"JB, bilisan mo mamimili pa tayo." Kinatok ko yung pinto ng CR para guluhin siya sa milagro niyang ginagawa.
"Saglit lang, ate! Kakapasok ko lang." Yamot niyang sagot habang nilalabas ang sama ng loob sa inidoro.
Lumayo ako ng ilang dipa dahil nalalanghap ko na yung mabalasik na amoy. Hindi ako huminga hanggang sa makalayo ako.
"Bagsik ah! Bilisan mo! Buhusan mo ng maigi! Kapag ako may nakitang sabit diyan ah!" Reklamo ko at nagscroll muna sa Facebook habang naghihintay sa kanya.
Nagtahulan yung mga aso at malakas ang pagkakabukas ng gate. Pumasok si mama sa loob ng bahay habang hawak-hawak ang cellphone at naka earpods. Nagpataya na naman siya panigurado sa huweteng.
"Hindi pa kayo nakakabili?" Tanong niya sabay baba ng eyeglasses niya para tingnan ako ng maigi.
"Hindi pa. Tagal ni JB, eh." Sambit ko habang nakatutok ang mata sa screen. Nasa maliit na bag na suot ko yung listahan ng bibilhin namin para sa tindahan.
"Huwag mong kakalimutan yung harina at itlog!" Padiin na sabi niya at binaba ang ligaho. Si mama, akala mo laging galit eh.
"Yes, mother earth." Sambit ko. Lumabas na muna ako ng bahay para istart ang makina ng sasakyan. Nakapamewang akong hinihintay na mag init ang makina.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas si JB sa loob ng CR habang hawak-hawak ang tiyan at nakangiwi, "Ang sakit ng tiyan ko." Reklamo niya.
"Natatae ka pa ba?" Inip na tanong ko.
Umiling siya, "Okay na 'ko."
"Tara na." Tamad kong sabi. Semestrial Break namin kaya nakatengga lang kami ni JB sa bahay.
Nakajogging pants, tsinelas at maluwag na T-shirt lang ako habang si JB nakashort at t-shirt lang. Binuksan ni JB Ang gate ng garahe at drinive ko to palabas.
Wala masyadong jeep ngayon dahil 2pm na ng hapon kaya wala din masyadong traffic.
"Sigurado ka na bang magsusundalo ka?" Tanong ko kay JB. Maggegrade 12 na siya ngayong taon at ako naman grumaduate na pero kumukuha pa rin ng panibagong course sa college kasi natapon lang ako sa course na pinaggraduate-an ko dahil wala yung course na gusto ko sa pinapasukan ko at yung second choice ko eh wala nang slot.
"Mmhmn. Desidido na ako. Sa PMA ako papasok." Sambit niya. Napangiti ako sa sagot niya. Magandang desisyon.
Napagtanto ko na maganda rin ang K-12 system dito sa bansa at least nabibigyan ng oras ang mga kabataan na piliin ang daang tatahakin nila. Hindi katulad ko noon, grumaduate Ng 4th year highschool pero hindi pa rin alam ang gusto. Natapon tuloy sa course na hindi ko gusto.
Kumuha kami ng cart para simulan na ang pamimili. Kumuha kami ng snacks, candies, delata, noodles, juice, C2, bottled water, mga sabon na panglaba, pangligo, pangshampoo, alak at marami pang iba. Kumuha din kami ng tatlong box ng harina at dalawang baking powder. Kumuha din ng itlog. Lahat Ng pinamili namin.
"Dami ng pinamili natin, Te." Reklamo ni JB sabay buhat Ng dalawang box papasok sa bunker ng kotse.
"Buti nga may napapamili tayo. Yung iba nga Isang kahig, Isang tuka lang." Sambit ko.
Nang matapos namin ipasok lahat ng karton. Isinara ko na yung trunk at papasok na kami sa loob ng kotse at nag drive na pauwi.
"Te Hannah." Pukaw ni JB sa atensyon ko.
"Ano yon?" Tanong ko habang minamaniobra Yung manibela.
"Muntikan ko nang maging kaklase si Angel." Nakatawang sambit niya. Si Angel yung ex niyang pinagpalit siya sa tropa niyang kulot.