KATHLEEN'S POV:
Ngayon ay araw ng Thursday at last day bukas (Friday) at sa Saturday na ang camping namin. Andito ako ngayon sa harap ng gate at binati yung guard ng good morning at bumawi rin sya ng bati sakin.
Umakyat na ako papunta sa room namin, papalapit palang ako ng nakarinig ako ng nagsisigawan. Boses yun ni Jasmine ang kontrabida at bruha sa room, napakataray nya. Agad akong pumasok sa room at nakita ko si Jasmine na inaaway si Andrea.
Pito pa lang kami sa room, si Andrea, Justine, Richard, John, Jasmine, si Ryza at Ako.
Napatingin silang lahat sakin pagpasok ko, pero tinuloy parin ni Jasmine ang sinasabi nya kay Andrea.
Walang umaawat sa kanya dahil wala pa ang mga officer's, pero kahit na, dapat awatin parin nila ang bruha na Jasmine na yan.
"Ang landi mo Andrea!" Sigaw ni Jasmine kay Andrea, hindi naman sumasagot si Andrea kaya ako ang lalaban para sa kanya.
"Hoy ano to? Umagang umaga bunganga mo agad naririnig ko, ano na naman ba to? Pinagsasabi mo dyang malandi si Andrea?" Pagtatanong ko.
"Totoo naman! Dahil nakita ko sila ni Ezekiel kahapon na magkasukob sa payong at sabay silang umuwi. Alam naman ni Andrea na may gusto ako kay Ezekiel diba? Ibig sabihin nilalandi nya si Ezekiel!" Inis na sabi ni Jasmine.
"Bakit? Nagseselos ka? Kayo ba ni Ezekiel para mag selos ka at away awayin mo si Andrea." Sabi ko.
Nakakaasar na babaeng to.
"Wag ka ngang mangealam Kathleen! Akala mo di rin kita nakita kahapon, naglalandian pa nga kayo ni Aaron." Sabi ni Ryza.
"Wow ha, ang kapal naman ng mukha mo, kasalanan ko ba na sa magaganda gustong sumama nila Ezekiel at Aaron? At saka ikaw ang wag magealam, dahil hindi naman tayo close." Pangaasar ko kay Ryza kaya nagtawanan yung mga boys.
Kinuha ni Jasmine yung tumbler nya sa bag at binuhos yung tubig sa damit ni Andrea.
"Oww!" Pagsigaw ni John nung binuhusan ni Jasmine si Andrea ng tubig.
"Tumahimik ka nga dyan! Eh kung ikaw kaya ang buhusan ko ng tubig!" Pataray na sabi ko kay John.
Hindi namin alam na nasa pinto na pala si Ezekiel at kanina pa nakikinig sa bangayan namin.
Nagulat na lang ako ng biglang kinuha ni Andrea yung tumbler nya at nagsalita.
"Sumusobra ka na!" Sigaw ni Andrea at sinabuyan ng tubig sa mukha si Jasmine.
"Ako yung nagsabay kay Andrea kaya wala syang kasalanan." Sabi ni Ezekiel kaya napatingin kami sa kanya.
"Babaero mo kasi tol." Sabi ni Justine at tumawa.
"Pinagaawayan tuloy." Sabi naman ni John at tumawa rin.
"Ganyan kasi pag pogiii." Sabi ni Richard.
"Tigilan nyo nga si Ezekiel." Sabi ni Justine.
"Ikaw nga nagsimula dyan." Sabi ni Richard at tumawa.
Mga lalaki nga naman.
"Tara Andrea, magpalit ka." Sabi ko sabay tingin ng masama kay Jasmine.
Nakita ko naman ang pagkainis sa mukha ni Jasmine.
Habang naglalakad kami papuntang cr nakasalubong namin si Feebie at kasama nya si Aaron.
Napatingin sila samin, magkasabay silang pumasok?
Omg, anong pakiramdam to? Nagseselos ba ako?
"Anong nangyari kay Andrea?" Pagtatanong ni Feebie.
"Itanong mo kay Jasmine." Sagot ko habang nakakunot ang noo at sinamaan sila ng tingin. Nagdire-diretso lang kami ni Andrea sa paglalakad.
Maganda si Feebie kaya hindi imposibleng magkagusto sya kay Feebie.
Maganda si Feebie tapos gwapo naman si Aaron, bagay diba? Sige Kathleen pagselosin mo pa sarili mo.
Sa CR
Nang matapos si Andrea ay tinanong ko sya.
"Ano okay na ba?" Pagtatanong ko.
"Oo, okay na ako." Sagot nya.
"Tara na, balik na tayo sa room." Sabi ko.
Habang naglalakad kami sa hallway.
"May tanong ako sayo..." Sabi ko.
"Ano?" Sabi naman ni Andrea.
"Bakit bigla kang lumaban kay Jasmine? May pasaboy ka pa ng tubig sa mukha nya ah." Sabi ko.
"Sobra na kaya sya kaya lumaban na ako at deserve nya yun." Sabi nya.
"Weh? Ang sabihin mo dahil nakita mo si Ezekiel kaya ka lumaban, ayaw mo ipakita kay Ezekiel na mahina ka, tama ba? yiiii." Pangaasar ko kay Andrea.
"Ewan ko sayo, tumgil ka nga." Sabi nya at natawa naman ako.
Pag balik namin sa room agad sumalubong ang diratrat na bunganga ni Isabella samin, isa sa mga alipores ni Jasmine.
"Hoy Andrea?! Anong ginawa mo kay Jasmine ha?!" Sigaw na tanong ni Isabella kay Andrea at inis na inis to, pero to the rescue ako kaya sinigawan ko rin sya.
"Hoy Isabella! Wag mong sigaw sigawan si Andrea ha, baka dumugo yang bunganga mo!" Sigaw ko sa kanya.
Bumalik yung pagkulo ng dugo ko, nanggigigil ako, gusto ko ng sakalin tong babae na to.
Napansin ko na marami na pala kami sa room at pinapanood yung bangayan namin.
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni Feebie samin kaya napatingin kami sa kanya at natahimik.
Aba.
"Wag kang mangealam." Mahina kong sabi, ewan ko kung narinig nila.
"May sinasabi ka?" Pagtatanong ni Feebie.
"Oo! Sabi ko wag kang mangealam!" Sigaw ko dahil sa inis. Kita ko naman sa mga mukha nila ang pagkagulat.
"Sinisigawan ka oh." Sabi ni John at natatawa.
"Hayaan mo nga sila." Sabi ni Justine.
"Inaano kita Kathleen? Sinasaway ko lang kayo, may ginawa ba ako kaya pati sakin nagagalit ka? Kanina nag tanong lang ako pero sinamaan mo ako ng tingin." Sabi ni Feebie.
"Sinasaway? Eh kanina pa yang mga yan, kung maaga ka sanang pumapasok edi sana hindi nagkakagulo ngayon!" Sambit ko.
"Tama na Kathleen." Sabi ni Andrea.
"Wow kasalanan ko pa? Ako na nga tong nagsasaway sainyo." Sabi ni Feebie.
"Kaya nga wag kang mangealam." Sabi ko at tiningnan sya.
"Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sakin, wala naman akong ginagawa sayo." Sabi ni Feebie at hindi ko alam ang sasabihin pero biglang nagsalita si Ethan.
"Ano tuloy pa ba ang camping? Nag aaway away na kayo..." Sabi ni Ethan at patawa tawa.
"Oo tuloy, wala akong pake sa mga yan, wala akong pake kung di sila sumama." Sabi ko at hinila si Andrea at umupo na kami.
Nakakabwisit tong mga to.
SOMEONE'S POV:
Nag aaway away na sila mas magiging maganda ang aming bakasyon.