"Uhm, miss? We're already here. Nasa New Lake na tayo." Kinuha ni Marco ang atensyon ng babae.
"Where exactly do you live?" Mahinahong tanong naman ni Matt.
Kanina pa sila nakarating sa kabayanan ng New Lake at hinihintay nalang nila bumaba ang babae pero hanggang ngayon ay mukha itong ignoranteng pasilip-silip lamang sa bintana.
Ngumiti ang dalaga sabay kamot sa batok nito. "I am not sure."
"Huh? Anong I'm not sure ka diyan?" Napangiwi naman si Marco dahil sa sagot nito. Inulit niya ang katanungan dahil mukhang hindi sila nauunawaan ng babae. "What do you mean you're not sure?"
"Tell us your name, dadalhin ka namin sa station."
"I don't live here."
"... I'm looking for someone."
"... and I don't have a place to stay in here."
"What's your name nga kako? Dadalhin ka namin sa station."
Sa gitna ng pagtatalo ay tahimik lang na nanunuod si Julian. Kung marunong lamang siya magsalita ng tuwid na Ingles kagaya ng kila Marco at Matt ay siya na mismo ang magsasabi sa babae na umalis na ito.
Masyado kasing gentleman itong si Woojin para palayasin ang babae. Hindi naman nila ito kakilala at isa pa, halata namang nagpapabigat lang ang dalaga.
"Dude, tara na. Hayaan niyo na siya." Iritadong pag-aaya niya sa kaibigan.
"Paano tayo niyan ngayon?" Hindi naman siya pinansin ng nakatatanda.
Likas na kay Julian ang walang pakialam sa kung sino-sino kaya hindi niya lubos maintindihan kumbakit namomroblema ang mga kaibigan dahil lamang sa babaeng iyon. Nagpakita lang ito sa kalsada at nakisakay, tapos ngayon nama'y nagpapapansing walang matutuluyan.
"Don't! I won't go... I'll stay here." Makulit na pagtanggi ng dalaga na sumama sa istasyon ng pulisya.
Her knees are folded, sitting on the ground like a kid. Konting-konti na lang talaga ay tuluyan nang mabubuwisit si Julian sa babaeng ito.
"Kung ayaw mo, maiwan ka diyan. Tara na, guys." Matalas na sabi nito sa babae.
Umangat naman ng tingin ang dalaga. Naninibago sa boses ng nagsalita, "Woah! How can you see me?" Malaki ang ngiti ng dalaga dahil sa wakas ay nagsalita at pinansin na siya nito. Hindi niya man naintindihan ang sinabi ng lalaki, natutuwa naman siya dahil kalmado ang tono nito.
"Iniinsulto mo ba ako?!"
Ang buhok na tumatabon sa paningin ng binata ang gustong palabasin ng babae. Hindi ang dahilan kumbakit may suot na eye patch ito. Pero mukhang mahihirapan pa siyang magpaliwanag.
"Huh?" Inosenteng tanong pabalik ng dalaga.
"Hep hep hep! Tama na nga yan!" Pagpuputol ni Matt sa namamagitang tensyon sa dalawa.
___
"Dad!"
"Lancaster, sir."
Kaniya kaniyang bati ang ginawa namin kay Sir Lancaster. Pabiro niya kaming pinagtatapik. "Sabi ko sayo Julian ay tatay na lang din ang itawag mo sa akin..."
"Opo. Sige ho."
Ipinapasok ni Matt ang mga inuwi kong bagahe. Naghahanda naman ng tsaa si Marco.
"Ju-yan!" Maliit na boses ang nagmula sa sala. Agad kong dinaluhan ang bunsong anak ni Sir Lancaster na si Marnie. Makapal ang kaniyang bangs. Bilugan ang mata. Bibo at palaging nakabungisngis. Nagmana kay Matt ang ngiti nito. Namana naman kay Marco ang pangnguso.
"Lol. Julian hindi Ju-yan!" Pang-aasar ni Marco sa kapatid.
"May pasalubong kaming dala, Marnie! Hanapin mo."
Makarinig lamang ang bata ng salitang pasalubong ay hindi na ito mapakali sa sobrang tuwa. Hindi niya makuhang niloloko lamang siya ng kaniyang kuya.
Loko talaga ang Marco na ito. Hilig na hilig niyang asarin ang bata, palibhasa kasi'y ang cute cute mag-iyak-iyakan.
"Wag kang mahihiya sa amin, hijo. Bahay mo na rin ito at ama mo na rin ako. Okay ba yon?"
Mabait talaga si Sir Lancaster. Una pa lang talaga ay inaaya niya na akong tumira sa kanila. Maski sila Kuya Matt ay parati akong kinukumbinsi. May takas pa ako noon para tumanggi... hanggang sa dumating ang araw na ako na mismo ang nanlimos ng tulong sa kanila... sa mga kaibigan ko.
"Babawi po ako. Hayaan niyo kong tumulong sa gastusin."
"Huwag na. Kita mo naman iyang si Marco, kain tulog lang oh. Kami na lang muna ni Matt ang bahala sa inyo."
"Maghalinhinan kayo sa pagbabantay kay Marnie" Nakangising suhestyon ni Kuya Matt.
"Nga pala, Dad, may kasama kami. Hulaan mo kung sino!" Natatawang sabi ni Marco.
"Talaga iyang Ninong Doni niyo, hindi mapakali sa utang! Babayaran ko kamo siya sa bente tres!"
"Hindi si ninong Doni, tay. Hayaan mong magpaliwanag ako..." Panimula ni Kuya Matt at tumingin sa labas kung nasaan naghihintay ang babae.
___
Pumarada ang sasakyan sa loob ng maliit na sabdibisyon. Hindi malaki ang pangalan ng mga nakatira rito. Kadalasan ay maliliit at simpleng pamilya lamang.
"Diyan ka lang! Huwag kang sumunod." Napanguso na lang ang dalaga sa panduduro sa kaniya ng binata.
"Julian naman, ang harsh mo naman yata sa kaniya." Pagalit dito ng nakatatanda. "Hey, maiwan ka na muna dito, baka mahimatay ang tatay namin kapag nakita ka." Sabi ni Matt sa babae.
Napagdesisyunan nilang isama pansamantala ang dalaga. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay ihaharap din nila ito sa pulis para mahanap ang mga kamag-anak ng babae.
"You stay here. We'll be back." Akala mo nama'y seryoso itong si Marco nang lingunin niya ang babae. Sa kanila kasing magkapatid ay mas lamang siya ng utak.
"Okayyy!" Naupo ang dalaga sa front porch ng katamtamang laki ng kabahayang halos lahat ng sulok ay gawa sa matitigas na kahoy. Inayos niya ang laylayan ng bestida at matiyagang naghintay.