EPISODE 3

Mga brad saan kayo kumakain?

Ah...eh sa Canteen.

Dito sa Dorm at sa school ay parehong may Canteen.

Wow, galing Dorm may canteen. Itaru tara!

Umm...

Sa Canteen...

Matapos kumuha ng pagkain ay naupo sila sa bakanteng lamesa.

Oi Itaru...pansin mo pinagtitinginan tayo ng mga tao.

Umm...parang may mali.

Oo. Tapos feeling ko pa na lumamig ang hangin sa paligid.

Malamang may aircon.

Di pre parang kaba to.

Bakit ka naman kakakabahan. Pansinin mo rin Itaru parang sa direksyon natin nakatingin sila.

...si Asumi ay kabadong-kabado samantalang si Itaru ay kalmadong-kalmado lang...

Lumingon-lingon ito sa paligid...

Sa likod pala nila ay naroon si Suzaku Hasuka at Inami Kuwoski. Dahil doon ang favorite spot nila kaya walang mangahas umupo doon.

Naririnig ni Itaru ang conversation ng malapit sa kanila.

Hala...may mabibiktima nanaman ata si Suzaku at Inami.

Hala...lagot ang mga new student.

Mayroong natatakot para sa kanila, dahil sa naririnig ni Asumi ay nakaramdam ito ng takot at napasubsob na lamang sa hiya.

Samantalang si Itaru ay kalmado lang.

Sumagot si Itaru...mga boss anong kailangan nyo?

Alis kayo dyan...kami ang nakaupo dyan.

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Naku pasensya wala na kasing available na paguupuan baka pwede kaming makitabi. Pero tatayo muna kami para makaupo kayo ng kompurtable at tatabi na lang kami. Ayos lang ba iyon? Nakangiti sabi ni Itaru.

Nakaramdam naman ng malamig na hanggin ang dalawang bully habang nakikipagusap kay Itaru kaya umoo ang dalawa sa kanya. Pero nang paupo na ang dalawa ay inihagis ni Suzaku Hasuka ang pagkain ni Itaru. Di naihagis kay Asumi dahil hawak nya ito. Nashock lahat ng tao roon na nakakita maging si Asumi samantalang si Itaru ay ngumisi lang...

Brad pulutun mo ang kinalat mo malambing na tinig ni Itaru.

Ako...inuutusan mo? Kilala mo ba ako? Ako lang naman ang nagiisang kinatatakutan ng mga tao rito. Ikaw...isang hamak na kuto lamang uutusan mo isang tulad ko na pulutin yan. Manigas ka!

Hahahahaha! Ang tawa ni Inami Kuwoski.

Nang marinig ni Itaru ay inilakas nito ang boses nito "pulutin mo ito!"

Inuutusan mo ba ako! Ang galit na tugon ni Suzaku.

"Oi! Oi! Oiiiii! Sabi ko pulutin mo ang kinalat mong hinayupak na gunggong ka!"

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ngayon ko lang nakitang magalit si Itaru ah...

(Naala nito ang sinabi ng kanyang ate na si Namaki Lilith.

Bulungan:

"Oi yung kaibigan mo napakaastig, promise!"~bulong sa kapatid.

Eh?

Oo! Sinutok yung manong na maniac na dapat manghaharass sa akin, ramdam ko na may nanghawak sa puwet ko pero akala guniguni ko lang yun palibhasa mga nakatayo kami at wala na kasing mauupuan. Pero luckily sinuntok nya yung manong, lipeng naman ay!

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!?.

Siguro nagaaral sya ng karate.

Umm, baka nga! Ate.)

Hmmm...good for him kasi naman binubuli sya sa school now no one dares to bully him. Good! Good! Good! For him.

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ang lakas ng loob ng baguhan na utusan si Suzaku.

Wow! Lakas ng loob!

Ahaha away na to.

(Mayroong nagbivideo ang iba naman ay binuksan ang kanilang Live stream channel para ipakita ang exciting scenes na iyon; mayroong nagpipicture naman nagseselfie habang nagkakagulo.)

Oiiiiiii! Sabi ko pulutin mo at linisin mo ang kinalat mo~nanlilisik ang mata parang lion na handang umatake at lumamon ng kaaway.

Gosh...ano to bakit para akong nangatog ang tuhod at nakaramdam ng malamig na hanggin. Sabi sa isip ni Suzaku.

Bulungan ni Inami at Suzaku...

Suzaku, ayos ka lang ba?

Kuwoski di mo nararamdaman?

Alin?

Panlalamig ng paligid at panganhatog pag tumitingin ka sa mata nya?

Eh?~tumingin ito sa mga mata ni Itaru at naramdaman rin nito ang naramdaman ni Suzaku... ("Gosh bakit nakakaramdam ako ng tense?"~sabi sa isip.) Bumulong ito kay Suzaku..."Oo nga!"

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

Look guys ahaha ngayon ko lang makitang matense si Kuwoski matapos matalo kay Chisuru. How exciting baby(sound: beybe)!

Naku riot na to!

Oiii, tatayo ka ba para linisin kalat mo? O itatayo kita?

Di na nakapagpigil si Suzaku; kasabay ng pagngingit-ngit ay ang suntok na ipinakawala nito "Di ka ba tatahimik?!"

Blinock ito ni Asumi para di masuntok si Itaru pero maige na laang at mabilis si Itaru at nablock ng kamay ni Itaru ang suntok ni Suzaku sabay talikod habang hawak ang kamay nito dahilan upang mabali ang kamay ni Suzaku isabay pa ang pag sipa nito kay Suzaku para mapaluhod at napalunhod nga ito.

Wow!

At ito ay nakuhanan ng ibang estudyante. May nakapagvideo ng scenes at ang iba ay live.

Tap! Tap! Tap!~tanda ng pagsuko.

Nang marinig ang Tap ay binitiwan na si Suzaku.

Makalipas ang ilang minuto...

Anong pangalan mo boy! Tanong ni Suzaku habang dumadaing sa sakit.

Si Asumi ang sumagot. "Saiteshii Itaru"

Namangha si Suzaku nang marinig ito. Matapos pakawalan ni Itaru si Suzaku ay di sinasadyang lumabas ang kwintas ni Itaru. Nang makita ito ni Suzaku ay natakot ito. Dahil ang nakalaban pala nya ay ang pinakamalakas na myembro, low-key at mysteriousong si Assassin Ace. Walang iba kundi si Saiteshii Itaru.

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Senior bakit ganyan reaction mo?

Lumapit ka rito Asumi ibubulong ko sa iyo...

Kahit takot ay lumapit ito at inilapit ang tenga.

Makinig ka totoy...kilala mo ang Saiteshii Yakuza Clan?

Umm...Idol ko sila lalo na yung tinatawag na Assassin Ace kaso di ko alam ang pangalan nya...pati itsura kasi nakamaskara sya sa kanyang pakikipaglaban.

Alam ko ang pangalan nya...

Ano?

Kilala mo rin sya. Lagi mo pa ngang nakakasama.

Ko?

Oo!

Naputol ang usapan nila nang biglang sumigaw si Itaru..."Oiiiiiii, senior Suzaku yung iimisin mo rine tama na ang kwentuhan...!"

Ummm...natetense nitong sagot...

Ah...eh ate peram pong walis at pandakot.

Ibabalik mo.

Opo!