KUMUHA ako ng pamunas, walis at dust pan para makapag-simulang maglinis.
Sabi ni Mama, sila nalang daw ang maglilinis sa baba at sa mga gagamitin naming kwarto namin. Ako nalang daw rito sa second floor ngunit ang wag ko raw linisin ay yung mga naka-lock.
Ginala ko ang tingin ko sa paligid.
Sobrang laki na habang nakatingin ako rito'y para bang nakakaramdam na ko ng pagod.
Napailing ako.
Ayos lang sana sa'kin kung yung second floor ng bahay namin ang lilinisin ko dahil hindi ito ganito kalaki.
Nagsimula akong walisin ang sahig, hanggang sa pagkaliko ko'y napatingin ako sa dulo. May nakita akong pintuan dito, kulay pula ito. Napatingin naman ako sa kabilang dulo nito. May nakita rin akong pintuan dito, kung anong kulay ng nasa kabilang dulo'y ganito rin ang kulay nito. Lumapit ako sa unang pintong nakita ko. Pagkalapit ko'y dahan-dahan ko itong binuksan. 'Pagkabukas ko'y madilim na kwarto ang tumabad sa'kin. Madilim ngunit hindi ito naging hadlang para hindi ko makita ang nasa loob nito. Isa itong...
" Library?"
Pumasok ako at binuksan ang ilaw, na malinaw kong nakita ang kabuuan.
Tama nga, library nga ito dahil lahat ng mga nakikita ko rito ay katulad lamang sa mga library na nakikita ko, mas malaki lamang ito.
Ginala ko ang tingin sa kabuuan nito.
Library na... madumi at maalikabok.
Agad na bumagsak ang magkabilang balikat ko.
" Grabe naman tong lilinisin ko."
Pagod na sabi ko. Lumapit ako sa nakita kong upuan na yari sa kahoy, dahil pakiramdam ko'y napagod ako ng makita ko ang lilinisin ko.
Masipag naman akong maglinis. 'Yon nga lang, kapag ganito ang lilinisin ko'y nagiging tamad ako.
Pinunasan ko ang upuan at umupo, ngunit sa pag-upo ko'y bumagsak ako sa sahig, habang nakaupo rito.
" Aray ko."
Nakangiwi kong sabi nang maramdaman ko sakit sa palaupuan ko.
Kung mahilig lang ako mag-mura, tangina. Kanina pa ko mura ng mura.
Tiningnan ko ang upuan na inupuan ko. Nasira ito lalo na ang tinuturing nitong mga paa. Umalis ako rito at tiningnan ito.
Dahil sa kalumaa'y nasira na ito,
Napahinto ang tingin ko sa napansin kong nakaukit sa gilid ng sandalan nito.
Musika at Liriko ang basa ko rito.
Hinawakan ko ito.
Musika at Liriko. Mga pangalan ba yun?. Kung pangalan iyon, ang ganda naman.
Tumayo ako't nagsimula nalang maglinis kahit di bukal sa kalooban ko. Sa pagpupunas ko ng mga libro, pagkahawak ko sa susunod kong pupunasan, napansin ko kaagad na ibang-iba ito sa mga librong napunasan ko. Manipis ito at balot na balot ang alikabok dito. Pinunasan ko ito. Habang pinupunasan ko ito'y kulay brown ang kulay nito. May kalumaan na rin ito, dahil na rin yata sa matagal na ito. Sa pag-alis ko ng alikabok, napansin kong may nakasulat sa harapan nito.
" Sayaw... para... sa'yo."
Basa ko sa pamagat nitong nakasulat sa harapan. Napahigpit ang hawak ko sa aklat na ikinatingin ko rito.
Sayaw para sa'yo... Bakit nagagandahan ako sa pamagat na'to?.
Binuklat ko ito na may nakita akong nakasulat. Ang malaking pamagat nito na...
" Sayaw para sa'yo..."
At sumunod na nakasulat ay...
" Tungo para sa'yo."
Na may katamtamang laki ang pagkakasulat.
" Sayaw para sa'yo, tungo para say---"
" Woh!. Ate Mau!"
At may naramdaman akong may humawak sa magkabilang balikat ko.
" Ay, jusko!"
Gulat kong sabi at tumingin sa nagpagulat sakin. Tawa ito ng tawa. Papaluin ko sana siya ng aklat ngunit di ko na ito naituloy dahil nag-peace sign siya kasabay ng paghinto niya sa pag-tawa.
Buwisit na batang to!.
" Nakakagulat ka naman!"
Natawa muli siya.
At talaga namang tumawa pa. Magaling na bata.
" Hindi ka pa ba tapos?"
Pagkatapos nitong tumawa.
" Tapos na ko Mae, kaya nga nagpupunas pa rin ako ng libro."
At ang kanina niyang ngiti, agad nawala. Sumama ang tingin niya sakin.
Tingin palang, alam ng inis na agad.
" Sasagutin mo lang ako ng oo o hindi, ang dami mo ng sinabi."
Inis nitong sabi sakin na ikinatawa ko.
" Kasi naman----'
" Ayaw ko ng marinig pa Ate Mau ang sasabihin mo."
Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Natawa ako.
Yan na naman siya sa gawain niya.
" Pero---"
" Ayaw ko ng marinig pa Ate Mau ang sasabihin mo."
Pagpuputol niya muli sa sasabihin ko na ikinatango ko nalang.
" Oo na, ayaw mo ng marinig."
Suko na naman ako.
Tumawa siya't tumingin sa paligid. Pagkatingin niya sa paligid, umukit sa mukha niya ang pagkamangha.
" Grabe Ate Mau, ang daming libro rito."
Habang nakatingin sa mga book shelf.
" Kasi Library ito."
Pagpapa-alala ko. Sumama ang tingin niya sakin.
" Hmn!'
At umirap na ikinatawa ko. Nagpatingin ako sa hawak kong manipis na libro. Inihiwalay ko ito sa mga napunasan ko ng libro.
Babasahin ko ito mamaya.
" Ate Mau oh."
Napatingin ako rito--- si Mae. Palapit na ito sakin habang may hawak na isang maliit na picture frame.
' Saan mo yan nakita?'
" Doon."
At tinuro ang isang study table na nasa gilid. Hindi pa ko nakakapaglinis doon. Tiningnan ko ang picture. Tatlong babae't isang lalaki ang naririto. Kung titingnan mabuti, mga dalaga pa 'yong dalawang babae habang 'yong isang babae't lalaki nama'y may katandaan na.
Parang... namumukhaan ko sila lalo na yung isang babae.
" Si Mama yung isa diba?"
At tinuro nito yung namumukhaan kong babae.
Oo nga, si Mama nga,
" Si Lola Miranda, Lolo Jose at si Mama."
- Mae habang isa-isang tinuturo ang nasa picture.
" Yung isa yata si Tita Marinela. "
Tumango ako.
" Oo yata."
Kasabay ng pagkuha rito at tiningnan mabuti ang mukha ni Tita Marinela.
Magkamukhang-magkamukha sila.
" Sayaw para sayo."
Napatingin ako sa kaniya. Hawak na nito ang kakapunas ko palang na manipis na aklat.
" Ang ganda ng title no?"
Na ikinatango niya at binuklat niya ito.
" Sayaw para sa'yo, tungo para sa'yo."
Basa niya sa unang pahina ng aklat. Nilipat niya muli ang isang pahina.
" Ika'y aking matatagpuan----"
" Mau, Mae!"
Napatingin kami ni Mae sa pintuan ng silid.
" Si Mama 'yon."
" Tinatawag tayo, Ate Mau."
At ibinigay niya sa'kin ang aklat na binabasa niya. Nagsimula na siyang humakbang palapit sa pinto.
" Tara na, Ate Mau."
At tuluyan na siyang umalis. Napatingin ako sa aklat na hawak ko.
" Ate Mau!"
Napatingin ako rito--- sa may pintuan ito.
" Ito na 'ko."
At lumapit sa kaniya't sinirado ang pinto.
UMUPO ako sa gilid ng kama ko habang pinupunasan ang basang buhok ko.
" Ate Mau."
- Mae, nasa may pintuan ito.
" Sasama ka?"
" Saan?"
" Sa palengke."
Umiling ako.
" Sige. Bye."
Napahiga ako't napahawak sa balikat ko.
Ang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa ko kahapon.
Bumangon ako't tumayo. Kinuha ko ang suklay na nasa study table. Nahagip ng tingin ko ang aklat na babasahin ko sana kahapon.
Hindi ko na nabasa dahil sa pagod ko.
Inilagay ko ang suklay sa ulo ko't kinuha ko ang aklat. Binuklat ko ito't binasa muli sa isipan ko ang mga nakasulat sa umpisa ng pahina. Inilipat ko ang pahina na may nakita ulit akong nakasulat at may naka-drawing.
" Ika'y aking matatagpuan, kung ito'y aking sasabayan."
Tiningnan ko ang naka-drawing sa baba ng binasa ko. Dalawang tao ito na magkaiba ng posisyon ang mga kamay. Isa, 'yong isang taong nakataas lamang ang kanang kamay at dalawa, 'yong isang taong nakataas ang dalawang kamay.
Napakunot-noo ako't tumingin muli sa nakasulat sa taas ng dalawang taong nakaguhit dito.
" Ika'y aking matatagpuan, kung ito'y aking sasabayan."
Linipat ko muli ang pahina na may nakita akong naka-drawing na mga tao't may iba't ibang mga posisyon ng mga paa at mga kamay, may nakita ulit akong nakasulat sa mga paanan nila. Tulad ng, tatlo, apat, lima. Linipat-lipat ko ang pahina hanggang sa pang-huling drawing na may nakasulat sa baba nito na dalawamput-lima. Hanggang dalawamput lima ito. Ibinalik ko muli sa unang pahina na may naka-drawing na dalawang tao.
Ibig bang sabihin nito, ang mga naka-drawing dito ay mga step para makabuo ng isang sayaw?.
Sinirado ko ang aklat at tumingin sa pamagat nito.
Kaya pala sayaw para sa'yo kasi may mga step dito para makabuo ng isang 'sayaw'. Pero, bakit may 'para sa'yo' pa?.
Napaisip ako.
Wag ko na ngang isipin. Baka, gusto lang ng nagsulat na may 'para sayo'.
Binuklat ko muli ang aklat at tiningnan mabuti ang mga step na nakalagay dito. Napangiti ako nang may maisip ako.
Masubukan nga itong gayahin.
Nagsuklay ako't nag-ayos. Pumunta ako sa di gaanong malaking kwarto na tanging kalendaryo lamang at orasan ang naririto.
Nakita ko ito kahapon ng maglinis ako.
Nasa first floor ito. Pumuwesto ako sa gitna at umupo. Tiningnan ko ang hawak kong aklat.
Hindi ako magaling sumayaw, marunong lang. Hindi naman masama kung sasayawin ko ito, kahit na hindi ako magaling sumayaw.
Mga ilang minuto, kabisado ko na ang dalawamput-lima na steps. Inilapag ko sa sahig ang aklat habang nakabukas ito. Tumayo ako, pumikit at dahan-dahan ko itong sinimulan.
Kapag ang aking kamay ay nagsimula ng gumalaw...
Sabi sa aklat kailangang nakapikit.
Ang kamay rin ng orasan ay magsisimula ng gumalaw.
Sabi sa aklat kailangan dahan-dahan lamang ang paggaya ng mga step na nakalagay rito.
Kapag ang aking paa ay nagsimula ng humakbang...
Para maramdaman ko raw ang mga step nito.
Ang paa rin ng panahon ay magsisimula ng humakbang.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko ng matapos akong sumayaw. Naramdaman ko ang sunod-sunod kong paghinga.
Nakakapagod rin palang sayawin ito.
Kukuhain ko na sana ang aklat na nasa sahig nang mapansin kong may blackboad sa harapan ko. Napakunot-noo ako.
May blackboard ba akong nakita nung pumasok ako rito?
Inalala ko kung meron ba talaga ngunit wala akong maalala. Pinilig ko nalang ang ulo ko. Pagkakuha ko ng aklat na nasa sahig. Napatingin ako sa sahig.
Kulay brown ba talaga ang kulay ng sahig?.
Inalala ko muli kung ano bang kulay ng sahig nung dumating ako.
Kulay puti ito alam ko.
Pinawala ko nalang sa isipan ko ang mga pagtataka ko.
Epekto yata ito ng pagsayaw ko.
Bumalik sa isipan ko sila Mae.
Baka nandidiyan na sina Mae, hanapin pa nila ako.
Lumapit ako sa pintuan at binuksan ko ito na ikinalaglag ng panga ko nang makita kong maraming tao ang dumadaan... daan... daan... sa harapan KO?!.
Sinirado ko kaagad ang pinto. Nakaramdam agad ako ng kaba.
A-a-anong nangyayari, bakit-bakit may mga tao sa labas?
Napailang kurap ako bakas sa mukha ko ang pagtataka.
Wala naman akong kasama sa bahay na to, bakit may nakikita akong tao sa labas?
Napabuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko.
Baka namamalikmata lang ako?
Tumango ako.
Tama, baka namamalik-mata lang ako.
Saglit akong natawa.
" Sa pagkakatanda ko naman, ako lang ang mag-isa rito dahil nasa palengke si Mae."
Pero nung binuksan ko muli ang pinto, sinirado ko ulit ito dahil may nakita talaga akong mga tao na dumaraan. Napasandal ako sa pinto. Pinagpapawisan na ako. Napapikit ako.
" Bakit may nakikita akong tao sa labas?"
Na para bang napapaiyak na ko.
Ano bang nangyayari?.
Binuksan ko muli ang pinto't sinirado. Ilang beses kong pinagbubukas-sarado ang pinto, na sa huli'y sinirado ko. Napahilamos ako sa pawisang mukha ko, gamit ang palad ko. Kinakabahan na ako.
Hindi nga ako namamalik-mata, may mga tao nga sa labas.
Napapaiyak na ko nang mapatingin ako sa blackboard na nasa harapan ko.
Bakit din ba may blackboard dito?. Sa pagkakaalam ko rin talaga, wala talaga ritong blackboard.
Napatingin ako sa sahig.
Bakit din ba nagbago ang kulay ng sahig, kung sa pagkakaalam ko'y kukay puti ito?
" Ah!!! Ano bang nangyayari?!."
Kasabay ng pagsambunot ko sa buhok ko. Binuksan ko ulit ang pinto ngunit sinirado ko muli ito dahil may napalingon sa'kin na isang babae.
May nakakita na sa'kin!. Anong gagawin ko?!
Ngunit agad bumakas sa mukha ko ang pagkalito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakita kong nakatingin siya sa'kin. Tiningnan ko ang suot niya.
Bakit... naka-uniform siya?
Tumingin ako sa mukha ng babaeng nakatingin sa'kin. Ngumiti siya na nakaramdam ako ng pagkailang kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya, ngunit saglit lamang iyon dahil tumingin muli ako sa kaniya at gumanti ako ng isang pilit na ngiti. Napatingin siya pababa na ikinawala ng ngiti niya. Nagtaka ako kung bakit naging seryoso ang mukha niya nung bumaba ang tingin niya sa'kin, kaya napatingin ako sa baba ko, na ikinalaglag ng panga ko't sinirado ang pinto.
Bakit nakapaa lang ako?!
Kaya pala naging seryoso ang mukha niya dahil nakita niyang nakapaa lang ako. Naku naman! Bakit nga ba nakapaa ako?!
Inalala ko kung bakit.
Oo nga pala. Nakalimutan kong magsuot ng tsinelas dahil sa kakamadali kong sayawin 'yong nasa aklat-- Pero, sandali nga lang. Bakit nga ba siya naka school uniform?.
Napatingin ako sa kawalan.
Bakit pakiramdam ko'y nasa school ako?.
Napasambunot muli ako sa buhok ko.
" 'Yung pumasok ako rito, ayos pa!. Pero, nung lalabas na ako. Tangina, nasaan na ko?!"
Sinandal ko ang noo ko sa pinto.
Napapamura na tuloy ako.
Napatingin ako sa orasan. 10:30am.
" 10:30 na."
Habang napapaiyak kong sabi. Nahagip ng tingin ko ang kalendaryo. Nakita ko ang month, January. Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kalendaryo ng mahagip ng tingin ko ang year nito, na ikinalaki ng mga mata ko. Napailang kurap ako't dahan-dahang lumapit kung 'saan nakasabit ang kalendaryo.
Sandali lang. Sa pagkakaalam ko'y pinalitan ko ito kahapon ng ngayong taon. Pero, ba-bakit... 1998 ito?.
Unti-unting lumaki ang mga mata ko.
1998?!.
Dahan-dahan akong lumapit dito habang nakatingin dito.
Bakit-bakit 1998 ito?
Bumalik agad sa isip ko ang blackboard, ang kulay ng sahig, ang mga taong dumaraan at ito.
Totoo ba to?. Totoo ba ang mga to?
Pumunta muli ako sa pinto't dahan-dahan ko itong binuksan. Nakita kong wala na ang babaeng nakita ko't hindi na gaanong maraming tao. Tiningnan ko ang mga suot nila. Naka-school uniform sila.
Nasa... school ba ako?. Pero, paano ako napunta rito? Anong ginawa ko para mapunta ako rito?. Bakit-bakit ako nasa school kung alam ko namang bago ako pumasok dito, nasa bahay ako nina Lola Miranda at Lolo Jose.
Napapikit ako.
Paano ako makakaka-uwi kung nasa school nga ako?
Tumingin ako sa suot ko. Naka-white shirt at jogging pants ako.
Nagpapasalamat ako dahil sumakto ang suot ko, kung nasa school talaga ako.
Napatingin ako sa paa ko.
Wala man lang akong tsinelas o sapatos. Bakit, kasi nakalimutan kong magsuot ng tsinelas?!.
Binuksan ko ang pinto na tamang-tama lang para makasilip ako. Hindi na gaanong maraming estudyante. Sinirado ko ulit ito at tumingin sa paligid.
Hindi naman pwedeng dito lang ako. Paano kung may pumasok dito?
Naalala ko kaagad ang aklat, hinanap ko ito na agad kong nakita sa sahig. Kinuha ko ito.
Nawala na ito sa isip ko. Kasi naman, ano ba kasing nangyari?
Napatingin ako sa blackboard. Lumapit ako rito nang may maisip ako. Itinago ko ang aklat sa likod nito.
" Diyan ka muna."
Habang nakatingin sa aklat.
" Pupuntahan ulit kita."
Binuksan ko muli ang pinto. Wala nang dumaraan. Lumabas ako kahit wala man lang akong sapatos o tsinelas. Nagpalinga-linga ako. Naglalakad-lakad lang ako habang palinga-linga ako, nang hindi ko napansing may makakabunggo ako. Napaupo ako.
" Aray."
Nang makaramdam ako ng sakit sa palaupuan ko.
Tang***, ang sakit.
" Pa-pasensya na."
Napatingin ako sa nagsalita.
Sa oras na ang ating mga mata'y magsisimula ng magtagpuan...
Na hindi ko inaasahang mapapatingin ako ng diretso sa mga mata niya.
Sa araw na ang ating mga puso'y magsisimula ng magmahalan.
--------------------------