📌C H A P T E R - 1📌
🦇M I N E R V A🦇
•ANG SINAUNANG BAMPIRA•
°GOTHIC VAMPIRES' SERIES°
Isinulat Ni Miss Pearl🖊️
Taong 1516
Naninirahan sa bansang Englatera ang mag asawang Felly at Topacio Yañez.
Mahirap man ang buhay ay masaya naman ang mag asawa isang manlililok ang lalaki samantala ang babae naman ay magaling na mananahi o kung tawagin nang iba ay magaling na mang boburda,ito ang madalas na kinukuha nang mga Reyna nang bansang iyon na siyang gagawa nang magandang kasuotan sa araw nang pagtitipon o sa araw nang pagkilala sa bagong Reyna.
"Aking mahal mabuti pa magpahinga ka na,hindi ka ba napapagud sa pag tatahi?"ang tanong nang kanyang asawa.
"Mahal kailangan kong tapusin ang mga kasuotan na ito dahil sabi sa akin ni madam Sylvia ang mga kasuotan na ito ang isusuot nang kanyang mga anak sa pagtitipon sa loob nang palasyo na kanilang dadaluhan,sa Linggo na ang kanilang pagtitipon."ang nakangiting sagot ni Felly.
"Ikaw ang bahala mahal ko ako ay nagmamalasakit lang baka ma pagud na ang iyong mga kamay,dahil sa tindi nang pagud na iyong ginagawa ,kapag ikaw ay natapos huwag mong ba basain ang iyong mga kamay mahirap na baka magkaroon nang hindi maganda sa mga kamay mo"ang bilin nang mabait na asawa niya.
"Huwag kang mag alala aking mahal iniingatan ko ang aking mga kamay"ang nakangiti niyang wika.
Nagpaalam na ang kanyang asawa.
Ang hindi alam ni Topacio na ang babaeng kanyang napangasawa ay isang lahi nang mga halimaw na mai-hahantulad sa isang paniki.
Lumabas nang kwarto ang kanyang kapatid na nuon ay dise ocho anyos lamang na si amanda.
"Hindi mo manlang ba sasabihin sa iyong asawa na kung anong uri nang nilalang ang angkan natin ate?"ang tanong ni amanda.
"Hindi na kailangan mabuti nang malaman niyang nahihirapan ako,"pagkatapos ay kinumpas nito ang mga kamay sa hangin at duon ay makikita na para bang may sariling buhay ang mga karayom na siyang gumagawa nang mga iyon sa mga damit.
Nagpalakpakan pa ang mga kamay ni Amanda dahil sa nakikita at isang iglap lang ay natapos na kaagad ang magandang dalawang bestida na may mga magagandang palamuti pang nakalagay.
"Ang galing ate Felly,sigurado akong kukunin ka nang Reyna na siyang gagawa nang mga magaganda niyang mga kasuotan,"
"Sana nga nang sa ganun ay guminhawa naman ang mga buhay natin,nasaan nga pala si ate Lucia?"ang tanong niya sa kapatid na siyang bunso nila.
"Nasa Hardin at masayang nakikipag usap sa kanyang mga alagang kuneho,alam naman natin na iyon ang isa sa kakayahan ni ate Lucia ang makipag usap sa mga hayop."ang nakangiting sagot ni Amanda.
Nabibilang ang kanilang lahi sa mga bampira,mga bampirang natatakam sa dugo nang mga tao ngunit hindi nila ginamit ang kakayahang iyon para lang mabuhay,dahil nagagawa nilang pag-aralan kung paano kontrolin ang pagkauhaw sa dugo,kaya naman namuhay silang kasama ang mga mortal.
Hindi iyon alam nang kanyang asawa na si Topacio,kahit ang hindi ang pagkain nang mga lutong karne na may halong bawang at asin ay nagagawan nila nang paraan. Nang hindi nahahalata nang mga tao.
Pumasok sa loob ang kanilang panganay na kapatid na si Lucia isa itong magandang dalaga,ngunit mas matapang at mas malakas ito dahil isa ito sa nagmana nang kanilang kakayahan na nanggaling sa mga angkan nang mga bampira.
"Kamusta kayo rito mga kapatid ko?"ang nakangiting tanong ni Lucia.
"Maayos naman kami rito ate,nakipag usap ka na naman sa mga kaibigan mo,"ang wika ni Fely sa kapatid.
"Wala naman akong ibang kakausapin,at isa pa pareho naman tayong may kapangyarihan ang pag kakaiba nga lang ay ang sa akin kayang makipag usap sa mga insekto at hayop."
"Ikaw ang bahala ate Lucia."hindi na sila umimik dahil mas matanda sa kanila ang babae,
Ilang araw ang mabilis na lumipas,nakakaramdam nang hindi maganda sa katawan si Fely,batid niyang siya ay nagdadalantao,dahil isa siyang uri nang bampira kaya naman hindi niya alam kung paano niya isisilang ang bata, kailangan niya nang dugo!
Dumating naman ang bunso nilang kapatid na si Amanda.
Humingi siya nang tulong na kailangan niya nang dugo.
Kaya naman lakas loob nitong sinabi na mangangaso nang sa ganun matugunan ang kanyang pangangailangan.
Kaya naman ilang minuto lang may dala na itong dugo na agad namang ininom ni Felly,
Mabilis lumipas ang mga araw at nagtataka ang asawa kung bakit mabilis lumaki ang tyan ni Felly gayong isang buwan palamang itong nagdadalantao.
"Mahal bakit ganyan?bakit mabilis lumaki ang tiyan mo gayong isang buwan pa lang naman ang bata?"ang takang tanong ni Topacio.
"Hindi ko alam mahal basta ang mahalaga ay ayos lang ang anak natin kaya huwag ka nang magtaka,"ang nasabi na lamang niya sa asawa dahil hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa asawa ang nangyayari,dahil hindi niya pa maipagtapat sa asawa ang tunay nilang pagkatao nang kanyang mga kapatid.
Dumating na ang pinakahihintay nila sinilang ang magandang babae na pangangalanan na Minerva,at siyang magiging prinsesa nila na mga bampira ngunit dahil kalahating tao at kalahating bampira kaya naman doble ang lakas nang batang si Minerva,ngunit labis na nagtatka ang amang si Topacio dahil mabilis lumaki ang anak.
"Ako ay nagtataka na mahal kung bakit ang bilis nang paglaki nang anak natin,normal lang ba yan.?"natawa naman si Felly.
"Mahal normal lang si Minerva ang mahalaga ay malusog siya"
"Sa bagay ayos lang sa akin dahil lumaki naman siyang mabait at maganda,ang nakangiti na wika nang asawa nagkatinginan pa sila ni Amanda at Lucia.
Pagkalipas nang ilang araw o buwan muling nag buntis si Felly sa pagkakataon na ito ay lalaki naman ang isinilang na ang pangalan ay Fernan.
Naging masaya naman ang pamilya ni Felly at Topacio ngunit isang nakakagulat na pangyayari dahil nagkaroon nang gyera at kailangan nilang lumisan sa lugar ngunit dahil sa gulo namatay ang asawa ni Felly nang tangka silang itakas mula sa mga kalaban,laking gulat pa ni Topacio bago siya lagutan nang hininga nang makita niya ang asawa ay napugutan nang ulo na siyang sinigaw nang malakas nang dalawang babae na si Lucia at Amanda,hindi sinasadyang natamaan ito nang zamurai nang mga taong nakikipag laban sa mga tauhan nang ibang bansa na siyang nag lunsad nang gyera.
Bago malagutan ay gumapang pa ang lalaki ngunit pareho nang walang buhay ang dalawa kaya naman mabilis na tumakas sila Lucia at Amanda ngunit hindi alam kung saan sila magtatago dahil maraming mga pa sabog ang tumatama sa mga dinaraanan nila kung magkakamali baka matamaan sila kapag hindi sila nag ingat,pareho nilang karga ang dalawang bata,si Fernan ay karga ni Lucia samantalang si Minerva ay karga ni Amanda.
Magulo nagkalat na sa kalsada ang mga patay na tao,lahat ay nahihirapan dahil lang sa gulo nang magkabilang bansa,kahit natatakam man si Lucia ay pinigilan ang sarili! Dahil nadaanan nila ang mga patay na tao sa kalsada halos maging pula na ang kalsada.
"Ate Lucia anong ginagawa mo?ang tanong ni Amanda sa kapatid niya na hindi nakatiis na tikman ang dugo nang isang lalaki na wala nang buhay.
"Sandali lang naman sayang rin to kapatid tutal patay naman na sila,malinis ang konsensya ko kasi wala naman akong pinatay na tao"ang sabi pa nang kanyang kapatid.
Tumingin pa siya sa paligid tanging mga puting usok ang nakikita nila na gawa nang mga sundalong nakipag laban sa bansang kinaroroonan nila.
Habang abala ang kanyang ate ay isang sundalong lalaki ang nakakita sa kanya at sa ate niya na ngayon ay dala pa ang isang braso nang lalaking patay,puro naman dugo ang bibig nang kanyang ate nang sumigaw ang sundalo"May halimaw.!!ang mabilis na sabi nang lalaki kaya naman nagmamadaling tumakbo ang dalawa,pinahid naman ni Lucia ang kanyang mga labi at tinapon ang kanina lang dala dala niyang braso.
"Ikaw naman kasi ate bakit hindi mo na pigilan ang iyong sarili na hindi tumikim nang tao,yan tuloy may nakakita sa atin,"ang sabi ni amanda sa panganay na kapatid.
"Huwag mo na akong sermunan kapatid ko,pagkakataon na natin kumain nang tao na hindi naman tayo ang pumatay,"
"Kahit na hindi tama ang ginawa mo tinuro sa atin ni Ate Felly na hindi tayo kakain nang tao,sana nauunawaan mo ang ibig kong sabihin dahil isa tayong mga bampira na sa oras makatikim tayo nang dugo nang tao,hahanapin na natin iyon"ang nag aalalang wika nang dalagang si Amanda.
"Wala na si Felly kaya hindi mo na kailangan pang sabihin yan,ngayon lang ako tumikim pero huli na iyon kapatid pangako"ang nakangiting wika ni ate Lucia.
Tumakbo sila sa loob nang kagubatan,dahil may mga taong humahabol sa kanila mabuti an lamang ay mabilis silang tumakbo na ang mga ordinaryong tao ay hindi sila kayang abutan,dala dala nila ang dalawang pamangkin na ngayon ay tulog na tulog,naawa sila sa dalawang bata dahil maaga silang naulila,mabuti na lamang malaki na si Minerva,kahit nakita nito ang mga nangyari nanatiling tahimik ang bata.
Nakarating naman sila sa dulo nang kalsada,ngunit laking gulat nila dahil may mga taong naka abang sa unahan nang kalsada?may mga dala silang mahahabang espada at ang ilan ay pinatatamaan sila nang pana.
"Mga gago ba sila?hindi naman tayo ang kalaban nila.?mukhang baliktad na dahil tayo naman ang pinupuntirya nang mga walanghiya.!ano kaya isa isahin ko na sila kapatid madali na lamang sa akin iyon"ang sabi ng ate Lucia niya.
"Huwag kang mananakit ate Lucia mali iyon,ang mabuti pa tumakas na tayo."tumakbo ulit sila nang mabilis sa ibang parte na nang kabundukan sila dumaan ngunit nagkalat na sa paligid ang mga sundalo na siyang humahabol sa kanila,kaya ang dalawa nagkasundo na maghiwalay nang landas,magkita na lamang sila kapag nakatakas na sila.
"Ate Lucia sa kanan ako dadaan magkita na lamang tayo kapag nakalayo na sa mga taong humahabol sa atin,mag iingat ka huwag mong bibitawan si Fernan ha,"ang lumuluhang wika ni Amanda habang hinahalikan sa pisngi ang batang si Fernan na sa edad dalawang taong gulang wala pa itong ka malay malay sa mga nangyayari.
Malungkot na nag paalam sa isa't isa ang magkapatid.
"Ingatan mo si Minerva dahil siya ang prinsesa natin amanda,hahanapin ko kayo magkita na lamang tayo kapag maayos na ang lahat sa ngayon kailangan nating makatakas."
Malungkot na nagkahiwalay sila nang kanyang kapatid na si Amanda.
Mabilis siyang tumakbo sa masukal na kagubatan,ngunit habang tumatakbo siya nakarinig naman siya nang isang boses nang lalaki nang maamoy niya ang dugo na alam niya na nanggaling sa taong naririnig niya,hinanap niya ito nakita niya ang lalaki na nakasuot nang kakaibang kasuotan,nakita niya rin ang tila isang sasakyan na pang himpapawid,nilapitan niya ang lalaki.
May sugat ito sa braso,napalunok siya nang laway nakita niya ang namamalibis na pagdaloy nang dugo nang lalaki, nilapitan naman niya ang tila sasakyan binuksan niya iyon,nagtaka siya dahil ngayon lang siya nakakita nang ganitong bagay,narinig niya ang lalaki "tulongan mo ko miss,"ang sabi nang lalaki habang hirap itong tumatayo kaya ang ginawa niya ay inalalayan niya at sinabihan siyang ipasok sa loob nang sasakyan,.
Nagulat naman siya nang biglang sumara ang sasakyan,ngunit nakita niya ang mga sundalo na malapit nang makalapit sa kinaroroonan nila.
"Nandyan na ang mga kalaban,paano tayo makakaalis?ang nagtataka niyang tanong sa lalaki.
"Pindutin mo ang kulay pula na button at makakaalis na tayo,dalhin mo ko sa hospital pag dating natin sa bahay namin ha"ang sabi nang lalaki tapos pumikit na ito, dahil sa hindi alam ang gagawin sinunod nito ang sinabi,pinindot niya ang pulang bilog at nagulat siya nang bigla iyong mabilis na umangat sa ere at isang iglap lang para na siyang dinadala nang malakas na hangin at para siyang sumasayaw sa himpapawid, kulang na lang ay mawalan siya nang ulirat dahil sa lakas ng pag galaw nang sasakyan daig pa ang malakas na Ipo Ipo.
Samantala si Amanda ay nanatili naman sa loob nang kweba,duon ay hindi na siya nasundan nang mga sundalong humahabol sa kanila,sana ay makalayo ang pamangkin at ang ate Lucia niya.
Ilang araw siyang nanatili sa loob nang kweba,pagkatapos ay nalaman na lamang niya na wala na ang mga kalaban nang bansa nila kaya naman,nakabalik siya sa bayan nila ngunit tulad nang umalis sila isang magulo na bayan na ang kanyang nadatnan,sira sira na ang mga gusali maging ang ibang mga bahay,ang ibang nabubuhay pa ay nagsimulang muli,bumalik siya sa sarili nilang bahay,sa bahay nang kanyang kapatid na si ate Felly,
Umiiyak siyang napaupo dahil wala na ang kanyang ate Felly at kuya Topacio,hindi niya rin alam kung saan niya hahanapin ang kanyang ate Lucia hindi niya ito mahanap sa kanyang isipan,tanging mga larawan nilang magkakapatid ang kanyang yakap yakap.
"Tiya wala na si nanay hindi ba.?"ang tanong nang munting bata,na si Minerva.
"Mula ngayon ay magpakatatag ka na Minerva wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo,matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, nandito lang ako na magiging gabay mo ngunit hindi ko maipapangako na hindi rin ako mawawala sa buhay mo kaya sanayin mo ang sarili mo na mamuhay nang ikaw lang ha,"ang malungkot niyang wika sa bata,dahil kailangan niyang hanapin ang kapatid,hindi niya rin alam kung pati ba siya ay mawawala. Basta hanggang buhay siya gagabayan at sasanayin niya ang batang si Minerva.
Lumipas ang ilang mga taon naging ganap na dalaga na si Minerva masayahin at hindi mo makikitaan nang pagiging mahina,magaling din itong manghuli nang mabangis na hayop sa kagubatan.
"Wala talagang tatalo sa iyo Minerva ang bilis mo talagang makahuli nang baboy ramo,ano ba ang sikreto mo?"ang tanong ni Andres ang isa sa mga kaibigan ni Minerva.
"Wala kana duon,madali lang naman ang manghuli pero bakit ko naman sasabihin sa iyo ang sekreto,natuto ka pa"ang sagot ni minerva na nagtawanan naman ang mga kasamahan niya sa pangangaso.
"Ikaw talaga hindi ka na mabiro,ahm Minerva paano kung ligawan ka ni Andres?may pag asa ba siya sa iyo"ang tanong naman ni Carmela.
"Mayaman ba siya ?kasing yaman ba niya si Haring Henry VIII ng England?gusto ko yong mayaman para naman maging Reyna ako katulad Ng Reyna na si Anne Boleyn."ang nangangarap na sabi ni Minerva.
"Ambisyosa ka talaga Minerva alalahanin mo mga dukha lamang tayo at ang dukha ay para sa mga kapwa dukha,ang mga mayayaman ay para sa mayaman lamang"ang sabi ni Carmela.
"Wala akong paki alam,habang nabubuhay ako,gagawin ko ang magpapasaya sa akin, Ayuko naman mamatay na bukod sa dukha na pangit pa"ang wika niya sa mga kaibigan.
Pagdating sa bahay ay dala dala niya ang malaking baboy ramo,nilagay niya ang mga iyon sa ibabaw nang lamesa at magkasalo silang kinain iyon nang kanyang tiyahin na si Amanda kasama ang dalawa nitong anak na pinsan niya.
"Ang sarap talaga kapag sariwang karne nang baboy ramo tiya,pero kung sa tao kaya mas masarap siguro "ang wika niya.
"Yan ang hindi mo gagawin Minerva,huwag na huwag kang kakain nang karne nang tao,dahil baka sa susunod hindi mo na mapigilan ang sarili mo,sekreto lang ang mga katauhan natin,mahirap na baka mapahamak pa tayo kapag nakita nang mga tao na kumakain tayo nang hilaw na karne,"ang bilin sa kanya nang tiyahing si amanda.
Palaging bilin sa kanya nang tiyahin na huwag siyang kakain nang tao o papatay,kahit na ganun sila hindi dapat sila manakit nang mga inosenteng tao.
Wala rin naman siyang balak na maging bampirang kriminal,kaya lang minsan nakakaawa rin ang pumatay nang karne nang hayop,ano kaya kung puro gulay na lang kainin nila.? napahagikhik naman siya sa kanya naiisip.
"Bakit tumatawa ka dyan ?mukhang nawawala ka na sa katinuan Minerva?"ang tanong ni Amanda sa pamangkin niya.
"Wala tiya naisip ko lang kung puro gulay na lang kaya kainin natin,magiging gulay na siguro ang mga katawan natin,baka ang balat ko maging berde na tapos tatawagin akong bampirang gulay.!hindi ba ang ganda?"
Magkasabay pang tumawa ang magkapatid at ang tiyahin niya.
"Kumain ka na nga puro ka talaga kalokohan bata ka,"ang sabi nang tiyahin niya.
Nagtawanan na lamang silang mag anak.
//Future 2023
Nang makalapag sa hindi alam na lugar sa Pilipinas sila Lucia at ang estrangherong lalaki,nakita niya na wala parin itong malay.
Sa awa niya ginamit niya ang kapangyarihan niya para gamutin ang lalaki.
Nakita naman niyang naghilom ang sugat,ngunit wala parin itong malay gising na rin ang kanyang pamangkin,binuksan niya ang pintuan nang sasakyan,namangha siya sa kanyang nakita dahil ang paligid ay napapaligiran nang mga maraming tao.
Ngunit kakaiba ang kanilang kasuotan,
"Nakikita mo ba iyon Fernan, nakatakas na tayo sa mga pangit na sundalo!"
Karga karga niya si Fernan nang maglakad lakad siya sa paligid nakita niya pa ang isang estatwa na nasa gitna,ngunit hindi niya kilala kung sino ang nasa estatwa,nakakabasa naman siya nabasa niya ang salitang "Jose Rizal"at ang karatula sa gilid na "Rizal Park".
"Kakaiba ang mga salita nila rito Fernan,natuwa pa siya nang makita niya ang tila bilog at malaking lawa,kaya hindi siya nag alinlangan na dumukwang para uminom nang tubig,"pwe.!!bakit ang alat nang tubig?galing ba to sa dagat.?"
Babae 1:" Parang tanga bakit siya umiinom sa fountain hindi niya ba nakikita na hindi malinis ang tubig."
Babae 2:"oo nga ang weird niya at ang damit niya ay kakaiba naman,mukha siyang taga bukid."
Narinig ni Lucia ang sinasabi nang dalawang babae na dumaan sa likuran niya kaya naman na karamdam siya nang hiya,dala ang pamangkin ay umupo muna sila sa gilid nang kalsada,dahil natatakot siya kakaiba ang mga nasa paligid,nang minsan siyang maglakad ay nagulat siya dahil muntik na siyang mabunggo nang isang sasakyan na hindi niya alam ang pangalan,kaya naman mabilis na lamang siyang tumakbo at heto nga nasa gilid sila ng kalsada kung saan ay may malaking puno na siyang naging silungan nila ni Fernan.
"Ano bang mundo tong napuntahan ko,?bakit kakaiba ang kanilang kasuotan?hindi ko mahanap sa isipan ko si Amanda,kamusta na kaya sila ni Minerva?"ang wika niya sa sarili habang yakap yakap ang pamangkin,nagulat pa siya nang pag yuko niya may mga barya na nalaglag,binabagsakan siya nang mga dumadaan anong akala nila sa akin pulubi?kapag nga naman minamalas.
"Mommy kawawa naman ang ale at ang baby nila,ibigay na lamang natin sa kanila itong pagkain"ang wika nang bata sa ina habang dumadaan sa harapan nila.
"Sige baby ibigay mo na lamang sa kanila iyan"ang sabi nang ina nang bata.
Huminto sa harapan ni Lucia ang mag ina at may iniabot sa kanya na isang supot,nag pa salamat naman siya kahit hindi niya alam kung ano ang laman,nang buklatin niya ang loob nang supot ,ay malapad na ngiti naman ang sumilay sa mukha niya,isang tinapay na may kung anong palaman kinain niya"ang sarap naman nito ngayon lang ako nakatikim"at napansin niya ang isang baso na malamig"ang lamig kakaiba ang lasa ano kaya ang tawag sa ganitong pagkain"
Sarap na sarap naman siya at dumighay pa siya,ang pamangkin niya hindi niya alam kung ano ang ipapakain,tamang tama may barya na siya kaya naman tumayo na siya at nagtungo sa tindahan,pinagmasdan niya kung anong ginagawa nila roon ,hindi niya kasi alam ang tamang gagawin para magkaroon siya nang gatas para sa pamangkin.
Nasa tapat naman siya nang maliit na tindahan,
"Ano sa iyo miss?"ang nakangiti na tanong nang babaeng tindera.
Napansin naman ni Jewel ang babaeng tila nag aalinlangan nakita niya na may karga itong baby,naawa naman siya dahil baka pulubi ang babae ,marungis kasi ang kasuotan nitong bestida.
"Miss ano gusto mo?"ang tanong niya ulit.
"Gusto ko sana nang gatas,kaso hindi ko naman alam kung meron dito o paano timplahin para sana sa aking pamangkin"ang nag-alinlangan na sagot ni Lucia ngumiti naman sa kanya ang babae,
Sa awa ni Jewel nagtimpla siya nang gatas na hindi mainit,tapos binigay sa babae nakita naman niya na pinaiinom ng babae ang batang lalaki na maputi at mataba ang pisngi.
"Ang cute naman nang pamangkin mo"ang nakangiti na wika ni Jewel.
"Anong cute ate?"ang tanong ni lucia.
"Gwapo miss,ani pala pangalan mo?bakit narito kayo sa lansangan?"ang tanong ni Jewel.
"Galing akong Englatera,kaya lang nagkaroon nang gulo kaya napunta kami,wala na kasi ang mga magulang patay na,kaya ako na ang nagdala sa kanya "ang sagot nang babae naguluhan naman si Jewel kailan pa nag karoon nang gyera sa England?wala namang napabalita na nagkaroon nang gyera?napailing na lamang siya.
"Gusto mo bang magkape.?"ang tanong na lamang niya sa babae
"Maari ba?
"Oo naman huwag kang mag alala libre na lamang ito,ngayon saan kayo matutulog?"ang tanong niya sa babae.
"Hindi ko alam binibini,basta ang mahalaga sa amin ay nakalayo na ako sa magulong bayan namin,baka dyan na lang sa tabi tabi,"ang wika nang babae,naawa naman siya sa babae baka mapag intresan nang mga lalaking manyak,maganda at maputi si Lucia.
"Jewel ang pangalan ko kaya iyon na lamang ang itawag mo sa akin ha,"ang nakangiti niyang wika sa babae.
"Salamat Jewel napaka buti mo naman tama nga ang kapatid ko hindi lahat nang tao ay masasama"ang nakangiting wika nang babae.
Dahil sila lang nang anak niyang Si Sweety sa bahay na minana niya pa sa kanyang mga magulang, naisipan naman niyang alukin ang babae na sumama sa bahay nila, malapit lang din iyon sa Ermita kung saan ay naroon ang Rizal park.
Nasa San Miguel Ermita lang naman ang kanilang barangay sa silangang bahagi nang Ermita manila.
Pumayag naman si Lucia nababatid niyang mabuti ang babae kaya magtitiwala siya kailangan niyang maging matatag kundi baka mamatay sila sa gutom nang pamangkin niya,hindi man niya alam kung anong lugar o panahon ang kinaroroonan niya dahil ang lahat ay bago sa kanyang paningin.
Itutuloy.