"di ba sinabi ko na sayo na tapos na wag mo na akong kausapin pa! " sigaw ko kay Benjie na hawak ang kamay ko ng tumayo ako sa aking kinauupuan.
"Anika, mahal pa kita sobrang mahal kita.. " kita ko ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
"mahal din naman kita pero-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila at mariing hinalikan at bilang ganti ay-.
"K-A-D-I-R-I as in kadiri!!, ang cringe naman neto! "sabi ko, sambay hampas ng libro hawak ko sa lamesa.
" hindi yan cringe. tawag jan.. Romantic ,pero ang problema lang bitter ka, yun yun! "sambit ni Marion ang kaibigan kong adik sa pagbabasa ng mga mala fairytale na love Stories.
" Oo nga elle, apaka bitter mo, dati kabang amplaya sa past life mo! "pagsang-ayon ni Ara, isa ko pang matalik na kaibigan.
" ahh, basta wag niyo na akong pilitin ng magbasa ng ganyan , tsaka wala nangyayaring ganyan in real life." dagdagkopa habang tinuturo-turo ang libro"
Natawa na lang silang dalawa sa naging reaksyon ko, palibhasa alam nila na I'm not into that kind of stuff kaya naman nililibre nila ako kapag may ipapabasa silang cringey romance books sa akin.
"Lam mo elle hanap ka nang boyfriend para naman mabawasan kahit papano yang bitterness mo" Ani ni Marion.
"Yeah right, ikaw na lng ang NBSB sa ating trio. " mapang-asar na sambit ni Ara.
"Sure, why not" sagot ko sabay pilipit ng tainga niya.
"Ouch!!! Elle!!! Ang bad mo talaga! "
"It's your fault" sagot ko naman.
Bigla na lng nagring ang mga alarm nila. Senyales na tapos na ang breaktime nila, palagi kasi sila dating na lelate sa klase kaya I suggest na mag-alarm sila, na sinunod naman nila.
"Kainis tapos na break time natin" pagrereklamo ni Ara sabay kuha ng bag niya.
"Yah, I'm so tired na, Elle see you after class. Bye.. " matamlay na pagpapaalam ni Marion.
"Bye Elle! mwap mwaps! " sambit ni Ara sabay flying kiss sa akin ng dalawa. Magpa-flying kiss pa sana sila pero inunahan ko na sila ng pagtataray. Di ko kasi gusto ang mga mga ganoong bagay, ewan ko rin sa sarili ko.
Pagkaalis ng nila ay tumungo na rin ako papunta sa building kung saan ako nag-aral, ang Fine Arts Department habang sila sa Nursing Department. Second year na din ako sa taong ito parehas ng mga kaibigan ko kaya naman puspusan ang mga dapat ipasa.
Nakaramdam ako ng mahinang pag-ihip ng hangin sa tainga ko na agad kinatayo ng nga mga balahibo ko. 'Syet-te!!!" pagsigaw ko.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Hael isa ko pang kaibigan.
"Ohh! Bat ka nandito kala ko ba may practice kayo para sa swimming competition next week?" tanong ko sa kanya.
"It got cancelled?.. I guess... " pagsisinungaling niya. Pero kilala ko na ang takbo ng utak niya kaya alam ko na nagpapalusot lang siya.
"Yung totoo? " dagdag ko pa.
"Tumakas ako. "
"At proud ka pa tlaga, kung wala kang ibang kailangan aalis na ako may gagawin pa ako. Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. " Paksh*t! Lumayo ka sakin.. Huwag kang lalapit! " sambit ko habang paatras na lumalayo kay Hael, habang naka ekis ang dalawa kong braso bilang pagdepensa. Kaso napatigil ako ng makita ko ang pagngisi niya, In-fairness pogi siyang ngumiti.
Ewww kadiri, sabay kurot ko sa sarili ko.
"Bakit ka ganyan, ang OA mo naman" sambit niya habang palakas ng palakas ang tawa niya na halos kita ko na ang bagang niya.
"Anong trip mo ba ha?" Tanong ko sa kanya. Lintik pinagtitripan nanaman ata ako nito. Una sina Ara at Marion ngayon siya naman.
Bigla niya akong nilapitan at tsaka inakbayan. "I miss you kaya naman tumakas ako." mala anghel niyang tugon na ikinagulat at cringe ko. I can't deal with this situation, OMG someone help me!!
"Uyy coach Lim, si Hael ohh! " pagpapalusot ko na mukhang gumana naman kaya napalingon si Hael sa sinigawan ko kaya nakatakas ako.
What the f*ck is wrong with him?naka drugs ba siya? Ginagag* yata ako nun. Sabay sabay na tanong ko. Habang pinagpapatuloy ang paglakad papuntang roon namin.