Chapter Forty Three

CESSA'S POV:

Nasa third floor na kami at tuluyan na nga kaming nakarating sa office ni Thiago pero wala sya dito, napakalawak ng office nya. Dito nya siguro mini-meeting yung mga tauhan nya.

"Wala sya dito." Sabi ni Yvonne.

"Hanapin natin sya sa iba." Sabi ni Felix.

"Sa kabilang side ng factory, baka nandon sya." Sabi ni Beth.

"Tara." Sabi ni Kristen.

Kaya naman dali-dali kaming pumunta don para icheck kung nandon nga si Thiago at hindi nga kami nag-kamali.

Nandito nga sya.

Ginawa na rin nilang opisina 'tong factory, ang daming gamit. Nakaupo sya don sa harap ng lamesa nya habang umiinom ng alak.

"Alam kong kanina nyo pa ako hinahanap." Sabi ni Thiago.

"Nandito kami para patayin ka, kailangan nyong magbayad sa ginawa nyo!" Inis na sigaw ni Felix.

"Alam kong babalik kayo." Sabi ni Thiago.

"Patay na si Cyrus at yung iba mo pang mga tauhan, isusunod na nila si Jerome. Pagbabayaran nyo lahat ng ginawa nyo sa amin." Sabi ni Felix.

"Handa na ako sa lahat ng pwedeng mangyari, Kristen at Beth, kayo pala ang traydor dito sa factory na tumulong sa kanilang makatakas at hindi ko hahayaang makalabas pa kayo ng buhay dito." Sabi ni Thiago at bigla syang tumayo na ikinagulat namin.

Agad syang naglabas ng baril at itinutok yon kay Beth.

*BAANG!*

"Beth!" Sigaw ni Kristen.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, natamaan si Beth sa tyan at agad syang tumumba, agad naman syang nilapitan ni Kristen at tinutukan na rin namin ng baril si Thiago.

Agad namin syang pinaulanan ng bala.

Pero parang kinain lang ng katawan nya yung mga bala na ikinagulat namin. Lumaki rin yung katawan ni Thiago at mga muscle sa katawan nya.

"Tago!" Sigaw ni Felix at hinablot yung kamay ko, kaya agad kaming nagtago sa likod ng mga machine, nandon pa rin naman si Kristen kay beth.

Tumingin ako sa kamay ni Felix na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Ehem, pwede mo na akong bitawan." Sabi ko sa kanya.

"Ah, oo nga pala, sorry naman." Sabi naman nya at binitawan na nya yung kamay ko.

"Sina Kristen." Sabi ni Yvonne.

"Bakit ganon, hindi sya natatablan ng bala." Sabi ni Ella.

"Napansin ko rin yon." Sabi ko.

"Beth!" Sigaw ni Kristen habang umiiyak.

"Kailangan natin silang tulungan." Sabi ni Yvonne.

Nagulat na lang kami nang pinagbabaril ni Thiago si Beth na ikinagulat namin.

"Tama na!" Sigaw ni Kristen habang umiiyak.

"Masakit ba yung mawalan ng kaibigan?" Pagtatanong ni Thiago kay Kristen.

"Pagbabayaran mo 'to! Alam ko na ang dahilan kung bakit gustong-gusto ka nilang patayin!" Inis na sigaw ni Kristen kay Thiago.

"Bakit may magagawa ka ba? Wala na kayong magagawa." Sabi ni Thiago.

Agad naman akong lumabas sa pinagtataguan namin, pipigilan pa sana ako ni Felix pero hindi ko sya pinansin at lumapit ako kay Kristen

"Tumahimik ka!" Sigaw ko at agad kong hinila si Kristen papunta sa likuran ko, pinagbabaril ko ulit si Thiago pero ganon pa rin, parang wala lang nangyari.

"Wala na kayong magagawa, nakagat na ako ng mga zombie at may itinurok ako para makontrol ko yung sarili ko at para magamit ko sa tama ang pagiging zombie ko, wala na kayong laban sakin." Sabi pa ni Thiago at pinakita yung isang syringe na may lamang kung ano.

Ayun yata yung sinasabi nyang tinurok nya sa kanya kaya nakokontrol nya yung pagiging zombie.

"Ito ang tumulong sakin." Sabi pa ni Thiago.

"Wala kaming pakialam!" Sigaw ni Kristen na ikinagulat namin.

Susugurin nya si Thiago.

"Papatayin kita!" Galit na sigaw ni Kristen.

"Kristen!" Sigaw ko pa pero dali-daling sumugod si Kristen kay Thiago. Agad nyang sinaksak si Thiago sa dibdib pero wala lang sa kanya yun.

"Hindi nyo ko mapapaptay." Sabi ni Thiago at agad na hinawakan sa ulo si Kristen at ini-angat. Ang lakas nya nabuhat nya si Kristen gamit yung isang kamay lang nya.

+

FELIX' POV:

"Kailangan nating tulungan si Kristen." Sabi ni Yvonne.

"Anong gagawin natin?" Pagtatanong ni Ella.

"Kung hindi sya natatablan ng baril, yung ulo nya yung atakihin natin." Sabi ko at tumango naman sina Yvonne at Ella.

Agad kaming lumabas sa pinagtataguan namin at susugurin na sana si Thiago pero bigla nyang kinagat sa leeg si Kristen.

"AAAARRRRGGGGHHHHH!" Sigaw ni Kristen.

+

CESSA'S POV:

Lumabas na rin sina Felix, Yvonne at Ella sa pinagtataguan nila.

"Bitawan mo sya!" Sigaw ni Ella at agad na susugod kay Thiago.

"Teka, wala tayong plano!" Sigaw ko.

"Meron, sa ulo natin sya aatakihin." Sabi ni Felix at napatango naman ako.

"Iikutan ko sya, kayo na ang bahala sa harap, guluhin nyo sya." Sabi ni Felix at tumango naman ako.

Tuluyan nang nakalapit si Ella kay Thiago at sasaksakin nya sana sa ulo si Thiago pero agad na umiwas si Thiago at agad na hinagis si Kristen kay Ella kaya parehas silang tumalsik.

Tumakbo na rin si Yvonne para sugurin si Thiago at laking gulat ko na lang ng buhatin ni Thiago yung upuan at agad nya yung hinagis kay Yvonne na ikinagulat ko.

"Yvonne!" Sigaw ko pa pero tuluyan na yung tumama kay Yvonne at tumalsik sya.

Nakita ko namang tumayo na ulit si Ella at susugurin si Thiago pero nagulat na lang ako ng biglang pinatulis ni Thiago yung mga kamay nya at agad na tinusok si Ella sa tyan.

"Hindi! Ella!" Sigaw ko at susugurin na ni Felix si Thiago kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na sugurin si Thiago at agad na akong tumakbo papunta sa kanila.

Bigla namang hinagis ni Thiago si Ella papunta sakin at nanlaki na lang ang mga mata ko ng gumuhit yung matulis na kamay ni Thiago sa may tyan ko kaya napapikit ako sa sakit, agad kaming tumalsik ni Ella sa may mga machine at agad na bumagsak sa sahig.

"Cessa!" Sigaw ni Felix na napatingin sakin at inatake ulit si Thiago.

Sobrang sakit ng katawan ko at nakahiga ako sa sahig at agad ko namang nilingon si Ella na nasa gilid ko at nakadapa.

Ang daming dugo ang lumalabas sa bibig nya.

"E-ella..." Sambit ko pa at nakatingin lang si Ella sakin at umiiyak.

"H-hindi k-ko na n-na kaya.." Sambit pa ni Ella at patuloy lang sa pagpatak yung mga luha sa mga mata nya.

Agad ko namang ginapang yung kamay ko sa sahig para abutin yung kamay nya at ganon din yung ginawa ni Ella, nahawakan ko naman yung mga kamay nya at nginitian ko sya.

Tuluyan namang ipinikit ni Ella yung mga mata nya at hindi ko na napigilang umiyak pa.

Agad ko namang tiningnan si Thiago at sinasakal nya si Felix gamit yung isa nyang kamay. Nakaangat lang si Felix at ginagalaw yung mga paa nya, hindi na sya makahinga.

Tiningnan ko rin si Kristen at wala na rin syang malay at duguan, ganon din si Beth na wala ng buhay.

"T-tama na!" Rinig kong sambit ni Yvonne habang umiiyak kaya nilingon ko sya at gumagapang sya papunta kay Thiago.

"Y-yvonne.." Sambit ko pa pero hindi nya ako tiningnan at umiiyak lang sya habang patuloy na gumagapang papunta kay Thiago.

"B-bitawan mo ko, puta ka!" Sigaw pa ni Felix at pilit na nagpupumiglas kay Thiago.

"Wag mo silang sasaktan!" Hirap na sigaw pa ni Felix at tumingin naman ang mga mata nya sakin, may luha ng pumatak sa mga mata nya.

Tuluyan na ngang nakalapit si Yvonne kay Thiago at humawak pa sya sa paa ni Thiago at nakita ko namang nahihirapan ng huminga si Yvonne at nakadapa na lang sya.

"Mukhang hindi nyo na kaya, mali yata kayo ng pinadala para patayin ako, mahihina lang kayo... Hindi kayo mananalo sa labang 'to at isusunod ko na yung iba nyo pang mga kaibigan." Sabi pa ni Thiago na ikinainis ko.

"Bitawan mo sya!" Pamilyar na boses na ikinagulat ko.