Gabay

"Come on Ashi! Nagpapaniwala ka na naman sa mga ganyan!" dinig kong bulyaw ni Ari sa kaibigan niya.

"Totoo kaya sila!"

"Gaya ng isa diyan," turo nila sa'kin.

"Look at her, she got that messy hair, wide eyes and white skin!" tawanan nila.

"Pero di'ba sishums, mga pretty ang mga engkanto but why is it ang panget niya?" tawanan pa nila.

Naramdaman ko naman na may bigla nalang umakbay sa'kin, si Joey. Alam kong may nilagay na naman siyang papel sa likod ko.

"Good morning nerdy!"

Sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Relax!"

Tumayo na ako. Aakmang aalis na sana ako nang bigla akong natisod. Bumagsak ako sa sahig. May nagtali pala ng sintas ng sapatos ko sa desk ko.

Napapikit naman ako sa sobrang kahihiyan. Tumayo ako at kinalagan ang sarili ko. Umiiyak akong lumabas ng classroom habang dinig na dinig ko pa din ang mga hiyawan at pang-aasar nila.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang mawala sa mundong 'to.

Nakita ko nalang ang sarili ko na paakyat na sa rooftop.

Tumakbo ako. Ang bigat ng damdamin ko.

"I JUST WANT TO BE DEAD," I yelled.

Bigla naman akong natigilan nang may sumapak sa' kin dahilan para ma out of balance ako sa railings.

This is it. Mamatay na ba ako?

Mamatay na talaga pala ako.

Magiging masaya na kayo.

"HOY TANGINA KA ANG BOBO MONG KUTONG LUPA KA," dinig kong sigaw ng isang lalaking malabo na sa paningin ko.

"Utang na loob wag kang mamatay!"

"Ako ang mapapahamak sa pinaggagawa mo!"

At nagdilim na ang paningin ko.

---

Teka bakit ang hapdi nang balat ko. Teka, hmm.

Napabangon naman ako bigla nang marealize ko na nasa rooftop pa din ako!

"Akala ko ba.."

Tumunog naman bigla ang phone ko. Repeated alarm 5 am.

"ANO?" gulat kong sigaw.

7:40 am?! Seryoso ba 'to?!

So dito ako natulog kagabi?!

Nababaliw na ba ako?!

Agad naman akong bumaba. Hinanap ko ang room ko at shoot! Nasa loob na ang adviser namin at kasalukuyan nang nag-iiwan ng notes sa chart namin.

"Miss Rashin, saan ka galing?"

"Po? Uhmn."

Napansin ko naman ang bag ko na nasa desk ko lang.

"Nag-cr lang po."

"Okay, you may take your seat."

Yumuko naman ako at nagpasalamat.

Pakshet ano ba 'to? Bakit parang may mali?

Nababaliw na ba ako? Nanaginip lang ba ako?

"So here's the list of pairs sa darating na promenade," saad nito.

Nakinig lang ako.

Masaya ang lahat at naghaharutan pa ang iba.

"Hmm, Miss Rashin."

"Po?"

"Sad to say, walang student ang nag-approach sa'kin to be as your partner," sabi ni teacher.

Bigla naman silang nagtawanan. Inaasar naman nila ako dahil dun.

"Enough!" sabi ni teacher.

Napayuko nalang ako.

"Panget mo kasi," tawa ni Joey.

"Hahaha, kawawa ka naman," sabi pa ni Ari.

Aakmang may tatapon sana ng crumpled paper sa'kin ng biglang lumakas ang hangin mula sa bintana. Bumalik kay Ashi ang crumpled paper!

Nagpigil naman ako nang tawa ko kasi pumasok pa talaga sa bibig niya.

Pinagtawanan naman nila si Ashi.

"I saw you laughing!" hila sa'kin ni Ashi palabas. Hinila naman niya nang malakas ang buhok ko.

"Nasasaktan ako," sabi ko.

"Argh! You're such a pimple!"

Akmang sasampalin na niya ako nang biglang may kamay na pumigil sa braso niya. Malakas ang ihip ng hangin. Dahan-dahan kong nilingon kung sino.

"Are you a gate crasher?!"

Tumambad sa'kin ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo. Infairness, siya 'yung tipong nakikita ko sa k-drama.

Tinulak naman niya si Ashi dahilan para masubsob ito sa sahig.

"Sino ka?"

Hinila naman niya ako palayo.

Pansin kong ang lamig ng kamay niya.

Huminto naman kami nung nasa rooftop na kami.

Mas lalong lumakas ang hangin.

"Alam mo ba na naaabala na ako sa mga pinaggagawa mo, kutong lupa?"

Ang kapal ng mga kilay niya, ang tangos ng ilong niya at ang pula ng mga labi niya. At ang tangkad pa niya.

"Tito po ba kita?"

"Tito?"

Napansin kong may pana sa bandang likuran niya.

"Anong?"

"Bobo ka ba talaga o sadyang stupid?"

"Ha? Same lang kaya 'yun," kamot ko pa ng ulo.

"Kutong lupa, pwede ba! Hindi ko alam kung bakit naging gabay mo ko!"

"Gabay?"

Gabay? Sa pagkakaalam ko, ang gabay ay isang spirit guide na gumagabay at nagpoprotekta sa' yo.

Nalaman ko lang din 'yan sa Kwentong Takipsilim.

"Ang gabay?"

"Nakakairita naman!"

"So galing ka ba sa Biringan?"

"Aalis na ako! Mamatay ako sa sobrang inis ko sa kabobohan mo!"

Medyo napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"SINONG BOBO ANG SINASABIHAN MO? OO, BINUBULLY AKO PERO HINDI AKO BOBO," inis ko.

"MAY MATINO BANG PAG-IISIP ANG TAONG GUSTONG TUMALON DIYAN HA," galit niyang sabi.

Teka...

Ang nangyari kahapon..

Hindi 'yun panaginip...

"TEKA, SO TECHNICALLY, IKAW ANG SUMAGIP SA' KIN? TAPOS INIWAN MO LANG AKO DITO AT HINDI MO MAN LANG NAISIP NA GISINGIN MAN LANG AKO," inis ko.

"Malay ko ba kung ganun pala ka lala ang ka bobohan mo."

"Gabay ka ba o alagad sa kaliwaan?! Ang panget ng budhi mo!"

"Pakialam ko?" aniya.

Lord, binigyan mo na ako ng gabay pero bakit bully din!

Naku naman, kung anong ikinaganda ng pagmumuka nito, siya naman ang ikinapanget ng budhi!

"Nakakainis ka na talaga!"

"Hindi ko kailangan ang tulong mo. Umalis ka na at wag na wag ka nang babalik!"

Bigla naman siyang naglaho.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kumulog naman bigla at umulan nang malakas.

May narinig naman akong malakas na tawa mula sa itaas.

Nakakainis talaga!!