
"Sorry." Sabi ko at agad na hinubad yung suot kong jacket at inilagay yun sa may likod nya para i-cover sa kanya.
Napansin ko namang nakatingin si Zayne kaya agad akong umiwas ng tingin at medyo lumayo ako kay Kevin.
"Kailangan na nating umalis dito, Rhyzen." Seryosong sabi ni Kevin.
"Aalis tayo dito." Sabi ko naman sa kanya.
Bigla namang lumapit sa amin si Greyson.
"Rhyzen?" Pagtawag ni Greyson kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit? Kumusta si Sylus?" Pagtatanong ko.
"Kinausap ko muna sya, may plano ako." Sagot ni Greyson.
"Ano yun?" Pagtatanong ko naman.
"May tatlong nagbabantay sa atin, aagawin namin yung baril sa kanila at kukuhain yung susi ng van, sumakay na agad kayo sa van habang inaagaw namin sa kanila yung baril, si Noah at Luke yung kasama kong aagaw sa kanila ng baril, ikaw yung mag-lead sa kanila papunta sa van at dalhin nyo din yung katawan nina Rafael at Boss J... Kakausapin ko si Xavier at Felix para tulungan ka." Pagpapaliwanag ni Greyson.
"Hindi ba delikado?" Pagtatanong ko.
"Tulong!"
"Nagkakagulo sa loob!"
"May zombie sa loob ng factory!"
Sigawan na galing don sa may factory.
*BANG!*
Putok pa ng baril na ikinagulat namin.
"Anong nangyayari?!" Sigaw na patanong ni Cessa.
"Dyan lang kayo! Walang gagalaw kahit isa sa inyo!" Sigaw nung isa sa mga tauhan ni Thiago.
"Ikaw na ang bahala sa mga yan, babalik kami." Sabi nung isang lalaki at umalis yung dalawa sa kanila kaya isa na lang yung natirang nagbabantay sa amin.
Hanggang sa sunod-sunod na ng putok ng baril ang naririnig namin.
Pagkakataon na namin to para tumakas.
"ΑΑΑΑΑΗΗΗΗΗ! TULONG!" Sigaw ni Cessa na ikinagulat naming lahat, nakahawak sya sa tyan nya.
"Tulong! Tulungan nyo sya!" Natatarantang sigaw din ni Drea.
"Anong nangyayari dyan?!" Sigaw na tanong nung lalaki at papalapit sya kay na Drea.
"Anong nangyayari? Kasama ba yan sa plano?" Pagtatanong ni Kevin.
+
GREYSON'S POV:
"Hindi ko pa nakakausap si Drea." Sagot ko naman.
Nakababa yung armas nung lalaki at tuluyan na syang nakalapit kay na Drea. Nagkatinginan naman kami nina Noah at Luke.
"Anong nangyari sa kanya?" Pagtatanong nung lalaki kay na Drea.
"Masakit yung tyan nya." Sagot naman ni Drea.
"Sumama ka sakin." Sabi nung lalaki at agad na hinawakan sa braso si Cessa.
Nagulat na lang kami ng biglang saksakin ni Cessa ng kutsilyo sa hita yung lalaki dahilan para mapasigaw sya sa sakit.
"AAAARRGGGHHHH!" Sigaw nung lalaki dahil sa sakit.
Agad ko namang tinanguan sina Noah kaya agad nilang sinugod yung lalaki bago pa nya maiputok yung baril.
Agad namang naagaw ni Noah yung baril.
*BANG!*
Binaril nya yung lalaki.
"Tumayo na kayo, pumunta kayo sa van!" Sigaw ko kaya dali-dali naman silang kumilos.
"Na sakin na yung susi ng van." Sabi ni Xavier.
Inalalayan nung iba yung mga sugatan sa amin papunta sa van.
"Tumigil kayo!" Sigaw ng isang lalaki kaya napalingon kami dito. Tinutukan nya kami ng baril.
Tinutukan din sya ng baril ni Noah.
"Ibaba mo yan!" Sigaw ni Noah.
*BANG!*
At agad na bumagsak yung katawan nung lalaki pero hindi si Noah yung bumaril sa kanya.
Babae, may dalawang babae.
+
DREA'S POV:
Sina Kristen, nandito sila.
"Drea!" Sigaw na pagtawag ni Kristen at dali-daling tumakbo papunta sa amin.
"Anong nangyari?" Pagtatanong ko.
"Nagkagulo sa loob, naging zombie yung isa sa mga kasamahan namin, pagkakataon nyo na ngayong tumakas." Sabi ni Kristen.
"Nakuha nyo na ba yung susi ng sasakyan?" Pagtatanong pa nya.
"Oo, maraming salamat sa tulong mo." Sabi ko naman at inabot nya sakin yung hawak nyang baril.
"Sumakay na kayo sa van, bubuksan namin yung gate at umalis na kayo habang wala pa sila." Sabi ni Kristen.
Agad ko naman syang niyakap.
"Thank you ulit, Kristen." Sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Sige na." Sabi naman ni Kristen at tumango naman ako.
Sumakay na nga kami sa van at pumwesto na sina Kristen sa may gate, agad nilang binuksan yung gate at agad na pinaandar naman ni Xavier yung van hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng gate.
Puro putok pa din ng mga baril ang naririnig namin sa buong factory, hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo don.
-
Bumalik kami sa farm.
Ang daming patay, patay na lahat ng mga tao. Nililibing naman nina Xavier at Noah yung katawan nina Rafael at Boss J. Tahimik lang kaming lahat at nag-iiyakan habang pinapanood sila.
Si Sylus ay hindi pa din lumalabas ng van, hindi naman matigil ang pag-iyak ni Yvonne dahil wala na si Rafael.
"Ano ng gagawin natin? Hindi tayo pwedeng mag-stay dito, sigurado akong hahanapin tayo nina Thiago." Sabi ni Derrick.
"Kailangan na nating kumilos, kuhanin natin yung mga pagkaing pwede pa at ipunin nyo, pati yung mga armas na kinuha nila sa atin, magagamit pa natin yun... Lalayo na tayo sa lugar na to." Sabi ni Greyson kaya napatingin kami sa kanya.
"Lalayo? Hindi, kailangan nating gumanti sa kanila." Sabi ni Kieran.
"Tama, pinatay nila si Rafael, ganon din si Boss J" Sabi naman ni Cessa.
"Naiintindihan ko kayo pero sa ngayon kailangan muna nating lumayo, hindi maganda yung mga kalagayan nyo, mahihirapan tayong labanan sila at kailangan nyo munang magpagaling, kulang din tayo sa armas." Sabi ni Greyson kaya naman natahimik kaming lahat.
Pumasok naman kami sa bahay at kasama ko sina Ella at Cessa hanggang sa nakapunta na kami sa may kusina at laking gulat na lang namin ng makita naming kinakain ni Talia yung baby. Zombie na sya.
Napatigil kami sa paglalakad, buti na lang nakatalikod sa amin si Talia habang kinakain nya yung baby.
"Grawwr." Patuloy pa din ni Talia sa pagkain sa baby.
Dahan-dahan namang kinuha ni Cessa yung frying pan.
Dahan-dahan syang lumapit kay Talia at agad na inihampas yun sa ulo ni Talia. Mabilis na nilingon ni Talia si Cessa na parang walang nangyari kaya agad na nabitawan ni Cessa yung pan.
"GRAWWWRR!" Galit na sigaw ni Talia, agad nyang sinugod at tinulak si Cessa sa may lamesa kaya naman tumama ng malakas yung likod ni Cessa at natumba sya.
"Cessa!" Malakas na sigaw ko kaya agad akong tiningnan ni Talia. Galit na galit sya at puro dugo yung bibig nya.
"Drea..." Si Ella kaya nagkatitigan kami.
Agad na tinulak ni Ella yung lamesa papunta kay Talia kaya naipit sya sa may lababo.
"GRAWWR!"
"RAWRRR!" Nagwawala si Talia dahil naiipit sya ng lamesa.
Mabilis ko namang kinuha yung bote ng wine at agad ko yung inihampas sa ulo ni Talia dahilan para mabasag yun, nagsimulang dumugo yung ulo nya pero parang wala lang sa kanya.
Nagwawala pa din sya at galit na galit.
Patuloy pa din namin syang iniipit sa may lababo.
"T-TUULOOOONG!" Sigaw ni Ella.
*BANG!*
At agad na tumigil si Talia sa pagwawala, binaril sya ni Greyson sa ulo gamit yung baril na bigay ni Kristen.
Agad naman akong lumapit kay Cessa.
"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko sa kanya habang inaalalayan syang tumayo.
Dumadaing naman sa sakit si Cessa.
"Ayos lang kayo?" Pagtatanong ni Greyson at tumango naman ako.
Dumating naman si Felix.
"Anong nangyari?" At agad na tumingin sa paligid.
"Shit." Sabi ni Felix.
Nagdatingan na din yung iba.
"Nakalimutan ko yung tungkol kay Talia, hindi nga pala natin sya kasama nung dinala tayo sa factory, naiwan sila ng baby dito." Sabi ni Greyson.
"Nawala din sa isip ko na nandito pa nga pala sya." Sabi naman ni Allison.
"Nakuha ko na yung mga baril natin, nasa kwarto sa taas." Sabi ni Xavier.
"Okay na din yung mga foods, kinuha ko na din yung mga first aid kit." Sabi ni Ella.
"Kailangan na nating umalis dito at humanap ng bagong matutuluyan ng pansamantala." Sabi ni Luke.
"May alam ako." Sabi ni Rhyzen kaya napatingin kami sa kanya.
"Pero ano ng gagawin natin ngayon dito sa farm? Iiwanan na lang ba natin ng ganto?" Pagtatanong ni Xavier.
"Susunugin natin tong buong farm para hindi na mapakinabangan pa nina Thiago, pagkatapos ng lahat babalikan natin sila." Sagot ni Greyson.
Tuluyan na nga naming sinunog yung farm bago kami umalis dito.
+
KRISTEN'S POV:
Galit na galit si Thiago nung nalaman nyang nakatakas sina Drea nung gabing nagkakagulo dito sa factory. Mabuti na lang at hindi nya nalaman na kami ni Beth yung nagbukas ng gate nung gabing yun.
Hindi namin naisara yung gate nung gabing yun dahil nagdatingan yung mga tauhan ni Thiago kaya agad kaming nagtago ni Beth at umalis don.
Hanggang ngayon ay patuloy pa din nilang hinahanap sina Drea, 2 weeks na yung nakalipas pero hindi pa din nila nakikita sina Drea. Sigurado akong nakalayo na sa lugar na to sina Drea.
+
DREA'S POV:
2 weeks later.
Bumalik na ulit ang lakas nina Zayne, Kieran at Felix, okay na din sina Allison, Kevin at Cessa. Medyo okay na din si Sylus at nakakausap na ulit namin sya.
Nandito kami ngayon sa isang building ng apartment pero sa 1st floor lang kami nag-stay. Dahil sa right side ng first floor ng building ng apartment ay may convenience na sa loob.
Tapos sa left side ay may tatlong room ng apartment na ginagamit naming tulugan.
May isang kwarto din kung saan nagroroom yung guard dito dati kaya ayun yung ginamit naming tambakan ng mga weapons namin.
Sinarado din namin yung gate paakyat sa 2nd floor dahil may mga zombie na nandon para safe kami dito.
Tapos yung glass wall sa may entrance ay hinarangan namin para hindi kami makita ng mga zombie sa labas.
"Kumusta Rhyzen?" Pagtatanong ni Greyson.
"Ganon pa din, naglilibot pa din yung mga tauhan ni Thiago, hinahanap pa din nila tayo." Sagot ni Rhyzen, kakarating lang nya. Ginagamit nya yung motor para tingnan kung ano ang kilos na ginagawa nina Thiago.
"Buti na lang hindi nila alam yung lugar na to." Dugtong pa ni Rhyzen.
"Sasamahan kita bukas pag-alis mo." Sabi ni Kevin.
"Sigurado ka ba? Baka hindi mo pa kaya?" Pagtatanong ni Rhyzen.
"Kaya ko na." Sagot ni Rhyzen.
"Meron talagang something sa inyong dalawa." Sabi naman ni Cessa at napatango naman ako sa pagsang-ayon.
"Kaya nga." Sabi ko naman.
"Bakit, hindi ba halata?" Pagtatanong ni Rhyzen.
Napatingin naman sina Zayne at Felix.
"So, meron nga?" Gulat na pagtatanong ni Cessa at tumango naman si Rhyzen.
"Kaya naman pala, nung nakaraan ko pa kayo pinagmamasdan eh, kulang na lang mag mwa mwa kayo sa harap namin." Sabi ni Cessa kaya naman nagtawanan sila.
"Ooohhh... So, meron pala kaming prinsesa ng hindi namin nalalaman ni Kuya Zayne." Sabi naman ni Felix at siniko si Zayne, nagtawanan naman ulit kami.
"Pansin ko naman yon." Sabi ni Zayne.
"Hindi ka tutol?" Pagtatanong naman ni Derrick.
"Oo, pinili nya yan eh." Sagot ni Zayne at napatingin naman ako sa kanya.
"Good brother ka talaga. Ako kasi nung nalaman ng parents ko na gay ako, mabugbog pa ko HAHAHAHAH, pero ngayon straight na ko." Sabi ni Derrick.
"Weh? Di nga?" Di makapaniwalang tanong ni Cessa.
"Ayaw mong maniwala? Gusto mo ligawan pa kita eh." Sabi ni Derrick, tumawa at natawa din kami.
"Wow, kapal ah." Sabi ni Cessa.
Nagsimula na nga kaming kumain at nag usap-usap ulit.
"May plano na ako para makapasok ulit tayo sa loob ng factory." Sabi ni Rhyzen.
"Sige, ano yun, bayaw." Pabirong sabi ni Felix at nagtawanan na naman ulit kami, lakas talaga ng amats ni Felix.
-
Kinabukasan.
"Mauna na kayo don Greyson ah." Sabi ni Rhyzen at tumango naman si Greyson.
Sana gumana tong pinaplano nila, sumakay na nga si Kevin kay Rhyzen at umalis na sila.
Nag-ayos na din kami dahil aalis na din kami para pumunta sa napag usapan naming lugar.
Lahat kami sasakay sa van.
Ako, si Cessa, Greyson, Felix, Allison, Yvonne, Sylus, Xavier, Ella, Zayne, Luke, Kieran, Derrick at Noah, at hihintayin naming dumating sina Rhyzen at Kevin kasama yung mga tauhan ni na Thiago.
+
KEVIN'S POV:
Naka angkas nga ako sa motor ni Rhyzen at hinahanap namin yung sasakyan ng tauhan ni na Thiago.
"Yumakap ka nga sakin, parang di mo ko bf ah." Sabi ni Rhyzen.
"Ulol ka talaga." Sabi ko at laking gulat ko na lang ng bigla nyang bilisan yung pagpapaandar ng motor kaya napayakap ako sa kanya.
"Hoy, dahan-dahan lang, ayoko pang mamatay!" Sigaw ko.
"Yayakap ka ah." Sabi ni Rhyzen.
"Oo na." Sabi ko naman.
Nakarinig naman ako ng sasakyan galing sa likod.
"Rhyzen, may sasakyan sa likod." Sabi ko.
"Sila na yun." Sabi ni Rhyzen at binilisan yung pag takbo ng motor kaya napakapit ako ng mahigpit sa kanya.
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Pinapaputukan nila kami ng baril.
Agad ko namang kinuha yung baril sa may bewang ni Rhyzen at agad akong lumingon sa likod.
*BANG!* *BANG!* *BANG!*
*BANG!* *BANG!* *BANG!*
Pinaulanan ko din sila ng bala dahilan para bumagal yung takbo ng sasakyan nila.
"Malapit na tayo!" Sambit ni Rhyzen at nakita ko na yung van nina Greyson sa may harap ng isang convenience store.
Laking gulat ko na lang ng bigla kaming sumemplang ni Rhyzen sa motor, hindi ko namalayan, sobrang bilis ng mga pangyayari at agad akong tumalsik palayo sa kanya. Tumalsik din si Rhyzen palayo, nakahiga na ako sa sahig.
Narinig ko namang tumigil na yung kotse.
"Ayun yung van natin! Kumukuha sila ng pagkain sa store!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ni Thiago.
"Puntahan nyo yun!" Isang pamilyar na boses at agad ko yung tiningnan.
Si Cyrus.
Papalapit sya nang papalapit sakin.
"Ikaw pala, nagkita ulit tayo ang lakas ng loob nyong tumakas ah." Sabi ni Cyrus ng nakangiti.
Napaupo naman ako at nakita ko yung sugat ko sa tuhod, dumudugo yun at sobrang hapdi. Hindi ako makatayo.
Nilingon ko naman si Rhyzen at nakahiga pa din sya at walang malay, sana okay lang sya.
"Namiss mo ba ako?" Pagtatanong nya at agad lumapit sakin. Hinawakan nya ako sa may binti at agad na dinilaan yung sugat sa tuhod ko kaya napapikit ako sa sakit.
Agad ko naman syang sinipa sa mukha kaya napaatras sya at napadaing sa sakit. Nakita ko naman ang pagkainis nya kaya agad syang tumayo at naglabas ng baril at agad na itinutok yun sakin.
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Putok na galing sa convenience store kaya napatingin don si Cyrus. Agad ko naman syang sinipa sa binti kaya napasigaw sya sa sakit.
Sinugod nya ako at kinuwelyuhan pero agad kong malakas na inuntog yung noo ko sa noo nya kaya napadaing sya sa sakit at napapikit.
Pagmulat nya ay agad syang sinuntok ni Greyson sa mukha. Tulog.
"Anong nangyari?" Pagtatanong ko.
"Okay na, paparating na yung mga zombie tara na umalis." Sagot ni Greyson at inaalalayan akong tumayo.
"Si Rhyzen?" Pagtatanong ko.
"Okay lang sya." Sagot ni Greyson.
Binuhat naman nina Noah yung katawan ni Cyrus at isinakay sa sasakyan. Pabalik kami sa apartment.
+
DREA'S POV:
Sa Apartment.
Ginagamot nina Ella at Yvonne yung sugat nina Rhyzen at Kevin habang hinihintay naming gumising si Cyrus na may black eye na.
Nakita namin yung pagsemplang ng motor nina Rhyzen kanina pero buti na lang okay sila at naunahan din putukan ng baril nina Zayne yung mga tauhan ni Thiago kaya agad din silang namatay bago pa makapasok sa convenience store.
Kumuha naman si Cessa ng bottled water at binuksan nya yun, binuhos nya yun sa mukha ni Cyrus at gulat na gulat naman si Cyrus na nagising.
Agad syang tinutukan ng baril ni Greyson.
"Tama na ang sleep well." Sabi ni Cessa.
"Nasaan ako?!" Pagtatanong ni Cyrus.
"Isang tanong, isang sagot." Sabi ni Greyson.
Lumapit naman si Noah na nagsisigarilyo sa kanila.
"Nasa factory pa din ba sina Thiago?" Pagtatanong ni Greyson pero hindi sumagot si Cyrus.
Agad namang pinaso ni Noah ng sigarilyo si Cyrus sa dibdib.
"AAAAAAAHHHHHH!" Sigaw nito dahil sa sakit at mangiyak ngiyak na dahil nakatali ang mga kamay nya sa likod at wala syang magawa.
"Isang tanong, isang sagot, matuto kang makinig." Sabi ni Noah.
"S-sasagot na, sasagot na!" Takot na takot na sabi ni Cyrus at tinawan pa sya ni Cessa.