Paano kung bumalik ang greatest what if mo?
Anong gagawin mo?
Will you say hi?
No.
Just ignore.
but you can't
"Wag ka nang mawalaAaAa~"
"Wag ka nang mawalAAAaaaaA~"
"What if your greatest what if is right in front of you?"
"Wag ka nang mawalaAAAAaaaaaAAaA~"
"NgayoooOOOnnnnN~"
"Ngayon Kaya?"
"Anong gagawin mo?"
"Hi, again,"
"OoOoHhHh DadalhiiIiin kiItaA sA Amiinng BAhay Di kA NA--ARAY!"
.
.
.
"Mananahimik kayo o itutulak ko kayo paalis dito sa kotseng toh," Ang masungit na sabi ni Lara. Grabe ang sakit ng hampas niya, heels ba naman niya yung pambato.
"Lara naman KJ," Ang sabi ko pabalik. "You guys sounded like dying rats," She complained.
"At ikaw naman dyan Devon, " She added. "Wag mong pakikialaman yang bluetooth ko, baka gusto mong sapakin kita dyan," Ang bad trip naman ata ni Lara ngayon ano kaya nangyari?
"Sige nga 1v1 tayo mamaya sa practice," Ang hamon ni Devon.
"Huy, kayong dalawa, if you guys fight again, paguuntugin ko kayo," Ang tugon naman ni Harley.
Ba't ba laging gustong magbugbog nitong mga kasama ko?
"Lagot," I taunted, as I gesture my pointer finger at their faces.
"You too Andy," She sternly stated.
Ay, di ako informed kasali pala ako.
It went from a loud blasted music to a calm and soothing melody. That's how Lara always likes it.
__
"Andito na tayo, lumayas na kayo sa kotse ko," Lara said, as she slapped my arm. I groaned as the spikey pain kicked in.
"Ano ba Lara naman, kapag magspike ka, sa bola, hindi sakin," I glared at her. Lagi na lang nanakit eh, kaya siguro ghinost toh.
"C'mon na kasi, you're the only one who's sleeping pa, tara na, coach is waiting inside for us to practice our sets already," She stated. Onga pala, may practice nga pala
I sat up straight and unbuckled my seat belt. Yes po, kahit nasa back seat ako, magseseat belt pa din kami. Ang scary kasi minsan magdrive tong si Lara, akala mo naman may nanghahabol na FBI sa kanya.
"Get your stuff already," Harley instructed. I opened the car door and got up as I went to pick up my things from the cars trunk.
"Bilis-bilisan niyo na, galit na ata si coach," Devon remarked. Di yan favorite ako non eh, char.
"Teka lang kase," Ang sambit ko.
__
"Why are you guys late? Again?"
Luh si coach parang jowa na dapat suyuin ng wagas.
"Ano walang sasagot sakin?" Ang sabi nito. The team remained silent.
"Velian, ikaw sumagot sakin dito, bakit kayo na late? Ha? Last practice na toh before the play offs begin, and that's when you guys decided to be late?" Ang patanong na sermon ni Coach.
"Coach na traffic lang po sa daan, may aksidente po kasing nangyari," Ang pagsinungaling ko.
"And what kind of accident happened to make you guys 30 minutes late?" He asked again.
"Traffic po kasi sa drive thru ng Jollibee," Ang pabulong kong sabi.
Pagkatapos ko sabihin iyon, agad akong siniko sa tagiliran ni Lara. "Dami dami pang sinasabi," She whispered, while gritting her teeth.
"Ano yun Velian?" Ang tanong ni Coach.
"May motor po kasing sumayad sa daan, kaya po ayun," I lied once again.
"Ah talaga ba?" He asked. I nodded.
"Eh bakit yang si Zain dyan may fries pa sa bibig?"
"Tanungin niyo po siya, bat po ako," Ang sagot ko, which earned me a slap in the arm by Lara. Masakit beh, anuba
"Aba, nagpi-pilosopo ka pa sakin ah,"
__
"Si Andy kasi parang gago," Ang sabi ni Devon.
"Oh bat ako," I replied.
"Dapat kase dinuct tape na lang natin yang bibig ni Andy," Ang sagot naman ni Harley.
"Haluh sila," Ang sambit ko.
"Kasalanan mo toh Andy," Dagdag ni Lara.
"Sino ba kumakain ng fries kanina? Ako ba? Bakit ako sinisisi niyo? Di naman ako yung kumakain ng fries kaganina ah, ano--"
I stopped talking as I felt my phone rang. "Hello po?"
"Andrea, where are you? Diba I told you that we are having a family dinner tonight? Kung saan saan ka nanaman na papadpad, ikawng bata ka--" Ang sermon sakin ng Mob spawner ko.
"Ma kakatapos lang po ng practice, uuwi na po ako,"
"Paano ka uuwi? Hindi mo naman sinabihan si Manong JJ na sunduin ka,"
"Magpapahatid po ako kay Lara," Ang sagot ko. Agad na tumingin sakin si Lara na parang akala mo nakakita ng taong may ubo sa ulo. "Anong hahatid kita?" She mouthed out. I signaled her to shut up.
"Jusko, ginawa mo naman atang driver tong si Lara, I'll send kuya-manong there na," Ang conyong sabi ng birth giver ko.
"Ma, kahit hindi na--"
"No, just wait for kuya-manong there," She said. I sighed. Di na ulit ako makakakain ng jollibee nito.
"Sige na, mag ingat ka dyan, bye," Ang paalam ng ilaw ng tahanan sakin, at tsaka binaba ito.
"Wawa naman si Andy," Harley taunted.
"Daserve," Devon added.
I rolled my eyes in response. "Hintayin na lang natin si Manong JJ," Lara suggested.
"Haluah bakit? Pwede na kayong umuwi," Ang sabi ko naman. They have this subtle look of worriness flash before their eyes. As if they've seen a ghost.
"Tama si Lara, baka mapano ka dito," Devon replied, as Harley nodded.
"I'll be fine, don't worry, nasa school premises pa naman ako, wala naman sigurong magtatangkang mangkidnap sakin dito," I stated. Napailing sila. Bakit kaya?
"Hindi, uupo tayo dito hanggang sa masundo ka ni kuya," Ang pahiwatig ni Harley.
"Nah, you guys can go,"
"No," Devon said. I raised my hands in surrender.
__
After about 10 minutes of waiting. "Ms. Andrea," Ang tawag sakin ni kuya. Finally he arrived, daming mga kabaliwan nanaman naichika sakin ng mga babaeng toh.
Agad na tumayo na kaming lahat at sabay lumakad papunta sa kotse. "Sasabay po sila?" Ang tanong ni Kuya.
"Oo nga naman, sasabay kayo sakin?" I questioned.
"Hindi," They said unison. Haluh siya naging choir.
"Bakit kayo sunod ng sunod sakin?" Ang tanong ko ulit sa kanilang tatlo.
"Nagreready lang kami," Ang sagot ni Devon.
"Para saan?"
"Para sa burol mo, diba maglalakad dapat dun, tapos--"
"Bakit mo naman ako pinapatay ng maaga," Taenang yan.
"Practice nga lang," She defended.
"Eme mo," I rolled my eyes once again. "Oh siya, sige na, babye Andy, good luck sayo, " Ang paalam ni Harley.
"Salamat Ma'am, Maaari na ho kayong lumaho sa harapan ko," Ang sabi ko ng pabiro habang isinara na ang pintuan ng van.
Harley saluted. "Sir, yes Sir," She stated. I nodded jokingly and shooed them away. They bowed their heads as the van started to go. I chuckled.
"Ang swerte niyo naman Ma'am," Ang sabi sakin ni Manong JJ.
"Bakit naman po?"
"May mga kaibigan kayong laging nagmamalasakit sa'yo," He said.
I smiled, "Oo nga po eh, kahit minsan sakit ako ng ulo sa kanila, andyan pa din sila para sakin," I responded.
"Yan ang mga kaibigan na dapat mong pahalagahan habang buhay," Ang sabi Manong.
"Tama ho kayo Manong," Ang sabi ko nang nakangiti.
Mga kaibigan ko nga ba sila?
O andyan lang sila para protektahan ako?
.
.
.