CHAPTER FOUR

"GISING NA BA SI ATE?" tanong ni Vivianne kay Tashia na abala sa mga bisitang dumating sa lamay ng kanilang Lola.

 

Tiningnan lamang siya ng kanyang kapatid, at may tinitigan sa ibang direksyon patungo sa bahay na kung saan nagpapahinga ang kanilang kapatid na babae.

 

Malapit na mag – umaga, at kailangan niya ring magpahinga. Kailangan niyang umalis nang maaga dahil magtatrabaho rin siya ngayon.

 

"Maiiwan kita rito Tashia, alam mo namang maaga akong aalis ngayon, dahil may trabaho pa ako mamaya – maya." Paalala ni Vivianne sa kanyang kapatid na nakaupo na noon, dahil nagsisialisan na rin ang kanilang bisita.

 

"Hindi mo ba kukunin ang bibigay ni ate sa iyo?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Pagkatapos ng libing syempre, kukunin ko, kailangan ko ng pera." Sagot naman niya noon.

 

Hindi na ito nagtanong sa kanya at nakatitig na naman sa kabaong at larawan ng kanilang lola.

 

"Hindi man tayo lumaki at nakasama si ate Sharlene, sana rin respetuhin din natin siya." Napabuntong – hininga na lamang ito sa kanya.

 

"Pinapangaralan mo ba ako, ngayon, Tashia?" tanong naman niya na nakapamewang.

 

"Hindi, siya lang ang iniwan ni Mom kay Dad, tapos, mababalitaang iniwan din siya ng Dad?" sabi naman nito sa kanya.

 

"Dahil ampon siya, Tashia, ampon, sumunod lang ako bilang pagrespeto rin ni Lola." Mataman niyang tinitigan ang kanyang kapatid.

 

Hindi ito kumibo, nagkibit- balikat lang ito sa naririnig sa kanya.

 

"Huwag mo ring kalimutan, dahil sa kanya, nakatapos ka sa pag – aaral." Sabi pa nito sa kanya.

 

"Excuse me?" uminit bigla ang ulo niya sa sinabi ni Tashia sa kanya. "Oo, dahil responsibilidad niyang paaralin tayo bilang kapatid, saka, hindi naman niya pera ang ginagamit niya sa pagpapa – aral natin, dahil iyon sa naging asawa niya."

 

Mas lalo itong napabuntong – hininga sa pinagsasabi niya. Diretso ang lakad nito. "Magpahinga ka na." iyon lang ang kanyang narinig.

 

Tiningnan niya ang papalayong si Tashia, inihatid niya ito ng kanyang tingin na pumasok sa bahay para paalalahanan ang kapatid niyang si Sharlene.

 

Maghahanda na siya para makaalis na, alam niyang naka – leave si Sharlene ngayon, hindi niya sasayangin ang pagkakataong mag – leave sa trabaho niya.

 

Papalabas na siya ng gate nang may makasalubong siya.

 

"Vivianne." Tawag nito sa kanya.

 

Agad niyang nilingon kung sinong tumawag sa kanya, bigla nangunot ang noo niya.

 

"Shiela." Pagkilala niya sa taong tumawag sa kanya.

 

Ngumiti ito sa kanya, siya naman, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, kasunod nito ang asawa ni Sharlene, si Martin.

 

"Napaaga kayo?" tanong naman niya na hinagod ng tingin ang dalawa.

 

"Ah, napadaan lang kami."

 

"Napadaan?" tanong niya sa dalawa.

 

"Ah," nagkatinginan naman ang dalawa "I mean, nagkasabay pala kami dito, para makumusta si Sharlene. Condolence sa pamilyang Rosario."

 

Hindi siya sumagot noon, sinasabi sa isipan niyang may kakaiba sa dalawang taong nakikita niya ngayon. Tumango na lamang siya.

 

"Mauna na ako." Agad niyang paalam sa dalawa.

 

Tumango naman ito at siya naman ay paalis na rin. Bigla siyang kinulit ng kanyang kyuryusidad, kaya'y lihim siyang lumingon, at nakita pa niyang nag – h- holding hands ang dalawa. Bumitaw lang ito noong nakapasok na ito sa gate.

 

Napataas na lamang ang kanyang kilay.

 

Hindi ako dapat mangialam sa buhay – mag – asawa, total hindi ko namang totoong kapatid ang Sharlene na iyon. Napasabi na lamang niya at naglalakad na papalayo sa malaking bahay.

 

Nakauwi na siya nang matiwasay sa kanyang inaabangang bahay, matagal pa ang shift ng trabaho niya, kaya humiga siya para makapagpahinga man lamang.

 

Nakatapos ka ng pag – aaral dahil sa kanya. Kapag naalala niya ang mga katagang iyon, mas lalong siyang nagagalit.

 

Alam ko iyon, hindi mo dapat sabihin sa akin, Tashia. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, hindi na naman siya makatulog.

 

Nang dahil kay Sharlene, nakatapos siya ng pag – aaral, simula nang nagkawatak – watak ang pamilya nila'y nagsimula rin ang dagok na nararanasan nila sa pang – araw – araw na buhay. Sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina, nagpakalayo – layo at kinalimutan silang dalawa ni Tashia.

 

Kaya naman, lumapit siya noon kay Sharlene, hindi niya malilimutang nag – aaral pa lamang ng kolehiyo ito sa tahanan ito ng kanilang lola na tinutuluyan.

 

Nanghihingi siya ng pera kay Sharlene, dahil nahihiya silang magpakita sa kanyang lola, naiinggit siya nito, kung hindi lang siya sumama sa kanyang ina, matatamasa niya ang magandang buhay na tinatamasa ni Sharlene. Kaya naman, palagi siyang humingi ng pera nito, para mabuhay siya at mabuhay rin niya si Tashia.

 

Nahihiya siya sa kanyang lola na humingi ng tulong, dahil buong akala niya'y magiging masaya siya na makapiling niya ang kanyang ina, na tama ang desisyon niya na sumama sa pinagkakatiwalaan niya noon.

 

Napabuntong – hininga na lamang siya kapag naiisip niya at binabalikan niya ang kanilang nakaraan. Para mabuhay, hinuhothutan niya ng pera si Sharlene, sa bawat may kahilingan ito, kagaya ng pagbabantay niya sa lola niya sa ospital ay may bayad ang lahat ng serbisyo na binibigay niya rito.

 

Vivianne, matulog ka na, kailangan mo ng magsikap ngayon, para ituwid ang guilt mo, hindi ba? Napatawa na lamang niyang tanong sa kanyang isipan.

 

Nagsisikap siyang maging maayos ang buhay niya, nagsisikap siyang maging isang taong napapakinabangan din.

 

Napagod na ang kanyang isipan, bigla siyang nanaginip, nakita niya ang kanyang lola na naglalakad sa kadiliman, mapanglaw ang mga mata noon, tatawagin na sana niya ito nang bigla na lang nakagapos ang dalawang kamay nito na hindi niya nakikita.

 

Hindi lang ang lola ang nakita niya, kundi, dalawang tao, babae at lalaki na tinalian din ng hindi nakikita sa kanyang mata noon.

 

May isang babae na nakaupo, tinitingnan ang bihag, ang lola niya, at ang dalawang tao, hindi niya maaninag ang mukha nito.

 

Ang nakita niya lang ang isang mapaglarong ngiti.

 

Kompleto na pala kayo. Rinig niyang sabi ng babaeng nakaupo noon. Nakasoot ito ng isang damit na kulay itim parang nakapangluksa ito.

 

Brace yourselves, we will play your Karma, soon. Napatawa pa ito.

 

Nagising siya bigla.

 

Hindi niya alam kung ano ba ang nais iparating ng kanyang panaginip. Nalilito si Vivianne, marami siyang katanungan.

 

Hindi, imahinasyon mo lang iyon, Vivianne, tahimik na si Lola Felicia, hindi ka dapat mag – isip nang ganoon.  Pinilig pa niya ang kanyang ulo para mawala ang masamang nararamdaman niya ngayon.

 

Apo, tulong. May bumulong sa kanya.

 

Natulala siya dahil sa narinig niya, kaya napalingon siya, walang tao sa bahay niya, dahil siya lang naman ang mag – isang nakatira noon.

 

Tulong, tulong, Vivianne, wala ng oras. Narinig na naman niya ang boses na humalo sa hangin.

 

Nagkaroon siya ng goosebump sa buong katawan niya, hindi niya maintindihan ang lahat. Namatay ang kanyang lola, dahil matagal din itong naging comatose at sumuko na rin ang katawan nito.

 

Minumulto ba ako? May anomalya bang nangyari na hindi ko alam? Sunod – sunod niyang tanong sa kanyang sarili noon.

 

Lola. Banggit na lamang sa kanyang isipan noon na nagkaroon ng takot at pag – aalala sa matanda na kababago lang namatay.