CHAPTER 5 ( ANG UNANG MISYON)

Mula nga sa mga paliwanag ng heneral ay unti unti ngang naintindihan ni Iñigo ang lahat ng bagay na nangyayari sa mundo ng mga kalukuwa.

" Sya nga pala Iñigo ano nga pala ang iyong ikinamatay" wika ng heneral. " Sa hindi sinasadyang dahilan ay nasagasaan ako ng malaking sasakyan na mabilis kong ikinamatay... Wala na kong maalala pagkatapos noon.. bigla na lamamg may isang gabi ay nahanap ko nalang ang sarili ko sa harapan ng ampunan kung saan ako lumaki.. at sa pag pasok ko nga doon ay nakita ko na ang aking sarili na nakahimlay na sa isang kabaong.. sinubukan ko silang tawagin at hawakan pero hindi ko magawa.. at doon ay napagtanto ko nga at tinanggap na lamang sa sarili ko na wala na talaga ako.. masakit palang mawala ng biglaan sa mundong kinamulatan mo.. lalo't marami pa akong gusto gawin at patunayan.. pero wala eh minalas lang siguro talaga ako at ito ang naging kapalarana ko.... ( tumingin kay Apollo) hanggang nakilala ko si Apollo.. noon akala ko ang kamatayan ang katapusan ng buhay. ..pero. ..may mga bagay pa pala akong dapat gawin at tapusin " wika ni Iñigo. " Tama ka.. at huwag kang mag alala nandito lamang ako.. gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tumungan ka.. hanggang magkasama nating matapos ang lahat ng ito ... Para marating mo ang dulo" wika ni Apollo bago nya napansin na tila na mamangha si iñigo sa lugar na iyon. " Iñigo na papansin ko na tila namamangha ka dito sa lugar . Na ito..nais mo ba mag ikot ikot muna" wika ni Apollo.

" Kung mamarapatin nyo po" wika ni Iñigo.

" Bakit hindi.. ang lugar na ito ay para sa mga katulad nyo.. magandang pagkakataon narin iyon para kahit papaano ay malaman mo ang mga kalakaran ng lugar na ito.. kapag may nagtanong na lamang sayo ay sabihin mong nag usap na tayo" wika ng heneral. "Maraming salamat po heneral " wika ni Iñigo. " Mag iingat ka Iñigo" wika ni Apollo. " Kung hahanapin mo kami ni Apollo ay nasa ika limang palapag lamang kami" wika ng heneral.

Sa paglilibot libot nga ni Iñigo sa lugar na iyon ay napakadami nya ngang napansin. doon ay nakita nya ang mga kalukuwang nagpapatala mg kanilang mga ikinamatay nangsa ganoon ay maihanay sila kung saan man sila nararapat.. doon din ay nasabi nya sa sarili nya na mainam na lamang at hindi nya naranasan ang mga nararanasan ng mga kalukuwang nakikita nya. Bagamat ay nalulungkot ito para sa kanila ay hinayaan nya na lamang ang mga ito.. sa kanyang magmamasid sa hindi inaasahan ay may kung anong umagaw ng kanyang pansin.. mula sa labas ay napansin ni Iñigo ang isang batang babae na tila nagmamasid sa lahat ng nangyayari.. at dahil nga sa katakatakang ikinikilos ng batang iyon ay palihim nga syang minatyagan ni Iñigo. Doon ay nakita ni Iñigo na dahan dahang umalis ang batang iyon sa lugar na iyon nang tila mapansin ng bata na napakadami pang kalukuwa ang naroroon.. at dahil nga doon sa hindi maipaliwag at tila may nagtulak kay iñigo na sundan ang batang iyo..

Palihim ngang sinundan ni Iñigo ang batang iyon kung saan man ito mag punta.. at doon ay mas nagtaka pa si iñigo dahil agad na tumakbo ang bata sa likurang ng naturang lugar na iyon. At sa pag sunod nga ni Iñigo sa batang iyon ay dinala si iñigo ng kanyang pagmamasid sa isang tagong lugar.. lugar na tila abandunadong simbaham.. lugar na tila hindi na pinupuntahan ng kahit sino man.. lugar na tila lungga ng mga nilalang na tila may tiantaguan.

Sa isang madilim na sulok doon ay maingat na nagtatago si iñig.. mula doon ay nakita ang napakadaming mga kalukuwang katulad nya. Mga kalukuwang tila may tinagtataguan.. mga kaluluwang tila maingat na ang mamasid sa kanilang nasa kapaligiran.. mula sa malayo mahinang naririnig ni Iñigo na kinakausap ng isang lalaki ang batang kanyang sinundan kung wala bang kahit sino ang nakakita sa kanya.. at dahil sa pagkaabala ay hindi nga napansin ni Iñigo ang kanyang nasa likuran.

" Sino ka' wika ng isang lalaki bago takpan ang kanyang ulo ng itim na tela na nag pa wala ng kanya malay.

Nang sya ay mag kamalay ay hindi nya kaagad ipinahalata na sya ay may diwa na. Dahil nais nito mapakingan ang kanyang nasa paligid.. doon din ay naramdaman nya ang mahigpit na pagkatali ng kanyang mga kamay habang sya ay nakasandal sa isang pader..

" hindi ko po talaga alam kung paaano nya ako nasundan..nag ingat naman po ako kagaya ng dati" siguraduhin mo lang Alma " mga pag uusap na narinig ni Iñigo. Habang nakayuko at nag papangap na wala pang malay. " Wag ka nang mag panggap pa.. alam kong kanina mo pa sila pinapakinggan" wika ng isang lalaki.. bago dahan dahang iminulat ni Iñigo ang kanyang mga mata... At doon ay nakita nya na sya pala ay nasa loob ng isang maliit at madilim na piitan.. habang kasama ang isang lalaki. " Sino ka at bakit ka naririto" wika ng lalaki. " Ako si iñigo.. ang totoo nyan hindi ko rin alam kung bakit nila ako dinala dito.. galing ako sa Guardian of Stray Souls... habang nag lalakad ako kanina napansin ung isang bata na parang may kakaibang kinikilos kaya sinundan ko sya.. kaya ako napunta dito

" wika ni Iñigo. " Ako si hermoso.. pero hener na lang itawag mo sa akin.. matagal na ako dito... matagal na nila akong kinulong dito" wika ni hener. "matanong ko lang po.. sino ba yung mga nasa labas na iyon at ikaw..bakit ka naririto" wika ni Iñigo. Napakahabang istorya Iñigo.. kasalanan ko kung bakit sila nandito at kasalanan ko rin kung bakit ako nandirito" wika ni hener. "Hindi ko po maintindihan pero kung mamarapatin niyo po maaari po bang ipaliwanag ninyo saakin" wika ni iñigo. "napakatagal na noon.. pero hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako ng konsensya ko sa mga desisyon ko ng mga panahon ngayon.. isa kong manager noon sa isang mall.. Ang mall na iyon...iyon ang mall na pumatay sa napakadaming buhay.. ewan ko ba...hindi ko rin maintindihan kung bakit kase itinayo pa nila ang mall na iyon malapit sa ilog gayong alam naman nila na palaging binabaha ang lugar na iyon. Naalala ko pa.. walang tigil at magdamagan ang malakas na ulan ng mga panahong iyon gawa ng isang bagyo.. bagyo na akala namin ay isang simple bagyo lamang.. kinabukasan ay hindi pa rin tumigil ang ulan.. at dahil nga sa hindi magandang panahon ay maaga akong pumasok dahil alam kong mahihirapan lamang ako sa pagpasok sa trabaho kapag umuulan.. sa pagpatak ng alas dyes ng umaga doon sa ilalim ng mall..doon ako nakabase sa grocery... Maraming tao ng mga araw na iyon at ang akala ko ay isang normal na araw lang iyon.. ilang oras lamang ang lumipas.. nakatangap ako ng isang tawag.. sinabi sa akin na biglang raw tumaas ang tubig sa ilog gawa magdamagang ulan.. at nangmuli kong balikan ang ilalim ng mall na iyon... ang grocery...mataas ang tubig.. napakabilis tumaas ng tubig.. ayokong gawin iyon pero ginawa ko parin....inutusan ko sila na isarado ang lahat tarangkahan na maaring pasukan ng tubig..ngunit ang mga gate na iyon ay ang tanging daanan ng mga tao para sila makaligtas.. hanggang sa tumas ng tumaas ang tubig.. ( umiyak) at lahat sila.. lahat ng nasa loob ng grocery iyon.. lahat sila nalunod at namatay ng dahil.. sa kasakiman namin..

Matapos iyon... matapos humupa ng tubig doon ay tumamban saamin ang napakadaming bankay.. lahat sila( tinuro ang mga kalukuwa sa labas). Lahat silang nasa labas.. lahat sila namatay ng walang kalaban laban.. malaki ang utang na loob ko sa mga amo ko at marami akong utang na dapat kung bayaran..kaya nagawa kong sundin ang gusto ng mga amo ko kahit alam kong mali..

Hanggang sa nabalitaan ko na lamang na kinausap at binayaran na lamang nila ang pamilya ng mga biktima upang hindi na ito magdemanda o magreklamo pa.. dahil iniisp nila na malaking gulo at iskandalo para sa iniingatan nilang pangalan kapag nalaman ng lahat ang nangyari sa ilalim ng mall na iyon.

Matapos iyon ay binayaran din nila kaming mga tauhan nila na nakakaalam ng pangyayaring iyon.. masakit para saamin pero wala kaming magawa.. dahil kung ang mismong pamilya ng mga biktima ay pumayag sa mga kagustuhan nila kami pa kaya.. pero hindi ganto katigas ang puso ko.. matapos iyon nakapagdisisyon ako na umalis nalang sa trabaho kong iyon dahil hindi ko kaya na masikmura ang lahat ng nagyari.. araw araw kong nakikita ang lugar na iyon na nagpapaalala saaki ng mga nangyari.

Ang buong akala ko ay makakatakas na ako sa bangungot na iyon kapag iniwan ko ang lugar na iyon.. pero hindi pala dahil doon palang pala magsisimula ang totoong bangungot ng buhay ko" wika ni hener.