CHAPTER FIVE (the conversation)

"sorry for asking." sya naman ngayon ang nakaramdam ng guilt sa pag tatanong.

"it's ok, that happen already and part of our life, maybe hindi pa talaga sila ang para sa atin." may lungkot na wika nito.

"I hope one day we can continue life with joy and be carefree." pilit ang ngiting turan ni Tasha.

"why you wait one day, kung pwedi mo namang gawin ngayon na maging carefree." naka ngiting wika ni Nato na bumaling pa sa diriksyon ni Tasha.

"how? I mean paano naman ko naman gagawin yun?" kunot noong tanong nya.

"forget everything, just fell what you want to fell and do the things you want without hesitation." seryosong advice ni Nato.

"sounds interesting." napapaisip sya, "I think it goes to you too, you need it also, hindi lang naman ako ang may durog na puso." Ani Tasha.

Nagka tawanan sila. na wala na ng tuluyan ang pagka ilang sa pagitan nila, tila sila dati ng magka kilala.

"kelan tayo mag sisimula?" tanong ni Nato na nakangiti.

"ngayon?" tanong naman ni Tasha.

"pwedi," si Nato.

"saan tayo mag uumpisa?" tanong naman ni Tasha.

"dito." Ani Nato.

Tawanan naman sila uli. tila naka hanap sila ng kapanatagan sa isat-isa.

"Tara," Aya ni Nato na ini abot pa ang kamay Kay Tasha.

tiningnan naman iyon ni Tasha at napangiti, "let's go." nag pa tianod na lamang sya.

Magka hawak kamay sila na lumabas ng compound, malamig na hangin ang sumalubong sa kanila sa daan. makikita ang pag liwanag ng sunrise na nag huhudyat na tumataas na ang araw, na mas lalong nag bibigay ng ganda sa paligid.

"talagang naka pajama pa talaga tayo habang nag lalakad." natatawang puna ni Tasha sa suot nila.

may iilan lamang na tao silang nakaka salubong sa daan kaya di masyado nakakailang ang kanilang suot at hitsura na mahahalatang walang ka ayos-ayos ang walang suklay nyang buhok na basta na lamang nya ipinusod.

"it's ok your still beautiful kahit wala kang makeup." puri sa kanya ni Nato.

"oh, thank you," tila naman sya nag blush, "you too look so handsome kahit pa naka pajama kalang." ganting puri din ni Tasha na totoo naman talaga, gwapo talaga ito.

"sa lagay ba tayo tayo lang din dalawa ang mag pupurihan." naka tawang wika nito.

"oo ganon na nga siguro." sagot din nya.

"come let's seat here," Aya ni Nato.

huminto sila sa gilid ng kalsada na may mauupoang naka cemento sa gilid ng daan at sa baba ay pangpang, matatanaw ang kabuoan ng bundok na ubos ng ganda.

"wow! it's a breataking view, grabe naman pag biyaya talaga ng may kapal mapapa wow kana lang talaga." si Tasha na sobrang hanga sa nakikitang ganda ng kalikasan.

"that's why I love it here, mas nakaka pag isip ako at nakaka pag relax." Ani Nato.

"madalas kaba dito?" tanong ni Tasha.

"oo, mas gusto ko dito kesa sa city." si Nato na naka tanaw sa tanawin.

"sarili mo bang compound ang tinitirhan mo oh its own by your parents?" tanong ni Tasha.

"I own the place, at first nag rerent lang din ako but when I got hook by this place bumili narin ako para mas comportable na sa akin every time I'm here." paliwanag ni Nato.

"ah, I see." napapatangong wika ni Tasha.

"baka maisipan mo ring bumili ng lot dito magiging neighbors na tayo." naka ngiting turan ni Nato.

"ayaw mo bang maging kapit bahay ako?" bumaling si Tasha ng tingin dito.

"I think magiging masaya pag maging mag kapit bahay ang kapwa bigo." naka smile na biro ni Nato.

Nagka tawanan naman sila sa sinabing yun ni Nato.

"e sigaw mo sa hangin," si Nato uli na tila kumakanta.

na gets naman agad ni Tasha, "Liwanag sa dilim." pasigaw na kanta ni Tasha sa eri karugtong ng kinanta ni Nato.

"harapin mo, woh, woh, woh." nag sabay na sila sa pag kanta.

maka ilang beses nilang isinigaw ang pagkanta ng LIWANAG SA DILIM matapos iyon ay kapwa sila natawa sa sarili.

"parang tanga lang ang pig natin." si Tasha na halos hinihingal pa sa pag kanta.

"ano ba ibig sabihin ng carefree diba parang tanga lang din yun." natatawang sagot ni Nato.

"abay, oo nga noh." sang ayun ni Tasha na di matigil tigil Ang pag tawa.

"ok kana?" biglang tanong ni Nato.

natigilan naman sya at napa isip, "parang ok na, ayos ah, kahit bigo ka naisip mo to." napahangang wika ni Tasha.

"Wala namang mag babago kahit pa mag paka lunod ka sa sama ng loob at mag paka sasa sa hinanakit sa mundo we can't change it." biglang seryosong turan ni Nato.

"tama ka, nothing chang, but you can change it kung gugustuhin mo sabi nga ng best friend kung si Bethy e celebrate daw namin ang durog kung puso." tawa ni Tasha.

"tama naman sya." sang ayun ni Nato.

"thank you," biglang seryosong turan ni Tasha at nakangiting tiningnan nya sa mata si Nato.

nakaramdam si Tasha ng ginhawa sa mga naganap ngayon sa kanya. magaan ang pakiramdam nya kay Nato.

"your welcome, gumaan rin pakiramdam ko, at least may kasama ako na nkiki celebrate rin." tawa ni Nato.

"sana lahat ng taong bigo instead na mag mokmok, mas mabuti pang mag celebrate kasi if that person choose to leave you then it's not for you, it means wala kang halaga sa taong yun then e celebrate mo dahil naka wala ka sa magiging malungkot mong buhay pag kayo ang nag katuluyan." seryosong turan ni Tasha.

"that's right." tango ni Nato, "let's go, have coffee with me." Aya nito.

"oo nga pala di pa ako nag kape na wala sa isip ko mas inuna ko pa ang pag pipinta ganda kasi ng tanawin." wika nya.

"Tara, " Aya uli nito.

"saan?" tanong nya.

"may coffe house dyan sa banda run ?" turo pa ni Nato sa unahan sa pamamagitan ng kamay.

"ganito lang suot natin leteral na naka pajama tayo." nag dadalawang isip na wika nya.

"why not, wala namang naka paskil Doon na bawal mag kape ang naka pajama lang." biro ni Nato.